Mga teoryang pampanitikan at mga uri nito

Mga teoryang pampanitikan at mga uri nito Mga teoryang pampanitikan– Ang Mga Teorya ng Panitikan May iba’t ibang paliwanag ang iba’t ibang mga kritiko...

32 downloads 1559 Views 145KB Size
Mga teoryang pampanitikan at mga uri nito Mga teoryang pampanitikan– Ang Mga Teorya ng Panitikan May iba’t ibang paliwanag ang iba’t ibang mga kritiko at makata patungkol sa mga nasabing mga teorya ng panitikan. kayat kahit anong sabihin ko baka magkamali lang ako ng aking mga magiging kasagutan patungkol sa mga teorya ng panitikan. Narito ang aking mga pahayag sa mga teorya ng panitikan na malimit na gamitin sa ating mga akdang pampantikan 1. Klasismo– Ito ay ang mga sinulat ng mga dakilang manunulat. Mga halimbawa nito ay ang MARS CITY, FUSE BOX, POSPORO. 2. Humanismo– Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng Humanismo, pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t kailangang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa pagpapasya. Naniniwala ang mga humanista na sibilisado ang mga taong nakapag-aaral dahil kinikilala ang kultura. Ang humanismo ay nakatuon sa mga tao at ginagamitan ito ng ideya ng mga tao. 3. Imahismo– Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal, eksaktong paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga ideya 4. Realismo– Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi. 5. Feminismo– ang Feminismoay tumutukoy sa kalaksan at sa kakayahan ng tauhang babae sa isang kuwento o akda. 6. Arkitaypal– Teoryang Arkitaypalv Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi bastabasta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam… 7. Formalism – ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuri; samakatwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang formalismo. ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang: nilalaman, kaanyuan, o kayarian, paraan ng pagkakasulat ng akda.. 8. Sosyolohikal– Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin sy nsgiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Sa kuwentong “TATA SELO” ni Rogelio Sikat ay masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na mababang uri.

9. Eksistensyalismo– hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran 10. Dekonstraksyon– -ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong baguhin ang katapusan at pwede ka ding mag dagdag nga mga tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhain ang mga namatay na sa akda! 11. Romantisismo– ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon. Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw na kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag-aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan. 12. Marksismo- inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang nangaaping lakas. 13. Historical– ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang ginamit sa mga akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng mga salitang naaayon sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bayan, kasama rito ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa lahat ang ating pananampalataya 14. Bayograpikal– ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw patungkol sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa. 15. kultural— tumutukoy sa mga kwenotng base sa isang kulturang pinaghanguan ng kwento o tula.

Masining na Pagsusuri ng mga Piling Tula sa Filipino ========================================================================== Ang pag-aaral na pinamagatang “Masining na Pagsusuri ng mga Piling Tula sa Filipino” ay isinagawa upang ipakilala at ipakita sa mga mambabasa na ang Panitikang Filipino ay maaaring maging tanglaw sa pagsusuri at pagpapahalaga at pagpapahalaga ng mga tula. Hinanap sa pamamagitan ng masusing pagsusuri o ng tiyak na kasagutan sa mga sumusunod na tanong: 1. Anu-ano ang uri ng tula ayon sa kaanyuan at layunin? 2. Ano ang magagandang kaisipan na nahahayag at nailalarawan sa bawat tula? 3. Anong mga katangian na nahayag ng bawat makatang pinag-aralan? 4. Anong implikasyon sa buhay ng mga mag-aaral at mambabasa ang mga natuklasan sa pag-aaral ng mga tula? Dahil sa ang suliranin ng pag-aaral ay tumalakay sa mga katangian na nakapaloob sa tula, ay gumamit ang mananaliksik ng pagsusuring pampanitikan at paraang paglalarawan (descriptive method). Lagom sa Paraan ng Pag-aaral Nilikom ng mananaliksik ang lahat na kailangang materyal sa pag-aaral. Ito ay nagmula sa ibat - ibang aklat na ginagamit na sangguniang pampaaralan. Binasang mabuti ang bawat tula, pinag-aralan at sinuri ang mga uri ayon sa kaanyuan at salig sa layunin at hinanap din ang mga katangian ng makatang sina Amado V. Hernandez at Teo S. Baylen sa pagkatha ng kanilang mga panulat. Ang mga natuklasan sa pag-aaral ay may implikasyon sa buhay ng mga mambabasa at mag-aaral.

Gumamit sa kanyang pag-aaral at pagsusuri ang mananaliksik ng pagsusuring pampanitikan at palarawang pagsusuri. Sinuring mabuti ang mahahalagang bahagi ng tula upang makuha ang sadyang pinaguukulan ng mga halaga nito. Lagom sa Natuklasan Uri ng Tula Ayon sa Kaanyuan Isang Dipang Langit – Ito ay pandamdamin, sumusunod sa marangal na batas ng buhay, matapat at realistiko, sa buhay ni Hernandez ay totoong nangyari. Ang Panday – Ito ay pandamdamin sapagkat may kaugnayan sa tunay na buhay ng tao, ang gawain ng panday. Ang Buhay – Ito ay pandamdamin. May damdaming nagpapataas sa kalagayan ng tao, makatotohanan. Hindi lahat ng ibig ay makakamtan. Kung Tuyo na ang Luha Ko, Aking Bayan – Pandamdamin, nauugnay sa buhay karanasan ng tao. Ang Tao – Tulang pandamdamin, may kaugnayan sa tototong buhay, nagsasaad ng damdaming pansarili. Laboratoryo at Dambana – Tulang pandamdamin, mayaman sa paglalarawan, payak at maiksi, ang pagkakaroon ng bukas na isipan sa pagbabago at kababaan ng loob. Takip Silim at Lumang Lambat – Tulang pasalaysay, naghahayag ng mga pangyayari sa buhay ng tao. Ang pag-aalala sa nakalipas ay magpapahalaga sa buhay ng tao. Ang Tuod na Tulay – Tulang pandamdamin, naghahayag ng katotohanan sa buhay. Pakikibaka sa buhay na nangangailangan ng pagtitiis, pagtitiyaga at kung minsan kawalan ng pag-asa. Uri ng Tula Ayon sa Layunin Isang Dipang Langit – naglalarawan ng tunay na nangyayari sa buhay ng sumulat. Naglalahad ng aral. Ang Panday – mapaglarawan ng buhay, mapagpanuto, nagbibigay ng patnubay sa buhay. Ang Buhay – nagtuturo ng aral. Nagbubukas ng isipan na ang buhay ay may ibat-ibang kahulugan. Kung Tuyo na ang Luha Ko, Aking Bayan – naglalarawan ng kalikasan ng tao, ng paligid nito, ang paghihirap ng bayan, ng sambayanang Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

Laboratoryo at Dambana – nagbibigay kabatiran sa wastong paggamit ng modernong teknolohiya at maging bukas ang isipan sa anumang pagbabago. Takip Silim at Lumang Lambat – naglalarawan, mapagpanuto at gumagabay kung paano gamitin ang buhay na makabuluhan upang sa panahon ng katandaan ay hindi makaramdam ng panghihinayang. Ang Tuod na Tulay – nagbibigay ito ng aral at mga kabatiran sa buhay kung paano mamuhay ang tao sa mundo. Gumagabay sa mambabasa ng mga dapat ikilos o gawin upang maging matatag ang sarili. Magagandang Kaisipan na Naihahayag at Nailalarawan sa Bawat Tula Isang Dipang Langit – magtiis, magtiyaga, huwag lang palipin ang diwa at panitik. Ang Panday – sa kabila ng maruming kaanyuan ng panday, siya ay dakila sa bayan. Ang Buhay – hindi lahat ng naisin ng tao ay makakamtan, may ligaya at lungkot. Kung Tuyo na ang Luha Ko, Aking Bayan – nagtitiis hanggang makakaya, kung dumating na ang sukdulan, ay gumaganting parang bulkang sumasabog. Laboratoryo at Dambana – ang imbensyon ng tao kung hindi wasto ang paggamit ay magdudulot ng masaklap na kapahamakan. Kababaang loob na tanggapin ang pagbabago. Ang Takip Silim at Lumang Lambat – ang buhay ay parang pagmamalakaya, samut-saring karanasan ang mahihila sa dagat ng buhay na lalong nagpapatingkad ng kulay sa tunay na kahulugan ng buhay. Ang Tuod na Tulay – huwag mawalan ng pag-asa, pagkat nasa huli ang pakinabang at maging huwaran sa katatagan upang maging inspirasyon ng mga taong nawawalan ng pag-asa. Katangian ng Makatang Pinag-aralan Amado V. Hernandez. Siya ay may katangiang pukawin ang damdamin ng mambabasa sa pagbibigay ng kahulugan ng buhay. Siya ay tinaguriang “Makata ng Manggagawa” sa ating panitikan sa dahilang nasasalamin sa kanyang mga tula ang marubdob na pagmamahal sa mga dukhang manggagawa. Para sa kanya, ang tula ay halimuyak, taginting, salamisim. Ang panitik ang makapangyarihan at ayon sa kanya ang hari ang nagpapayuko ng panitik. Mayamang maglarawan at magpahayag ng katotohanan, kung ano ang anumang mangyari sa buhay. Siya ay malikhain, at may kasiyahan sa pagkatha (humor). Teo S. Baylen. Siya ay may kakayahang tulungan ang mambabasa sa pagkilala ng buhay sa tanglaw ng kabutihan at kagandahan ng pananaw. Sa tula niyang “Takipsilim at Lumang Lambat” at “Tuod na Tulay” ay naglalarawan ng kalagayan ng buhay. Pinupukaw ang ating damdamin ni Baylen sa kanyang tulang “Laboratoryo at Dambana”. Sa pagkamalawak ang

kakayahan upang mag-isip at dumama ng mga bagay-bagay na binabanggit ng kanyang mga tula. Umaakay sa matuwid at makatotohanan ang mga panitik ni Baylen. Implikasyon ng mga Natuklasan sa Pag-aaral sa Buhay ng mga Mag-aaral at Mambabasa Sa mga magagandang kaalaman mula sa pag-aaral ay lumalawak at yumayaman ang isipan at damdamin ng mga mag-aaral hinggil sa buhay. Hinuhubog ang kanilang diwa at damdamin sa paraang dakila at marangal. Iginagabay sila sa wastong kaparaanan upang magtamo ng buhay na makatuwiran at dalisay. Konklusyon Ang mga sangkap ng tula ay nagpapaganda at nagiging mahalaga upang mataglay ng uri ang tula. Punong – puno ng magaganda at makabuluhang kaisipan ang mga tula na huhubog sa pagkatao ng mga mambabasa. Ang mga may – akdang mahuhusay, may malikhaing guni-guni ay nakagagawa ng mga mapaglarawang mga panitikan. Maraming ginintuang aral at kaalaman para sa mga mambabasa ang mga tulang pinag-aralan. Rekomendasyon 1. Pag-ibayuhin pa ang pag-aaral at pagsusuri hinggil sa mga sangkap ng tula upang mapaningning pa ito. 2. Pahalagahan ang mga magagandang kaisipan mula sa mga tula upang magamit na halimbawa sa buhay. 3. Maging masigasig at bigyan ng pandama ang pag-aaral ng tula upang makilala ang mga tagong kagandahan nito. 4. Sanaying magbasa ng magaganda at may-uring mga tula upang makita ang maramingf katotohanana sa buhay. 5. Mag-aral at magsaliksik pa ng maraming tula upang makahango ng mabubuting aral at halimbawa sa buhay ng tao. 1.

Pagtutulad (simile) Ito ay isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita’t pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki’y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp. Halimbawa: Ang tao ay kawangis ng Diyos.

2.

Pagwawangis (Metaphor) Ito ay isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing. Halimbawa:

Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

3.

Pagtatao (Personification) Ito ay tinatawag ding pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan. Halimbawa: Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.

4.

Pagmamalabis (Eksaherasyon) (Hyperbole) Ito ay isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan. Halimbawa: Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.

5.

Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) Ito ay ang pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi. Halimbawa: Ang panahong ito ng Hunyo ay maulan.

6.

Panghihimig o Onomatopeya Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. Halimbawa: Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.

7.

Panawagan (Apostrophe) Ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa Isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.

Halimbawa: Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan.

8.

Pag-uyam (sarcasm) Mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam. Halimbawa: Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napaka dumi naman ng bahay.

9. Paglilipat-wika o Transferred Epithet Tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang panguri. Halimbawa: Patay tayo diyan.

10. Pagpapalit-tawag (Metonymy) Isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay. Halimbawa: Ang anghel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol. Mga Uri ng Tula 1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – Ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at iba’t-ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Ito ay maikli at payak.

Uri ng Tulang Liriko 1.

Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-

asa, pangamba, poot at kaligayahan. 2. Soneto – Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod; ang nilalaman

3.

ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. Oda – Ito ay pumupuri sa sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao,

4.

masigla ang nilalaman at walang katiyakan angbilang ng mga pantig sa bawat taludtod. Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

5.

Dalit – Ito ay tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay.

2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – Ito ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.

Uri ng Tulang Pasalaysay a.

Epiko – Ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan. Hindi kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at maituturing na kababalaghan.

b.

Awit at kurido – Ito ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo. Ang mga awit at kurido ay dala rito ng mga Kastila.

c.

Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.

3. Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan 4. Tulang Pantanghalan o Padula – Katulad din ito ng karaniwang dula, ang kaibahanlang, ito ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula. Maaaring isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya.