PANG-EKONOMIKONG INTERES SA LIKOD NG MARTIAL LAW! p.7

sa maralita, pambansang minorya, at ... ng dambuhalang kita at tubo. Pinakawalan din ng rehimeng US-Duterte ang pwersa ng AFP upang takutin, arestuhin...

138 downloads 546 Views 4MB Size
KABATAAN-ESTUDYANTE, SUMASAMPA SA NPA! p.7

PANG-EKONOMIKONG INTERES SA LIKOD NG MARTIAL LAW! p.3 SUPORTAHAN ANG PAKIKIBAKA NG PAMBANSANG MINORYA! p.4

Opisyal na Pahayagan ng Kabataang Makabayan| Sept 2017

TUMUNGO SA KANAYUNAN! MATUTO MULA SA MASA! p.8

Buuin ang malawak na nagkakaisang hanay laban sa pasistang paghahari ng rehimeng US-Duterte!

BINUBUO AT KINOKONSOLIDA ng rehimeng US-Duterte ang isang pasistang diktaduryang mas masahol pa sa lahat ng nagdaang rehimen. Inilunsad nito ang marahas na pagsupil sa maralita, pambansang minorya, at rebolusyunaryong kilusan ng masa gamit ang kumbinasyon ng Martial Law at maramihang pamamaslang. Inaatake din nito ang mga karibal sa pulitika sa layuning monopolisahin ang kapangyarihan ng estado. Sa pagtindi ng krisis ng malakolonyal at malapyudal na sistema, hinuhubad ni Duterte ang natitirang demokratikong bihis at inilalantad ang ganap na pasistang paghahari. Pinakawalan ni Duterte ang marahas na ‘giyera kontra-droga’ na naghasik ng lagim at nagbunsod ng malawakang pamamaslang sa mga maralitang komunidad. Hindi bababa sa 12,000 mamamayan ang pinatay ng PNP, kabilang ang 31 na menor-de-edad. Lalong nailantad ang kahungkagan ng



Inilunsad nito ang marahas na pagsupil sa maralita, pambansang minorya, at rebolusyunaryong kilusan ng masa gamit ang kumbinasyon ng Martial Law at maramihang pamamaslang.



kampanya ni Duterte nang gamitin nito ang kapangyarihan at impluwensya upang pagtakpan ang pagkakadawit ng anak nitong si Paolo Duterte sa ismagling ng P6 bilyong halaga ng shabu sa bansa. Lumilitaw na ginagamit lamang ni Duterte ang ‘giyera kontra-droga’ upang paburan ang isang grupo sa kartel ng droga habang walang habas na pinapaslang ang mga maralita. Pinaulanan naman ng mga bomba at bala ang syudad ng Marawi sa bihis ng “giyera kontra-terorismo” kung saan hindi bababa sa ilang libo ang namatay habang nasa 300,000 ang sapilitang lumikas. Unti-unting nalalantad ang pangekonomiyang interes ng rehimeng USDuterte sa likod ng pagpapatupad ng Batas Militar, pangwawasak sa Marawi, at pang-aapi sa mamamayang Moro. Ginagamit ang giyera kontra-terorismo at pagpapalaganap ng Islamophobia

(Itutuloy sa pahina 2...)



Ang gobyernong nakasandig sa panunupil, pandarahas, militarisasyon, at programang kontra-rebolusyon upang panatilihin ang naghaharingsistema ay mabilis na nahihiwalay sa masa.



(...Mula sa pahina 1) upang bigyang katuwiran ang marahas na pagsupil sa mamamayang Moro na nagtatanggol ng kanilang lupang ninuno laban sa pandarambong ng likas na yaman sa Mindanao. Nagkakandarapa ang malalaking dayuhang bangko, negosyo, at burukrata-kapitalista para sa mga proyektong Build-build-build at “rehabilitasyon” sa Marawi na pagkukunan ng dambuhalang kita at tubo. Pinakawalan din ng rehimeng US-Duterte ang pwersa ng AFP upang takutin, arestuhin, at patayin ang mga aktibista at masang lumalaban sa kanayunan. Sa ilalim ng Oplan Kapayapaan at all-out war, umabot na sa 78 ang pinatay at 848 ang iligal na inaresto. Pangunahing biktima nito ang mga sibilyan at lider ng pambansang minorya at magsasaka. Ilampung libong pamilya na rin ang lumikas at 33 paaralang lumad ang sapilitang isinara dahil sa walang humpay na pag-atake at panghaharass ng AFP. Sa kumbinasyon ng Oplan Tokhang at Martial Law, paparami ang bilang ng kabataan na biktima ng ekstrahudisyal na pagpatay ng AFP at PNP. Kabilang sa kabataang naging biktima ng pagtortyur at pagpatay ay sina Kian Lloyd Delos Santos (17), Carl Angelo Arnaiz (19), at Reynaldo de Guzman (14). Samantala, isang kabataang Lumad mula sa Talaingod, Davao del Norte na si Obillio Bay-ao (19) ang pinatay ng mga grupong paramilitar ng AFP. Nagpapakalasing sa kapangyarihan si Duterte at ginagamit ang kontrol sa mga institusyon upang konsolidahin

2 | Kalayaan - Setyembre 2017

at monopolisahin ang kapangyarihang pang-estado. Kinonsolida nito ang mga panginoong may-lupa at malaking burgesya komprador sa pamamagitan ng pagbubuo ng super majority sa Senado at mababang kapulungan ng Kongreso. Gagamitin nya ito upang isulong ang Charter Change, pederalismo, at paghihirang ng mga opisyal sa antasbarangay upang mapalawig ang kontrol sa buong bansa. Pinasok nito ang malalaking proyektong pang-imprastraktura upang silawin sa kickback ang mga burukratakapitalista at imintina ang katapatan ng mga kroni at alipores nito sa rehimen. Maliban sa paggamit sa gera kontra droga upang atakehin ang bahagi ng naghaharing-uri na karibal sa pulitika, ginagamit din nito ang kontrol sa Kongreso upang isulong ang pagpapaalis ng mga opisyal ng gobyerno tulad nina Chief Justice Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita Morales upang ipuwesto ang kaniyang mga tao. Tinanggal na rin ang mga progresibo at maka-Kaliwang miyembro ng gabinete upang magbigay-daan sa paghihirang sa mga militarista na walang patumanggang magpapatupad ng mga dikta ng rehimen at ng imperyalismong US. Samantala, tuluytuloy rin ang pagbibigay-pabor ni Duterte sa pamilyang Marcos. Pinahintulutan nito ang paglilibing sa diktador sa Libingan ng mga Bayani at mistulang abogado sa paglilinis ng imahe nito sa mata ng publiko. Sa paglala ng krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunan, lalong kumakapit si Duterte sa imperyalistang US, sa mga kasapakat nito sa naghaharing-uri, at sa pasista at militaristang AFP at PNP. Ang gobyernong nakasandig sa panunupil, pandarahas, militarisasyon, at programang kontra-rebolusyon upang panatilihin ang naghaharing-sistema ay mabilis na nahihiwalay sa masa. Todo ang pananalakay ng rehimeng USDuterte sa karapatan at kabuhayan ng mamamayan. Patuloy na ipinagkakait ang tunay na reporma sa lupa, pinabababa ang sahod ng manggagawa, pinalalawig ang kontraktwalisasyon, at pinahihirapan ang mamamayan ng tuluy-tuloy na pagtataas ng presyo ng bilihin, pabigat na mga buwis, demolisyon, at iba pang atake sa kabuhayan. Sa ganitong kalagayan, lalong lumalalim ang mithiin ng masa na magkaroon ng tunay na pagbabago sa lipunan. Nababatid nila na hindi kinakatawan ng kasalukuyan at nagdaang rehimen ang kanilang interes para sa tunay na reporma sa lupa,

pambansang industriyalisasyon, kalayaan, at demokrasya. Dapat puspusang ilantad, ihiwalay, at labanan ang rehimeng US-Duterte. Ibuhos sa lansangan ang malapad na nagkakaisang hanay na lumalaban sa maramihang pagpatay at marahas na pagsupil sa mga demokratikong karapatan at kalayaan. Likhain ang malapad na hanay ng mga progresibong pwersa na lumalaban sa pasismo at sumusuporta sa antipyudal na kilusan sa kanayunan. Pahungusin ang papalaking bilang ng kabataan patungo sa kanayunan upang mag-ambag sa pagpapalawak at pagpapalakas ng digmang bayan at armadong pakikibaka sa kanayunan. Ang pagpapaigting at paglawak ng digmang bayan at armadong pakikibaka sa kanayunan ang magtatanggol sa mamamayan hanggang masaid ang lakas ng armadong pwersa ng kaaway. Digmang bayan ang sagot sa Martial Law at pasismo ng estado. Ipundar natin ang solidong lakas ng masa para sa rebolusyon, hindi lamang upang labanan ang kasalukuyang pasistang rehimeng US-Duterte, kundi upang ibagsak ang buong nabubulok na naghaharing sistemang pinanatili ng imperyalistang US, malalaking burgesya komprador, at panginoong may-lupa. Itindig ang lipunang may tunay na kalayaan at demokrasya na tumatanaw sa isang sosyalistang bukas.



Ang pagpapaigting at paglawak ng digmang bayan at armadong pakikibaka sa kanayunan ang magtatanggol sa mamamayan hanggang masaid ang lakas ng armadong pwersa ng kaaway. Digmang bayan ang sagot sa Martial Law at pasismo ng estado.



Ilantad ang pang-ekonomikong interes sa likod ng Martial Law sa Mindanao! KINUKUNDENA NG KM ang plano ng rehimeng US-Duterte na muling pagkakitaan ang pagdurusa ng mamamayang Moro. Sa ilalim ng programang ‘rehabilitasyon’ ng rehimen, lalong malulugmok sa kahirapan ang mga biktima sa Marawi sa ngalan ng tubo para sa dayuhan at iilan. Mahigit tatlong buwan nang isinasagawa ng AFP ang walang-habas na pambobomba at malawakang airstrike sa siyudad ng Marawi. Ganap na ang pagkawasak ng siyudad na maihahalintulad sa Aleppo, Syria. Sa loob ng panahon ito, hindi bababa sa isang libong sibilyan ang namatay at 300,00 naman ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan. Kasabay ng mapangwasak na pagatake, umusbong ang ispekulasyon sa posibleng real estate value ng siyudad. Sa katunayan, wala pang isang buwan matapos magsimula ang krisis sa Marawi, pinirmahan na ni Duterte ang programang ‘Bangon Marawi’ na may pondong hindi bababa sa P10 bilyon. Plano nitong gawing sentro ng turismo ang siyudad sa mga susunod na taon. Nitong nakaraang linggo, inanunsyo ni Ernesto Pernia, isa sa pinakamasugid na tagapagtaguyod ng neoliberalismo at kalihim ng NEDA, na ang Asian Development Bank (ADB) at World Bank (WB) ang magbibigay ng napakalaking halaga para sa ‘Bangon Marawi’. Ang ADB-WB ay mga dayuhang institusyong

pampinansya na kinokontrol ng U.S. na nakakapagdikta sa ekonomiya at pulitika ng mga bansa sa pamamagitan ng mga ayuda at pautang. Umaaligid na sa Marawi ang mga buwitreng burgesya-komprador na naglalaway sa ideya ng napakalaking kita. Si Dennis Uy, negosyante at kilalang kroni ni Duterte mula sa Davao, ay naglaan ng P100 milyon para sa proyektong ‘rehabilitasyon’. Gayundin ang ginawa nina Gokongwei, Ramon The, Enrique Razon Jr., at Henry Sy. Samantala, ang TierOne Communications International, isang multinasyunal na kumpanya mula sa Australia, ay maglalagak ng P3 bilyong pondo para sa Mindnao, kalakhan nito ay para sa Marawi. Ang Bangon Marawi na pangunahing itinutulak ng dayuhang kapital ay tiyak na mangangahulugan ng pang-aagaw sa lupang ninuno ng mamamayang Moro at pagsasamantala sa kanilang lakaspaggawa. Hindi pa man nakakabalik ang mga bakwit mula sa Marawi, pinaghahandaan na ng rehimeng USDuterte ang muling pagpapalayas sa kanila sa ngalan ng tubo. Ganito ang istilo ng mga proyektong ‘rehabilitasyon’ at turismo na ginawa sa Eastern Visayas matapos ang Bagyong Yolanda. Bukod sa Marawi, nakahanda ring magbuhos ng dayuhang kapital sa iba pang bahagi ng Mindanao. Sa

ilalim ng proyektong Build-build-build ni Duterte, bilyun-bilyong halaga ng proyektong pang-imprastraktura ang inutang nito sa China upang ilagak sa Mindanao. Nakatakdang gumanansya nang napakalaki ang mga burukratakapitalista ng Mindanao, kabilang ang pamilyang Duterte, mula sa mga kontrata ng proyektong pang-imprastraktura. Upang masiguro ang planong ito, nakaamba ang rehimen na lalong paigtingin ang militarisasyon sa Marawi. Inihahanda ngayon ng rehimen ang pangmatagalang pananatili ng pasistang AFP sa lungsod. Ayon sa DND, nasa sentro ang Engineering Batallion ng AFP sa implementasyon ng nasabing programa. Bukod pa rito, muling binubuhay ang dikretong ipinasa noong 1953 na nagsasaad na 80% ng lungsod ay nakalaan bilang military reservation. Dapat puspusang ilantad at labanan ang mga programa ng rehimen na nagpapanggap na programang ‘pangkaunlaran’ o ‘rehabilitasyon’ ngunit itinutulak ng interes para sa pribadong tubo at umaatake sa pang-ekonomikong interes ng mamamayan. Kasabay ng paglalantad sa malawakang paglabag sa karapatang-tao na dulot ng Martial Law sa Mindanao, tungkulin nating ilantad ang pang-ekonomikong interes ng dayuhang negosyo at lokal na naghaharing-uri. Tuntungan ito upang lubos na maunawaan ang pangunahing salot sa lipunang Pilipino na nagpapahirap at sumusupil sa mamamayan.

Kalayaan - Setyembre 2017 | 3

Suportahan ang pakikibaka ng pambansang minorya at katutubo para sa sariling pagpapasya! Ilan sa pangunahing manipestasyon ng pambansang pang-aapi ay ang (1) hindi pagkilala sa karapatan sa lupang ninuno at likas na yaman na kabilang dito; (2) hindi pagkilala sa mga katutubong sistemang sosyopulitika at pampulitikang misprepresentasyon; (3) istorikal na kapabayaan ng pambansang pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyong panlipunan sa mga katutubong pamayanan; (4) institusyunalisadong diskriminasyon; at (5) komersyalisasyon at misrepresentasyon ng katutubong kultura.

TULAD NG MGA NAGDAANG PAPET NA REHIMEN, nananatiling patakaran ng rehimeng US-Duterte ang pambansang pang-aapi sa mga pambansang minorya at katutubo. Sa ilalim ng maka-imperyalista at pasistang paghahari, lalong lumala ang pagsasamantala, pang-aapi, at pambubusabos sa kanila. Sa ilalim ng todo-giyera ni Duterte laban sa rebolusyunaryong kilusan, naging pangunahing target ng iligal na pag-aresto, pananakot, at pamamaslang ang mga Lumad ng Mindanao at iba mga katutubo sa iba’t ibang lugar na patuloy na nagtatanggol sa kanilang lupang ninuno at kabuhayan. Lalo pa itong pinatindi ng Batas Militar sa Mindanao at gera kontra-terorismo na nagpatindi ng pang-aapi sa mamamayang Moro. Ang mga pambansang minorya ay ispesyal na sektor ng lipunan na napangalagaan at nadepensahan ang kanilang mga katutubong tradisyon sa ekonomiya, pulitika, at kultura. Ito ay sa kabila ng kampanyang pananakop ng mga Espanyol, Amerikano, at Hapon. Halimbawa ng mga grupo ng minorya ang mga Igorot ng Kordilyera, mga Moro at Lumad ng Mindanao, Aeta ng Gitnang Luzon, Aggay ng Cagayan Valley, Dumagat ng Timog Katagalugan, Mangyan ng Mindoro, at Tumandok ng Panay. Katulad ng mayora ng mamamayang Pilipino, ang mga pambansang minorya ay nakakaranas ng matinding pagsasamantala at kahirapan sa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na lipunan. Dagdag pa rito, sila ay nakakaranas din ng pambansang pang-aapi. Ang pambansang pang-aapi ay ang paglabag sa karapatan ng mga pambansang minorya sa sariling pagpapasya sa ekonomiya, pulitika, at kultura. Ito ay sanhi ng patuloy na pagsasailalim ng ekonomiya at pulitikang pambansa sa pyudal at imperyalistang kontrol (partikular ng imperyalismong US), sa pamamagitan at pamamalakad ng papet na gobyerno. Ang mga naghaharing-uri ang pangunahing nagpapalaganap ng pambansang pangaapi upang bigyang katuwiran ang panghihimasok, pang-aagaw ng lupang ninuno, at pagsasamantala sa kanila.

4 | Kalayaan - Setyembre 2017

Simula nang itatag ang malakolonyal na estado, pinasidhi at pinalala ng nagdaang mga rehimen ang pambansang pang-aapi na dinaranas ng pambansang minorya. Noong panahon ng US-Marcos, tinangkang dambungin ang mga likas na yaman sa Kordilyera sa pamamagitan ng proyektong direktang pinondohan ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB) kagayan ng Chico River Basin Dam Project at Cellophil Project. Panahon ni Cory Aquino, pinalakas at pinalaganap nito ang mga grupong paramilitar na nambiktima rin sa mga pambansang minorya. Sa panahon ng US-Ramos, isinabatas ang pandarambong ng likas na yaman sang-ayon sa dikta ng General Agreement on Tariffs and Trade at World Trade Organization (GATT-WTO). Sa dekadekadang kampanyang pagsupil na inilulunsad ng AFP, pangmalagiang biktima ang mga minorya at katutubo sa kanayunan. Mahaba ang kasaysayan ng pakikibaka at kabayanihan ng mga pambansang minorya at katutubo sa pagtatanggol ng lupang ninuno at karapatan sa sariling pagpapasya. Dahil sa tindi ng pang-aapi at pasismong nararanasan, marami sa mga katutubong mandirigma ang nagpapasyang lumahok o makipagtulungan sa armadong pakikibaka ng NPA. Itinatatag ang mga lupang ninuno bilang mga muog ng rebolusyunaryong kilusan. Dapat suportahan ang panawagan ng mga pambansang minorya para sa sariling pagpapasya. Magmulat ng kapwa kabataan hinggil sa pambansang pang-aapi at pagsasamantalang nararanasan nila. Mahigpit itong i-ugnay sa pambansa demokratikong pakikibaka na may layuning lumaya mula sa kontrol ng imperyalismong US at isulong ang reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, at itaguyod ang pambansa, siyentipiko, at pangmasang kultura at edukasyon. Tumungo sa kanayunan bilang mga organisador at hukbo ng bayan. Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan hanggang tagumpay!

Ulat mula kay Kidawa Dayawen

SUMUSULONG ANG REBOLUSYON SA KORDILYERA! SA KABUNDUKAN NG KORDILYERA, sumusulong at lumalakas ang daluyong ng rebolusyunaryong kilusan ng kabataan at estudyante sa kanayunan. Sunud-sunod ang mga pagabante sa iba’t ibang probinsya ng rehiyon. Nakapagbuo ang Kabataang Makabayan-Demokratiko a Tignayan ti Agtutubo iti Kordilyera (KM-DATAKO) ng bagong balangay sa Kalinga at Mountain Province nitong nakaraang buwan habang patuloy na lumalakas ang balangay nito sa Abra. Noong Disyembre 27-28, 2016, matagumpay na inilunsad ang kumperensya ng KM-DATAKO, ang rebolusyunaryong samahan ng mga katutubo, sa isang sonang gerilya ng Lejo Cawilan Command New Peoples Army (NPA) sa Kalinga. Itinayo ang balangay ng KM-DATAKO sa probinsya matapos ang kumperensya. Nagpanawagan ito ng pagpapalakas ng organisasyon at pagsampa ng katutubong kabataaan sa NPA. Halos 100 representante ng katutubo at mga estudyante mula sa iba’t ibang munisipyo at baryo ng Kalinga ang dumalo sa nasabing kumperensya. Sa dalawang araw na aktibidad, nagkaroon ng pag-aaral tungkol sa Lipunan at Rebolusyong Pilipino at mga workshop ng grupo ng bawat munispyo’t baryo upang pag-usapan ang mga problema sa bawat komunidad at paano ito lulutasin.

upang harapin at sagutin ang lumalalang krisis ng lipunang Pilipino at paghahanda para sa kampanyang pagpaparami ng bilang ng sumasampang katutubong kabataan. Nito lamang Hulyo 2017 sa Mountain Province, isang kumperensya naman ang inlunsad ng KM-DATAKO upang pormal na itayo ang pamprobinsyang balangay ng Mountain Province at palakasin ang pag-oorganisa at pakikibaka sa hanay ng mga kabataan. Tampok sa kumperensya ang pagbibigay-aral ng mga hukbo mula sa Leonardo Pacsi Command (LPC) ng NPA sa mga kabataang delegado ukol sa tatlong integral na sangkap ng Demokratikong Rebolusyong Bayan. Tinalakay rin sa nasabing kumperensya ang kasalukuyang sitwasyon ng mga kabataan sa Kordilyera. Nananatiling kolonyal, komersyalisado, at pasista ang sistemang pang-edukasyon. Malawakan ang pagkakait ng gobyerno sa libreng edukasyon at kawalan ng trabaho sa ating bansa. Alinsunod sa tema ng kumperensya na “Kabataan, Irebolusyonisa ti Kaaw-awayan! Iyabante ti Nasedsed ken Nalawa a Gerilya a Pannakigubat! Sumampa iti Bagong Hukbong Bayan!”, nagkaroon ng pagbabahagi ang mga kasamang hukbo at mga kabataan hinggil sa pagsampa sa kanayunan. Ibinahagi ng mga hukbo kung paano nila pinangibabawan ang mga sariling kontradiksyon upang sumampa at sumanib sa NPA. Ang mga pagsulong na ito ng KM-DATAKO sa Kordilyera ay simula pa lamang ng mas malalaki pang tagumpay sa hinaharap. Nananatiling aral at hamon sa kabataan na igpawan ang pansariling interes upang lubusang maglingkod sa sambayanan. Ang pagsapi sa hukbong bayan ang nangunguna at mabisang paraan upang pawiin ang mga ugat ng kahirapan at krisis sa bayan. Tungo sa Tagumpay!

Bumuo rin ng komprehensibong plano para sa pagpapaunlad ng pagkakaisa ng mga katutubong kabataan sa mga munisipyo at ng probinsya. Bago matapos ang kumperensya, bumoto ang mga katutubo para sa Komiteng Tagapaganap ng KM- DATAKO sa probinsya. Maliban sa diskusyon at mga pag-aaral, nagpalabas ang mga kasamang NPA at mga delegado hinggil sa paglaban ng mamamayan sa Kordilyera. Pagkatapos ng kumperensya, sumali ang KMD-Kalinga sa selebrasyon ng ika-48 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas na may temang ‘Gubat ti Umili, Kappia ti Umili’ (Laban ng Mamamayan, Paglaya ng Mamamayan). Sa Abra, dumarami ang miyembro ng KM-DATAKO Abra na sumasampa as NPA. Regular ang pagpasok ng mga kasapi ng lokal na balangay sa mga sonang gerilya at kampo ng Agustin Begnalen Command ng NPA. Aktibo ang mga kabataan ng Abra na tumutulong sa NPA sa trabahong teknikal tulad ng pangongolekta at pangangalap ng suplay at iba pang kagamitan. Maliban dito, aktibo rin ang mga kabataan sa mga pag-aaral na inilulunsad sa loob ng sonang gerilya. Noong Pebrero 2017, naglunsad ito ng pag-aaral tungkol sa Espesyal na Kursong Masa hinggil sa Digmang Bayan na inilunsad ng yunit ng NPA. Mayroon mang mga klase at trabaho sa bukid, siniguro ng mga kabataan ang pagdalo sa pag-aaral. Ang pag-aaral ay parte ng kampanya para sa pagpapaunlad sa kapasidad ng katutubong kabataan



Kalayaan - Setyembre 2017 | 5

MARIING KINOKONDENA ng KM ang tumitinding pamamaslang at pasistang atake ng rehimeng US-Duterte laban sa kabataan at mamamayan. Nagresulta sa napakaraming kabataan at menorde-edad na biktima ang patakaran ng pamamaslang ng rehimen. Ilan sa mga ito ay sina Kian Lloyd delos Santos (17), Carl Arnaiz (19), Reynaldo de Guzman (14), at Obillo Bay-ao (19). Simula nang maupo sa kapangyarihan, hindi bababa sa 13,000 maralita na ang pinapaslang ng ‘gera kontra-droga’ ni Duterte. Higit sa 31 sa mga ito ay tulad nina Kian, Carl, at Reynaldo na mga kabataan at menor-de-edad. Lahat ng mga ito ay pinatay nang walang kalabanlaban at ang ilan ay tinortyur pa. Noong Mayo, isang sanggol ang pinatay kasama ang 4 pang iba sa isang reyd sa Maguindanao. Ayon kay Duterte, ang ganitong kaganapan ay normal lamang. Ang mga biktima tulad ni Kean, Carl, at Reynaldo ay ‘collateral damage’ lamang sa pananaw ng rehimen. Hindi rin tumitigil ang pasistang atake sa kanayunan sa ilalim ng Batas Militar at todo-giyera sa Mindanao. Isa sa mga

pinakahuling biktima nito ay si Obillo Bay-ao, isang 19 na taong gulang na estudyanteng Lumad mula sa Talaingod, Davao del Norte. Siya ay pinagbabaril ng mga elemento ng CAFGU. Simula nang pagbantaan mismo ni Duterte na susunugin ang mga paaralang Lumad, lalong tumindi ang pag-atake sa kanilang mga komunidad. Pinakawalan nya ang kanyang mga asong ulol na AFP at paramilitar para maghasik ng takot at karahasan sa kanayunan. Pilit ngayong itinatanggi ni Duterte na patakaran ng kanyang rehimen ang pagpatay. Ngunit malinaw na simula pa lamang, hinihikayat na nya ang mga pulis at militar na gumamit ng marahas na pagsupil sa mga sa kanayunan at kalunsuran. Sa katunayan, matapos ang ‘one-time, bigtime’ na operasyon sa Bulacan, Maynila, at Caloocan, idineklara pa nito na dapat ituluy-tuloy ang maramihang pagpatay sa pinaghihinalaang sangkot sa droga at krimen. Sa kabila ng mga hungkag na repormang ipinagmamalaki ni Duterte, malinaw na sagad-sagaring kontra-kabataan at mamamayan ang kaniyang rehimen. Sa kasalukuyan, isinusulong ang mandatory

drug testing na magdadala ng Oplan Tokhang sa mga hayskul at kolehiyo. Dagdag pa, ipinapipilitan ding ipatupad ang mandatory ROTC na direktang magpapasailalim sa kabataan sa panunupil ng estado. Sa pamamagitan din nito, gagawin silang kasangkapan sa pag-atake sa karapatan ng kapwa kabataan. Habang tumitindi ang pasistang atake ng estado, lalong lumilinaw ang pangangailangan na mag-organisa at makipagkaisa sa malawak na hanay ng mamamayang sinusupil at inaapi. Tumungo sa mga komunidad at sa kanayunan upang buuin ang malawak na alyansa at ugnayan ng mga kabataan laban sa oplan tokhang at todo-giyera. Pangunahan ang tuluy-tuloy at papalawak na mobilisasyong masa bilang parte upang himukin ang mamamayan, kabilang ang mga panggitnang pwersa, na humanay sa malapad na kilusang anti-pasista. Inaakala ng pasistang diktaduryang USDuterte na masisindak ang mamamayang Pilipino sa harap ng pandarahas nito. Sa halip, itinutulak lamang nito ang malawak na hanay ng kabataan at mamamayan na tumangan ng armas upang wakasan ang pambubusabos sa ilalim ng sistemang malapyudal at malakonyal.

Tumindig, mag-organisa, at labanan ang pamamaslang sa mga kabataan

6 | Kalayaan - Setyembre 2017

Paparaming kabataan-estudyante, sumasampa sa NPA PAPARAMI ANG BILANG ng kabataang intelektuwal mula sa mga pamantasan sa Kamaynilaan ang nagpapasyang sumampa sa New Peoples Army (NPA). Sa bawat buwan sa loob ng nakaraang isang taon, tuluy-tuloy ang pagpapadala ng mga kadre at kasapi upang magsilbi sa armadong pakikibaka sa kanayunan. Maihahanay sila bilang pinakamahuhusay na kabataan at estudyante ng kanilang panahon na namulat sa pagsasamantala at pang-aapi ng imperyalismo, burukratakapitalismo, at pyudalismo. Marami sa kanila ay mga aktibistang kadre na pinanday ng pakikibakang masa sa kalunsuran, at nagpasyang tumangan ng mas mataas na porma ng pakikibaka sa kanayunan. Bilang mga kabataang intelektuwal na may inabot na mataas na edukasyon, madali nilang nagagap ang teorya at mga aral ng demokratikong rebolusyong bayan.

Ngayon, patuloy silang nagpapalalim ng kaalaman at karanasan sa buhay at rebolusyon ng masa sa kanayunan. Mapagpasya nilang pinangibabawan ang mga kontradiksyon, ang makauri at pansariling interes upang yakapin ang prinsipyo ng simpleng pamumuhay at puspusang pakikibaka. Pinanghawakan nila ang kawastuhan ng pag-aalay ng lakas at talino para sa rebolusyon at tumangging magpagamit sa naghaharing-uri at mga institusyong burges. Ang pasistang pananakot at pagsupil ng rehimeng US-Duterte sa mamamayan ay lalo lamang nagpapatibay sa kapasyahan ng kabataan-estudyante na lumahok sa armadong pagtatanggol. Lalo lamang lumalalim ang kagustuhan nitong magambag sa pagkakamit ng tagumpay ng rebolusyon. Pinagpupugayan

facebook.com/kmpambansa

ng

KM

ang

kabataang-estudyante na nagpasyang sumampa at hinihikayat ang mas marami pang aktibistang lungsod na lumahok sa armadong pakikibaka sang-ayon sa linya ng matagalang digmang bayan. Hindi tumatanda ang limampung taong demokratikong rebolusyon ng bayan dahil nagpapatuloy ang pagdaloy ng mga kabataang kadre at kasapi upang magarmas at palayain ang kanayunan sa labi ng pyudalismo. Malaking bilang ng mga pormasyon ng hukbo ay binubuo ng mga kabataang taglay ang sigla’t lakas ng pag-iisip at pangangatawan. Anumang kampanya ng pasistang pagsupil ang ilunsad ng estado, hinding-hindi nito matatalo ang bagong hukbong bayan. Sumusulong ang rebolusyon sa kanayunan, lumalawak ang mga larangan, at tiyak ang pagtatagumpay! Kabataan, sumampa sa NPA!

mga

[email protected]

Kabataan, Tumungo sa Kanayunan! Matuto mula sa Masa! BILANG BAHAGI NG PAGTUPAD sa tungkulin na malakas na mag-ambag sa kilusang anti-pyudal at armadong pakikibaka sa kanayunan, nananawagan ang KM sa lahat ng balangay nito na ilunsad ang kampanya ng pagtungo sa kanayunan, pagkatuto sa batayang masa, at pagsuporta sa mga larangan at sa hukbong bayan. Saligang oryentasyon ng KM, bilang batayang organisasyong masa ng kabataan sa kanayunan at lihim na organisasyong masa sa kalunsuran, ang sumanib at kumilos sa kilusang magsasaka upang lutasin ang problema sa lupa at magsilbi sa demokratikong rebolusyong bayan. Layunin natin ang masiglang lumahok, sumuporta, at magsulong ng armadong pakikibaka at magsilbing malalim na balon na pinanggagalingan ng Pulang mandirigma ng BHB. Susi ang paggampan dito sa pagrebolusyunisa ng kilusang kabataangestudyante at paglulunsad ng rebolusyong pangkultura. Mahalaga ito sa paglikha ng kontra-agos sa mga eskuwelahan na nagpapalaganap ng alienasyon sa batayang masa at sa tendensya ng partikularistang pagtanaw sa mga isyu at pakikibaka ng masa. Layunin natin na malakihang magmobilisa ng mga masa at masang aktibista tungo sa mga sakahan, mga baryo, at larangan. Magsagawa ng panlipunang pagsisiyasat at pag-aralan ang iba’t ibang tipo ng

8 | Kalayaan - Setyembre 2017

pagsasamantalang pyudal sa batayang masa ng kanayunan. Tuntungan ito upang higit na maunawaan ang kawastuhan ng paninindigan at programa sa lupa ng pambansa demokratikong rebolusyon. Magbigay ng pag-aaral sa mga maralitang magsasaka at manggagawang-bukid sa kanayunan para sa paglahok sa demokratikong rebolusyong bayan. Dalhin ang mga isyu ng masa sa partikular na baryo o probinsya bilang pambansang usapin. Ibrodkast sa mga eskuwelahan ang suliranin sa kanayunan at pukawin ang malaking bilang ng kabataan at panggitnang pwersa upang suportahan ang kanilang pakikibaka. Hikayatin natin ang kabataan na tuklasin ang kanilang rebolusyunaryong potensyal sa paglilingkod sa pakikibaka ng masang anakpawis sa kanayunan. Pasampahin ang pinakamahuhusay na kabataan at estudyante sa hukbong bayan. Dapat mag-organisa ng mga caravan ng kabataan upang maramihang tumungo sa kanayunan at mag-eksposyur ng tatlong araw hanggang isang linggo. Kaakibat nito, buuin ang mga pangkat-deployment

at integrasyon na may programa ng dalawang linggo hanggang ilang buwan upang pumaloob sa mga organisasyong pangmasa at hukbong bayan sa kanayunan. Bawat balangay ay dapat magpaunlad ng ugnayan at pakikipagtulungan sa mga organisasyong masa sa kanayunan upang gawing sustinido ang gawain sa batayang masa at pagtatalaga ng mga kadre at kasapi sa kanayunan. Sa bawat panahon, magmobilisa upang suportahan ang pakikibaka ng mga magsasaka, pambansang minorya, at masang anakpawis sa kanayunan. Maksimisahin ang iba’t ibang daluyan ng impormasyon upang i-ulat ang kalagayan ng batayang masa sa iba’t ibang erya. Ugaliin ang pag-uulat sa kalagayan at pagbabahagi ng updates ng pakikibaka sa mga pulong ng balangay. Gamiting daluyan ang mga publikasyon, bidyo, at social media upang ipalaganap ang kanilang mga isyu at maghikayat ng integrasyon ng mga kabataan. Higit sa lahat, dapat palakasin ang suporta sa pangunahing porma ng pakikibaka ng kilusang rebolusyunaryo. Sa bawat balangay, buuin ang tiyak na plano ng pagpapadala ng suportang materyal at personel sa NPA. Buuin ang programa ng eksposyur at integrasyon sa mga sonang gerilya. Ikampanya sa mga kabataan na dapat pakamahalin ang hukbong bayan at maramihang sumampa sa NPA.