MEDIA INTERVIEW WITH PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE

7 Ago 2017 ... Hail Mary, full of Grace. Ako, anong ibinigay nilang dasal sa akin, yung mga pari pati itong mga…? Oh bakit naghinto sila? Sabihin ko s...

27 downloads 633 Views 157KB Size
MEDIA INTERVIEW WITH PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE FOLLOWING THE COURTESY CALL OF US SECRETARY OF STATE REX TILLERSON Malacañan Palace | 07 August 2017 PRESIDENT DUTERTE: Well, hindi, kawawa kayo… Kaibigan ko si Pia o. Kukuha ra ba ng picture sa akin tapos ipa-blow up niya. Bantay kayo sa akin. Yes, it has been a long time and I think it would be appropriate today to answer questions from the media. Marami kasing ano. Nadali ‘yung pangalan ko doon sa --- kay Bautista. And I would like to answer Grace Poe’s… Watch your mouth. O, ready na tayo? Q: Yes, sir. PRESIDENT DUTERTE: Si Pia. Q: [off mic] PRESIDENT DUTERTE: Who is she? Q: [off mic] PRESIDENT DUTERTE: Marami ‘yang babae dumating… Sino man ang… What was the topic about? Q: [off mic] PRESIDENT DUTERTE: Wala. Madali mo pa ako diyan, one billion. Hindi… May babae dito nakipag-meeting ang abogado, tumawag. He wanted to see me together with his client, ang pangalan Tisha Bautista. Am I correct so far? Q: Yes. PRESIDENT DUTERTE: Okay. Then he was with three lawyers and ang sabi niya na gusto siyang mag-file ng kaso. She wanted to file a case, impeachment or whatever about the hidden wealth of Bautista. Sabi ko, look, you heard me when I said I am not into the habit of prosecuting people especially from the other side of the fence, political fence, lalo na si Bautista because he was appointed by Noynoy. I do not want to be misconstrued.

Sabi ko, “Ayaw ko. Leave me out.” Kasi hindi ako naghabol ng mga kalaban lalo na ‘yung mga opisyal ng dating administration. That’s why when this case of Aquino, Presidente, was filed, sinabi ko kay Kris, sa kapatid niya Kris, “You got it all wrong. I am,” I said, “I’m not in the habit of chasing people with prosecution.” Q: Sir, but if you didn’t plan to get involved in the whole affair, why did you then supposedly call both… Q: Mic, Pia, mic, Pia. Q: Sorry. Sir, if you weren’t keen on meddling in the affair, then why did you call COMELEC Chair Bautista and si Tisha Bautista po to Malacañang again to talk about this issue? PRESIDENT DUTERTE: I was not meddling. I asked him to fix his quarrel with the wife. That’s the thing that I could do as a lawyer. At sinabi ko tawagin mo ‘yan si Bautista kasi may nagrereklamo sa kanya. That is the work of everybody lalo ‘pag ka Mayor. Sanay ako niyan. Sumbungan ako ng asawa mo. Gaya ikaw, ang pera mo sa iyo lang, ‘yung pera niya pati ikaw kasali. ‘Yung mga ganon. I received him, sabi ko, “You talk to your wife.” Sabi ko, “That is a very serious case.” She is alleging ganon, ganon, ganon. Sabi ko, “Ayaw ko.” Q: Sir, what would you say to comments of some people that this meeting between you and si Tisha Bautista was politically motivated, that it was meant to sort of throw mistrust into the elections last year especially since may electoral protest? PRESIDENT DUTERTE: Kaya ako hindi nakialam. Ano… I cannot help but listen to people who have complaints against anybody. Q: But, sir, you also instructed si Dante Gierran to investigate this whole affair? PRESIDENT DUTERTE: No, I did not. Sabi ko, “Give it to somebody else.” I am not into the habit of investigating or prosecuting people from the other side of the fence. Ano ka man? Sige ka man balik-balik diyan. Sinabi ko na, hindi ako interesado kasi ayaw ko ‘yan. Sabi ko, “Kausapin mo asawa mo. Nandiyan lang sa kabilang kwarto.” When I was informed that he was here, I went out of my room. Ewan ko sa ano… Sabi ko, “May reklamo ‘yang babae sa’yo.”

Sabi ‘yung pera. Sabi ko, “No, no. Spare me. I do not want to hear ‘yang mga moneymoney, kung saan-saan.” Q: Sir, sorry. Just given that. Last question. Why did you even entertain them in Malacañang if you weren’t interested in the issue? PRESIDENT DUTERTE: Well, why should not I be interested in anybody’s complaint? Q: But, sir, I’m sure you get a lot of complaints… PRESIDENT DUTERTE: How… How do you define a President? Q: Sir, I’m just asking why you entertained them? PRESIDENT DUTERTE: No, no, no. You have to define me and my work. What is my work? To listen to everybody including you if you have a problem with your husband. Bakit ako mag-ano? Lalo na sabi na asawa raw ni Bautista. Eh alam ko asawa ni… Alam ko si Bautista is the COMELEC Chairman. Why should I not? Ano bang… Ano bang alam ko kung ano ang sabihin niya sa akin? When she started to spew out… Started to talk about ganun, ah naghiwalay na sila, lalaki ka, babae ganun. Punta ka doon sa… “Well, look for somebody else.” Tapos sabi ko, “The best thing that I can do to you is I will call your husband mag-usap kayo dito.” So pagdating ko, sabi, pag-usap. Pagtapos o, “Areglo o wala?” Walang areglo, eh ‘di wala. Uwi sila. Ehhh… Ganon-ganon kaagad, thumbs up. Let it be recorded that Pia is giving me the thumbs up. ‘Pag balita mamaya ‘yan sa ano, baliktad. Naka-ganun. Bantay ka sa akin. Baliin ko talaga ‘yung… Ganito ‘yan. Saan pa? Ako ‘yung isa. Sinabi ni Noynoy na, “Wala man nangyari sa one year niya na ano. Parang walang nangyari.” Alam mo sensitive ako diyan. Kasi I have lost about 62 soldiers and mga 56 policemen. I am not sure. Basta more than that. Marami akong patay na sundalo pati pulis, not connected with any other crime except ‘yang doon sa Mindanao samahan ‘yung pulis mag-raid kasi walang mga armas. Sinabi ko sa inyo noon Pilipino na doon sa Mindanao, they are producing in excess of the demand.

Sabi ko, “Bakit ito?” At sinabi ko it is fueling extremism. Doon nila kinukuha ‘yung mga kwarta nila noon pambayad sa mga miyembro nila, may sweldo eh. Now ngayon… ‘Yung doon, ang unang birada doon patayan. The war in Mindanao started not with a rebellion, nag-raid ang pulis then kasama ang Marines. Nag-raid ng -- doon sa Maute for drugs, in connection with a drug case. Ang unang namatay doon mga pulis pati Marines, it was drugs. Tapos sabihin mo, “walang nangyari.” Hindi lang nga maganda ang nangyari pero huwag mong sabihin walang nangyari. Ang collection niya sa droga kasing… For the entire six years niya, kinuha ko lang ng isang taon. Paano niya masabi na walang nangyari? And you know, huwag kang magsalita ng ganong you belittle, because that I said is a very sensitive issue to me. Why? Because I ordered the raids at namatay ‘yung mga pulis at sundalo ko. Kaya ako galit pagka gawain mo lang small-time ‘yang… Buhay ang nakataya diyan, Noynoy, kaya ako nagalit sa iyo. Ano bang ginawa mo? Ikaw lang ang Presidente na may mga generals na nakasabit sa droga. Eh tapos magsalita ka nang ganon. Bigyan mo ko General na may --- ‘yan si Loot. Putulan ko ng ulo ‘yan sa harap mo. Kaya huwag kang magsalita nang pa-easy. “Ah, walang nagyari.” Sabi ko, gunggong ka. Bakit ka magsabi ng ganun? Bakit ikaw anong…? Eh wala ka kasing emotion eh. When a person is bereft of emotional stability, ganon magsalita. Eh p***. You should be… Kita mo marami ng taong namatay diyan, marami ng biktima na Pilipino, milyunmilyon na tapos walang… And you are one of the responsible officials of --- as a matter of fact, the highest. Tapos walang nangyari. Eh ito naman si Grace Poe, madali kaagad. ‘Yung motherhood statement kaagad. “Watch your mouth…” Noon naalaala ko mayor pa ako, may minura ako, galit ako. Grace, nakinig ka man, nagmumura na ako noong kampanya, sobra pa. Double the vulgarity and everything. Alam na ng tao ‘yan, Luzon, Visayas, Mindanao na nagmumura ako. Ngayon, masama ang bunganga ko, masama ang ugali ko, nag-eleksyon tayo. Eh saan ka pinulot? Eh ‘di number four ka. Sinong number one? Ako. Ako ‘yung nagmumura, ako ‘yung nag-lahat ng p*****i**** anong gusto mo? Eh bakit natalo ka? Eh kung gusto ng Pilipino, the prim and proper na walang bastos na ano, eh bakit natalo ka kung ganon? Eh may pera ka pa. You had the money, you had the aura of… Father mo lang naman ‘yung [inaudible] sa’yo. ‘Yun lang ang kapital mo. Ano bang kapital mo? Bakit mo sabihan na, “Watch your mouth?” My mouth is not for your mouth. If you want to watch your mouth everyday, do it. Huwag mo akong pakialaman kasi ako

nagmumura talaga noon pa. Tapos when you hear that, ma-motherhood statement ka kaagad. Lahat naman tayo may depekto eh. Ikaw, anong depekto mo? Ikaw ang lakas mong manigarilyo, hindi alam ng Pilipino. Ang lakas mong uminom ng brandy. Totoo lang. ‘Yan ang sikreto mo. Ako walang sikreto. Binubuga ko lahat. Sanay ka kasing mag-ano sa akin. You admonish me as if you are the mother. Motherhood ano ka kaagad… Alam mo na nagmumura ako, bakit mo pa ako ano… Eh total kung gusto pala nila ‘yang disenteng babae na walang mura, wala lahat, eh ‘di nanalo ka. Ikaw ‘yung popular, ikaw ‘yung may pera. Ikaw ‘yung blessed ng simbahan, ginawaan ka pa ng prayer. Hail Mary, full of Grace. Ako, anong ibinigay nilang dasal sa akin, yung mga pari pati itong mga…? Oh bakit naghinto sila? Sabihin ko sa inyo balang araw. Bakit itong Amerika naghinto? Sabihin ko sa inyo balang araw. Kita mo o, may namatay naman diyan ano… Magpakialam ka diyan sa mga ---patay na ‘yan. Pero bakit naghinto sila? I’ll tell you later. Wag kay kabibisita lang ni… Sinabi ko ‘yan noon kay --- na-interview ninyo si Bishop. Q: Sir, short lang. Can we go back a little bit on Comm --- Chairman Bautista? Sir, when the family… When the lawyers of Ms. Patricia went to you, to talk to you, what help did they ask you? PRESIDENT DUTERTE: Wala. Gusto nila paalamin lang ako na meron silang i-file na kaso. Kasi nga the integrity of the entire elections may be put into an issue. Kaya kung sabihin ko na, “Talo ‘yang si Duterte, bakit nanalo ‘yan? Kita mo ‘yung ano…” Q: Sir, do you think that this issue will have an effect on the credibility of the elections which you won? PRESIDENT DUTERTE: Aba, bahala na kayo, tapos na ako nag-oath diyan. [laughter] Natapos na akong na-proclaim. Are you denying that, Pia? Q: Sir, just one last question… PRESIDENT DUTERTE: Hindi, kaibigan ko talaga ‘yang si Pia. Kaibigan ko ‘yan noon pa sa Davao kampanya pa. She’s really my friend. Rappler, wala ‘yan. Sige lang atake diyan. Wala namang… Diyan ang depository slip, hindi daw ‘yan investment. Magtanong kayo ng economist.

‘Yan si Pernia. Si ano --- si Ben Diokno. It is an investment, bakit ka magbigay ng depository slip tawag nila tapos bayaran ka? When you earn something from an entity, whether you like it or not, you are the owner. No, no, no. You might not really be the incorporator of the corporation. ‘Yan I can admit na hindi ka incorporator kung hindi ka opisyal. But even if you are just a depository diyan sa kanila, good for 200, then after the declaration of the dividends on any given day thereafter, you are the owner. Bakit ka… Bakit ka… Anong… Bakit ka bigyan ng pera? Q: [off mic] PRESIDENT DUTERTE: Bakit mo bigyan ang… Bakit mo bigyan ang… If you believe in Rappler, does that include money? Giving money? And getting money in return? Ah ‘yung, ‘yung… Tama ‘yung kay Tiglao. Tiglao is an economist. When you deposit money there, mag-deposito ka ng pera, then at the end of six months, makuha mo ‘yung dineposit mo with the dividends, you are the owner also. Hindi… Magtanong ka ng abogado. ‘Pag hindi ‘yan, mag-resign ako. Sige. Oo. Oo. Q: Sir, sorry to break it up. PRESIDENT DUTERTE: Pero huwag ‘yung abogado na kampi ninyo. ‘Yung abogado sa Somalia. Q: Sir, konti lang. Last question on Chairman Bautista. Sir, kung halimbawa dumiretso ito ng impeachment, ano pong tingin niyo dun? PRESIDENT DUTERTE: Sabi ko, I do not --- hands off ako diyan. Ayaw kong… That’s the reason why I refuse to discuss it eh. Q: Opo? PRESIDENT DUTERTE: ‘Yung pera-pera. Kung saan, sabi ko, “no, no, no, no.” Mawala pa ‘yun doon kayo sabi ko. “Sinong nakaalam na may pera doon?” “Si Duterte kasi sinabihan siya.” Q: Thank you, sir. PRESIDENT DUTERTE: Ano pa? Wala na? Sige. Hanggang alas dose, bantay kayo. Walang uwian. Q: Sir, good evening, sir. Philip Tubeza po sa Inquirer.

PRESIDENT DUTERTE: Inquirer? [laughter] Buhay pa pala kayo? Q: Sir, bumisita… PRESIDENT DUTERTE: Pakitanong lang nga sa kanila kung kailan na isauli nila ‘yung Mile Long. You know, ganito ‘yan eh. Hindi, hindi, hindi, hindi, teka muna. Alam mo, when the contract expired… When the contract expired, Inquirer should have surrendered the property. But they continued to occupy and take control of the establishments there. ‘Pag continue mo, for all of these years, nonchalant ka. “Wala akong pakialam. Basta kami ang nakakubra.” So ‘yung years ng kolekta mo doon sa mga bayad sa establishments, hindi na sa iyo ‘yun. It belongs to the owner of the land. Ngayon, if you continue to keep the money and spend it, that is actually economic sabotage. It is not swindling. It is economic sabotage. ‘Yun ang i-file ko, no bail. Kita mo ‘yan sila diyan. Kulong ‘yan. Economic sabotage ‘yan. Biro mo, antagal ng panahon, bilyon na. Hindi mo isinasauli. ‘Yung mga siguro 100,000, mga tax case. But ‘yung mga rentals, pati ‘yung mga… anak ng p***. That is economic sabotage. ‘Pag ayun ang i-file ko, no bail ‘yan. I would insist, walang bail. Wala bail man ang economic sabotage. ‘Yun ang kinakatakutan ni Mighty King. Kasi bilyon ang kanyang… Ito, hindi kita filan (file) ng kaso ng tax-tax? P*****… Filan kita ng economic sabotage. Oh, sige, Inquirer. Q: Thank you, sir. PRESIDENT DUTERTE: Ako mag-isip ako kung anong i-file sa iyo. Q: Bumisita po si Secretary Tillerson, sir. Ano po ‘yung napag-usapan natin? PRESIDENT DUTERTE: No, No. I cannot… Do not play with that because I do not have the… They might want it confidential. We discussed so many things pero diplomatic ano kasi… Q: Balangiga bells?

PRESIDENT DUTERTE: Ibang ano na lang… ‘Yung ibang… Q: Balangiga, sir? PRESIDENT DUTERTE: Ano? Q: The Balangiga bells. PRESIDENT DUTERTE: Wala. Ibang ano… Ito, maraming intriga itong babaeng ito. Human rights? Wala kaming usapang human rights. Kaya kayong human rights, p*****i** ko, bakit ang human rights…? Ang pulis pati ‘yung sundalo namatay sa’kin. ‘Yung giyera na ‘yan sa Marawi, anong umpisa? Droga. Kaya kayong mga human rights, punta-punta kayo doon mahulugan pa kayo ng bomba sa ulo, mabuti pa. May giyera pa. Human rights… Kita mo ilang namatay ko na? Q: Did the US official raise that issue? PRESIDENT DUTERTE: Hindi, hindi nila… Terrorism. Pero human rights? Patayan ‘to. Hoy, mga human rights, ‘yang mga jihadist pumunta ‘yan sa Marawi, anong sinabi? “I am here, we are going there to die.” ‘Di ba? ‘Yun ang gusto nila martyr sila to die. Kaya ako magpunta diin --- doon. Diin. Bisaya mana. Magpunta doon, to die rin ako. Pareha lang, anong diperensya namin? Mahal nila ‘yung ano nila… Mahal ko ang bayan ko. ‘Pag doon ako natapos, remember me. Santo Rodrigo. Martyr rin. Q: Hi, sir. Sir, Andreo Calonzo po from Bloomberg. Sir, did you ask for assistance…? PRESIDENT DUTERTE: Mabilis kayong ano… Bakit kayo nagmamadali ng ano… ‘Yung dito ninyo, ‘yung side. Q: Sige, sir, papabagalan po namin para mabasa niyo. [laughter] PRESIDENT DUTERTE: Mahina akong magbasa talaga. Totoo ‘yan. Bakit ba nagmamadali? Pa-publish-publish kayo diyan tapos…[laughter] Q: Sige, sir. PRESIDENT DUTERTE: Totoo. Q: Opo. Sir, did you ask for assistance for Marawi among the diplomats that you met today? Bishop…

PRESIDENT DUTERTE: May sinabi ako sa kanilang medyo… Ewan ko lang kung sabihin ko sa inyo. Pero may sinabi ako na… Hindi nila magustuhan pero giprangkahan ko talaga sila. Pero kung maganda ang magtanong, okay ako. O, ma’am? Q: Hi, sir. Pia Gutierrez. PRESIDENT DUTERTE: Ikaw, ikaw ba ‘yung tinukoy ko? Pareho man kayong maganda, Pia. Q: Hi, sir. Pia Gutierrez from ABS-CBN, sir. Sir, may I ask… PRESIDENT DUTERTE: Peace na lang tayo, ma’am. Q: Sir, just want to follow-up. Ano po ‘yung sinabi ninyo doon sa mga diplomats that you talked to today, sir? PRESIDENT DUTERTE: Marami, ma’am, but mostly they have considerably toned down in human rights. Nobody… In passing pero sa --- about human rights ‘yung mga conferences pero mostly terrorism. Wala ng human rights nagtatanong sa akin. Wala na kasi… Basta may ano… Pati ‘yung mga pari. Ayaw ko lang sabihin kung ano. Pero actually records. Inopen ko sa kanila. Basahin ninyo. Kasi maski sinong patay diyan ituro nila sa akin kaya binigyan ko sila ng records. “Iyan o.” ‘Yung namamatay diyan na ako ‘yung pagbibintangan mo. Q: [off mic] PRESIDENT DUTERTE: Hindi lahat. Basta may binigyan lang ako. Mga pari binigyan ko. Tapos hindi ko sabihin kung sino. Q: Showing what, sir? PRESIDENT DUTERTE: Lahat na. ‘Yung ano, ‘yung mga tigas diyan sa droga. Q: Narco-list? PRESIDENT DUTERTE: Eh ‘di patay na ako. Binasa naman ninyo ‘yan, sinabi ko na sa inyo.

Q: For sure, sir, that’s government data? ‘Yung ipinakita ninyo? PRESIDENT DUTERTE: Yes. Q: Sir, speaking of narco-list, it has been one year since you revealed ‘yung narco-list. One year after, sir, ano na po ang nangyari doon sa mga pangalan na, listahan na nakalagay po doon sa initial list? And also, sir, you have an updated list, tama po ba, sir? PRESIDENT DUTERTE: Bakit ko i-update ‘yang patay na? Q: Sir you… During your meeting with the mining sector, you showed them an updated list of your drugs watch-list tama po ba? PRESIDENT DUTERTE: Kaya nga, bakit ko i-update ‘yung patay na? Ibigay ko listahan sa namatay. Eh ‘yung updated ‘yung buhay pa. Q: So ibig sabihin, sir, may idinagdag po? PRESIDENT DUTERTE: Meron pa, ma’am. Kaya ako… I’d like to give this warning to everybody. Ito magkaintindihan tayo ha. Para magkaintindihan rather tayo. Ang mga mayors pati lahat ng mayors tinawag ko dito, in three batches sila. Marami eh. Ang governors, isa. Giprankahan ko sila. Sabi ko sa kanila, “Huwag na huwag kayong magkamali na pumasok diyan. You might not like the consequences.” ‘Yung si Parojinog pati si Loot nandiyan. Sina Loot. Hindi ko naman alam… Sinabi ko, “Ikaw Loot isa ka pang General na walang-hiya.” Sabi ko, “Huwag kang maghanap ng engkwentro sa akin. Totodasin ko talaga kayo.” ‘Yan si Parojinog, since they started itong Kuratong Baleleng diyan sa Ozamiz Oriental. Panahon nila Dictador Alqueza. But at that time, they were under the control of the military and they were helping government fight the communists. Ang handler nila noon sa Kuratong Baleleng, ex-military men, mga killer ganon, si Dictador Alqueza, patay na. Pero the purpose was good only when nandoon si Dictador. Pag-retire niya, wala naman siya sa gobyerno. Nag-take over ‘yung mga tigas na doon. Sila ‘yung nag-hold up dito sa RCBC, sa… Lahat ng bangko hinoldup nila dito. Tapos ‘yung mga Dasha? ‘Yung mga armory ng mga security agencies, giholdup nila, remember? They hold off so many firearms from… ‘Yan, pati sa Mindanao. ‘Yun tapos ang reign of terror.

Doon, ‘pag kalaban ka sa politika, patayin ka talaga. Itong mga Parojinog family, naging gangster at kinontrol nila lahat pati shabu. At marami silang pinatay na pulis diyan sa Ozamiz na hindi sumusunod sa kanila. They killed about four or five. Then walang makasalita, walang maka-criticize, maski mga radyo doon, tahimik. Talagang papatayin ka. Kaya dumating ng panahon… Nang p****** i** niya, sinabi ko, ayan. Sinabi ko sa inyo, huwag ninyong kontrahin ang gobyerno. Gagamitin ko ang gobyerno because I have to protect the people who represent the government. I will not hesitate. What is the complete sentence? Question mark. Hindi… Hindi ako mag-dalawang isip, sinabi ko sa inyo huminto kayo. Tapos maging congressman ka, governor ka, mayor, barangay captain, ay anak ng… Para kayong nakaka-insulto na walang Presidente, walang pulis, walang military. So balewala kami. Sabi ko, warning ko talaga ‘yan sa inyo. Huwag kayong magsabi na may army kayo diyan. Hindi na makakatulong sa’yo ‘yan. Tingnan mo. Even if you have 100, 200 armed men, hindi makakatulong sa’yo ‘yan. Bakit ka maglaban sa akin na--- ? May dose ako na [FA-50] na jet, bombahan lang kita diyan ng lima. Gagamitin ko talaga ang pwersa ng gobyerno. Tingnan mo, ‘yung balang araw ‘yang mga hijack-hijack diyan, makatikim ‘yan. Sabi ko talaga, ang order ko is “pasabugin mo”. Kung nagkamali, pasensya. Sobra kasing madrama ang tao dito sa Pilipinas. Too many is pretending to be brave and… Tapos binu-brutalize ‘yung tao. Ikaw Pia, papayag ka niyan? I-brutalize ang tao. Ha? Doon na lang ako sa isang Pia na ano. Ikaw, ma’am? Magpayag ka na i-brutalize ‘yung tao? Q: Mayor, Alexis Romero, Philippine Star. PRESIDENT DUTERTE: Hindi ka man si Pia, bakit ako mag-sagot diyan? Q: O, Pia. Ikaw na lang magtanong. Hindi, hindi mayor. Nag-issue na po nung statement ‘yung foreign ministers ng ASEAN nabanggit ‘yung land reclamation sa South China Sea pati ‘yung pangangailangan na magkaroon ng effective code of conduct. Ano po ‘yung masasabi niyo doon sa statement?

PRESIDENT DUTERTE: Sabihin ko sa inyo ha. Nandito man Cabinet members. Tanungin ninyo. Nagpunta ako ng China. Sabi ni Carpio, wala akong ginawa, wala akong reaction. Sa bilateral, nandiyan sila. Nandiyan sila Lorenzana, si Año, lahat. Sabi ko sa China, “’Yang sinasabi mong South China Sea, amin ‘yan, kukuha ako diyan ng oil.” Sagot ng China, matagal. Pero sabi niya matagal. At the end of the ‘yung cadence, maganda, mahaba ang sagot. At the end is, “Giyera tayo.” Anong masagot ko? Hintayin ko mga press people ko para ma-record ‘yung… Sabi ko, “Okay. I am here not to go to trouble with you.” Ang sinabi ko lang sa kaniya, “During my term as President of the Philippines, I will bring this --- I will bring up this matter with you.” Itutulak ko talaga ‘yung arbitration. Pero kung sabihin na wala akong ginawa, tanungin mo ang Cabinet members, mas sobra ako. Sabi ko talaga mag-dig ako ng oil diyan, diretso, wala na samok-samok, ‘yung papelpapel. Q: So satisfied kayo sa naging joint statement, Mayor, doon sa ASEAN, tungkol dun sa South China Sea? PRESIDENT DUTERTE: Para walay samok. Kasi may North Korea pa mag… Tapos sabayan mo ng giyera, patay na. Saan tayo pupunta? Hindi pa panahon ni… ‘Yung magaganda na mamamatay, baka matamaan pa ito ng mga shrapnel diyan galing sa Palawan. Sayang. Buti pa nag-media na lang ako para kasali ko na kayo. Q: Hi, sir. Sir, going back po doon sa, kay Chairman Bautista. His wife said that you offered whatever assistance that you can give. What is the most help that you can provide? PRESIDENT DUTERTE: Assistance, abogado. I can provide you with a lawyer if you want to file a case. Q: Hanggang doon na, sir? They didn’t ask for anything more? PRESIDENT DUTERTE: Kaming mga lawyer, lawyering talaga kami. Even if alam mo na ‘yung kliyente namin, ‘yan talaga ang pumatay, huwag kayong maano sa amin na, “Ay, ito, nagdedepensa ng killer.”

Lawyering lahat ‘yan. Part of our work. Pareho ka rin ng accountant, you have to make your own report there. Ganon talaga ang abogado. Lawyering. If I cannot assist you legally, I can refer you to a friend. Ganon lang ‘yun. Alam ng mga abogado lahat ‘yan. Basta doon kay Bautista, wala kayong makuha kasi ayaw kong madamay. ‘Yung perapera… I do not want to know. Kasi basta mawala ‘yung pera diyan bukas, ako pa ‘yung pasanginlan mo. Ano ba sa Tagalog ‘yang pasanginlan? Ako pa ang sisihin mo. Q: Pagbintangan. PRESIDENT DUTERTE: Mabenta itong Tagalog na salita. Q: Sir, recently, pinirmahan niyo po ‘yung batas para dun sa libreng tuition sa kolehiyo. Sir, where do you plan to get the funding for that? Wala po kasi sa budget eh. PRESIDENT DUTERTE: ‘Yan nga ang problema ngayon. [laughter]Gusto kong tanungin sa inyo. Mag-konsulta ba ako. Ewan ko. Tignan natin kung saan. Kasi ‘yung pag-approve ng Congress… Alam man nila walang trabaho --- ay walang pera. Eh pagdating sa’kin, alam ko man na walang pera. Pirmahan natin ito. Eh ‘di sige. Tapos ang pera, pagdating sa enrollment na… ‘Yan ang problema natin, Pia. Q: So, sir, ‘di ba parang masyado nang maraming gastos ‘yung gobyerno? You want 20,000 more soldiers, suswelduhan din po natin ‘yun. So paano natin kukunin ang budget sa lahat ng ‘yun? PRESIDENT DUTERTE: What do I want again? Q: The 20,000 additional soldiers, sir. ‘Di that will entail cost too? PRESIDENT DUTERTE: Yes, because I would need a strong Republic. I would need a strong army and a strong police. Nagkulang na ako kasi marami nang namatay nga diyan. Everyday in the Philippines, you have about two or three policemen or soldiers dying of a drug-connected case. Kaya huwag mong sabihin na tinawag kong gunggong si ano…

Bakit ko tinawag? Hindi mo ba alam na marami nang namatay na sundalo? Ilang pamilya na ngayon ang walang tatay pati nanay? Ang walang tatay? O kay may mga babae kaming namatay. Tapos ganon lang ang sasabihin mo, parang walang nangyari? Kaya nag-react naman itong si motherhood. Porke’t tama siya. Ngayon ka lang magsita sa akin ng bunganga ko? Noong eleksyon hanggang ngayon. Eh hanggang nga sa State SONA bakit hindi siya nagreklamo doon? Kasi kung hindi mo ganunin, walang mangyari sa buhay na ito. Hindi moa no? Kung hindi kita p***** diyan. ‘Yang mga graft. Sige kayo diyan, bantay kayo. Q: Grab? PRESIDENT DUTERTE: Graft and corruption, sabi ko. Q: Ah. PRESIDENT DUTERTE: ‘Yan ang ayaw ko. Ayaw ko talaga ‘yan. Umiwas kayo diyan, droga pati ‘yung corruption. Mahalan. Maski na bawal, sige lang. Basta sumagot. Ayaw mo pa nun? Q: Sir, konting sundot lang last. Sir, you’re not interested in finding out the truth about allegedly ill-gotten wealth of the COMELEC Chairman? PRESIDENT DUTERTE: There will always be a case filed. So I do not want to preempt what will happen there. Either by the Ombudsman or by Congress. Because I do not have jurisdiction over the case. Might as well just shut up. Hindi man ako ang mag-imbestiga, si Ombudsman. Hindi man ako mag-ano… I am not a congressman or a senator when it is an impeachment case. So why should I bother, really? Q: Fair enough. Thank you, sir. PRESIDENT DUTERTE: Sabihin pa niyan, “Ay hindi, sabi ni Presidente, ganon ‘yan, ganon ‘yan.” Then you create another controversy. Teka mag-Cabinet meeting pa kami. Q: Thank you, sir. Pasensiya na sa abala. PRESIDENT DUTERTE: Pero mag-dinner muna kami. Mag-dinner ba tayo? Hindi na?

Ah, working dinner ‘yan? Pia, gusto mong sumali? Ha? Baka gusto mong mag-dinner. Q: Thank you, mayor. ---END---