Ang Hika – Para sa mga Nasa Wastong Edad at mga Bata

– Para sa mga Nasa Wastong Edad at mga Bata: Pagkaraan ng Iyong ... at ikaw at ang iyong anak ay magkakaroon pa rin ng ... Ang ibang tao ay gumagamit ...

27 downloads 500 Views 2MB Size
Ang Hika – Para sa mga Nasa Wastong Edad at mga Bata: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita

Ang Hika – Para sa mga Nasa

Wastong Edad at mga Bata:

Pagkaraan ng Iyong Pagbisita

Ano ang hika? Ang hika ay nakaka-apekto sa iyong mga baga sa pamamagitan ng pagpapamaga ng mga tubo sa paghinga. Isa itong pangmatagalang kondisyon, subalit kapag may araw-araw na paggamot ay makokontrol ito, at ikaw at ang iyong anak ay magkakaroon pa rin ng aktibong buhay.

Ano ang sanhi ng hika? Kapag mayroon kang hika, ang iyong baga ay sensitibo sa mga trigger (pinagsisimulan) na nakaka-irita sa mga tubo sa paghinga at nagiging sanhi ng kanilang pamamaga. Kapag ang iyong mga tubo sa hangin ay namamaga, maaari kang umubo, makaramdam ng paninikip ng dibdib o mangapos sa paghinga. Hindi pa napag-aalaman kung bakit ang ibang tao ay nagkakaroon ng hika at ang iba naman ay hindi. Subalit ang mga taong may hika ay karaniwang sensitibo sa mga trigger na nagiging sanhi ng reaksyon.

Ang Hika – Para sa mga Nasa Wastong Edad at mga Bata: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita Ang ilan sa pangkaraniwang mga trigger ay ang: • Sipon o trangkaso • Amag • Usok • Mga Alagang Hayop • Polusyon sa hangin • Tensyon o Stress • Alikabok • Malamig na hangin • Pollen • Mga ipis Mahalaga na malaman mo kung ano ang pinagsimulan ng hika para sa iyo at sa iyong anak at kung paano maiiwasan ang mga pinagsisimulang ito.

Ano ang flare-up (pagsiklab) ng hika? Kapag ang isang taong may hika ay nalantad sa isa o higit pa sa kanilang mga trigger, tatlo ang maaaring mangyari: 1. Ang loob ng mga tubo sa paghinga ay lalaki (pamamaga). 2. Ang katawan ay gumawa ng maraming makapal, malapot na uhog sa loob ng mga tubo sa paghinga. 3. Ang mga kalamnan ng mga tubo sa paghinga ay sumisikip at nagpapaliit sa mga daluyan ng hangin. Kapag nangyari ang lahat ng ito, mahirap huminga; maaari kang umubo o humuni o huminga nang mas mabilis sa karaniwan. Tinatawag ito na pagsiklab (flare-up) ng hika.

Paano ginagamot ang hika? May dalawang bahagi ang paggagamot ng hika: pagkontrol sa mga pangmatagalang sintomas at ang pagdala sa mga flare-up. Ang mga pangkontrol na mga gamot na pangmatagalan (tinatawag ding mga “pamigil” o “pangkontrol”) ay ang mga ginagamit sa pagkontrol ng mga sintomas ng hika. Ang mga gamot na ito ay kumokontrol sa pamamaga at pumipigil sa mga flare-up. Mahalaga na ikaw o ang iyong anak ay umiinom ng pangkontrol na mga gamot araw-araw kahit na wala kayong mga sintomas. Huwag gamitin ang mga gamot na ito para sa flare-up. Ang mga ito ay hindi agad gumagana. Ang “mabilisang-panghupa” na gamot (“panghupa”) ay nakakahupa ng mga sintomas ng hika nang mabilis at ginagamit upang makontrol ang mga flare-up. Ang mga gamot na ito ay nakakapagpa-relaks sa mga kalamnan na nagpapahigpit sa mga tubo ng paghinga. Ang ibang tao ay gumagamit din ng mga panghupa (reliever) upang maiwasan ang mga flare-up bago ang pisikal na gawain o bago sila malapit sa anumang mga pang-trigger nila.

Ang Hika – Para sa mga Nasa Wastong Edad at mga Bata: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita Maaari ring magreseta ang iyong doktor ng mga flare-up reversing medicine (gamot na nagpapahupa sa flare-up o “burst” na mga gamot). Gamitin ang mga gamot na ito para sa matinding mga flare-up.

Ano pa ang aking magagawa para mapamahalaan ang hika? Alamin ang mga trigger mo o ng iyong anak at iwasan ang mga ito. Gumawa ng plano kung ano ang gagawin kung hindi mo maiiwasan ang mga ito. Alamin ang paggamit ng iyong peak flow meter upang matingnan kung gaano kahusay ang iyong paghinga. Makakatulong ito na mahulaan kung kailan mangyayari ang isang flare-up para ikaw o iyong anak ay makainom ng gamot na panghupa para maiwasan ang flare-up o gawin itong di gaanong matindi. Ang mga batang may edad na 5 o mas matanda pa ay may kakayahang matutunan ang paggamit ng peak flow meter. Makipagtulungan sa iyong doctor upang makagawa ng asthma action plan (planong pagkilos laban sa hika). Ang asthma action plan ay batay sa pagtukoy sa mga peak flow reading at mga sintomas ng hika at ang pagsasaayos sa mga ito ayon sa tindi sa pula, dilaw at berde na mga “zone”. Makakatulong ito upang mas maunawaan kung gaano kasama ang hika mo o ng iyong anak at kung ano ang mga aksyon na dapat ninyong gagawin. Maaaring kabilang sa action plan ang: • Ang mga peak flow reading at mga sintomas ng bawat zone. • Anu-anong mga gamot ang iinumin para sa bawat zone. • Kung kailan tatawag ng doktor. • Isang listahan ng mga pangkontak na numerong pang-emerhensiya. • Isang listahan ng mga trigger ng hika mo o ng iyong anak . Ang pagsusubaybay ang susi sa pagkontrol ng iyong hika. Pumunta sa lahat ng iyong mga appointment. Alamin ang mga resulta ng iyong pagsusuri at panatilihin ang bagong listahan ng lahat ng iyong mga gamot. Sabihin sa mga guro at tagasanay ng iyong anak na may hika ang iyong anak at bigyan sila ng kopya ng asthma action plan. Tiyakin na ang iyong anak ay may gamot na panghupa na dala niya sa lahat ng oras.

Kailan tatawag Tumawag sa 911 o pumunta sa pinakamalapit na Silid Pang-emerhensiya kung ikaw o ang iyong anak ay mayroong matinding hirap sa paghinga. Kabilang sa mga palatandaan ang paglubog paloob ng dibdib, ang paggamit sa mga kalamnan sa tiyan upang makahinga, o pagbulga ng mga butas ng ilong habang nagpupumilit na huminga.

Ang Hika – Para sa mga Nasa Wastong Edad at mga Bata: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita Tumawag sa iyong doctor para sa: • Mga sintomas na hindi bumubuti o lumalala • Hirap sa mga gamot • Dilaw, matingkad na kulay-kape o madugo na dura (idinahak na uhog) • Pangailangan ng panghupang inhaler nang higit sa 2 araw sa isang linggo (maliban sa paggamit bago mag-ehersisyo)

Iba pang mga mapagkukunan • Bumisita sa home page ng iyong doktor sa kp.org/mydoctor upang magamit ang mga online na kagamitang pangkalusugan, matingnan ang mga paalala sa iyong Preventive Services (mga Serbisyong Pang-iwas), ma-tsek ang karamihan sa mga resulta ng laboratoryo at marami pa. • Makipag-ugnay sa iyong Kaiser Permanente Health Education Center o Departmento para sa impormasyong pangkalusugan, mga programa, at iba pang mga mapagkukunan. • Kung ikaw ay sinapok, sinaktan, o binantaan ng iyong ka-partner o asawa, makaaapekto ito nang malubha sa iyong kalusugan. Mayroong tulong. Tumawag sa National Domestic Violence Hotline sa 1-800-799-7233 o makipagkonekta sa ndvh.org.

Kung mayroon kang medikal na kondisyong pang-emerhensiya, tumawag sa 911 o pumunta sa pinakamalapit na ospital. Ang isang medikal na kondisyong pang-emerhensiya ay isa sa mga sumusunod: (1) isang medikal na kondisyong naipapakita sa mga malubhang sintomas (acute symptoms) na sapat ang tindi (kabilang ang matinding pananakit) kung saan makatwirang maasahan mo na ang kawalan ng dagliang atensyong medikal ay magresulta sa malubhang panganib sa iyong kalusugan o mgapaggana ng katawan o mga organ; (2) aktibong paghihilab dahil malapit nang manganak na walang sapat na panahon para sa ligtas na paglilipat sa ospital ng Plan (o itinalagang ospital) bago manganak, o kung ang paglilipat ay magiging banta sa kalusugan at kaligtasan mo (o sa di pa ipinapanganak na sanggol), o (3) isang sakit sa kaisipan na ipinapakita sa pamamagitan ng mga sintomas na malubha ang tindi gaya ng alinman sa pagiging dagliang panganib mo sa iyong sarili o sa iba, o hindi ka makapaglalaan agad para sa, o paggamit ng pagkain, tirahan, o kasuotan, dahil sa sakit sa kaisipan.

Ang tagubilin sa pangangalagang ito ay para gamitin kasama ang iyong lisensyadong propesyonal na tagapangalaga ng kalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang kondisyong medikal o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal na tagapangalaga ng kalusugan. © 2011, The Permanente Medical Group, Inc. All rights reserved. REGIONAL HEALTH EDUCATION. PI0066 (revised 7-11) Asthma – For Adults and Children