florante - Komisyon sa Wikang Filipino

The National Library of the Philippines CIP Data. Recommended entry: Cruz, Hermenegildo. Kung sino ang kumatha ng “Florante” : kasaysayan ng buhay ni ...

36 downloads 851 Views 801KB Size
KUNG SINO ANG KUMATHA NG

“FLORANTE” KASAYSAYAN NG BUHAY NI

FRANCISCO BALTAZAR AT PAG-UULAT NG KANIYANG KARUNUNGA’T KADAKILAAN SINULAT NI

HERMENEGILDO CRUZ

IKALAWANG PAGKALIMBAG

NCCA

Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining

AKLAT NG B AYAN METRO MANILA 2013

KWF

Komisyon sa Wikang Filipino

Kung Sino ang Kumatha ng “Florante” Kasaysayan ng Buhay ni Francisco Baltazar at Pag-uulat ng Kaniyang Karununga’t Kadakilaan Karapatang-sipi © 2013 ng Komisyon sa Wikang Filipino RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala. Disenyo ng Aklat at Pabalat: Angeli Marie G. Narvaez

The National Library of the Philippines CIP Data Recommended entry:

Cruz, Hermenegildo Kung sino ang kumatha ng “Florante” : kasaysayan ng buhay ni Francisco Baltazar at paguulat ng kaniyang karununga’t kadakilaan / sinulat ni Hermenegildo Cruz … ikalawang pagkalimbag .-- Metro Manila : Komisyon sa Wikang Filipino, c2013. p. ; cm. Reprint. Originally published : Manila : Libreria Manila Filatelico, 1906. ISBN 978-971-0197-27-9 1. Baltazar, Francisco (Balagtas), 1788-1862 -- Criticism and interpretation 2. Baltazar, Francisco (Balagtas). Florante at Laura -- History and criticism.

PL6058.9B3.F5

899.2111009

2014

P320130761

Inilathala ng KOMISYON SA WIKANG FILIPINO 2F Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel St., San Miguel, Maynila Tel 02-733-7260 • 02-736-2525 Email: [email protected] • Website: www.kwf.gov.ph sa tulong ng grant mula sa PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING (NCCA) 633 General Luna Street, Intramuros, 1002 Manila Tel. 527-2192 to 97 · Fax 527-2191 to 94 Email: [email protected] · Website: www.ncca.gov.ph The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) is the overall coordination and policymaking government body that systematizes and streamlines national efforts in promoting culture and the arts. The NCCA promotes cultural and artistic development: conserves and promotes the nation’s historical and cultural heritages; ensures the widest dissemination of artistic and cultural products among the greatest number across the country; preserves and integrates traditional culture and its various expressions as a dynamic part of the national cultural mainstream; and ensures that standards of excellence are pursued in programs and activities. The NCCA administers the National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA).

KUNG SINO ANG KUMATHA KAY BALAGTAS ni Virgilio S. Almario

S

A NGAYON, NAKAMIHASNAN na nating ipagdiwang ang Abril 2 bilang kaarawan ni Balagtas. Naniniwala din táyong ang unang limbag ng Florante at Laura ay lumabas noong 1838. May itinanghal nang dula sa CCP na sumusunod sa haka na sinulat ni Balagtas ang Florante at Laura sa bilangguan at bunga ng nabigong pagsinta kay Maria Asuncion Rivera. Ang totoo, lahat ng impormasyong ginagamit ngayon hinggil kay Francisco Balagtas Baltazar ay nagmula sa saliksik na Kun Sino ang Kumatha ng “Florante” na sinulat ni Hermenegildo Cruz at nalathala noong 1906. Sa wika ng postmodernong kritisismo, “kinatha” para sa atin ni H.Cruz si Balagtas. Bago at pagkatapos ng kaniyang aklat ay wala nang maituturing na sanggunian hinggil sa talambuhay at mga sinulat ni Balagtas. Wala pang lumilitaw hanggang ngayon na saliksik upang salungatin o usigin ang katotohanan ng kahit isa sa kaniyang mga datos hinggil sa Sisne ng Panginay. Ang totoo, halos nagkaroon ito ng lehitimasyon nang gamitin ang kaniyang siniping taludturan mulang Orosman at Zafira upang mapatunayang kay Balagtas nga ang nahalungkat na iskrip ng naturang komedya sa koleksiyong Julian Cruz Balmaseda ng Pambansang Aklatan. Ito ang pangunahing dahilan upang mapisil ang aklat ni H. Cruz na isa sa muling-lathala sa seryeng Aklat ng Bayan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Malaki ang paniwala ng KWF na patuloy na pakikinabangan ng mga nais magsaliksik pa ang mga nalikom na impormasyon ni H. Cruz gayundin ang kaniyang nakolektang iba pang tula ni Balagtas. Sa aklat lamang na ito matatagpuan ang sayneteng La india elegante y el negrito amante gayundin ang ilang halimbawa ng maikling tula ni Balagtas.

♦ KUN SINO ANG KUMATHÂ NG͂ “FLORANTE” ♦

Ang saynete ay malimit nang itanghal at lumabas na sa ilang aklat sa dula. Ngunit ang mga maikling tula ay hindi pa gaanong napagtutuunan ng pagaaral. Maliban marahil sa aking sariling maiikling puna hinggil sa naturang mga tula at sa paglilimbag ng “Labindalawang Sugat ng Puso” sa ilang antolohiya ay wala pang dibdibang pagsusuri sa halaga ng mga ito sa pagtula noong siglo 19. Malaki ang aking palagay na higit pang titingkad ang katangian ni Balagtas bilang primera klaseng makata ng kaniyang panahon kapag sinuri ang maiikling tulang nalikom ni H. Cruz. Sa kabilang dako, dapat basáhin nang maingat ang iba pang bahagi ng aklat. Halimbawa, isang malaking eskandalo ngayon ang paglilimbag niya ng isang tulang may pamagat na “Sa Aking Mga Kabata” at pagsasabing sinulat ito ni Rizal noong ito ay isang musmos. Naging napakapopular ang tula ngunit hindi napagmuni ng madla na imposibleng sinulat ito ni Rizal. Maging maingat din sa kaniyang mga komentaryo bilang manunuring pampanitikan. Halimbawa, ang tila mapanlibak niyang turing sa ibang kapanahon ni Balagtas sa talatang ito: Kung gayon, anong mga tula ang mahihintay natin sa mga manunulang Tagalog ng mga kapanahunan ni Baltazar, niyaong mga ugalli, pangungusap, pagninilay at sampung katutubong hilig ng lupang bayang nagbubuhay sa likás na simoy at kalagayan ng lupang kinatitirhan niya, ay kasalukuyang ininis ng ugali, pangungusap, pagninilay at hilig ng ibang bayan, na ang agwat niya sa atin ay katulad ng araw at gabi? Ano ang maiaanak ng isip ng isang bayan pawang hango lamang sa mga kasaysayang lumaganap noon, at ng mga tulang nauukol sa kabanalan, na siyang masasabing pinakadakilang layon ng wika natin ng mga tinalikdang panahon? Bagaman alam nating ang layunin ni H. Cruz ay itanghal ang kadakilaan ng pag-iisip ni Balagtas, lubhang naging mababà naman ang pagtingin niya sa panahon at kapanahon ni Balagtas. Sa kabila ng lahat, higit na dapat isaalang-alang ang ibinuhos na tiyaga at panahon ni H. Cruz upang magpasimuno sa pagsasaliksik hinggil

♦ KUNG SINO ANG KUMATHA KAY BALAGTAS ♦

kay Balagtas.Mabuti sapagkat inabutan pa niya ang mga kamag-anak bilang mga informant at nabubuhay pa sa kanilang alaala ang larawan ni Balagtas. Mabuti at nakatagpo pa siyá ng mga kasulatan upang pagbatayan ng datos hinggil sa búhay ng makata. Kung bahagya pang nahulí ang kaniyang inisyatiba ay bakâ wala na táyong mababása pa ngayon. Higit pa natin siyáng hahangaan kapag inisip na isiningit lamang ni H. Cruz ang saliksik kay Balagtas sa kaniyang totoong trabaho bilang unyonista. Sinasabing nag-aral siyá sa ilalim at patnubay ni Isabelo de los Reyes at naging ikalawang pangulo ng Union Obrero Democratica de Filipinas. Noong 1918 naging laybraryan siyá sa Philippine Assembly at sa taon ding iyon ay nahirang na Assistant Director of Labor hanggang maging Director of Labor noong 1924. Hinggil sa bagong edisyong ito, sinikap ng KWF na huwag galawin ang teksto ng orihinal ni H. Cruz upang matunghayan ng mga mambabasá ngayon ang binása ng madla noon. Ilang buwang pinagtiyagaang kopyahin ni G. Jose Evie Duclay ang orihinal ni H. Cruz at masinsinang binása ang kopya upang makatiyak ng katapatan sa nalathala noong 1906.

Ferndale Homes 21 Oktubre 2013

KUN SINO ANG KUMATHÂ NG͂

KASAYSAYAN NG͂ BÚHAY NI

FRANCISCO BALTAZAR AT PAG-UULAT NANG KANYANG KARUNUNG͂ A’T KADAKILAAN SINULAT NI

HERMENEGILDO CRUZ

UNANG PAGKA-LIMBAG

MAYNILÀ

L I B R E R Í A “ M A N I L À F I L AT É L I C O ” Daang Soler, bil. 453, Santa Cruz 1906

ANG KUMATHÂ NG͂ “FLORANTE”

Ipinanganak sa Bigaa nang ika 2 nang Abril nang 1788 Namatay sa Udyong nang ika 20 ng Febrero nang 1862

A N G A K L AT N A I T O ’ Y A R I N G T U N AY N A N G S U M U L AT LAHAT NANG AKLAT AY MAGTATAGLAY NANG ISANG TATÁK

Isinasamò sa kahit sinong ibig gumamit ng͂ mg͂ a tulâ ni Francisco Baltazar na nalalangkáp sa aklat na itó (tang͂ ì lamang ang Florante) ay mangyaring ibigay sa mg͂ a anák ng͂ kumathâ ang kaunting halagáng nararapat nilang tamuhín sa minana sa kanilang nasirang amá. Ng͂ uni’t, ang gayo’y dî na kinakailang͂ an, kung hindî gagamitin sa ikakikita ng͂ salapi, ang tinurang mg͂ a tulâ. Ipinagbabawal ang pagpapalimbág. Ipinagbabawal din namán ang magsalin ng͂ mg͂ a larawan (cliché) ng͂ aklat na itó. Ipinagbibilí ang aklat na itó sa lahat ng͂ aklatan (librería) dito sa Maynilà at sa mg͂ a lalawigan. P akyawan : sa bahay ng͂ sumulat, daang Pavia, bil. 108, looban bil. 110, Tundó, Maynilà, S. P.

TUNTUNIN Sa nánasa Pasimula I.—Kasaysayan ng búhay ni Francisco Baltazar Kasulatan nang pagkakábinyág sa kanyá Kasulatan nang kanyáng pagkakápag-asawa Kasulatan nang pagkakápag-libíng sa kanyá Tulâ ng͂ isá niyáng anák na lalake Kasaysayan tungkol sa isá niyang kamag-ának na mánunulâ, at ang tulâ nitó II.—Ang “Florante at Laura” at ang mga kasulatang nagpápaunlák sa awit na itó “Pinagdaanang búhay ni Florante at ni Laura sa kahariang Albania” Kay selia Sa babasa nitó Puno nang salita Isang balak ni Rizal tungkol sa “Florante” Si Rizal at ang “Florante” Si W. Retana at ang “Florante” Ang “Noli me tangere” at ang “Florante” Si Fr. Toribio Minguella at ang “Florante” Si Glauco, ang sariling literatura at ang “Florante” Si McYoar at ang “Florante” Si Pardo de Tavera at ang “Florante” Ang pamahayagang Katwiran at ang “Florante” Ang pagkakásalin sa wikang kapangpang͂ an nang tinurang awit Si Dr. Bejuco at si Baltazar Tulâ ni Emiliano Manguiat tungkol kay Baltazar Ang aklat na “Ang baybayin ng tagá Filipinas” at ang mg͂ a tulâ ni Baltazar Ang “Logia Balagtás,” —“Teatro Florante,”—“Companía de Zarzuela Tagala Balagtás,”—“Instituto Balagtás” Ang mg͂ a dulang “Pañgakong hindi natupad” at “San Lázaro,” at ang mga tulâ ni Baltazar

tudling

1-

4 5 5 8 26 30 33- 36 36- 37 39

43 44- 49 50 51- 102 102- 103 103 104 104- 106 106- 107 108- 111 112- 115 115- 116 116- 120 120 120- 121 121- 123 123 124 125

Isang bustong pagkít ni Baltazar, at ang daang BALAGTÁS sa Bigaâ Ang dulang “Si Celia at si Kiko” Ang unang pagtatanghal sa kumathâ ng “Florante” Ang Wikang Tagalog ay dapat turing͂ ang “Wika ni Baltazar” III.—Mga tula ni Francisco Baltazar na hindi pa inalilimbag Balità tungkol sa ilang kathâ niyá Isang tulâ niyang kapilas ng “Florante” ó “Ang labingdala wang sugat ng puso” Ilang tulâ nang kathâ niyang “Orosman at Zafira” Ilang tulâ nang kathâ niyáng “Bayaceto y Dorlisca” Ilang tulâ nang kathâ niyang “Nudo Gordeano” Isang kundiman ni Baltazar: “¡Sa kinakasi niyaring búhay!” Dalawang tulâ nang isá pang kundiman niyá Tulâ niyá sa isang binibining ikákasal “¡Paalam na sa iyó…!” “¿Anó ang pag-aasawa?” Tulâ ni Baltazar úkol kay San Miguel Pagpupuri kay Isabel II Balità tungkol sa ilán pang tulâ ni Baltazar Ang kanyang sayneteng “La India Elegante y el Negrito Amante” IV.—Ang pagka-manunula ni Francisco Baltazar Ang pinagmulán ng͂ pagka-bantóg ni Zorilla at ni Baltazar Ang paraluman ni Petrarca at ang paraluman ng ating mánunulâ Isang tulang wikang tagalog ni Rizal na hindî pa inalilimbag Tulâ ni Lope K. Santos Tulâ ni Patricio Mariano Tulâ ni Valeriano Hernández Peña Ang sariling literatura KAPUPUNÁN Patalastás, tungkol sa mg͂ a larawan ng͂ aklat na itó Ang larawan ni Baltazar, Ang Puno nang mangá, Ang Landás na patuñgo sa Puno nang mangá, Ang “Ilog Kahilom,”at Ang “Ilog-Beata” Mg͂ a natangap kong súlat tungkol sa aklat na itó Talâ ng͂ mg͂ a malî

tudling

125 125- 126 126 126- 127 129 129- 133 133- 135 136- 139 139- 147 147- 148 148- 149 150 150- 152 153 154 154- 155 156- 157 157- 158 161- 175 177 181- 183 185- 186 187- 188 188- 190 191- 192 192- 194 194- 205 207 207 207- 209 210- 219 220