Pagtuturo ng Pananaliksik sa Iba’t ibang Antas

ng panahon, responsable at malay sa ... Kahusayan sa makabagong ... Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at/o mga katutubo...

123 downloads 871 Views 787KB Size
Pagtuturo ng Pananaliksik sa Iba’t ibang Antas CRIZEL P. SICAT-DE LAZA University of Santo Tomas University of the Philippines-Diliman

Daloy ng Talakayan § Filipino sa K-12 Curriculum § Pananaliksik sa Filipino sa Iba’t ibang Antas § Ilang Pamamaraan sa Pagtuturo ng Pananaliksik § Hamon sa mga Guro at Mananaliksik sa Filipino

Filipino sa K12 Curriculum

• Mula sa Contructivist Principle in Education, naniniwala ang prinsipyo sa disenyo na ang mga estudyante dapat ang nasa sentro ng pagkatuto at ang guro ay tatayo bilang facilitator. Ito rin ang tinatawag na Learner Centred-Learning Environment. • Ipinapanukala rin lagi ng Constructivist Approach ang pagsasagawa ng aktibidad para sa layuning maisa-kongkreto sa pang-unawa ng mga mag-aaral ang paksang pinapag-aralan. • Gayundin ang paggamit ng Rubrics para sa mas obhektibong pagmamarka sa Pagtataya.

Apat na Sentrong Kaisipan A. Pag-alam ng guro sa pinaka-ideya ng paksang tatalakayin (big idea) o kung ano ba ang dapat na matutunang ideya ng mga estudyante mula sa paksa. B. Ang pagkuha ng paunang kaalaman (prior knowledge) ng mga estudyante sa tatalakaying paksa. C. Ang paggabay sa pagpapakadalubhasa (coaching mastery) ng mga estudyante sa paksa. D. Pagpapausbong ng nananatiling pag-unawa (enduring understanding) na inaasahang maikikintal sa isipan ng mga estudyante matapos ang pag-aaral.

Mga Kakayahan ng Ika-21 Siglo (21st Century Skills) Kabilang sa mga kakayahang ito ang ang Kahusayan sa pagiging pleksible sa makabagong mabilis na pagbabago Kasama dito ang teknolohiya ng ng panahon, pagiging malikhain, impormasyon atresponsable at malay inobasyon, na sa komunikasyon (ICT)sa kritikal nagaganap pag-iisip,lipunan kakayahang (sociallyHolistikong Pag-unlad ng magbigay-solusyon sa mga aware). mga Mag-aaral nasuliranin, Responsableng komunikatibo at Mamamayan ng Daigdig kolaborasyon

7

Dale’s Cone of Experience

8

Pagkatutong Nakabatay sa Paggawa ng Proyekto (Project-Based Learning) • Ang PBL ay isang pagdulog sa pagkatuto kung saan ay ipinapasok ang mga mag-aaral sa mga kompleks na aktibidad na binubuo ng iba’t ibang proseso, mas matagal na panahon ng implementasyon at kooperatibong pag-aaral. • Pinalalakas nito ang kolaborasyon sa halip na kompetisyon. • Binibigyang-kapangyarihan ang mga mag-aaral na tumuklas ng kaalaman at dinedesentralisa ang kapangyarihan ng guro sa loob ng klasrum. • Pinapaunlad ang iba’t ibang kakayahan ng mga mag-aaral na magagamit sa praktikal na buhay.

9

Pagdulog na Patanong (Inquiry Approach)

10

• Ang pagdulog na patanong naman ay na isang Pagtatanong mayproseso ng pagtuturo at pagkatuto na nakabatay sa interes ng magistruktura aaral na sa sariling pagtatangka ay tuklasin ang kaalaman (Alberts, 1996, sa pagbanggit ni Penick, 2000). Ginagabayang pagtatanong

• Aktibong kalahok ang mga mag-aaral sa iba’t ibang aktbidad at eksperimento sa proseso ng pagkatutong ito Pagtatanong habang hinahasa ang kanilang kritikalsaatpangunguna pamprosesong ng mag-aaral mga kakayahan, sa pamamagitan ng mga serye ng tanong.

Pagdulog na Patanong (Inquiry Approach)

11

Matataas na Kakayahang Pangkaisipan

Matataas na Kakayahang Pamproseso

• interpretasyon ng mga datos, talahanayan at dayagram • pagbubuo ng mga sintesis mula sa iba’t ibang ideya at konsepto • pagdidisenyo ng mga eksperimento at pagbuo ng modelo • pagbibigay-solusyon sa mga suliranin • pagbuo ng mga rasyonal na desisyon at pagtatasa kung sapat ang mga datos na nakalap.

• Pagsukat • pangangalap ng datos, paghahanay o klasipikasyon • pagdidisenyo ng iba’t ibang uri ng operasyon at imbestigasyon

Transpormatibong Edukasyon ni Mezirow • Bilang isang pagdulog, nakatutok ito sa mga mag-aaral na kinakailangang armasan ng mga pagpapahalaga at kakayahan na lilinang sa matalas na pananaw sa konkretong kalagayan ng daigdig at manghihikayat sa kanilang kumilos, indibidwal man o kolektibo upang paunlarin ang panlipunang kondisyon. (Mezirow, 1965) Pagbibigaykahulugan sa sariling karanasan

Transpormasyon ng karanasan at kaalaman

Muling pagkatuto

12

Pananaliksik sa Iba’t ibang Antas

Kakayahang Pampagkatuto (Baitang 1-3) • • • • • • • • • • • • • •

Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto Nabibigyang kahulugan ang mga simpleng talaan Nagagamit nang wasto at ayos ang silid-aklatan mga dapat ikilos o iasal sa silid- aklatan Nabibigyang kahulugan ang mga simpleng pictograph Nagagamit nang wasto at maayos ang silid aklatan pangangalag a sa mga kagamitang makikikita sa silid-aklatan Nagagamit ang mga bahagi ng aklat ayon sa pangangailangan Nagagamit nang wasto ang Index ng aklat Nabibigyang kahulugan ang mga simpleng graph Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon Nabibigyang kahulugan ang isang table Nabibigyangkahulugan ang dayagram Nagagamit nang wasto ang silid-aklatan nakalimbag na kagamitan Nagagamit ang mga nakalarawang balangkas sa pagtatala ng impormasyon o datos na kailangan Nagagamit nang wasto ang silid-aklatan kagamitang electronic

Kakayahang Pampagkatuto (Baitang 4-6) • Nakasusulat ng balangkas ng binasang teskto sa anyong pangungusap o paksa • Naipakikita ang nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng nakalarawang balangkas • Nagagamit nang wasto ang mga bahagi ng aklat tulad ng talaan ng nilalaman, talahuluganan • Nagagamit ang silid-aklatan at ang mga gamit dito tulad ng card catalog, call number • Nakagagamit ng pangkalahatang sanggunian ayon sa pangangailangan tulad ng - diksiyonaryo - almanac - atlas • Nabibigyang kahulugan ang bar graph/dayagram/tal ahanayan/tsart • Nagagamit nang wasto ang mga bahagi ng pahayagan • Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa isang paksa • Nakabubuo ng dayagram upang maipakita ang nakalap na impormasyon o datos • Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagsasaliksik tungkol sa isang isyu • Nagagamit ang silid aklatan sa pagsasaliksik • Nagagamit ang OPAC sa pagtukoy ng aklat o babasahin na gagamitin sa pagsasaliksik tungkol sa isang paksa • Nakagagawa ng graph o dayagram upang ipakita ang nakalap na impormasyon o datos • Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtitipon ng mga datos na kailangan

KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO (Baitang 7)

Mga Akdang Pampanitikan (Mindanao, Bisaya, Luzon) at Ibong Adarna • Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa pabula sa iba’t ibang lugar sa Mindanao • Nagsasagawa ng panayam sa mga taong may malawak na kaalaman tungkol sa paksa • Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa paksang tinalakay • Nalilikom ang angkop na pagkukunan ng mga impormasyon upang mapagtibay ang mga paninidigan, mabigyang-bisa ang mga pinaniniwalaan, at makabuo ng sariling kongklusyon • Nagagamit nang wasto ang mga primarya at sekundaryang pinagkukunan ng mga impormasyon • Nananaliksik sa silid-aklatan/ internet tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna • Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa mga impormasyong kailangan sa pagsasagawa ng iskrip ng pangkatang pagtatanghal

KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO (Baitang 8)

Panitikan mula panahon ng mga katutubo hanggang kasalukuyan, panitikang popular at Ibong Adarna • Nailalathala ang resulta ng isang sestimatikong pananaliksik na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino • Nagagamit ang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng internet sa pananaliksik tungkol sa mga anyo ng tula • Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa paksa gamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon resorses • Nakikipanayam sa mga taong may malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa paksa • Nasasaliksik ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang radio broadcast

KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO (Baitang 9)

Panitikan ng Timog Silangang Asya, Silangang Asya, Kanlurang Asya, at Noli Me Tangere • Nakasasaliksik tungkol sa iba pang nobela ng Timog-Silangang Asya • Nasasaliksik sa internet ang ilang halimbawang tula sa Timog-Silangang Asya • Nasasaliksik ang mga hakbang sa pagsasagawa ng malikhaing panghihikayat sa isang book fair • Nasasaliksik ang kulturang nakapaloob sa tanka at haiku ng Silangang Asya • Nasasaliksik ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pabula sa alinmang bansa sa Asya • Nasasaliksik ang ibat ibang halimbawa ng talumpati • Nasasaliksik ang tradisyon, paniniwala at kaugalian ng mga Asyano batay sa maikling kuwento ng bawat isa • Nasasaliksik ang kulturang nakapaloob sa alinmang dula sa sa Silangang Asya • Nakapananaliksik tungkol sa mga pagpapahalagang kultural sa Kanlurang Asya • Nasasaliksik ang mga pagkukunan ng impormasyon upang mapagtibay ang paninindigan at makabuo ng matibay na kongklusyon at rekomendasyon

KAKAYAHANG PAMPAGKATUTO (Baitang 10)

Panitikang Mediterranean, mga bansa sa Kanluran, Africa, Persia, at El Filibusterismo • Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik sa iba’t ibang pagkukunan ng impormasyon ( internet , silid-aklatan, at iba pa) • Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik tungkol sa mga teoryang pampanitikan • Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang katangian ng bansang Africa at/o Persia • Nagagamit ang ibaibang reperensya/ batis ng impormasyon sa pananaliksik

Pananaliksik sa Filipino sa Senior High School • Ituturo bilang core course sa Senior High School (Grade 11) ang pananaliksik sa Filipino na may titulong “Pagbasa ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.” Asignatura sa Senior High School 1. Oral Communication 2. Reading and Writing 3. English for Academic and Professional Purposes 4. Research in Daily Life 1 5. Research in Daily Life 2 1. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino 2. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 3. Pagsulat sa Iba’t Ibang Larangan 1. Contemporary Philippine Arts from the Regions 1. Understanding Culture, Society, and Politics 1. General Mathematics 2. Statistics and Probability 1. Earth and Life Science 2. Physical Science 3. Earth Science 4. Disaster Readiness and Risk Reduction

Asignatura sa Kolehiyo (ayon sa bagong GEC) Purposive Communication

WALA

Art Appreciation The Contemporary World 1 Mathematics in the Modern World Science, Technology and Society

Pananaliksik sa Filipino sa Senior High School • Deskripsyon ng Kurso: Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang anyo at uri ng teksto na nakatutulong sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik. • Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig • Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa • Panitikang Kontemporaryo/Popular: Napapanahong sanaysay, talumpati, panitikang popular (awitin, komiks, iba’t ibang paraan ng komunikasyon sa social media) • Gramatika: Paggamit ng kasanayang komunikatibo (linggwistik, sosyolinggwistik,diskorsal at istratedyik)

GAWAIN • Tasahin kung naisasakatuparan ang mga kakayahang pampagkatutong nabanggit sa pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang antas. • Batay sa mga kasanayang pampagkatuto sa iba’t ibang antas, magdisenyo ng malikhaing estratehiya kung paanong ituturo ang pananaliksik mula elementarya hanggang Senior High School.

Ilang Suhestiyon sa Pagtuturo ng Maka-Pilipinong Pananaliksik 1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplina na nakakonteksto sa kalagayang pang-ekonomiya at pampolitika ng bansa ang pananaliksik. Talakayin ang mga hamon sa maka-Pilipinong pananaliksik. 2. Mahalagang gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pamimili ng paksa. Ginagabayan dapat ito ng mga katangian ng Maka-Pilipino at transpormatibong pananaliksik. 3. Mas madali at praktikal kung isasaalang-alang ang pagdulog na Project Based Learning (PBL). Ang buong semestre ay pagbuo ng pananaliksik. 4. Bigyang-diin ang ilang mahahalagang bahagi ng pananaliksik na hindi gaanong nabibigyang-tuon sa curriculum guide: hal. pagtalakay ng etika ng pananaliksik, presentasyon at publikasyon ng pananaliksik 5. Sa murang edad pa lamang, bigyang-diin agad sa mga mag-aaral ang halaga ng pagsasagawa ng etikal na pananaliksik.

Mga Hamon sa Maka-Pilipinong Pananaliksik • Patakarang pangwika sa Edukasyon • Ingles bilang lehitimong wika • Internasyonalisasyon ng pananaliksik • Maka-Ingles na pananaliksik sa iba’t ibang larang at disiplina

Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan. • Mahalagang idagdag sa katangiang ito na kung hindi man maiiwasan na nasa wikang Ingles o iba pang wika ang isang pananaliksik dahil may pangangailangang ibahagi ito sa internasyonal na mambabasa, kailangan pa ring isalin ito sa Filipino o iba pang wika sa Pilipinas upang mas mapakinabangan. • Ang mahusay na pamimili ng wika at paksa ang nagtatakda sa bigat at halaga ng gagawing pananaliksik.

Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino. • Bago magdesisyon sa paksa, mahalagang tanungin muna ng isang mananaliksik ang bigat at halaga ng pananaliksik para sa mga kalahok nito o pinatutungkulan ng pananaliksik. • Kanino ba ito magsisilbi? Ayon kay Virgilio Enriquez (1976), proponente ng Sikolohiyang Pilipino, kailangang “ibatay sa interes ng mga kalahok ang pagpili ng paksang sasaliksikin.

Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik. • Dahil sa lumalawak ang agwat o pagkakahiwalay ng karaniwang mamamayang Pilipino sa akademya at mga edukado, mahalagang tungkulin din ng pananaliksik na pawiin ang pagkakahiwalay na ito. • Mahalagang tungkulin ng mga mag-aaral, sa gabay ng kanilang mga guro, na lumabas at tumungo sa mga komunidad bilang lunsaran ng maka-Pilipinong pananaliksik. • Sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga pag-aaral sa komunidad, nakakakuha ng tunay na karanasan at kaalaman ang mga magaaral mula sa masa.

Halimbawang Latag ng mga Aralin YUNIT I Kaalaman at Kasanayan sa Pagbasa: Pagsusuri at Pagsulat ng Teksto • Aralin 1 Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa ng Teksto • Aralin 2 Mga Kanayan sa Mapanuring Pagbasa ng Teksto • Aralin 3 Tekstong Impormatibo: Para sa Iyong Kaalaman • Aralin 4 Tekstong Deskriptibo: Makulay na Paglalarawan   YUNIT II Iba’t Ibang Uri ng Teksto: Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat • Aralin 5 Tekstong Persuweysib: Paano Kita Mahihikayat • Aralin 6 Tekstong Naratibo: Mahusay na Pagkukuwento • Aralin 7 Tekstong Argumentatibo: Ipaglaban ang Katuwiran • Aralin 8 Tekstong Prosidyural: Alamin ang mga Hakbang  

Halimbawang Rubrik sa Pagbibigay ng Grado sa Pananaliksik BATAYAN NG GRADO Mga Preliminaryong Bahagi ng Pananaliksik  Naisakonteksto ba ang pananaliksik sa introduksiyon at kaligiran ng paksa?  Naipakita ba ang halaga ng pananaliksik?  Ipinaliwanag ba ang pangunahing tesis ng pag-aaral?  Natukoy ba ang mahahalagang terminong gagamitin sa pag-aaral upang lubos itong maunawaan?  Malinaw bang natukoy ang mga pangkalahatan at ispesipikong layunin ng pag-aaral at nakahanay ba ito sa suliranin ng pananaliksik?  Naitakda ba nang maayos ang saklaw at delimitasyon ng pag-aaral?  May maayos na estruktura ba ang pagtalakay ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral?  Nagkakaisa ba ang mga teorya at konsepto sa kabuuang balangkas na ginawa? Metodolohiya at Pamamaraan ng Pananaliksik  Naipaliwanag ba nang maayos ang kaangkupan ng disenyo at pamamaraan na gagamitin sa pananaliksik?  Sapat ba ang impormasyong ibinigay hinggil sa mga kalahok at lokal ng pananaliksik?  Nailarawan ba ang kasangkapan sa panangangalap ng datos at tutugon ba ito sa mga tanong ng pananaliksik?  Maayos bang nailahad ang hakbang-hakbang na proseso ng pangangalap ng datos?  Naipaliwanag ba ang mga paraan sa pagsusuri ng datos? Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos  Angkop ba ang paraan ng presentasyon ng mga datos?  Malinaw ba ang paglalahad ng mga detalye at impormasyon?  Malalim at matalas ba ang pagsusuri sa mga impormasyong nakalap?  Nasuri ba ang mga impormasyon batay sa mga inilahad na kaugnay na pag-aaral at literatura?  Mabisa ba ang cross-referencing ng mga impormasyong makikita sa paglalahad ng datos?  Naiwasan ba ang paggamit ng mga mapanlahat na pahayag o sweeping statements?  Sapat ba ang mga datos at pagsusuri upang tugunan ang suliranin ng pananaliksik?

PUNTOS 15 pts.

15 pts.

20 pts.

Halimbawang Rubrik sa Pagbibigay ng Grado sa Pananaliksik Konklusyon at Rekomendasyon  Maikli ngunit malaman ba ang naging paglalagom ng mga naging resulta ng pananaliksik?  Angkop ba ang mga konklusyon batay sa kinalabasan ng pananaliksik?  Naayon ba ang rekomendasyon sa mga konklusyon ng pananaliksik?  Nagbigay ba ng mga makabuluhang suhestiyon sa mga susunod na mananaliksik sa katulad na paksa? Kabuuang Estruktura ng Pananaliksik  Gumawa ng balangkas ng kabuuang pananaliksik. Makikita ba sa kabuuang balangkas ang layunin ng pananaliksik?  Maayos ba ang ideyang inilalahad ng balangkas?  May mga kakulangan ba sa bawat bahagi ng pananaliksik?  Maayos bang napaunlad ang bawat bahagi ng pananaliksik?  Makabuluhan at nagtutulungan ba ang bawat bahagi ng pananaliksik?  Tumungo ba ang bawat bahagi ng pananaliksik sa pagsagot sa inilahad na suliranin? Pagbuo ng mga Talata  May paksang pangungusap ba ang bawat talata na nagbibigay ng direksiyon sa kabuuang talata?  May pagkakaugnay-ugnay at pagkakaisa ba ang mga pangungusap sa loob ng talata?  May pagkakaugnay-ugnay at pagkakaisa ba ang mga talata sa bawat bahagi ng papel-pananaliksik? Gamit ng Wika  Epektibo ba ang paggamit ng wikang Filipino sa pananaliksik?  Naiwasan ba ang code switching at gumamit lamang ng Ingles sa mga salitang hindi maaaring isalin?  Angkop ba ang paggamit ng mga salita at hindi mabulaklak ang mga pahayag?  Malinaw ba ang pagbuo ng mga pangungusap at hindi nakalilito ang kahulugan?  Maayos ba ang pagbaybay ng bawat salita?  Gumamit ba ng mga angkop na pagbabantas? KABUUANG PUNTOS

10 pts.

15 pts.

10 pts.

15 pts.

100 pts.

Hamon sa mga Guro at Mananaliksik sa Filipino • Gamitin at ipagamit sa mga mag-aaral ang wika at paksaing maka-Pilipino sa iba’t ibang larang at disiplina. • Magbasa, mag-imbestiga at kritikal na magsuri ng iba’t ibang pangyayaring panlipunan kasama ng mga mag-aaral, na maaaaring pagmulan ng makabuluhang paksa ng pananaliksik. • Gawing laboratory ng pananaliksik ang pamayanan at palakasin ang mga community-based research. • Magsulat, maglimbag ng pananaliksik at mag-ambag sa karanasan at kaalamang maka-Pilipino.

Maraming salamat sa pakikinig!  Para sa katanungan: [email protected] https://www.facebook.com/crizel.sicat 09064652934