EPEKTO NG PAGKA-ADIK NG MGA ESTUDYANTE SA CELLPHONE

Taos pusong pasasalamat para sa lahat ng miyembro ng grupo na tumulong para sa lahat ng miyembro ng ... Dahon ng Pagpapatibay ii Pasasalamat...

134 downloads 1932 Views 73KB Size
EPEKTO NG PAGKA-ADIK NG MGA ESTUDYANTE SA CELLPHONE

Isang Pag-aaral na Iniharap sa

Mga Mag-aaral ng

Lapu-Lapu City College

Lungsod ng Lapu-Lapu

Bilang Bahagi ng mga

Gawaing Kailangan sa Pagtamo

Ng Asignaturang Filipino II:PAGBASA AT PAGSULAT

TUNGO SA PANANALIKSIK

iii

PASASALAMAT

Lubos naming pinasasalamatan ang mga taong tumulong sa amin upang magawa naming ang pananaliksik nang maayos at sa mga taong nagging parte ng pagkakabuo ng tesis na ito.Isang espesyal na pasasalamat sa aming guro sa Filipino II , Gng. Juvy Casas na siyang gumabay sa amin upang magawa naming mabuti an gaming tesis na napili. Nais din naming pasalamatan ang mga taong sumuporta sa amin upang magbigay ng lakas ng loob at nanatiling naniniwala na kaya naming itong tapusin.

Pinasasalamatan din namin ang mga taong nagbigay ng kanilang mga ideya upang mabuo at maorganisa ang tesis na ito. Taos pusong pasasalamat para sa lahat ng miyembro ng grupo na tumulong para sa lahat ng miyembro ng grupo na tumulong para maisagawa at matapos nang maayos ang proyekto.

Maraming Salamat po sa inyong lahat!

iv

PAGHAHANDOG

Inihahandog namin ang tesis na ito para sa aming kapwa mag-aaral , malalapit na kaibigan , makukulit na kapatid , malayong kamag-anakan , mga mahahalagang tao sa aming buhay , mga minamahal naming magulang ,mga maaasahang guro at higit sa lahat sa ating Poong Maykapal na siyang gumabay sa amin upang mapagtagumpayan naming itong tapusin nang may tiyaga , determinasyon at lakas ng loob na humarap sa mga hamong kinaharap namin kaugnay sa pagkakabuo ng tesis na ito.

V

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina Pamagat na Pahina

i

Dahon ng Pagpapatibay

ii

Pasasalamat

iii

Paghahandog

iv

Talaan ng Nilalaman

v

Talaan ng mga Talahanayan

vii

Talaan ng Pigyur

viii

KABANATA I ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW Rasyonal na Pag-aaral

1

Teoritikal-Konseptwal na Balangkas

4

Pagpapahayag ng Suliranin

8

Kahalagahan ng Pag-aaral

9

Katuturan ng Talakay

11

KABANATA II KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Kaugnay na Literatura

12

Kaugnay na Pag-aaral

15

KABANATA III METODOLOHIYA KABANATA IV PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG MGA DATOS

KABANATA V NATUKLASAN , KUNGKLOSYON AT REKOMENDASYON

vii TALAAN NG MGA TALAHANAYAN Pahina Talahanayan 1 :

Talahanayan 2 :

vii TALAAN NG MGA PIGYUR Pahina

Pigyur 1 : Teoritikal-konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral Pigyur 2 :

4

KABANATA I ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO

RASYONAL NA PAG-AARAL

Ayon kay Dr.Jose George Los Banos , isang psychiatrist , ang adiksyon ay nagdudulot ng masamang epekto sa isang tao. Dagdag pa nito , naghahatid ito ng di-mabuting impluwensiya para sa isipan ng isang tao na kasabay no’n ay ang pagiging agresibo o biglaang pagbabago sa ugali nito. Bukod ditto , maari din itong makaapekto sa pisikal na kalusugan ng isang tao. At ang isa sa mga pinakaaadikang kagamitan ng mga kabataan sa henerasyon ngayon ay ang cellphone. Isa sa mga patok na gamit ng cellphone ay ang text messaging. Sa ngayon , ito ang pinakamabilis at pinakamura na option sa pakikipagkomunikasyon , lalo na at nauuso na ngayon ang unlitext , sulitext , immortal text at kung anu-ano pa na inaalok ng mga telecommunication company. Kadalasan pa sa mga kabataan ay iniipon ang kanilang pera at minsan pa nga ay tinitiis nila ang hindi kumain upang matustusan lamang ang kanilang pambayad para sa load araw-araw. Ngayon nga ay ginagamit na rin sa panliligaw ang texting para sa mga makabagong kabataan. Para sa mga nakatatanda , ang ganitong uri ng panliligaw ay hindi tama at maayos. Ipinapakita lamang nito na hindi seryoso ang nanliligaw at may “hidden agenda” lamang ito na nais isakatuparan sa kadahilanang takot makipagkilala sa mismong magulang ng sinusuyuan. Ayon pa sa kanila , ang mga kabataan daw ngayon ay napakawild at “erotic” kaya mahirap pasunurin at ibang-iba sa noon. May ilan din na gumagawa ng mga prank call o text bilang katawaan o dahil sa kawalan ng magawa lamang. Kagaya na lamang sa “false alarm” na ipinalabas di umano ng PHIVOLCS dahilan upang magsilikas ang mga residente sa tatlong bayan sa Antique sa takot kasunod nang naganap sa 6.3 magnitude na lindol sa Indonesia. Ngunit ayon sa PHIVOLCS , wala silang ipinalabas na tsunami alert kasunod na naganap na pagyanig kung saan ay

wala umanong kakayahan na mag generate ng tsunami. Ang balitang ito ay ayon sa “Abante News” noong Disyembre 2 , 2013. Idagdag pa dito ang nangyari sa Lucena City , Quezon na kung saan nagdulot ng matinding takot sa mga residente sa mga baybayin ng Tayabas Bay matapos kumalat na may paparating na tsunami sa tatami sa mga bayan ng Macalelou , Sariaya , Candelaria at iba pang lugar. Ngunit , napag-alaman na ito ay peke lamang o false alarm. Ito ay nangyari noong Hulyo 24 , 2014 na ayon sa balita sa “Banat News”. Nagkaroon din ng false alarm sa Cebu noong Pebrero 8 , 2012 ayon sa “Inquirer News” na nagdulot ng sobrang panic para sa mga residente na kung saan ay nag-uunahan silang makalikas sa mas mataas at ligtas na lugar tulad ng bundok. Bakit kaya may mga tao na sadyang mapaglaro ? At ginagamit pa nilang instrumento ang cellphone para mangtakot ng iba at magbigay ng maling impormasyon. Ang iba naman sa mga makabagong kabataan ngayon ay basta-basta na lang tumatanggap ng blinddate o eyeball mula sa isang di-kilalang textmate dahil lang sa nakuha sila sa mga matatamis na salita nito. Tulad na lang sa balitang eyeball ng mag-textmate ay nauuwi sa gang rape sa Pangasinan noong Hulyo 16, 2013 sa “ULAT FILIPINO”. Idagdag pa ang nangyari sa isang estudyante ng UPLB na kung saan ay ni-rape di umano ito ng mismong ka textmate. Ito ay ayon sa “Unang Balita” noong Oktubre 17, 2014. At higit pa na kagulat-gulat na may isang buntis na misis din ang ni-rape ng ka-textmate sa probinsiya ayon sa “Pilipino Star” noong Hunyo 27, 2013. Kahit na nga ang isang 13 taong gulang na dalagita ay ni-rape ng ka-textmate sa Zambo Sur ayon sa “Bombo Radyo” noong Disyembre 27, 2014. At marami pang mga ganitong klase ng kaso na hindi maiiwasan dahil sa kakulanganng tamang paggabay para sa mga kabataan sa paggamit ng cellphone. Ginawa ang gadget na ito upang mappadali ang ating mga gawain at hindi upang tayo ay akitin o magpaakit sa masasamang dulot nito. Ang cellphone din ngayon ay mayroon ng video na nagiging negatibo ang kinalabasan sa mga kabataan , sa kadahilanang pagiistore ng mga sex video o sex scandal na nagiging ugat para mamulat ang mga kabataan at gawin ang mga sensitibo at mahalay na gawain. Ang isa pa sa patok na gamit ng cellphone ngayon ay ang ebook na siyang gustong-gusto at kinahuhumalingan ng halos lahat ng mga kabataang

babae at may ilan din mula sa 20’s at 30’s na edad. Hindi mawawala sa mga ebook ang mga adult genres at porns na pwedeng mabasa ng mga kabataan at ma impluensyahan ang kanilang mga isipan na gumaya sa mga pangunahing karakter ng kwento. Ang ilan sa mga kabataan ay nakaranas nang matulog sa dis-oras ng gabi dahil sa pagbabasa ng ebook mula sa cellphone at kahit puyat na puyat at masakit pa sa mata ang radiation na hatid ng screen sa cellphone mula sa napakahabang oras na pagbababad ay hindi pa rin tumitigil hangga’t hindi natatapos. May ilan ding mga estudyante sa sekundarya ang nagbabasa ng ebook habang nakasakay sa kinalulunarang sasakyan. Ang gawi na ito ay hindi makakabuti para sa ating mga mata at baka magresulta ng komplikasyon kung hindi bibigyang-pansin at paalala para sa mga kabataan. Ang iba pa nga ay linilipasan na ng gutom dahil sa hindi nila magawang isantabi muna ang pagbabasa sa cellphone. Maaaring makamatay ang pagkaadik na ito dahil sa dehydration at matinding gutom. Dahil sa pagkaadik ng mga kabataan sa cellphone ay nagresulta ito upang mapasobra sila sa paggamit ng kagamitang ito o humigit na sa kanilang limitasyon at umabot na sila sa retriksyon ayon sa paggamit nito na naghudyat upang mapasama sila at tuluyang masira ang kinabukasan ng mga kabataan. Sa henerasyon natin ngayon, karamihan sa mga naaadik sa cellphone ay ang mga kabataan na nasa edad 10 pa lamang hanggang pataas. May ilan ding mga nasa edad 3 na marunong nang gumamit ng cellphone. Ayon sa mga ekspert , mahalaga ang paggabay ng mga magulang at pagbibigay ng sapat na atensiyon upang maiiwasang mga bata sa ganitong uri ng adiksyon.

TEORITIKAL-KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Sa pananaliksik na ito ay mabibigyang kasagutan ang mga katanungang nakapaloob sa “PAGKAADIK NG MGA ESTUDYANTE SA CELLPHONE”. Bakit nga ba marami ang naaadik sa pagkakaroon ng cellphone? Anu-ano ang maaaring epekto nito sa buhay at kinabukasan ng mga estudyante? Anu-ano ang hakbang na dapat gawin at simulan upang ang mga estudyante ay mapabuti sa paggamit nito?

Ang pagkakaroon ng cellphone ay hindi naman masama sa halip , nagging isang malaking bagay pa ito upang mapunan ang kakulangan sa komun ikasyon sa pagitan ng dalawang taong magkalayo o makapagbigay paalala at importanteng tawag o text para sa mga taong mahalaga sa atin. Ang paggamit ng cellphone ay nakadepende sa may hawak nito kaya dapat ang nagmamay-ari , lalo na kapag estudyante o menor de edad pa lamang ay dapat maglagay ng kaukulang restriksyon sa sarili mismo at permiso sa kanilang mga magulang.

PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa mga dahilan ng pagkaadik ng mga estudyante sa cellphone at ang maaaring bunga ng gawi na ito na puwedeng sumira sa kinabukasan nila. Narito ang ilan sa mga katanungang nakapaloob sa pananaliksik na ito:

1.Ano ang epekto nito sa sarili ?

1.1 1.2 1.3 1.4 1.5

Edukasyon Ambisyon \ Pangarap Kalusugan Responsibilidad Asal \ Moral

2.Paano ito nakakaapekto sa mga taong nakapaligid dito ?

2.1 Magulang 2.2 Kaibigan 2.3 Guro

Kahalagahan ng Pag-aaral  Sa mga mag-aaral  Sa mga mag-aaral ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral upang malaman nila ang epekto nito sa kanilang konsentrasyon lalong-lalo na sa pag-aaral at sa pang araw-araw na gawain  Sa mga Magulang  Ang pananaliksik na ito ay mahalaga at makakatulong sa mga magulang sa pag-alam ng mga epekto ng cellphone sa konsentrasyon ng kanilang mga anak na estudyante o sa kanila mismo.  Sa mga Guro  Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga guro sapagkat ito ay makakatulong sa kanila na malaman ang epekto sa konsentrasyon ng kanilang mag aaral o sa kanila mismo sa pag aaral at sa pang araw-araw na buhay nila.  Sa mga Mananaliksik  Ang pananaliksik na kito ay mahalaga para sa mga mananaliksik upang mapag-alaman ang mga epekto sa konsentrasyon ng bawat tao na gumagamit ng cellphone.

KATUTURAN NG TALAKAY

Ang PAGKAADIK NG MGA ESTUDYANTE SA CELLPHONE ay isang dimabuting gawi. Lalo na kapag pababayaan lang at walang gagawing mga hakbangin laban dito. Maaari itong resulta sa mas mabigat at malaking problema kung makataon. Layunin ng tesis na ito na alamin ang mga dahilan sa pagkaadik ng mga magaaral sa cellphone upang mabigyan ito ng kaukulang solusyon o hakbangin ng kanilang mga magulang na hidi malaman-laman kung ano ba ang dapat nilang gawin dahil sa katigasan ng ulo ng kanilang mga anak. Nais din ng tesis na ito ang magbigay-hatid ng mga mahahalagang datos at impormasyon ukol sa mga masasamang epekto na dala mula sa hindi wastong paggamit ng cellphone.