Ilang paalaala at mga dapat tandaan sa pagsagot ng

ay nagbigay ng malaking kontribusyon sa kultura ng mga ... ang mga manggagawa dahil sa kanilang mga ... pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipina...

63 downloads 656 Views 953KB Size
Ilang paalaala at mga dapat tandaan sa pagsagot ng Filipino CUA T. P. 2017-2018

1. Panuto Basahin at unawain nang mabuti ang bawat panuto. Ang hindi pagsunod sa panuto ay mangangahulugan din ng maling sagot.

2. Pagsulat 1. Isulat nang maayos at malinaw ang mga salitang gagamitin. 2. Isulat ang mga sagot sa paraang Palmer 3. Laging punahin ang kawastuhan ng baybay ng mga salita para maunawaan ng guro ang inyong kasagutan. 4. Punahin din ang wastong gamit ng malaking titik at mga bantas

3. Pagpapahayag 1. 2. 3. 4.

Buuin ang mga ideyang naisip sa inyong isipan. Isipin nang mabuti ang mga salitang gagamitin bago ito isulat. Tiyaking magkakaugnay ang inyong mga pangungusap. Huwag kalimutang magbigay ng halimbawa para ganap na mailahad ang puntong nais bigyang-pansin.

4. TANDAAN Hindi haharapin ng mga guro ang mga katanungang may kinalaman sa pagsasalin (translation) ng salita o ideya

Pagbabalik-aral Filipino CUA T. P. 2017-2018

Pagbibigay ng angkop na reaksyon Kung tayo ay magbibigay o susulat ng reaksyon, huwag nating kalimutan na bigyan ng ideya ang ating mga mambabasa kung tungkol saan ang paksang ating tatalakayin. Ano ang inyong opinyon o palagay at nararamdaman tungkol sa paksang tinatalakay gayundin ay magbigay ng angkop na

halimbawa na susuporta sa inyong kasagutan.

Pagsasanay

Teksto 1: Basahin at unawain. Ang Kulturang Pilipino ay pinaghalong mga impluwensiya ng mga katutubong

tradisyon at kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop sa bansa ay nauna munang makarating dito ang mga mangangalakal mula sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon. Naimpluwesyahan

na rin ng Hinduismo a Budismo ang mga katutubong mga paniniwala ng mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Isang magandang halimbawa nito ay ang karma na magpasahanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng

mga Pilipino, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.

Ang pagdating naman ng mga mananakop na Kastila at pananatili nila sa bansa nang mahigit tatlundaang taon ay nagbigay ng malaking kontribusyon sa kultura ng mga Pilipino, gaya na lamang ng wikang Filipino na maraming hiniram na salita mula sa wikang Kastila, ang relihiyong Kristyanismo, at

marami pang iba. Bukod sa mga Kastila ay dumating din sa bansa ang mga mananakop na Amerikano at Hapon. Ang kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao na naninirahan sa isang lipunan na nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining https://itsmorefuninpampanga.wordpress.com/2016/08/13/kultura/

Teksto 2: Basahin at unawain. Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaong napakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipino sa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong pambansang pagdiriwang. Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga opisina at paaralan ang mga pambasang pagdiriwang.

Bagong Taon Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang sinasalubong ito bago maghatinggabi ng Disyembre 31. Masayang sama-samang kumakain at nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng maganak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong family reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod ng pamilya.

Araw ng Rebolusyong EDSA Makaysaysayan ang araw na ito. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero. Ang araw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang nagtungo ang libu-libong mga Pilipino sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo at Camp Crame. Sinuportahan ito ng mga mamamayan. Tinawag itong Rebolusyong EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong People's Power Revolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng Pebrero.

Araw ng Kagitingan Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang nagpapagunita hinggil sa mga matatapang na sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang tawag sa bantayog na ito. Ginugunita ng bansa ang Araw ng Kagitingan tuwing sasapit ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang pakakaisa laban sa mga dayuhan.

Araw ng Mangagawa Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mga manggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa pagtugon sa ating mga pangangailangan. Tumutulong sila upang tayo'y may pagkain araw-araw, maayos na tirahan, iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.

Araw ng Mangagawa Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mga manggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa pagtugon sa ating mga pangangailangan. Tumutulong sila upang tayo'y may pagkain araw-araw, maayos

na tirahan, iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.

Araw ng Kalayaan Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan mula sa España. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa bantayog ni Rizal. Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani. Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park. Marami pang inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang na ito. Sama-sama ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito.

Araw ng mga Bayani Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang mga Pilipino ng mga bulaklak para sa kanila. May mga palatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw na ito ang mga nagawa ng mga bayani para sa kalayaan at kapakanan ng bansa. http://www.seasite.niu.edu/tagalog/modules_in_tagalog/mga_pagdiriwang_sa_pilipinas.htm

1. Tungkol saan ang mga tekstong binasa? 2. Ano ang iyong masasabi tungkol dito? 3. Ano ang iyong naramdaman tungkol sa paksang tinalakay? 4. Alin sa mga teksto ang iyong nagustuhan? Bakit? Maging espisipiko sa mga salitang gagamitin para maging malinaw ang mensaheng nais sabihin.

Kultura at Tradisyong Pilipino

Pagsasanay

Ilang halimbawa ng Tradisyon/Kaugaliang Pilipino

1. Bayanihan Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o

saanman kailanganin ng tulong. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga lipunan sa Europa at Amerika.

2. Pagmamano

Ang pagmamano ay isang kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa mga nakatatanda. Tinutukoy ito sa pamamagitan ng pagkuha sa sa kamay ng nakatatanda at paglipat nito sa noo kasabay ang pagsabi ng, "mano po." Kadalasan itong ginagawa bilang pagbati o bago umalis. Maagang itong itinuturo sa mga bata bilang tanda ng paggalang.

Ilang halimbawa ng Tradisyon/Kaugaliang Pilipino 3. Harana Ang harana ay isang awit o tugtugin na isinasagawa sa gabi mula sa labas ng tahanan ng taong pinararangalan o nililigawan. Karaniwan itong ginagampanan ng isang lalaking manliligaw sa may ibaba ng bintana ng bahay ng kanyang babaeng nililigawan. Iniaalay niya ang tugtugin at awit para sa kaniyang sinisinta. Madalas ding sinasaliwan ng tugtugin mula sa isang gitara ng kumakantang tinig ng lalaking mangingibig.

4. Pamamanhikan Isang tradisyon na isasagawa kapag ang babae at lalaki ay nagkasundong magpakasal ang pamamanhikan.

Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae mula sa magulang nito habang kaharap ang sarili niyang mga magulang. Kadalasang may malaking salu-salo sa hapag ang magaganap na pamamanhikan.

Ilang halimbawa ng Tradisyon/Kaugaliang Pilipino 5. Matinding Pagkakabuklud-buklod ng mga Mag-anak Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-

anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala.

6. Pananampalataya sa Panginoon Isang magandang kaugalian ng mga Pilipino ang pagtitiwala sa Panginoon. Karamihan sa kanilang mga mag-anak ay matapat sa pananampalataya. Naniniwala silang may isang Panginoong pumapatnubay sa lahat ng kanilang gawain. Batid din nilang tumutulong Siya sa mga taong tumutulong sa kanilang sarili. http://asulpuladilaw.blogspot.com/2013/09/kulturang-pilipino.html

Magbigay pa ng ibang halimbawa ng tradisyong Pilipino at ilahad ang iyong mga nalalaman

tungkol dito.

1. Paano nasasabing nauunawaan mo ang tekstong iyong binabasa? 2. Paano mo masasabing nauunawaan ng ibang tao ang iyong mga isinusulat?