bansa na tinatawag na soberanya. Sa modyul na ito higit na malalaman kung ano ang soberanya at mga uri nito. ... Ang soberanya ay maaring panloob at p...
pangasiwaan ng bansa na tinatawag na soberanya. Sa modyul na ito higit na malalaman kung ano ang soberanya at mga ... • Ang soberanya ay maaring panloob at panlabas
Buuin ang mga salita ng naaayon sa gamit at pagkakapangkat nito: ... ang bawat hakbang ng wastong pamamaraan manapa ay makakatulong pa ito sa
D. Teknik at Instrumento ... Bilang pagtupad sa mga pangangailangan sa asignaturang Fil112, Pagbasa at ... Sa mga mag-aaral ng UERMMMC,
ani at hayop bilang pasasalamat , ... Ang pagtatapos ng Ramadan ay araw ng pasasalamat kay Allah at ito ... B. Hindi sila nagsusuog ng mga dahon
estudyanteng mag-aaral ng ilang taon sa pag-asang sila ... maaaring mag dalawang isip ang mga kasalukuyang estudyante ng ... ang epekto ng social media sa
Linggo 1. • Pagbabalik ng mga Papel ng mga mag-aaral. • Pagwawastong muli ng kanilang eksaminasyon. • Panghalip. ( Panghalip Panao ). • Panghalip Panao . ( Formative /. Summative ). • Panghalip. Pamatlig. D E A R. ( 20 minuto ). Linggo 2. • Panghalip
pangulo sa Ikatlong Republika. Isulat mo ang titik ng ... Mahalaga sa pagsulong at pag-unlad ng Pilipinas ang ... makapagtrabaho ang mga Pilipino sa kanilang
na istilo ay maaaring maging istandard sa paglipas ng panahon. ... .K. allego Isang Pagsusuri sa Korpus Ukol sa Pagbabago ng Wikang Filipino, 1923-2013 75
v i • nxg usa steel frame • 5 times stronger than welded • vacuum bonded walls and slideout rooms, and 2" laminated flooring • superflex roof (thermoplastic
TEACH I NG YOU NG LEARNERS ENGLISH Joan Kang Shin I JoAnn ... Teaching Young Learners English focuses on teaching children at the primary school ... JOAN KANG SHIN
Download PAUD. E. KERANGKA KONSEP PEMBINAAN TUMBUH KEMBANG BALITA DAN ANAK PRA SEKOLAH. D. LANDASAN HUKUM. Stimulasi dan pemantauan tumbuh kembang di keluarga dan masyarakat dengan menggunakan buku KIA. Deteksi dini penyimpangan tumbuh kembang
Download PAUD. E. KERANGKA KONSEP PEMBINAAN TUMBUH KEMBANG BALITA DAN ANAK PRA SEKOLAH. D. LANDASAN HUKUM. Stimulasi dan pemantauan tumbuh kembang di keluarga dan masyarakat dengan menggunakan buku KIA. Deteksi dini penyimpangan tumbuh kembang
Download PAUD. E. KERANGKA KONSEP PEMBINAAN TUMBUH KEMBANG BALITA DAN ANAK PRA SEKOLAH. D. LANDASAN HUKUM. Stimulasi dan pemantauan tumbuh kembang di keluarga dan masyarakat dengan menggunakan buku KIA. Deteksi dini penyimpangan tumbuh kembang
INDEX TO VOLUMES I-V 1960-1966 ARTICLES JOSEPH AGASSI, Towards an Historiography of Science II, BeL 2, 1-117 Bacon's inductivist philosophy ofscience divides thinkers
7 Hun 2012 ... Suriin ang talahanayan tungkol sa populasyon ng ilang bansa sa Asya at sagutin ang kasunod na mga tanong kaugnay nito. Bansa. Populasyon. Bilis ng ...... sa mga mag-aaral. Pasagutan ang talahanayan. Ang mga bansang Europeona nanakop at
Kinukwestyon ng mga katauhan ng Renaissance ang klerikal na hegemonya sa kultura at karunungan, ... Ano ang mas babagsik pa,
Pamantayan sa Pagkatuto: Nakikilala ang mga wika, ... Batiin ulit ang mag-aaral sa ibat-ibang wika, turuan silang sumagot sa pagbati. Pangkatang Gawain
Lo C2 - C3 Cum Cong nghiep Nhon Binh, TP. Quy Nhon, tinh Binh Dinh Di~n ... Dien thoai: (84-8) 39404271 - s6 may nhanh: 258 M9i chi tiSt vui long lien he:
7. Rubric ng Analisis. Isang kritika ng mga pagsasalin ang pananaliksik na ito kaya natural lamang na interpretatibo at subhetibo ang kabuuang pagdulog dito. Subalit, sinikap ng mga mananaliksik na maging obhetibo ang linya-por-linyang paghahambing s
Download Manokwari, Desa Maruni, sungai Maruni dan Desa Warmare berturut-turut di sebelah utara, timur ... Transek perubahan penggunaan lahan di Desa Warbederi ...
Download 4 2008, 473-476. A CHARACTERIZATION OF SUBGROUPS. Soon-Mo Jung. Section of Mathematics. College of Science and Technology. Hong-Ik University. Chochiwon, 339-701, KOREA e-mail: [email protected]. Abstract: We introduce a simple crite
Jan 1, 2005 ... I can develop a rhythm and rhyme of words through nursery rhymes, songs, poems, tongue twisters. 1.1.02. I can blend ... I can use the story title, cover, pictures, and sequence to help me understand and retell the story. 1.1.13. I ca
Reading books is the best way of self-development and learning many interesting things. Today, paper books are not as popular as a couple of decades ago due to the
B3. Solve problems that ... 2.5 Solve a contextual problem that involves the probability of complementary events. ... 74 / Foundations of Mathematics (Grade 12)
GRADE VI
SOBERANYA: TATAK NG ISANG BANSANG MALAYA
ALAMIN MO
Pagmasdan mo ang larawan. Naalaala mo pa ba ito?
Malaya na nga ba ang Pilipinas? Anong mahahalagang pangyayari ang nasa larawan? Natatamo ba natin ang pagiging malaya? Ang bansang malaya ay may kataas-taasang kapangyarihang pangasiwaan ang bansa na tinatawag na soberanya. Sa modyul na ito higit na malalaman kung ano ang soberanya at mga uri nito.
1
PAGBALIK-ARALAN MO
Kilala mo ba ang mga nasa larawan?
Balik-aralan natin ang ginawang kabayanihan ng ating mga bayani upang makamit ang kalayaan ng ating bansa.
Itambal ang hanay A sa hanay B. isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
Hanay A
Hanay B
1. Nagtatag ng La Liga Filipina
A. Andres Bonifacio
2. Utak ng Katipunan
B. Emilio Aguinaldo
3. Ama ng Katipunan
C. Jose Rizal
4. Unang Pangulo ng Republika
D. Apolinario Mabini
5. Dakilang Lumpo
E. Emilio Jacinto
2
PAG-ARALAN MO
Suriin mo ang larawan.
Ano-ano ang nakikita mo sa sagisag o simbolo ng bansang Pilipinas? Bawat isang titik ay may inilalarawan. Alamin natin! Basahin mo ito. Nakatatak sa simbolo ng Republika ng Pilipinas ang tatlong panahong pinagdaanan ng mga Pilipino mula sa kamay ng mga dayuhang mananakop. Leon – ipinakikita nito ang impluwensiya ng Espanyol. Agila – ipinakikita nito ang impluwensiya ng Estados Unidos. Araw – sagisag ito ng mataas ng mithiin ng mga Pilipino na maging isang malayang bansa. Tatlong bituin – kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao. Republika ng Pilipinas – nangangahulugan ito na ang Pilipinas ay mayroon ng kalayaan at sariling pamahalaan na siyang nangangasiwa sa kapakanan ng bansa.
3
Ano ang kahulugan ng salitang ito? SOBERANYA Ang soberanya o kapangyarihan ay pangunahing sangkap ng pagiging isang bansang malaya. Taglay na ito ng Pilipinas sapagkat nagsasarili na ito at kinikilalala ng malalayang bansa. Saklaw ng kapangyarihang ito ang lahat ng mamamayan, ari-arian at mga bagay na nasa teritoryo ng Pilipinas. Paano masasabi na ang Pilipinas ay nagsasarili na at kinikilala na malayang bansa? Pag-aralan ang grapikong presentasyon sa ibaba. May dalawang uri ng soberanya. Ito ay soberanyang panloob at panlabas. Katangian ng Bansang Nagsasarili
Kapangyarihang makapagsarili
Kapangyarihang Pamahalaan ang Bansa
Pagsasakatuparan ng mga layunin at mithiin para sa kabutihan at kaunlaran ng mga mamamayan at ng Pilipinas
Nasa mamamayan ang kapangyarihang pampamahalaan
Ang mga mamamayan ay may karapatang Pumili ng mga pinuno ng bansa
Ang mga pinuno na pinili ng mamamayan sa pamamagitan ng halalan ang may kapangyarihang magpatupad ng batas magsagawa ng kautusan para sa maayos na pamumuhay ng mga Pilipino
Karapatang lumutas ng Suliranin Kaguluhan sa bansa
4
Pagkakaroon ng patakarang panlabas Upang mapanatili ang mabuting pakikipag-ugnayan sa ibang bansa Magpadala ng mga sugo/ embahada sa ibang bansa
Kapag ang bansa ay may soberanya ito ay nangangahulugan na malaya ang bansa na makapagsarili. Ang bansang malaya ay may karapatan. Ano-ano ito? Tingnan ang tsart sa ibaba. Unawain ito Mga karapatan ng Pilipinas bilang isang Bansang Malaya
Karapatang makapagsarili
Malaya sa pakikialam ng ibang bansa.
Tungkuling huwag manghimasok sa gawain ng ibang bansa
Karapatan sa pantay na pagkilala
Karapatang Mamahala
Karapatang Mag-angkin ng ari-arian
Karapatang Makipagugnayan
Karapatang Ipagtanggol ang kalayaan
Magkakatulad ng karapatan at tungkulin sa Paniniwala Ideolohiya Sistemang panlipunan
Pangangalaga sa Pulo Hangganan ng bansa
Lahat ng mga pagaaring saklaw ng teritoryo ng bansa
Nagpapadala at tumatanggap ng mga Sugo Kinatawan Embahador mula sa ibang bansa
Tungkulin ng Pamahalaan at ng Sambayanang Pilipino na pangalagaan ang kalayaan ng bansa
Pagtatalaga ng mga batas
5
Lahat ng mga mamamayan ay maaaring atasan ng batas na magkaloob ng pormal na paglilingkod militar o sibil
Naunawaan mo na ngayon ang ibig sabihin ng bansang may soberanya?
PAGSANAYAN MO
Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang kahulugan ng soberanya? A. kayamanan B. katungkulan C. pagkamatapat D. kapangyarihan 2. Anu-ano ang inilalarawan sa tatak ng bansang Pilipinas? A. leon B. agila C. lahat ng nabanggit D. araw at tatlong bituin 3. Ano ang kumakatawan sa tatlong bituin? A. Luzon B. Visayas C. Mindanao D. lahat ng nabanggit 4. Ano ang katangian ng bansang nagsasarili tulad ng Pilipinas? A. palagian at walang taning na panahon B. malawak na saklaw C. pansarili at lubos D. lahat ng nabanggit 5. Ano-ano ang karapatang tinatamasa ng Pilipinas bilang isang bansang malaya? Isulat mo ito. A. ___________________________________________________ B. ___________________________________________________ C. ___________________________________________________ D. ___________________________________________________ E. ___________________________________________________ F. ___________________________________________________
6
TANDAAN MO
Ang soberanya ay ang kataas-taasang kapangyarihan umiiral sa bansa. Ang soberanya ay maaring panloob at panlabas.
ISAPUSO MO
Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. Si Luis ay bunsong kapatid mo na 18 taong gulang na. Tinatawag siya upang maglingkod sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Ayaw pumayag ng iyong mga magulang sapagkat mapanganib daw.
GAWIN MO
Iguhit mo ang larawan ng tatak ng bansang Pilipinas sa loob ng kahon.
7
PAGTATAYA
Isulat ang titik ng tamang sagot sa unahan ng bilang. 1. Kailan natamo ang ating kalayaang ganap na kinikilala ng mga bansa? A. Hulyo 4, 1946 B. Hunyo 12, 1898 C. Disyembre 10, 1898 D. Setyembre 21, 1972 2. Kailan masasabi na ang isang bansa ay malaya A. isang ganap na malaya B. may kalayaang kinikilala ng ibang bansa C. may kapangyarihang mamahala sa nasasakupan D. lahat ng nabanggit 3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng soberanyang panloob? A. . pag-alis sa bansa B. pagpapatupad sa sariling batas C. pakikialam sa suliranin sa Tsina D. pag-angkin sa teritoryo ng karatig bansa 4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng soberanyang panlabas? A. tumutukoy sa kasarinlan ng bansa B. tumutukoy sa kapangyarihan ng bansa C. ang mamamayan ng bansang estado ang nagpapalakad ng pamahalaan D. itinataguyod o isinusulong ang lahat ng gawain sa bansa nang walang pagsakop o pamamahala ng ibang bansa 5. Ano ang sumasagisag sa Leon? A. ipinapakita nito ang impluwensiya ng Espanyol B. ipinapakita nito ang impluwensiya ng Estados Unidos C. may sariling pamahalaan sapagkat malaya na ito at may soberanya D. sagisag ito ng mataas ng mithiin ng mga Pilipino na maging isang malayang bansa
8
PAGPAPAYAMANG GAWAIN Sumulat ng maikling talata tungkol sa Ang Pilipinas, Isang Bansang Malaya.
Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.