Filipino - Guide to hiring new employees - Fair Work Ombudsman

baguhang empleyado. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa bawat NES, bisitahin ang www.fairwork.gov.au/nes. Mga gawad at mga kasunduan. Ang mga ga...

2 downloads 646 Views 308KB Size
Gabay sa pagkuha ng mga empleyado

Ang pagkuha ng bagong empleyado ay mahalagang pasya para sa iyong negosyo. Ang gabay na ito ay makatutulong sa iyong humanap ng tamang empleyado para sa iyong negosyo. Ang Fair Work Ombudsman ay makatutulong sa iyong unawain ang iyong mga karapatan at tungkulin sa lugar ng trabaho.

www.fairwork.gov.au/Filipino

Ang proseso sa pagkuha ng empleyado Ang pagkuha ng bagong empleyado ay hindi iisang pangyayari lamang – ito ay isang proseso. Ang mga hakbang na ito ay makatutulong sa iyong makuha ang pinakamagandang resulta para sa iyong negosyo.

Unang Hakbang: Alamin ang batas

Ang mga batas sa lugar ng trabaho ay para sa lahat ng mga empleyado. Bawat isang nagtatrabaho sa Australya, kabilang na yaong mula sa ibayong-dagat ay mayroong mga karapatan at mga proteksyon sa trabaho. Bilang tagapag-empleyo alam mo dapat ang mga tungkulin mo sa lugar ng trabaho.

Ang Pambansang mga Pamantayan sa Trabaho Ang Pambansang mga Pamantayan sa Trabaho (National Employment Standards – NES) ay 10 minimum na karapatang dapat ipagkaloob sa lahat ng mga empleyado. Saklaw ng mga ito ang:

1. Maximum na lingguhang oras – 38 oras bawat linggo, dagdag ang makatwirang karagdagang mga oras 2. Mga kahilingan para sa naiaangkop na mga kaayusan sa pagtatrabaho – ang ilang empleyado ay maaaring humiling na palitan ang kanilang mga kaayusan sa pagtatrabaho

3. Bakasyon ng magulang (parental leave) – hanggang 12 buwan na walang bayad na bakasyon para sa pagsilang o pag-ampon ng isang sanggol at karapatang humiling ng karagdagang 12 buwan na bakasyon

4. Taunang bakasyon (annual leave) – apat na linggong may bayad na bakasyon bawat taon 5. Personal/bakasyon ng tagapag-alaga (personal/carer’s leave) at bakasyong mapagmalasakit (compassionate leave) – 10 araw na may bayad na personal na bakasyon/bakasyon ng tagapag-alaga (tinatawag ding bakasyon ng maysakit (sick leave) kada taon at dalawang araw na bakasyong mapagmalasakit ayon sa pangangailangan

6. Bakasyong serbisyo sa komunidad (community service leave) – bakasyon para sa mga boluntaryong mga aktibidad sa pangangasiwa ng emerhensiya at tungkulin sa hurado

7. Bakasyon ng mahabang serbisyo (long service leave) may bayad na bakasyon para sa mga empleyadong matagal nang nagtatrabaho sa iisang tagapag-empleyo

8. Mga pista opisyal – isang bayád na araw na walang pasok sa pista opisyal, maliban kung makatwirang nahilingang pumasok

9. Pabatid ng terminasyon (notice of termination) at bayad sa redundancy (redundancy pay) – hanggang limang linggong pabatid kapag nagtatanggal ng isang empleyado at hanggang 16 na linggong bayad ng redundancy

10. Pahayag ng Impormasyon ng Fair Work (Fair Work Information Statement) – dapat ipagkaloob sa lahat ng baguhang empleyado. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa bawat NES, bisitahin ang www.fairwork.gov.au/nes

Mga gawad at mga kasunduan Ang mga gawad ay ligal na mga dokumentong nagtatakda kung ano ang dapat mong ibigay sa iyong mga empleyado at ang kanilang tungkulin sa iyo. Naia-aplay ang mga ito sa ibabaw ng NES. Ang mga gawad (awards) ay sumasaklaw sa mga bagay gaya ng sahod, mga oras ng trabaho, mga break, mga tantos ng multa at obertaym. Ang gawad na naangkop sa iyong negosyo ay nakasalalay sa iyong industriya at trabaho ng iyong empleyado. Upang hanapin ang gawad na naangkop sa negosyo mo, pumunta sa www.fairwork.gov.au/awards Ang mga kasunduang pang-empresa (enterprise agreements) ay nagtatakda ng minimum na sahod at mga kondisyon sa lugar ng trabaho. Ang kasunduan ay naangkop imbes na isang gawad. Dinadaan sa negosasyon ang isang kasunduan sa pagitan mo at ng iyong mga empleyado o ng kanilang mga kinatawan. Ipadadala ito pagkatapos sa Fair Work Commission para maaprubahan. Maaari kang maghanap ng kasunduan sa www.fwc.gov.au

Suweldo Lahat ng empleyado sa Australya ay tumatanggap ng minimum na mga tantos ng suweldo. Hindi ka maaaring magbayad ng mas mababa sa minimum. Ang mga empleyado ay dapat bigyan ng tamang sahod para sa lahat ng oras na trinabaho nila. Ang mga tantos ng sahod ay batay sa mga tungkulin, edad, karanasan at kuwalipikasyon ng isang empleyado Ang mga empleyado ay kadalasang tumatanggap ng mas mataas na sahod kapag nagtatrabaho sa Sabado at Linggo, mga pista opisyal, obertaym at shift na trabaho. Ang sahod ay karaniwang tinataasan sa ika-1 ng Hulyo bawat taon.Para sa tulong kaugnay ng mga tantos ng sahod pumunta sa www.fairwork.gov.au/pact Kung hindi mo babayaran nang tama ang iyong mga empleyado, maaaring gumugol ka ng panahon at pera. Maaaring malagay ka sa alanganin at umabot sa korte.

Pagtatabi ng rekord at mga pay slip Kailangan mong magtabi ng nakasulat na mga rekord para sa bawat empleyado, sa Ingles. Kabilang dito ang impormasyon tungkol sa sahod mo sa mga empleyado, mga oras ng trabaho, bakasyon at superannuation. Ang mga rekord ay dapat itabi nang hindi bababa sa pitong taon. Kailangan mo ring bigyan lahat ng mga empleyado mo ng pay slip sa loob ng isang araw ng pagbabayad sa kanila. Bisitahin ang www.fairwork.gov.au/recordkeeping para sa detalyadong impormasyon tungkol sa pagtatabi ng rekord. Para sa template ng pay slip, pumunta sa www.fairwork.gov.au/templates

Diskriminasyon Ang diskriminasyon sa lugar ng trabaho ay labag sa batas. Ang mga empleyado at mga taong nag-aaplay ng trabaho ay hindi dapat madiskrimina dahil sa kanilang lahi, kulay, kasarian, oryentasyong pangkasarian, edad, pisikal o pangkaisipang kapansanan, estado sa buhay, mga tungkulin sa pamilya o tagapag-alaga, pagbubuntis, relihiyon, opinyon sa pampolitika, lahing pinagmulan, o pinagmulan sa lipunan. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa diskriminasyon sa lugar ng trabaho, pumunta sa www.fairwork.gov.au/discrimination

Pagbubuwis at superannuation Dapat mong tugunan ang iyong mga obligasyon sa buwis para sa lahat ng empleyado at bayaran ang kanilang superannuation. Ang Tanggapan ng Australyanong Pagbubuwis (Australian Taxation Office) ay nagbibigay ng payo tungkol sa pagbubuwis at superannuation, bisitahin ang www.ato.gov.au/business/employers

Kalusugan at kaligtasan sa lugar ng trabaho at kompensasyon ng mga manggagawa Ikaw ay may tungkuling magpaubaya ng isang malusog at ligtas na kapaligiran sa trabaho para sa iyong mga empleyado. Kailangan mo ring magbayad ng seguro ng kompensasyon ng manggagawa (Workers Compensation) para sa mga empleyado mo. Para sa higit pang impormasyon kontakin ang makabuluhang lupon ng kalusugan at kaligtasan sa trabaho sa inyong estado o teritoryo, pumunta sa www.fairwork.gov.au/links

Pangalawang hakbang

Pag-isipan ang pagkuha ng mga empleyado Pag-isipan ang iyong kasalukuyan at hinaharap na mga pangangailangan sa negosyo at alamin ang papel na nais mong gampanan. Magpasya kung ang pagkuha ng empleyado ang pinakamahusay na hakbang o kung may isang alternatibo, gaya ng pagsasanay ng kasalukuyan mong mga kawani. Kung nagpasya kang kailangan mo ng bagong empleyado, isipin mo kung anu-ano ang mga gawain na ipagagawa mo sa tao at ang mga kasanayan o mga kuwalipikasyong kakailanganin nila. Kailangan mo ring pag-isipan kung anong tipo ng empleyado ang kailangan mo: • Ang mga empleyadong full-time (full-time employees) ay nagtatrabaho nang 38 oras kada linggo at mayroong kasalukuyang trabaho. Mayroon silang regular na padron ng mga oras at maaaring pakiusapang magtrabaho ng makatwirang karagdagang mga oras. • Ang mga empleyadong part-time (part-time employees) ay nagtatrabaho nang kulang-kulang sa 38 oras kada linggo at mayroong kasalukuyang trabaho. Mayroon silang regular na padron ng mga oras at maaaring pakiusapang magtrabaho ng makatwirang karagdagang mga oras. • Ang mga empleyadong kaswal (casual employees) ay hindi garantisadong mabibigyan ng natatanging bilang ng mga oras kada linggo. Karaniwang binabayaran sila ng karagdagang halaga na kung tawagin ay ‘casual loading’ dahil hindi sila makakakuha ng ibang mga karapatan na gaya ng may bayad na bakasyon ng maysakit o taunang bakasyon. • Ang mga pirmihang terminong mga empleyado (fixed term employees) ay kinukuha para sa katiyakang panahon, gawain o panapanahon, tulad ng paghalili sa isang nagbakasyon ng magulang o pagtatrabaho sa isang partikular na proyekto.

Pangatlong Hakbang:

Himukin ang tamang mga tao na mag-aplay Kapag nailarawan mo na ang papel na gagampanan, maaari mo nang gawin ang anunsyo para sa trabaho. Sa iyong anunsyo ay dapat mong ilista ang mga kasanayan at karanasang hinahanap mo. Kabilang din dapat dito ang impormasyon kung nasaan ang trabaho, magkano ang sahod at ano ang mga benepisyo. Dapat mong siguruhing malalaman ng angkop na mga aplikante ang tungkol sa oportunidad at mahihikayat sila sa trabaho. Ang pinakamahusay na paraan upang gawin ito ay depende sa tipo ng trabaho at sa industriyang kinabibilangan ng iyong negosyo. Isaalang-alang ang mga hakbang gaya ng: • mga site na kinaroroonan ng trabaho sa online • social media • mga notice board o mga shop window

• mga diyaryo at mga limbag ng industriya • mga kontak sa negosyo o industriya • mga ahensya ng pagrerekluta.

Pang-apat na hakbang: Piliin ang tamang tao

Depende sa bilang ng mga aplikasyon na iyong natanggap, maaaring makatulong ang paglikha ng isang shortlist ng mga taong kakapanayamin. Ang proseso ng pag-shortlist ay makatutulong sa iyong matukoy ang mga aplikanteng may mga kasanayan at karanasang pinakatugma sa papel na gagampanan. Kung may shortlist ka na, dapat kang maghanda para sa iyong mga panayam. Ang proseso ng interbyu ay maaaring maging pormal o di-pormal sang-ayon sa gusto mo. Dapat kang magtanong tungkol sa mga kasanayan at kakayahang makabuluhan sa posisyon. Iwasan ang mga tanong na personal, mapanghimasok o walang kinalaman sa papel na gagampanan. Ang mga ito ay maaaring ituring na di-naaangkop o mapangdiskrimina.

Panlimang Hakbang: I-alok ang trabaho

Sa sandaling nakapili ka na kung sino, makipag-ugnayan sa kanila upang ialok ang trabaho. Magandang ideya ito kung masusundan ng pagsulat ng isang liham na nag-aalok. Ito ay makatutulong sa bago mong empleyado upang maunawaan ang mga kondisyon ng pagtatrabaho. Ang template ng mga sulat ay makukuha sa www.fairwork.gov.au/templates Magandang ideya na isama ang: • isang kopya ng Pahayag ng Impormasyon ng Fair Work (Fair Work Information Statement), na makukuha sa Ingles sa www.fairwork.gov.au/fwis o sa Filipino sa www.fairwork.gov.au/Filipino (ito ay dapat na ibigay sa bawat bagong empleyado sa kanilang pagsisimula sa trabaho) • mga kopya ng anumang may-katuturang mga polisiya gaya ng koda ng pag-uugali, uniporme o mga patakaran sa social media • anumang mga pormularyong kailangan mong sagutan gaya ng isang deklarasyon ng file sa buwis (tax file declaration) at piniling superannuation (superannuation choice), tingnan ang www.ato.gov.au/business/employers

Pang-anim na hakbang Magsimula nang maigi

Upang salubungin ang mga bagong empleyado sa kanilang unang araw, bigyan sila ng: • • • •

isang paglibot sa lugar ng trabaho at ipakilala sila sa bawat isa pangkalahatang pananaw sa negosyo pagpapaliwanag ng kanilang mga gagampanan at mga tungkulin isang pagpapaliwanag ng mga patakaran at pamamaraan sa negosyo kabilang na ang mga oras ng pagpapatakbo, mga koda ng pananamit at pasuweldo • pangkalahatang pananaw sa mga patakaran sa kalusugan at kaligtasan sa lugar ng trabaho, kabilang ang sunog at mga pamamaraan ng paglisan.

Pampitong Hakbang:

Magkaroon ng isang produktibong lugar ng trabaho Sa unang ilang linggo ng iyong bagong empleyado, magandang ideya ang kausapin sila upang itakda ang mga layunin at mga inaasahan. Maaaring makatulong ito sa iyo na tukuyin ang anumang pagsasanay na kailangan nila.

Tseklist sa Pagkuha ng Empleyado: Alamin ang gawad/kasunduan Ang minimum na mga termino at kondisyon ng empleyado sa paghatrabaho ay magmumula sa kanilang mga gawad o kasunduan. Karamihan sa mga empleyado ay may karapatan sa mga bagay tulad ng taunang bakasyon, bakasyon ng maysakit at bakasyon ng magulang. Sila ay maaari ring karapatdapat sa mga allowance at mga tantos ng multa. Mahalagang malaman kung ano ang dapat makuha ng iyong empleyado sa pamamagitan ng pagbabasa ng gawad o kasunduan. Kung kailangan mo ng tulong sa paghahanap kung aling gawad o kasunduan ang naaangkop, bisitahin ang www.fairwork.gov.au/awards

Magpasya sa tipo ng empleyadong kailangan mo Upang makalkula ang tamang sahod at mga kondisyon, kailangan mong malaman kung ang isang empleyado ay full-time, part-time o kaswal. Para sa tulong sa pag-uunawa nito, pumunta sa www.fairwork.gov.au/employment

Bayaran ng tamang tantos May iba't ibang minimum na mga tantos ng sahod para sa iba't ibang trabaho. Bisitahin ang www.fairwork.gov.au/pact para sa tulong sa pagkalkula sa tamang tantos ng sahod para sa iyong empleyado.

Sang-ayunan ang mga oras at rostering Sa ilalim ng karamihan ng mga gawad, kailangang magkasundo kayo ng iyong mga empleyado sa kanilang mga oras ng trabaho at rostering. Ang aming mga template ay tutulong sa iyong gawin ito at makukuha sa www.fairwork.gov.au/templates

Alamin ang iyong mga obligasyon sa mga pay slip at pagtatabi ng rekord Kailangan mong magtabi ng nakasulat na mga rekord para sa iyong mga empleyado sa loob ng pitong taon. Kailangan mo ring bigyan ang lahat ng iyong mga empleyado ng pay slip sa loob ng isang araw ng pagbabayad sa kanila. Tingnan ang www.fairwork.gov.au/recordkeeping para sa higit pang impormasyon.

Alamin ang tungkol sa kalusugan at kaligtasan sa lugar ng trabaho at kompensasyon ng manggagawa (workers compensation) Kailangan mong bigyan ng ligtas na lugar ng trabaho ang iyong mga empleyado. Maaaring kasama dito ang pagbabayad ng seguro na saklaw ang mga manggagawang napinsala o nagkasakit dahil sa trabaho. Bisitahin ang lupon sa kalusugan at kaligtasan sa trabaho ng inyong estado o teritoryo para sa higit pang impormasyon. Maaari mong makita ang kanilang mga detalye ng kontak sa www.fairwork.gov.au/links

Ihanda ang mga kasulatan Kailangan mong bigyan ng kasulatan ang mga bagong empleyado kabilang ang Pahayag ng Impormasyon ng Fair Work (Fair Work Information Statement) at isang Pormularyo ng Deklarasyon ng Tax File (Tax File Declaration Form). Dapat mo ring alamin ang mga detalye ng superannuation at akawnt sa banko ng empleyado.

Magsagawa ng pagtatalaga sa tungkulin Ang pagtatalaga sa tungkulin ay makatutulong sa iyong empleyado na mapalagay kaagad sa lugar ng trabaho. Makatutulong din ito sa pagkakaroon nila ng kaalaman sa mga inaasahan mo.

Hanapin ang higit pa Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kailangan mong malaman kapag kumukuha ng bagong empleyado, bisitahin ang www.fairwork.gov.au/hiring Para sa impormasyon tungkol sa pagpaplano, pagsisimula at pagpapalaki ng iyong negosyo, bisitahin ang www.business.gov.au

Hanapin ang higit pa sa www.fairwork.gov.au/Filipino Small Business Helpline – 13 13 94 Serbisyong Pagsasalin at Pag-iinterprete (TIS) – 131 450