Madulaing Ano ang Madulaing Pagbasa

madulaing pagbasa, 1. Bubuo ang klase ng limang pangkat. ... Katangian o Pag-uugali (bigyang patunay kung bakit ito nasabi) Mga Paniniwala at Pagpapah...

71 downloads 753 Views 204KB Size
Madulaing Pagbasa

Ano ang Madulaing Pagbasa? Ito ay isang uri ng pagtatanghal. Sa madulaing pagbasa, pagsasalaysay ang batayang balangkas ng pagtatanghal. Sa halip na biswal na ilahad ang dula (hindi kinailangan ang pagsasaakto ng mga galaw), isinasakatuparan ito sa pamamagitan ng mahusay at masining na pagbasa ng mga linya. Hindi kailangang memoryado ang iskrip. Minimal ang kahingian sa ayos ng entablado. Minimal rin ang kahingian sa kostyum o kasuotan ng magsisipagganap.

Ano ang mga kinakailangan gawin? 1. Bubuo ang klase ng limang pangkat. Bawat pangkat ay maitatalaga sa isang maikling kuwento. 2. Susuriin ng bawat pangkat ang maitatalagang kuwento sa kanila at gagawa ng ulat-papel kaugnay rito. Ito ang magiging Form 1 ng klase. 3. Hahanguin ng bawat pangkat ang kanilang iskrip mula sa kuwentong itatalaga ng guro. a. Isaalang-alang ng pangkat ang pagkakaroon ng panimula at pangwakas na bahagi; sapat na dayalogo para sa lahat ng miyembro; at minutong ilalaan para sa pagtatanghal. b. Inaasahang may bahagi sa pagtatanghal ang lahat ng miyembro ng pangkat c. Maaaring magdagdag o magbawas ng bahagi, subalit dapat matiyak ang pagiging matapat sa kuwento. d. Ang iskrip ang magsisilbing Form 2 ng klase. e. Isusumite ito sa itinakdang araw ng guro.

Ang papel na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.

4. Itatanghal ito sa klase a. Dalawang araw ang ilalaan para sa pagtatanghal ng lahat ng pangkat ng klase. b. Inaasahang sa araw ng pagtatanghal, may maayos na kopya ng iskrip ang bawat miyembro ng pangkat. c. Hinihikayat ang minimal na kostyum o kasuotan para sa pagtatanghal. c. Maaring gumamit ng angkop na tunog o sound effects. d. Mayroon lamang 10 – 15 minuto ang bawat pagtatanghal. e. Bibigyan ng limang minutong interbal ang bawat pangkat para makapaghanda f. Ang pagtatanghal ang magsisilbing Form 3 ng klase

Pahina 1 ng 4

AJM Pangalan: ______________________________________

Bilang sa klase: ______

Taon at Pangkat: ___________________

Petsa: ______________

Form 1 Pagsusuri sa Binasa

PAMAGAT NG KUWENTO Mga Tauhan (10 puntos)

Tagpuan (5 puntos)

Paksa, Tema, at Buod ng Kuwento (15 puntos)

Pisikal na Anyo (maaaring tinukoy sa kuwento o hinuha lamang)

Katangian o Paguugali (bigyang patunay kung bakit ito nasabi)

Saan ito naganap? (Ilarawan ang lugar)

Tungkol Saan ang Kuwento?

Mga Paniniwala at Pagpapahalaga sa Buhay (bigyang patunay kung bakit ito nasabi)

Kailan ito naganap? (Ilarawan ang panahon)

Ano-ano ang mga Tampok na Pangyayari sa Kuwento?

Ang papel na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.

Mga linyang sinabi na tumatak sa inyong isip (bigyang paliwang kung bakit ito napili)

Ano-anong Pagpapahalaga sa Buhay ang Inyong Natutuhan mula sa Kuwento?

Pahina 2 ng 4

Form 2 Pamantayan ng Pagmamarka para sa Iskrip ng Dula Pamantayan

5

Yaman ng Nilalaman (x2)

4

3

2

1

Nasaklaw nito ang paksa at kuwento, subalit nalihis ang pagtalakay sa tema dahil sa mga hindi naaangkop na pagbawas o pagdagdag ng bahagi.

Nahango ang mga karakter at tagpuan, nabigyang talakay ang paksa at tema, subalit hindi nagsagawa ng anomang pagbabago sa kuwento upang maisalin ito sa pormang iskrip.

’Di gaanong malinaw ang daloy ng iskrip. Maraming pagkakamali sa anyo o porma ng iskrip. May lukot o hindi maayos ang papel na naipasa.

Wala sa paksa ang ginawang paglalahad at hindi magkakaugnay ang mga kaisipan at / o diwang inihain. Hindi nasunod ang anyo o porma ng iskrip. Hindi maayos at malinis ang kopya na naipasa. Hindi isinaalangalang ang pagbabantas, pagbaybay at paggamit ng mga salita

Matapat sa kuwento ang ginawang iskrip. Nasaklaw nito ang paksa at tema ng kuwento. Angkop ang mga pagbabagong ginawa (pagdagdag man o pagbawas ng bahagi) Malinaw ang Paglalahad daloy ng iskrip. Kaisahan at Matutukoy ang Kaayusan simula, (x2) paglalahad ng kuwento, at wakas. Nasunod ang inaasahang anyo o porma ng iskrip. Maayos at malinis ang naipasang kopya.

Nasaklaw nito ang paksa at tema ng kuwento, subalit may ilang pagdaragdag o pagbabawas ng bahagi ang hindi kinailangan o hindi naangkop.

Nasaklaw nito ang paksa at tema ng kuwento, subalit maraming pagdaragdag o pagbabawas ng bahagi ang hindi kinailangan o hindi naangkop.

Malinaw ang daloy ng iskrip. Matutukoy ang simula, paglalahad ng kuwento, at wakas. Subalit may ilang pagkakamali sa anyo o porma ng iskrip. Maayos at malinis ang naipasang kopya.

Wasto’t angkop ang paggamit ng mga bantas, baybay at gamit ng mga salita

Malay sa paggamit ng bantas, baybay at gamit ng salita bagaman may maliit na kamalian

Malinaw ang daloy ng iskrip. Matutukoy ang simula, paglalahad ng kuwento, at wakas. Subalit may ilang pagkakamali sa anyo o porma ng iskrip. May lukot o hindi gaanong maayos ang papel na naipasa. May iilang mga pagkakamali sa paggamit ng bantas, baybay at gamit ng salita

Balarila (x2)

May 1 – 5 Pagkakamali Pagpapasa sa Panahon (x2)

Nakatugon sa kahingiang araw ng pagpapasa

May 6 – 10 Pagkakamali Huli ng isang araw sa takdang araw ng pagpapasa

Ang papel na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.

Di-gaanong naisaalangalang ang wasto’t angkop na paggamit ng mga bantas, baybay at gamit ng mga salita May 10 – 15 Pagkakamali

May higit sa 15 Pagkakamali Huli ng dalawang araw sa takdang araw ng pagpapasa

Pahina 3 ng 4

Form 3 Pamantayan ng Pagmamarka sa Pagtatanghal KRAYTERYA

TINIG (Sapat na lakad ng boses)

KILOS/GALAW at EKSPRESYON ng MUKHA (wastong tindig o pagtayo) BIGKAS (Himig at Tono)

KAHANDAAN at KAAYUSAN (disiplina sa entablado, kabisado) MAY PANGHIHIKAYAT sa MADLA

Lubhang Kasiyasiya 10 9 8 May angkop na paglakas at paghina ng tinig na naayon sa diwa at damdamin ng piyesa.

Angkop ang bawat kilos at ekspresyon sa nilalaman ng piyesa. Napalutang nito ang diwa at damdaming nakapaloob sa piyesa. Maliwanag ang pagbigkas ng piyesa. May paglalapat ng wastong himig sa piyesa. Kinakitaan ng kahandaan at kaayusan ang ginawang pagtatanghal sa harapan ng klase. May panghihikayat sa mga nakikinig. Naging kawili-wili sa madla.

Katamtamang Kasiya-siya 7

6 5 May iilang pababago-bago sa paglakas at paghina ng tinig ngunit katamataman lamang ang naipadamang damdamin ng piyesa. May iilang kilos at ekspresyon na hindi angkop sa nilalaman ng piyesa.

Malinaw ang pagbigkas ng ngunit hindi sapat ang paglalapat ng wastong himig. May kakulangan sa kahandaan at kaayusan sa pagtatanghal sa harapan ng klase. May panghihikayat sa mga nakikinig ngunit katamtaman lamang ang reaksiyon ng madla.

Kasiya-siya

4

3 Sadyang kakaunting pababago-bago sa paglakas at paghina ng tinig ngunit katamataman lamang ang naipadamang damdamin ng piyesa. Sadyang kakaunti ang kilos at ekspresyon na hindi angkop sa nilalaman ng piyesa. Malinaw ang pagbigkas ng ngunit hindi gaanong nalapatan ng wastong himig. Maraming kakulangan sa kahandaan at kaayusan sa pagtatanghal sa harapan ng klase. May panghihikayat sa mga nakikinig ngunit napakalimitado lamang ang reaksiyon ng madla.

Hindi Kasiya-siya

2 1 Hindi naipapakita ang pabago-bago ng paglakas at paghina ng tinig. Hindi gaanong naipadama ang damdamin ng piyesa.

Kakaunti lamang ang kilos at ekspresyon na ginawa. Hindi nabigyang-buhay ang piyesa. Hindi gaanong malinaw ang pagbigkas ng piyesa. Hindi kinakitaan kahandaan at kaayusan ang pagtatanghal sa harapan ng klase. Hindi napanatili ang kawilihan ng mga nakikinig. Walang gaanong reaksiyon sa madla.

Bigyang Puna Indibidwal na marka ang makukuha para sa Tinig, Kilos/ Galaw at Ekspresiyon ng mukha, at Bigkas, samantalang pangkatang marka naman sa Kahandaan at Kaayusan, at Panghihikayat sa Madla.

Ang papel na ito ay para sa eksklusibong gamit ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Kolehiyo ng Miriam.

Pahina 4 ng 4