no country: contemporary art for south and ... - Guggenheim Museum

PREVIEW PARA SA MEDIA: Lunes, Oktubre 28, 2013, alas-2:30 ng hapon ... walang mas magandang panahon kundi ngayon upang dalhin ang ... nobelang No Coun...

44 downloads 614 Views 216KB Size
ANG PANDAIGDIGANG PANUKALANG PANG-SINING NG GUGGENHEIM UBS MAP AY MAGLALAKBAY SA ASYA PARA SA INTERNASYONAL NA PALITAN NG KULTURA ANG PAGLUNSAD NG EKSIBISYON AY GAGANAPIN SA ASIA SOCIETY HONGKONG CENTER SA OKTUBRE 30, 2013 Ang Walang Bansa: Kontemporaryong Sining para sa Timog at Timog-Silangang Asya Ay Sisiyasatin ang Pagkakaiba ng Kontemporaryong Kasanayang Pang-Sining sa Rehiyon EKSIBISYON: LUGAR: PETSA: PREVIEW PARA SA MEDIA:

Ang Walang Bansa: Kontemporaryong Sining para sa Timog at Timog- Silangang Asya Asia Society Hong Kong Center, 9 Justice Drive, Admiralty, Hong Kong Oktubre 30, 2013 hanggang Pebrero 16, 2014 Lunes, Oktubre 28, 2013, alas-2:30 ng hapon

(New York at Hong Kong, Setyembre 3, 2013) – Inihahandog ng Asia Society Hong Kong Center ang Walang Bansa: Kontemporaryong Sining para sa Timog at Timog-Silangang Asya, ang paglunsad ng Pandaigdigang Panukalang Pang-Sining ng Guggenheim UBS MAP, mula Oktubre 30, 2013 hanggang Pebrero 16, 2014. Itinatampok ang mga makabagong likha ng 13 alagad ng sining (artists) mula sa Bangladesh, Cambodia, India, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Pakistan, Pilipinas, Singapore, Thailand, at Vietnam. Itatanghal ng Walang Bansa ang ilan sa mga naka-aantig at makabagong tinig ng Timog at Timog-Silangang Asya. Ang eksibisyon ay itinanghal sa New York sa Museo ng Solomon R. Guggenheim, (Pebrero 22May 22, 2013) bilang bahagi ng Pandaigdigang Panukalang Pang-Sining ng Guggenheim UBS MAP. Ito ang panukalang nag-gugol ng ilang taong pagtutulungan at pagtatala ng kontemporaryong kasanayang pang-sining mula sa tatlong rehiyon - Timog at Timog Silangang Asya, Latin Amerika, Gitnang Silangan at Hilagang Aprika. Kaakibat ng panukala ang pagkakaloob ng 'curatorial residencies', paglibot ng eksibisyon sa buong mundo, pagbahagi ng pang-edukasyong programa na nakatuon sa manonood, at ang pagkamit ng mga obra para sa permanenteng koleksyon ng Guggenheim. Ang lahat ng likha ay nakamit kamakailan lamang para sa koleksyon ng Guggenheim at sumailalim sa pagtangkilik ng

Guggenheim UBS MAP Purchase Fund. Pagkatapos ng pagtatanghal sa Hong Kong, ang eksibisyon ay dadalhin sa Singapore. Ipinahayag ni S. Alice Mong, Ehekutibong Direktor ng, Asia Society Hong Kong Center: “Kami ay nalulugod na makipagtulungan sa Solomon R. Guggenheim Museumat Foundation at UBS sa pagsuporta sa Walang Bansa: Kontemporaryong Sining para sa Timog at Timog-Silangang Asya at sa Asia Society Hong Kong Center. Ibinabahagi namin ang pananaw na palawakin ang pang-unawa ng mga bansa sa pamamagitan ng sining at pagpapalitan ng kultura, at pagsama sa Hong Kong at pandaigdigang tagasubaybay sa aming pangako. Sa pamamagitan ng mabilis na lumalaking senaryo ng sining at malikhaing pagiging dinamika sa rehiyon, walang mas magandang panahon kundi ngayon upang dalhin ang pinakamahusay sa buong mundo na pagtatanghal na ito sa Hong Kong.” Ipinahayag ni Richard Armstrong, Direktor ng Solomon R. Guggenheim Museum and Foundation: “Ang Pandaigdigang Inisiyatiba sa Sining ng Guggenheim UBS MAP at ang aming pakikipagtulungan sa Asia Society Hong Kong Center sa espesyal na pagtatanghal na ito ng Walang Bansa: Kontemporaryong Sining para sa Timog at Timog-Silangang Asya, ay bumubuo sa aming umiiral na Programa ng Sining sa Asya at nagbibigay sa mga lokal, panrehiyon, at pandaigdigang manonood ng mas malalim, mas kapaki-pakinabang, at inaasahan naming mas may pagkakaiba na pagpapalitan ng kultura." Ipinahayag ni Kathryn Shih, CEO ng UBS sa Wealth Management Asia Pacific: “Ipinagmamalaki ng UBS ang pagsuporta sa kontemporaryong sining sa buong mundo at mas lalo kaming nalulugod na ang Pandaigdigang Inisiyatiba sa Sining ng Guggenheim UBS MAP ay itatanghal sa Hong Kong. Ang layunin ng Inisiyatiba na kilalanin at suportahan ang network ng sining, mga alagad ng sining (artists), at curator mula sa Timog at Timog-Silangang Asya, Latin America at ang Gitnang Silangan at Hilagang Aprika ay perpektong bumubuo sa dedikasyon ng UBS sa pagdadala ng kontemporaryong sining sa mga tagapagtangkilik nito." Pangkalahatang-Ideya ng Eksibisyon Ang Walang Bansa: Kontemporaryong Sining para sa Timog at Timog-Silangang Asya ay inayos at pinamamahalaan ni June Yap, Curator ng Guggenheim UBS MAP sa Timog at Timog-Silangang Asya, at ni Dominique Chan, Curator ng Pagtatanghal sa Asia Society Hong Kong Center. Ang Pagtatanghal ay kinabibilangan ng 18 ipininta , mga iskultura, larawan, video, at mixed-media (likhang-sining na may iba’t-ibang halong paraan) na gawa ng 13 alagad ng sining (artists) at mga koleksyon. Ayon kay Bb. Yap, “May napakalaking

pagkakaibasa masining na kasanayan sa Timog at Timog-Silangang Asya, at tiyak na mas maraming mga alagad ng sining (artists) at ang mga likhang sining kaysa sa makakaya ng iisang proyekto. Sa pagtatanghal na ito, ang layunin ay upang ipakita ang saklaw ng masining na pag-unlad at mga paksa na kinagigiliwan ng mga kontemporaryong alagad ng sining (artist), at upang hamunin ang pagbibigay ng pribilehiyo sa bansa at pambansang pagkukuwento bilang batayan para sa pag-unawa sa mga ito. Sinamahan ng mga programa para sumali sa iba’t-ibang lokal na manood. Ang Walang Bansa ay higit pa sa isang pagtatanghal; ito ay isang plataporma para sa pagtalakay at pagpapalitan.” Ang mga alagad ng sining sa pagtatanghal sa Hong Kong ay mga sumusunod: 

Aung Myint (b. 1946, Yangon, Myanmar)



Bani Abidi (b. 1971, Karachi, Pakistan)



Reza Afisina (b. 1977, Bandung, Indonesia)



Khadim Ali (b. 1978, Quetta, Pakistan)



Shilpa Gupta (b. 1976, Mumbai, India)



Vincent Leong (b. 1979, Kuala Lumpur, Malaysia)



Tayeba Begum Lipi (b. 1969, Gaibandha, Bangladesh)



Tuan Andrew Nguyen (b. 1976, Saigon, Vietnam)



Araya Rasdjarmrearnsook (b. 1957, Trad, Thailand)



Vandy Rattana (b. 1980, Phnom Penh, Cambodia)



Norberto Roldan (b. 1953, Roxas City, Philippines)



Tang Da Wu (b. 1943, Singapore)



Truong Tan (b. 1963, Hanoi, Vietnam)

Ang eksibisyon – ang pamagat ay kinuha mula sa pambungad na linya ng “Sailing to Byzantium” (1928) ni W.B. Yeats, na ginamit rin ni Cormac McCarthy para sa kanyang nobelang No Country for Old Men (2005) — ay nagmumungkahi ng pag unawa sa Timog at Timog-Silangang Asya na humihigit pa sa pisikal at pangpulitikal na hangganan. Ang makaysayang pagsasalaysay ng Timog at Timog-Silangang Asya ay umaabot mula sa panahon ng kanyang sinaunang kaharian at mga imperyo hanggang sa mga kasalukuyang bansa at estado. Ang rehiyon ay mga bakas ng kolonisasyon, pagkakahati-hati at

interbensyon - mga kaganapan at proseso na nakakintal sa alaala ng kultura. Ang Timog at Timog-Silangang Asya ay tahanan din ng maraming mga maimpluwensyang pananampalataya, relihiyon, at mga alituntunin ng etika, kabilang ang Budismo, Hinduismo, at Islam. Mula sa pakikipagtulungan ng Asia Society Hong Kong Center, at hango sa mga temang pang-kultura, kasaysayan at politikal na ibinahagi ng eksibisyon sa New York, ang pagtatanghal sa Hong Kong ay magbibigay diin sa epekto ng mga ispirituwal at moral na aral ng Timog at Timog-Silangang Asya sa paghubog ng mga komunidad ng rehiyon. Sinisiyasat ng Walang Bansa ang iba’t-ibang kontemporaryong kasanayang pang-sining sa malawak na rehiyon na ito at ipinakikita kung paano sumulong ang mga alagad ng sining (artists) na malampasan ang bahagyang paglalarawan upang sumalamin sa mga pagpapahayag at epekto ng paniniwala. Naging curator si June Yap ng Walang Bansa: Kontemporaryong Sining para sa Timog at Timog-Silangang Asya mula sa tulong nina Helen Hsu, Assistant Curator, Museo ng Solomon R. Guggenheim, at gabay mula kina Alexandra Munroe, Samsung Senior Curator ng Asya, Museo ng Solomon R. Guggenheim. Sina Nancy Spector, Deputy Director, and Jennifer and David Stockman Chief Curator, Museo ng Solomon R. Guggenheim Foundation, New York, at Joan Young, Director of Curatorial Affairs, Museo ng Solomon R. Guggenheim, ang magbibigay pagkaligta para sa iba't-ibang taon ng Panukalang Pang-Sining. Sina Dominique Chan, Exhibition Curator, at Sharon Chan, Curatorial Officer, Asia Society Hong Kong ay makikipagtulungan kina June Yap at sa buong ”curatorial team” ng Guggenheim sa pagtatanghal ng eksibisyon sa Hong Kong. Tungkol sa Pandaigdigang Inisiyatiba sa Sining ng Guggenheim UBS MAP Nagunita upang hikayatin ang isang saklaw na manonood, kabilang ang mga alagad ng sining (artists), curators, at mga guro, hinahangad ng Pandaigdigang Panukalang Pang-Sining ng Guggenheim UBS MAP na humimok ng talakayan at malikhaing interaksyon sa rehiyon at sa buong mundo. Ito ay upang mapaundlad ang pangmatagalang ugnayan sa mga institusyon, alagad ng sining (artist), iskolar, mga pumupunta sa museo, at online na komunidad. Inilunsad noong Abril 2012, ang programa ay bumubuo at sumasalamin sa kasaysayan ng internasyonalismo ng Solomon R. Guggenheim Foundation at pinarami ang mga naatikhang likhang-sining ng Guggenheim mula sa mga dinamikong komunidad. .

Pagpapalawak ng Talakayan, sa Lupa at Online Bilang bahagi ng misyon nito upang hikayatin ang mga talakayan ng magkakaibang kultura tungkol sa kontemporaryong sining at kultural na kasanayan, itinatanghal ng Guggenheim ang isang malawak at makabagong serye ng talakayan at mga komentaryo sa pakikipagtulungan ng mga tagapagturo ng Asia Society Hong Kong Center. Hinahangan ng Programa na magbigay ng isang napapabilang na pagkakataong matuto para pahintulutan ang isang magkakaibang dami ng mga kabataan, pamilya, at nasa hustong gulang upang matamasa ang mga makabuluhang karanasan sa mga programa ng Guggenheim UBS MAP para sa Pandaigdigang Inisiyatiba sa Sining. Sa pamamagitan ng isang pabagu-bagong proseso ng kultural at propesyonal na pagpapalitan, ang direktang paglahok ng mga alagad ng sining (artists), ang malikhaing pagsasama ng teknolohiya, at isang malawak na hanay ng mga programa sa biswal, pampanitikan, at sining ng mga nagtatanghal, ang pang-edukasyong programa ay magbibigay ng isang mahalagang internasyonal na talakayan na para sa pagtatanong at panayam. Ang programang pang-edukasyon ay magaganap sa Hong Kong at kasama ang mga paglilibot na pagtatanghal ng Walang Bansa: Kontemporaryong Sining para sa Timog at Timog-Silangang Asya Kabilang sa mga tampok sa Programa ang mga sumusunod:    

 

Pagsasanay para sa mga guro, mga alok ng programang pampamilya tulad ng paglibot sa gallery, at hands-on workshop Paglilibot para sa mga bisita na may mga kapansanan sa paningin Panayam at programa ng pagkain, na gumagalugad sa sari-saring kultura Isang serye ng workshop ng pagtatanghal na pinangungunahan ng mga alagad ng sining (artist) sa panahon ng isang linggong pananatili ng mga alagad ng sining (artist) sa Hong Kong. Multimedia tour na nagtatampok sa pinalawak na impormasyon sa gawaing sining, komentaryo ng alagad ng sining (artist), at pangkalahatang-ideya para sa curator Nakalimbag at online na Gabay para sa Gawain ng Pamilya at Resource Unit para sa Guro

Ang mga online na programa ay lalampasan ang mga hangganan ng heograpiya upang maabot ang mga daan-daang libong mga tao sa buong mundo sa tagal ng proyekto at mahigit pa. Ang plataporma ng online na inisiyatiba ay nagtatampok ng mga pagsusulat, audio, at video ng mga curator, mananalaysay ng sining, alagad ng sining (artist), at rehiyunal na mga eksperto. Ilulusad sa huling bahagi ng Setyembre, ang indibidwal na mga pahina para sa

bawa’t alagad ng sining (artist) ng pagtatanghal ay magbibigay ng karagdagang impormasyon sa kanilang mga kasanayan, at sa pagtamo na ginawa sa pamamagitan ng Pondo sa Pagbili ng Guggenheim UBS MAP. Tungkol sa Asia Society Hong Kong Center Bilang isa sa labing-isang mga sentro ng Ang Asia Society, Asya Society Hong Kong Center (ang "Center") ay itinatag noong 1990 sa pamamagitan ng isang grupo ng mga pinuno ng komunidad sa Hong Kong, na pinangununahan ni Dr. the Hon. Lee Quo-Wei, ang honoraryong tagapangulo ng Hang Seng Bank. Bilang nangungunang rehiyunal na plataporma na batay sa kaalaman para palawakin ang pag-unawa ng mga bansa at kultura ng Asya at mga pandaigdigang problema na nakakaapekto sa rehiyon, ipinagmamalaki ng Asia Society Hong Kong Center, ang mga malawakang rehiyunal at internasyonal na grupo ng mga pinuno at iskolar, at mga kinikilalang dalubhasa sa negosyo at patarakan, sining at kultura, at edukasyonal na mga programa para sa isang malawak na hanay ng mga manonood. Noong Pebrero 2012, itinatag ng Hong Kong Center ang bago nitong tahanan sa Admiralty, Hong Kong. Tungkol sa Solomon R. Guggenheim Foundation Itinatag noong 1937, ang Solomon Guggenheim Foundation ay dedikado sa pagsusulong ng pag-unawa at pagpapahalaga sa sining, lalo na ng mga makabago at kontemporyong panahon, sa pamamagitan ng pagtatanghal, programang pang-edukasyon, mga inisiyatiba sa pananaliksik, at mga publikasyon. Ang grupo ng Guggenheim ay nagsimula noong 1970s noong sumali sa Solomon R. GuggenheimMuseum sa New York ng ang Peggy Guggenheim Collection sa Venice, ay pinalawak upang isama ang Guggenheim Museum Bilbao (binuksan noong 1997), at ang Guggenheim Abu Dhabi (kasalukuyang binubuo). Isinasaalang-alang ang hinaharap, ang Guggenheim Foundation ay patuloy na hinuhubog ang internasyonal pagtutulungan na nagdagdala sa kontemporaryong sining, arkitektura,at disenyo na lampas sa mga dingding ng museo. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa Foundation ay maaaring makita sa guggenheim.org Tungkol UBS Ginamit ng UBS ang 150-taong pamana nito upang paglingkuran ang mga pribado, institusyonal at kumpanyang kliyente sa buong mundo, pati na rin ang mga kliyentang tindahan ng tingian sa Switzerland. Ang diskarteng pangnegosyo nito ay nakatuon sa mga negosyo ng pamamahala sa pandaigdigang kayamanan at ang unibersal na bangko nito sa Switzerland. Kasama ang isang nakatuon sa kliyenteng Investment Bank at isang negosoyo

sa Pamamahala ng Pandaigdigang Pag-aari, palalawakin ng UBS ang prangkisa nito sa pamamahala ng kayamanan at humihimok ng karagdagang pag-unlad sa buong Grupo. Ang UBS ay naroroon sa lahat ng mga pangunahing center sa pananalapi sa buong mundo. May mga opisina ito sa mahigit 50 bansa, na may 35% ng mga empleyado nito ang nagtatrabaho sa America, 36% sa Switzerland, 17% sa buong Europa, sa Gitnang Silangan at Aprika at 12% sa Asia Pacific. Ang UBS ay kumukuha ng 61,000 tao mula sa buong mundo. Ang mga share nito ay nakalista sa SIX Swiss Exchange at sa New York Stock Exchange. Asia Society Hong Kong Center 9 Justice Drive, Admiralty, Hong Kong Telepono: (852) 2103 9511 Email: [email protected] Pangangasiwa sa Pagtatanghal: Nasa hustong gulang (mga hindi miyembro): HK$30 Matanda (may edad 60 pataas) at mga indibiduwal na may kapansanan: HK$15 Mga miyembro ng Asia Society, mga full-time na estudyante, at mga bata (na may edad 18 pababa): LIBRE Oras: Martes hanggang Linggo, alas-11 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon; huling Huwebes ng buwan: alas-11 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi. Sarado tuwing Lunes at mga pampublikong piyesta opisyal (Pasko, Bagong Taon, at mga unang dalawang araw ng Bagong Taon ng mga Intsik)

Website ng Inisiyatiba

guggenheim.org/MAP

Website ng Asia Society Hong Kong

asiasociety.org/hong-kong

Social Media Guggenheim

twitter.com/guggenheim facebook.com/guggenheimmuseum youtube.com/guggenheim flickr.com/guggenheim_museum foursquare.com/guggenheim

Asia Society Hong Kong Center

facebook.com/asiasocietyhongkong twitter.com/asiasocietyhk

Para sa mga update sa Pandaigdigang Inisiyatiba sa Sining ng Guggenheim UBS MAP, sundan ang #GuggUBSMAP sa Twitter. Para sa kumpletong press kit, pumunta sa guggenheim.org/presskits. Ang mga Pagsasalin-wika ng media release sa Arabe, Bahasa Indonesian, Intsik (tradisyonal at pinadali), Pranses, Aleman, Italyano, Portuges, Espanyol, Ingles, Thai at Vietnamese ay makukuha sa guggenheim.org/pressreleases. Para sa mga imahe para sa publisidad bisitahin ang guggenheim.org/pressimages. User ID: photoservice Password: presspass Mga Kokontakin na Press: Floria Wun Asia Society Hong Kong Center (852) 2103 9513 [email protected]

Betsy Ennis/Keri Murawski Guggenheim Museum (001) 212 423 3840 [email protected]

Tamsin Selby / Charlotte Yip Sutton PR Asia (852) 2528 0792 [email protected] | [email protected] Para sa mga katanungan sa UBS: UBS Asia Pacific Mark Panday (852) 2971 8221 [email protected]

Amy Wentz Polskin A&CC (001) 212 715 1551 [email protected]