news and information bureau - Presidential Communications

DZRH/ACS BALITA BY ANGELO PALMONES AND HENRY URI. August 4, 2017( 6:42-6:54 A.M.). Q: ... tungkol sa ASEAN ay nasa mga 23% lang iyong merong knowledge...

20 downloads 537 Views 333KB Size
Republic of the Philippines , Presidential Communications Office

NEWS AND INFORMATION BUREAU PCOO-NIB Building, Malacañang Compound, Malacañang, Manila Telephone Number: 734-3829

INTERVIEW WITH PCOO SECRETARY MARTIN ANDANAR DZRH/ACS BALITA BY ANGELO PALMONES AND HENRY URI August 4, 2017(6:42-6:54 A.M.)

Q:

Secretary, magandang umaga po.

SEC. ANDANAR: morning.

Good morning Henry. Good morning Angelo. Congressman good

Q:

Sec., ilang delegates na ang nandito?

SEC. ANDANAR: It’s more than 27. Meron tayong sampo from the ASEAN of course, tapos meron din tayong mga bisita from Sri Lanka, meron din tayo from the Shanghai Cooperation Organization, meron din tayo bisita from Turkey. Ano pa ba? Meron din tayo dito sa Timor Leste; Republic of Korea; Australia; China; New Zealand; United States of course, si Secretary of State Rex Tillerson; tapos si [Foreign Minister] Ri Yong Ho ng Democratic People’s of Korea; European Union; Mongolia; India; Bangladesh; Japan; Russia at ang Norway. So more or less 27 eh o 28 lahat ito. Q: Rex Tillerson?

Secretary, sigurado po na ho bang darating iyong Secretary of State, si

SEC. ANDANAR: Alam mo kasi Henry, ang United States mailap sila sa pagbibigay ng impormasyon. But doon sa meeting kahapon, sa briefing dito sa Conrad, meron doon mga…hindi ko alam kung ano sila, iyong mga Secret Service eh, advance security galing America eh. So, nagpa-brief sila about the International Press Center. So charting from that, I am assuming na baka merong darating na VIP. Q:

Malaki ang indikasyon.

SEC. ANDANAR:

Oo, indikasyon.

Q: Oo. Ibig sabihin malaking bagay iyon, partner ha. With the ongoing trouble ngayon sa Marawi, tapos itong mga terror threats na ito, malaking bagay talaga na magsidatingan sila dito, to disprove iyong mga bali-balita na magulo dito sa atin. SEC. ANDANAR: At saka maganda rin yun na lahat ng mga Foreign Ministers mula sa iba’t-ibang bansa, bukod sa ASEAN. Kasi possible naman itong mapag-usapan eh, pero they send a extreme—violent extremism is an international concern. Q: Bakit daw ho pala, Secretary, walang mga foreign leaders - President, Prime Minister - na darating, ganoong 50th ASEAN anniversary ito? SEC. ANDANAR:

Ah, okay ganito po. It’s the 50th Foreign Ministers anniversary.

Q:

Ah, Foreign Ministers anniversary…itong August?

SEC. ANDANAR: Oo, ngayong August. What we are celebrating now is actually the 50th Foreign Ministers Meeting. So iyong doon naman sa mga heads of states, na kasama na iyong America, sa November pa iyon. So tatlong celebrations ang ASEAN di ba: Iyong Heads of States na nauna na, first part of this year; ngayong August itong Foreign Ministers; at iyong pangatlo iyong sa November ito na iyong malaki talaga, finale na ito ng ASEAN. Iyong nangyari kasi doon sa Laos, Henry, nagtipid iyong Laos, nagtipid sila eh. I think masyadong magastos, so ang ginawa nila pinagsama-sama nila iyong lahat ng events. Q: Secretary, para sa mga nakikinig, para saan, bakit may ASEAN. Ano uli ba ang mapapakinabang dito ng bansa? SEC. ANDANAR: Ganito, ang pakinabang po ng bansa natin sa ASEAN ay kung mas lalo tayong familiar at kung mas lalo tayong dikit doon sa grupong ASEAN, mas malaking opportunity ang puwede sa Pilipinas. Puwede tayong magpadala ng mga goods sa iba’tibang ASEAN countries tulad ng Singapore, Indonesia, Malaysia, Thailand; ganundin, vice versa. In terms of market, sa negosyo, mas madali para sa isang nagkukumpulan na grupo tulad ng ASEAN, which has more than half a billion—500 million population, mas madali sa atin na makipag-negotiate sa mga merkadong mas malaki tulad ng China, America, Russia at Japan. So mas madali kung magsama-sama tayo sampung bansa.

And by the way, nung tayo po ay nagsimula dito sa pangangampanya tungkol sa ASEAN ay nasa mga 23% lang iyong merong knowledge about ASEAN. So ngayon, based on the latest survey, eh pumapalo na ng halos 30% ang nakaka-alam about ASEAN. So the standard also is about 80% awareness. Eh dito po sa Pilipinas base po sa huling survey ay pumapalo na po tayo sa 90, mga 97 or 98%. So we would like to say, we would like to believe that naging effective iyong ating campaign, na roll out natin ng ASEAN sa buong Pilipinas. Q: Speaking of investments, simula ho nung tayo ay maging aktibo dito sa ASEAN Summit na ito, gaanong karami o kalaki nang pumasok na investment kung meron man, Secretary? SEC. ANDANAR: Alam mo iyong sa mga investment kasi na pumasok sa bansa natin, ito iyong pag-ikot ni Pangulong Duterte sa iba’t-ibang ASEAN countries last year at meron ding pati nga this year. As far as the meeting—dito kasi sa Pilipinas ang pinag-uusapan iyong mga meetings ng mga Head of States, Foreign Ministers na pinag-uusapan iyong mga multilateral issues na puwedeng i-solve. One of the expected na pag-uusap ay itong…iyong conduct dito sa South China Sea, di ba, iyong sa West Philippine Sea. So pagdating sa mga investments, wala akong alam na pinag-uusapan pa kung magkano iyong investments na maibibigay sa Pilipinas, because ito nga, we are all of equal footing, kumbaga ang pinaguusapan iyong pangkahalatang isyu. Iyong mga investments this will come in sa mga bilateral agreements. Q: Ayon. Ang isang medyo disturbing kahapon, iyong may isang former journalist na namang nadali, Sec., magkapatid, kilala mo iyon? Naabutan mo ito, si Mike Marasigan? SEC. ANDANAR:

Oo, narinig ko na si Mike Marasigan, oo.

Q:

Oo, editor ito ng Business World dati.

SEC. ANDANAR: Oo, well, alam mo ang Task Force on Media Security is on top of this, si Undersecretary Joel Egco. So hindi papabayaan ni Joel Egco ito. Iyong una natin, iyong kay Larry Que, di ba naalala mo? Na-solve na ng grupo ni Usec. Joel Egco. And I’m sure that he will be on top of this just like in any other threats to our fellow media men and women. Q: event?

Ang Pangulo nandito ngayon for the---he will be attending the Tuesday

SEC. ANDANAR: Next week, iyong next week. Wala pa tayong talagang final schedule if the President is attending or not. But all systems go naman eh. Merong mga lighting ceremonies, merong gala na sponsored by Secretary Ceyetano and Mayor Lani Cayetano. Iyong schedule ng Presidente, hindi ko pa matitiyak kung ano iyong final schedule kasi nga based on the security also. And by the way, Angelo at Henry, let me just point out that this morning meron din tayong event dito sa Conrad. Q:

Ito iyong Bangon Marawi ano ho? Bangon Marawi event.

SEC. ANDANAR: Yeah, ito pong Bangon Marawi ilulunsad natin dito sa Conrad, because of the venue, we are back to the venue Conrad. Number two, siyempre Marawi is also a regional security issue. We want to show the world kung papano magplano ang gobyerno ng Pilipinas para sa pag-rehabilitate ng isang lugar na apektado ng ISIS. Q: Okay. Medyo nakakabahala din itong pag-increase ng HIV sa Pilipinas, more than double, Secretary. And ang sinasabi po ng mga advocates natin, including the Department of Health, ang kulang lang talaga is massive education - information and education campaign. On the part of the Presidential Communication Office, anong puwedeng strategy gawin dito? SEC. ANDANAR: Maraming salamat ang tinanung mo iyan. Dahil kahapon binasa ko iyong email sa akin ni Secretary Ubial and right there and then ay nagplano kami ng forum din about HIV. Dahil nga dumoble iyong HIV, tapos hindi na iyong mga kababaihan ang mas pinaka-apektado, ito na iyong mga lalaki. MHM. Parang male to male iyong problema. Saka iyong mga transgender, di ba, ito iyong binanggit doon eh. So, importante talaga iyong massive education campaign para alam nila kung ano ang dapat gawin nila. The sad part about this, Angelo, is that less than 17% ang nagre-report, nagpapa-check. Q: Iyon ang problema. Saka bakit kasi nauso, Sec, na karamihan ng guwapo ngayon, may boyfriend. SEC. ANDANAR:

Itanong mo kay Henry.

Q: Hindi exception to the rule raw siya. Tapos meron pang isang bagong study, ito ang sabi naman ng study: karamihan daw ng mga kababaihan ay happier with ugly partners. Kaninong study kaya ito, baka hindi ito sa Pilipinas ah. SEC. ANDANAR:

Palagay ko study iyan ni Andrew E. [laughs]

Q: May nag-text dito eh, hindi naman guwapo si Henry, kamukha nga iyan ni Empoy, itanong mo kay Secretary. [laughs] SEC. ANDANAR: Alam mo ang kagandahan nasa loob iyan. Si Henry meron siyang kaunting bigote, walang natatalo sa lalaking may bigote. [laughs] Q: Para doon lang ho sa mga nasa malalayong lugar na hindi naman makakapunta rito para saksihan itong ASEAN na ito, lalung-lalo na iyong mga nasa probiprobinsya, ano ang inyong maibibigay na kumbaga komunikasyon sa kanila para mas maintindihan nila ito na bakit merong ganito sa Maynila? SEC. ANDANAR: Bukod sa Philippine Information Agency, tumutok kayo sa DZRH para malaman ninyo. Actually covered naman ito ng lahat ng media, pati government media at ang PCOO as committed na umikot sa buong Pilipinas and that is what we are doing. Tayo ay nagro-road show sa buong Pilipinas, ipinapaliwanag natin itong ASEAN. Kaya nga natutuwa ako doon sa pinakabagong survey na tumaas iyong awareness dito sa Pilipinas, mga 97% iyong awareness, tapos iyong understanding nito, iyong talagang may nakakaintindi ay biro mo from 23%, eh ngayon mga nasa 34, 35, 36% na. Sabi ko a few months ago, ang ating layunin dito ay maintindihan ng lahat, may awareness lahat ang Pilipino. Q: umaga.

Sige, Sec, katulong n’yo kami diyan ha. Maraming salamat. Magandang

SEC. ANDANAR: Maraming salamat Congressman, maraming salamat din kay Henry. Mabuhay kayong dalawa. ##