GRADE V I SOBERANYA: TATAK NG ISANG BANSANG MALAYA - LRMDS

bansa na tinatawag na soberanya. Sa modyul na ito higit na malalaman kung ano ang soberanya at mga uri nito. ... Ang soberanya ay maaring panloob at p...

154 downloads 924 Views 595KB Size
GRADE VI

SOBERANYA: TATAK NG ISANG BANSANG MALAYA

ALAMIN MO

Pagmasdan mo ang larawan. Naalaala mo pa ba ito?

Malaya na nga ba ang Pilipinas? Anong mahahalagang pangyayari ang nasa larawan? Natatamo ba natin ang pagiging malaya? Ang bansang malaya ay may kataas-taasang kapangyarihang pangasiwaan ang bansa na tinatawag na soberanya. Sa modyul na ito higit na malalaman kung ano ang soberanya at mga uri nito.

1

PAGBALIK-ARALAN MO

Kilala mo ba ang mga nasa larawan?

Balik-aralan natin ang ginawang kabayanihan ng ating mga bayani upang makamit ang kalayaan ng ating bansa.

Itambal ang hanay A sa hanay B. isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

Hanay A

Hanay B

1. Nagtatag ng La Liga Filipina

A. Andres Bonifacio

2. Utak ng Katipunan

B. Emilio Aguinaldo

3. Ama ng Katipunan

C. Jose Rizal

4. Unang Pangulo ng Republika

D. Apolinario Mabini

5. Dakilang Lumpo

E. Emilio Jacinto

2

PAG-ARALAN MO

Suriin mo ang larawan.

Ano-ano ang nakikita mo sa sagisag o simbolo ng bansang Pilipinas? Bawat isang titik ay may inilalarawan. Alamin natin! Basahin mo ito. Nakatatak sa simbolo ng Republika ng Pilipinas ang tatlong panahong pinagdaanan ng mga Pilipino mula sa kamay ng mga dayuhang mananakop. Leon – ipinakikita nito ang impluwensiya ng Espanyol. Agila – ipinakikita nito ang impluwensiya ng Estados Unidos. Araw – sagisag ito ng mataas ng mithiin ng mga Pilipino na maging isang malayang bansa. Tatlong bituin – kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao. Republika ng Pilipinas – nangangahulugan ito na ang Pilipinas ay mayroon ng kalayaan at sariling pamahalaan na siyang nangangasiwa sa kapakanan ng bansa.

3

Ano ang kahulugan ng salitang ito? SOBERANYA Ang soberanya o kapangyarihan ay pangunahing sangkap ng pagiging isang bansang malaya. Taglay na ito ng Pilipinas sapagkat nagsasarili na ito at kinikilalala ng malalayang bansa. Saklaw ng kapangyarihang ito ang lahat ng mamamayan, ari-arian at mga bagay na nasa teritoryo ng Pilipinas. Paano masasabi na ang Pilipinas ay nagsasarili na at kinikilala na malayang bansa? Pag-aralan ang grapikong presentasyon sa ibaba. May dalawang uri ng soberanya. Ito ay soberanyang panloob at panlabas. Katangian ng Bansang Nagsasarili

Kapangyarihang makapagsarili

Kapangyarihang Pamahalaan ang Bansa

Pagsasakatuparan ng mga layunin at mithiin para sa kabutihan at kaunlaran ng mga mamamayan at ng Pilipinas

Nasa mamamayan ang kapangyarihang pampamahalaan

Ang mga mamamayan ay may karapatang  Pumili ng mga pinuno ng bansa

Ang mga pinuno na pinili ng mamamayan sa pamamagitan ng halalan ang may kapangyarihang  magpatupad ng batas  magsagawa ng kautusan para sa maayos na pamumuhay ng mga Pilipino

Karapatang lumutas ng  Suliranin  Kaguluhan sa bansa

4

Pagkakaroon ng patakarang panlabas  Upang mapanatili ang mabuting pakikipag-ugnayan sa ibang bansa  Magpadala ng mga sugo/ embahada sa ibang bansa

Kapag ang bansa ay may soberanya ito ay nangangahulugan na malaya ang bansa na makapagsarili. Ang bansang malaya ay may karapatan. Ano-ano ito? Tingnan ang tsart sa ibaba. Unawain ito Mga karapatan ng Pilipinas bilang isang Bansang Malaya

Karapatang makapagsarili

Malaya sa pakikialam ng ibang bansa.

Tungkuling huwag manghimasok sa gawain ng ibang bansa

Karapatan sa pantay na pagkilala

Karapatang Mamahala

Karapatang Mag-angkin ng ari-arian

Karapatang Makipagugnayan

Karapatang Ipagtanggol ang kalayaan

Magkakatulad ng karapatan at tungkulin sa  Paniniwala  Ideolohiya  Sistemang panlipunan

Pangangalaga sa  Pulo  Hangganan ng bansa

Lahat ng mga pagaaring saklaw ng teritoryo ng bansa

Nagpapadala at tumatanggap ng mga  Sugo  Kinatawan  Embahador mula sa ibang bansa

Tungkulin ng Pamahalaan at ng Sambayanang Pilipino na pangalagaan ang kalayaan ng bansa

Pagtatalaga ng mga batas

5

Lahat ng mga mamamayan ay maaaring atasan ng batas na magkaloob ng pormal na paglilingkod militar o sibil

Naunawaan mo na ngayon ang ibig sabihin ng bansang may soberanya?

PAGSANAYAN MO

Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang kahulugan ng soberanya? A. kayamanan B. katungkulan C. pagkamatapat D. kapangyarihan 2. Anu-ano ang inilalarawan sa tatak ng bansang Pilipinas? A. leon B. agila C. lahat ng nabanggit D. araw at tatlong bituin 3. Ano ang kumakatawan sa tatlong bituin? A. Luzon B. Visayas C. Mindanao D. lahat ng nabanggit 4. Ano ang katangian ng bansang nagsasarili tulad ng Pilipinas? A. palagian at walang taning na panahon B. malawak na saklaw C. pansarili at lubos D. lahat ng nabanggit 5. Ano-ano ang karapatang tinatamasa ng Pilipinas bilang isang bansang malaya? Isulat mo ito. A. ___________________________________________________ B. ___________________________________________________ C. ___________________________________________________ D. ___________________________________________________ E. ___________________________________________________ F. ___________________________________________________

6

TANDAAN MO

 Ang soberanya ay ang kataas-taasang kapangyarihan umiiral sa bansa.  Ang soberanya ay maaring panloob at panlabas.

ISAPUSO MO

Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. Si Luis ay bunsong kapatid mo na 18 taong gulang na. Tinatawag siya upang maglingkod sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Ayaw pumayag ng iyong mga magulang sapagkat mapanganib daw.

GAWIN MO

Iguhit mo ang larawan ng tatak ng bansang Pilipinas sa loob ng kahon.

7

PAGTATAYA

Isulat ang titik ng tamang sagot sa unahan ng bilang. 1. Kailan natamo ang ating kalayaang ganap na kinikilala ng mga bansa? A. Hulyo 4, 1946 B. Hunyo 12, 1898 C. Disyembre 10, 1898 D. Setyembre 21, 1972 2. Kailan masasabi na ang isang bansa ay malaya A. isang ganap na malaya B. may kalayaang kinikilala ng ibang bansa C. may kapangyarihang mamahala sa nasasakupan D. lahat ng nabanggit 3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng soberanyang panloob? A. . pag-alis sa bansa B. pagpapatupad sa sariling batas C. pakikialam sa suliranin sa Tsina D. pag-angkin sa teritoryo ng karatig bansa 4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng soberanyang panlabas? A. tumutukoy sa kasarinlan ng bansa B. tumutukoy sa kapangyarihan ng bansa C. ang mamamayan ng bansang estado ang nagpapalakad ng pamahalaan D. itinataguyod o isinusulong ang lahat ng gawain sa bansa nang walang pagsakop o pamamahala ng ibang bansa 5. Ano ang sumasagisag sa Leon? A. ipinapakita nito ang impluwensiya ng Espanyol B. ipinapakita nito ang impluwensiya ng Estados Unidos C. may sariling pamahalaan sapagkat malaya na ito at may soberanya D. sagisag ito ng mataas ng mithiin ng mga Pilipino na maging isang malayang bansa

8

PAGPAPAYAMANG GAWAIN Sumulat ng maikling talata tungkol sa Ang Pilipinas, Isang Bansang Malaya.

Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

9