ASPEKTO NG PANDIWA BATAY SA PANLAPING GINAMIT

Aspekto ang tawag sa katangian ng pandiwa na nagsasaad ng isang kilos na naganap, nagaganap, ... uulit sa unang pantig ng salitang-ugat. Halimbawa - m...

87 downloads 833 Views 231KB Size
ASPEKTO NG PANDIWA BATAY SA PANLAPING GINAMIT Magandang araw sa iyo! Kapag natapos mo ang modyul na ito masusuri mo na ang mga pagbabago sa anyo ng pandiwa batay sa aspekto ng panlaping ginagamit.

Pagbalik-aralan Mo

A.

Naaalala mo pa ba ang mga ginawa mo kaninang umaga? Ano naman ang ginawa mo ngayon? Ano naman ang gagawin mo mamaya? Itala mo sa hanay sa ibaba.

Ginawa ko kaninang umaga

Ginagawa ko ngayon

Gagawin ko mamaya

Masipag ka palang bata. Marami ka palang kayang gawin. Ipagpatuloy mo!

1

B.

Iayos ang mga titik upang makabuo ng pandiwa. 1. 2. 3. 4.

tawumi agmabas smalutu idinilgid

(ginagawa mo kapag itinataas ang watawat) (may hawak kang aklat) (may pinakopya ang guro) (ginagawa mo tuwing umaga sa mga halaman)

kung ganito ang sagot mo, tama ka! 1. 2. 3. 4.

umawit magbasa sumulat dinidilig

PAG-ARALAN MO

Para ano? Huhuli ba tayo ng isda?

Halika na Ben. Tayo nang pumunta sa ilog

Pero sa isang kundisyon, hindi tayo maliligo.

Bahala na! basta sumama ka sa akin

2

A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno. 1. 2. 3.

Saan nais pumunta ng dalawang bata? Ano ang gagawin nila doon? Ano ang hinihinging kundisyon ni Ben?

Ganito ba ang sagot mo? 1. Sa ilog 2. huhuli ng isda 3. hindi sila maliligo Anu-ano ang mga pandiwang nabanggit sa dayalogo? Isulat mo ito sa hanay sa ibaba. Pandiwang Ginagamit sa dayalogo

Salitang ugat

Panlapi

pumunta sumama huhuli malilligo

punta sama huli ligo

um um hu ma

Magaling! Napatunayan mo na ang pandiwa ay binubuo ng salitang-ugat at panlapi. B. Ngayon ay pansinin mo at suriin ang pagbabago sa anyo ng pandiwa. Salitang ugat 1. 2. 3. 4.

lakad kuha isulat luto

Ginanap

Ginaganap

naglakad kumuha sumulat niluto

naglalakad kumukuha sumusulat niluluto

Gaganapin maglalakad kukuha susulat lulutuin

Napansin mo ba ang pagbabago sa anyo ng mga pandiwa batay sa aspekto at panlaping ginagamit tulad ng: Naglakad – ang nag ay naging mag sa aspektong gaganapin at inuulit ang pantig na la sa aspektong ginaganap.

3

Ganyundin din sa sumusunod pang pandiwa. Ano ang pagbabago sa anyo ng pandiwang kumuha? sumulat? niluto? Tama ba ang iyong pagsusuri? Magaling! C.

Isulat ang pandiwang nawawala ayon sa aspekto nito:

Ginanap 1. kinalimutan 2. 3. 4. tumakbo 5.

Ginaganap

Gaganapin

nagdarasal darating sinasakop

Mahusay ka, kung ganito ang sagot mo.

Ginanap 1. 2. nagdasal 3. dumating 4. 5. sinakop

Ginaganap kinakalimutan dumarating tumatakbo

Gaganapin kakalimutan magdarasal tatakbo sasakupin

ISAISIP MO

Aspekto ang tawag sa katangian ng pandiwa na nagsasaad ng isang kilos na naganap, nagaganap, o magaganap pa lamang. May tatlong aspekto ang pandiwa. 1.

2.

Naganap na – ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagkakabit ng panlapi o gitna ng salitang-ugat lamang. Halimbawa - maglaro Nagaganap – ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagkakabit ng panlapi sa unahan o gitna ng salitang-ugat at pag-uulit ng unang pantig sa salitang-ugat.

4

Halimbawa - naglalaro Gaganapin pa lamang– ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagkakabit ng panlapi sa unahan o hulihan ng salitang-ugat at paguulit sa unang pantig ng salitang-ugat. Halimbawa - maglalaro

3.

Pagsanayan Mo

Piliin ang mga pandiwang ginagamit sa talata. aspekto nito sa iyong sagutang papel.

Isulat ang panlapi at

Minsan, isinama ako ni Lolo sa bukid. Masaya sa bukid habang nagtatanim ang mga tao. May tumutugtog ng gitara at may umaawit. Mahusay ka, kung ganito ang sagot mo. Pandiwa Aspekto isinama ginanap nagtatanim ginaganap tumutugtog ginaganap umaawit ginaganap

-

Panlapi in nag um um

SUBUKIN MO

Handa ka na ba sa isa pang pagsubok? Piliin mo sa panaklong ang angkop na pandiwa sa pangungusap. 1. 2. 3. 4. 5.

Labis na (natuwa, natutuwa, matutuwa) ang magulang ni Gloria nang tumanggap siya ng medalya noong nakaraang pagtatapos. (Uminom, Umiinom, Iinom) ng gamot si Aling Aida gabi-gabi. Ang aming pamilya ay (nagbakasyon, nagbabakasyon, magbabakasyon) sa Antipolo sa susunod na Linggo. Ang lalawigan ng Quezon ang (itinuring, itinuturing, ituturing) na pinakamahabang lalawigan sa PIlipinas. (Umawit, Umaawit, Aawit) ang mga kinatawan ng bawat Sangguniang Kabataan sa darating na pista ng bayan.

5

Ganito ba ang iyong mga sagot: 1. 2. 3. 4. 5.

natuwa Umiinom magbabakasyon itinuturing Aawit

Kung di mo nakuha ang lahat ng tamang sagot, balikan mo ang pagsubok. Tingnan ang nagawang pagkakamali. Kung okey naman, matagumpay mong natapos ang modyul na ito. Binabati kita.

6