Makabagong Sistema sa Pagsulat - depedbataan.com

Ang wika ay patuloy na umuunlad kasabay ng panahon.Sumibol ang makabagong ... ang mga mag-aaral sa larangan ng pagsulat at pagbabaybay sa wikang Filip...

48 downloads 493 Views 698KB Size
Publications

`

MAKABAGONG SISTEMA SA PAGSULAT ni Angelo P. Valencia Ang wika ay patuloy na umuunlad kasabay ng panahon.Sumibol ang makabagong teknolohiya. Naging pantulong ang mga makabagong cellphone at computer sa paghahatid ng mabilis na mensahe o pakikipagkomunikasyon. Pinaiiksi ang mga salita upang maraming kaisipan o mensahe ang maipadala sa tagatanggap nito. Texting ang tawag sa makabagong proseso ng pagpapadala ng mensahe. Sinasaklaw nito ang pamamahayag ng saloobin at emosyon ng isang tao. Maituturing itong isa sa pinakamagandang gamit sa pagpapalitan ng mga opinyon ng tao. Ang mga mag-aaral sa panahon natin ngayon ay tinawag na “jejemon” sa kadahilanang naiba at binago nila ang paraan ng pagsulat at paggamit ng gramatika. Sa una ay nakatutuwa ang ganitong sistema pero sa pagtagal ng panahon ay marami na itong naidulot na hindi maganda sa ispeling at pagsulat. Binatikos ito ng mga kaguruan at ng Department of Education sa kadahilanang humina ang mga mag-aaral sa larangan ng pagsulat at pagbabaybay sa wikang Filipino at Ingles. Hanggang sa kasalukuyan, hirap na hirap ang mga mag-aaral sa pagsulat ng tama gamit ang gramatika sa wikang Filipino at Ingles. Nagresulta ito ng paghina ng memorya ng mga mahihilig sa texting na mga mag-aaral. Nararapat na magsaliksik at mag-aral pa ang mga guro upang masugpo ang problemang dulot ng texting. Maaring kapakipakinabang ang texting sa ating lahat pero bilang guro sa wika nararapat din humanap ng mga paraan upang mabawasan at tuluyang masugpo ang problema sa larangan ng pagsulat. Naging malikhain tayo sa paggamit ng wika subalit igalang at gamitin natin ito sa tamang paraan. Natuwa tayo sa paggamit ng texting at ngayon ay hinaharap natin ang masamang epekto nito sa ating mga mag-aaral. Reference: http://www.gmanetwork.com/news/story/191604/news/ulatfilipino/jejemonmentality-di-puwede-sa-eskuwelahan-deped

10 February 2017