IKALAWANG MARKAHAN (Alamat) Paunang Pagsusulit

rin silang sariling mga alamat, kuwentong-bayan at mga karunungang bayan. Sila rin ang nagturo sa ating mga ninuno ng alpabeto na tinatawag na alifbat...

276 downloads 1189 Views 857KB Size
IKALAWANG MARKAHAN (Alamat) Paunang Pagsusulit I. Panuto : Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari gamit ang Story Ladder upang mabuo ang banghay ng alamat. Wakas

4

3

2

1

Simula

a. Hiniling ni Durian na kung siya ay mamamatay doon siya ilibing sa ilalim ng durungawan ng kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang kaluluwa sa bawat sandal. b. Si Datu Duri ay may nag-iisang anak siya ay si Durian. c. Nagpakiat ang Dakilang Bathala kay Datu Duri at sinabi nito na labingsiyam na taon lamang mabubuhay ang kanyang anak na si Durian. d. Nang ikasiyam na araw ng libing ni Durian may halamang sumibol at ito ay kanilang tinikaman ang laman ng bunga ay masulta at matamis. e. Nalaglag ang bunga ng punong kahoy at natabunan ang katawan ni Sangkalan at nadurog ang bungo at katawan niya. f. Si Sangkalan ay nag-imbot sa kayamanan at kapangyarihan ni Datu Duri .

g. Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punong-kahoy, kanilang nakitang ang balat ay makapal at ang buto ay malaki, ngunit ang laman nama’y matamis. Nakatawag ng pansin ang masama nitong amoy. II. Panuto: Ibigay ang sanhi at bunga ng bawat pangyayari sa Alamat ng Bubuyog Noong unang panahon, may isang matandang babaeng nakatira sa may tuktok ng burol. Bagamat luma na at sira-sira ang kanyang dampa, marami pa rin ang naakit dumaan at pumasyal sa kanyang paligid. Dahil marahil ito sa maganda at mababangong bulaklak na inaalagaan niya. Marami ang nagsasabing ang matandang ay siyang ring magandang diwata sa hatinggabi na nagdidilig at nagtatanim ng mas magagandang bulaklak para sa kinabukasan. Minsan nabubulahaw ang matanda sa kanyang pagtulog. “ Ano kayang ingay na iyon ang bulong niya sa sarili. Sumilip siya sa bintana at nakita niyang may pitong kabataan na pumilas sa kanyang magagandang bulaklak. “ Maaari ninyong pitasin ang mga bulaklak ngunit maaari bang huwag baliin o bubunutin ang mag puno nito.” Pakiusap ng matanda. “ Huwag kang makialam matandang hukluban! Bubunutin naming lahat an gaming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.” Sabay-sabay na nagtwanan ang mag kabataan. “ Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo ang aking halaman. Mula ngayon kayo ay aking paparusahan.” Hindi pinapansin ng mag kabataan ang sinabi ng matanda, bagkus lalo pa silang nagbulungan at naghagikgikan. Hindi nila namalayan na unti-unti na pala silang lumiliit at tinutubuan ng pakpak. Sila ay naging ganap na bubuyog. Nagliparan sila sa paligid ng mag bulaklak habang nagbubulungan. Bzzzzzzzz, Bzzzzzzz. Bzzzzzzzzzz 1. Pangyayari: Marami pa rin ang naaakit dumaan at mamasyal sa paligid ng kanyang bahay: Sanhi:_________________________________________________________ Bunga:________________________________________________________ 2. Pangyayari: May napadaan na grupo ng mga kabataan sa bahay ng matanda . Sanhi:_________________________________________________________ Bunga:________________________________________________________

3. Pangyayari: Bukod sa msamang pananalita ng mga kabataan ay sinira pa nila ang halaman ng matanda. Sanhi:_________________________________________________________ Bunga:________________________________________________________ 4. Pangyayari: Naging mga bubuyog ang mga lapastangang mga kabataan. Sanhi:_________________________________________________________ Bunga:________________________________________________________ Panuto : Bumuo ng Story Collage ( hawig sa Spice of Life ni Larry Alcala) na naghahambing ng kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa noon at ngayon. Pagtataya sa bubuuing Story Collage ( hawig sa Spice of Life ni Larry Alcala) batay sa sumusunod na pamantayan: a. b. c. d. e.

Batay sa pananaliksik Orihinal Malikhain Nagpapakita ng ugnayan ng mga kultura sa alinman mga rehiyon Taglay ang mga elemento ng Story Collage

Aralin 2.1 PAMPANITIKAN

:

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat Ang Alamat ng Alamat

PANGGRAMATIKA:

Iba’t Ibang Paraan ng Pagtatanong

Tuklasin ang Iyong Pag-unawa

A. Pag-aralan ang mga larawan, pagkatapos ay pumili ng isa at magtala ng impormasyon tungkol sa alamat o pinagmulan ng napiling larawan. Gamitin ang Story Log sa pagsagot nito.Isulat sa sagutang papel.

________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ ALAMAT

________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ ________________________________________

________________________________________ Iyong tuklasin kung kailan nagsimula at lumaganap ang alamat sa Pilipinas. ________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ ____________________

B. Batay sa iyong kasagutan sa Gawain A, isa-isahin ang kultura at karanasang nangingibabaw sa mga impormasyong iyong itinala tungkol sa alamat o pinagmulan ng napili sa mga larawan. Itala ang kasagutan sa dayagram na nakalaan para rito. Gawin ito sa sagutang papel.

KULTURA

______________________________________________________________

_____________________________________________________ _____________________________________________________ _____________________________________________________ ____________________________________________________

Sa araling ito, mauunawaan mo Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat sa tulong ng pag-aaral ng Iba’t Ibang Uri ng Pagtatanong.

Inaasahang Pagganap

Bilang patunay ng iyong pag-unawa, sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagsasagawa ng iskrip ng Focus Group Discussion kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng alamat o iba pang kauri nito. Upang magabayan ka sa inaasahang produkto o pagganap, narito ang pamantayang gagamitin natin sa pagtataya ng isasagawang iskrip ng Focus Group Discussion: a) batay sa pananaliksik b) kaangkupan ng paksa c) wastong paraan ng pagtatanong at pagsagot sa tanong d) napapanahon, e) nagtataglay ng elemento ng Focus Group Discussion

Mahahalagang Tanong Sa iyong pag-aaral ng aralin, dapat na masagot ang sumusunod na Mahahalagang Tanong upang matiyak ang lubos na pag-unawa. Isulat sa sagutang papel ang iyong kasagutan.

1.Bakit patuloy na kinagigiliwan mga tao ang alamat?

ng

2. Bakit may kultura sa iba’t ibang rehiyon na nananatili, nagbago at nawala na? 3. Bakit kailangang matuto tayong magtanong at sumagot?

SAGOT:_______________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ ________________________.______

Kung may nais ka pang malaman, isulat mo lang ang iyong mga katanungan.

SAGOT:_________________________________________ _______________________________________________ _______________________________________________ _______________________________________________ _

Gawin Mo

Iyong tuklasin kung kailan nagsimula at lumaganap ang alamat sa Pilipinas.

KULTURA

C. Batay sa iyong kasagutan sa sa Gawain A, isa-isahin ang kultura at karanasang nangingibabaw sa mga impormasyong iyong itinala tungkol sa alamat o pinagmulan ng napili sa mga larawan. Itala ang kasagutan sa dayagram na nakalaan para rito. Gawin ito sa sagutang papel.

Kapag narinig o nabasa mo ang salitang alamat, ano ang mga salitang may kaugnayan dito na kaagad pumapasok sa iyong isipan? Isulat ang mga ito sa spider web na nasa ibaba. (Maaari itong dagdagan kung kinakailangan.) Gawin sa sagutang papel . Gayahin ang format.

ALAMAT

Linangin Ang Iyong Pag-unawa

Bawat rehiyon ay may kani-kaniyang kultura na sumasalamin sa mga tradisyon, paniniwala at pamumuhay ng mga tao rito. Sa paglipas ng panahon, bagama’t ilan sa mga ito ang nananatili pa rin, higit namang mas marami ang nagbabago na dahil sa iba’t ibang impluwensiya, tulad ng relihiyon, teknolohiya, edukasyon at iba pa. Ilan naman sa mga tradisyon at kaugaliang Pilipino na nakapaloob sa kultura ay tuluyan ng nawala kasabay marahil ng mga hindi maiiwasang pagbabago. Mabuti na lamang at nariyan ang panitikan, tulad ng alamat na naglalarawan ng iba’t ibang mukha ng buhay, paniniwala, tradisyon, kaugalian, at karanasan ng

mga tao, na bagama’t mahiwaga at hindi kapani-paniwala ang mga pangyayari, nagisislbi naman itong panuntunan hinggil sa pinagmulan ng isang lahi, ang pagsulong at pag-unlad ng isang bansa sa bawat panahong nagdaan. Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay kuwento ng mahiwagang mga pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan kaya't walang nagmamay-ari o masasabing may akda nito. Ang alamat ay kuwento na kathang-isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon. Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Ito ay tumatalakay din sa mga katangiang tulad ng pagiging tapat, matapang, matulungin, at iba pa. Ang alamat ay kinapupulutan ng aral. Nagsimula noong unang panahon ang mga at ito ay nagpasalin- salin na sa maraming henerasyon. Ang alamat ay pinaniniwalaan na totoong naganap dahil sa tagal ng pamamayani nito sa ating panitikan na naging bahabi na ng ating kultura. Basahin at unawain Muli nating lakbayin sa ating isipan ang pinagmulan ng sinaunang alamat. Tandaan ang mahahalagang impormasyon na makakatulong sa atin upang mas lalo mong maunawaan ang aralin.

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat Ang salitang alamat ay panumbas sa “legend” ng Ingles. Ang katawagan namang ito ay nagmula sa salitang Latin na “legendus”, na ang kahulugan ay “upang mabasa”. Noon pa mang 1300 AD ( After Death ), ang Ita/ Aetas/ Negrito o Baluga ( sila ang mga taong walang permanenteng tirahan na unang nandarayuhan sa atin.) ay may sarili ng mga kwentong -bayan, kabilang ang alamat. Ayon sa mga heologo ( geologists ), nakuha o nalikha nila ang mga ito dahil sa kanilang pandarayuhan sa iba’t ibang lupain sa Asya. Dahil sa wala silang sistema ng pamahalaan ( bunga marahil ng kakauntian ), panulat, sining, at siyensya, ang mga ito ay nagpasalingdila o lipat-dila lamang. Pagkalipas ng 4,000 taon, dumating sa ating kapuluan ang mga Indones na may dalang sariling sistema ng pamahalaan, panitikan at pananampalatayang pagano. Ang matatandang alamat ng ating mga ninuno ay nalangkapan ng kanilang

mga katutubong alamat na ang nilalaman ay tungkol sa mga anito, buhay ng mga santo at santa, bathala, at pananampalataya sa Lumikha. Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Malay. Katulad ng mga Indones, sila rin ay may pananampalatayang pagano. May dala rin silang sariling mga alamat, kuwentong-bayan at mga karunungang bayan. Sila rin ang nagturo sa ating mga ninuno ng alpabeto na tinatawag na alifbata o alibata. Dahil dito, ang ilan sa ating mga alamat na pasaling-dila o bukambibig lamang ay naisatitik ng ating mga ninuno sa mga kawayan, talukap ng niyog, dahon, balat ng kahoy, at maging sa mga bato sa pamamagitan ng matutulis na kahoy, bato, o bakal. Sa panahong ito, higit na lumaganap ang mga alamat hinggil sa pananampalatayang pagano at sumibol ang “Malakas at Maganda”. Nandayuhan din sa ating kapuluan ang mga Tsino, Bombay, Arabe at Persyano. Ang mga ito ay may mga dala ring kani-kaniyang kultura na nakaambag sa patuloy na pag-unlad ng mga alamat sa ating kapuluan. Sa mga panahong ito higit na umunlad ang wika at panulat ng ating mga ninuno kaya’t marami sa mga alamat ang naisulat at naipalaganap. Gayunpaman, nakahihigit pa rin ang mga alamat na nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan. Sumunod na nandayuhan sa ating kapuluan ang mga Espanyol na may layuning mapalawak ang kanilang kolonya, at magpalaganap ng pananampalatayang Kristianismo. Ipinasunog ng mga prayleng Espanyol ang mga naisulat na panitikan ng ating mga ninuno. Ang iba’y ipinaanod sa ilog sapagkat ayon sa kanila ang mga iyon raw ay gawa ng demonyo. Ngunit ang mga alamat at iba pang panitikang nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga mamamayan ay hindi nila masira. Nanatili ang mga alamat...nakitalad, nakipagsubukan sa mahaba at masalimuot na panahon at nanatiling buhay hanggang sa kasalukuyan.

Ang Alamat ng mga Alamat Sa bulubunduking lugar sa isang bayan sa ating kapuluan, daan-daang taon na ang nakalipas ay may nakatirang isang lalaking balo na ubod ng yaman. Mataas ang lugar na kinatatayuan ng kaniyang napakalaki at napakagandang bahay. Mula sa kaniyang bahay ay tanaw na tanaw niya ang mga taong naninirahan sa may paanan ng bundok. Kitang-kita niya ang naghihikahos na pamumuhay ng mga ito

sa ibaba, na ikinatutuwa niya dahil lalo itong nakapagpapataas ng kaniyang kalagayan. Kung gaano kataas ang kaniyang tinitirhan, ganoon din naman kataas ang kaniyang pag-uugali. Ang lalaking balo ay may isang anak na dalaga, na ang ugali at kalooban naman ay kasingganda ng kaniyang panlabas na kaanyuan. Dahil dito, maraming nanliligaw sa kaniya. Maging ang mayayamang binata mula sa malalayong lugar ay pumapanhik ng ligaw sa dalaga. Ngunit ang kaniyang inibig ay isang mahirap na binatang nakatira sa may paanan ng bundok. Hindi matanggap ng lalaking balo ang lalaking napili ng kaniyang anak. Pilit niyang hinahadlangan ang pag-iibigan ng dalawang magsing-irog kaya’t napagpasyahan ng mga ito na magtanan na lamang. Nanirahan ang mag-asawa sa paanan ng bundok. Galit na galit ang lalaking balo kaya’t minabuti ng mag-asawa na huwag na munang magpakita rito. Isang araw, umulan nang napakalakas. Inabot ito ng isang linggo at umapaw ang mga ilog. Lalo pang lumakas ang walang tigil na pagulan. Lumikha ito ng napakalaking pagbaha na umabot sa maliliit na bahay sa paanan ng bundok. Nabahala ang mga tao. Nag-isip sila ng paraan kung paano sila makaliligtas. Sa pangunguna ng anak ng lalaking balo at ng kaniyang asawa, pinuntahan nila ang bahay ng ama at nakiusap na payagan silang pansamantalang manirahan sa bahay nito hanggang sa tumigil ang ulan. Galit na galit na ipinagtabuyan ng balong lalaki ang mga tao kasama ng kanyang anak at asawa nito. Umiyak at nagmakaawa ang anak ngunit hindi pa rin nila natamo ang kapatawaran ng ama. Paglipas ng ilang araw, tumigil na ang ulan. Namatay lahat ng nakatira sa paanan ng bundok, kabilang na ang anak ng lalaking balo. Siya lamang ang natirang buhay. Nang malaman niya ito, naisip niyang magpakamatay na lamang. Sinaksak niya ang kaniyang sarili ngunit hindi man lamang tumalab ang kutsilyo nang itarak niya ito sa kaniyang dibdib. Maya- maya ay may narinig siyang tinig. “Ikaw ay walang kamatayan. Kahit matanda ka na, mananatili kang buhay. At bilang kaparusahan sa nagawa mo, hindi ka hihinto sa pagsulat. Itatala mo ang lahat ng kuwento tungkol sa pinagmulan ng mga prutas, hayop o anumang bagay na kapupulutan ng magagandang pag-uugali ng mga tao.” Matapos ang tinig ay kumidlat nang napakalakas. Biglang nabiyak ang isang napakalaking bato at sa malaking tipak nito ay naisatitik ang salitang “ALAMAT”.

Walang nagawa ang lalaking balo. Naisip niyang iyon ang parusa ng langit sa kanyang kapalaluan sa kapwa. Bilang pagsisisi at pagtanggap sa kasalanang nagawa, ginampanan niya ang utos ng tinig. Isinulat niya ang lahat ng pinagmulan ng lahat ng bagay na naaabot ng kaniyang paningin at pandinig sa kalawakan, kaparangan, sa mga kabundukan, kagubatan at karagatan Lumipas ang napakahabang panahon. Tumanda at nagmukhang ermitanyo na ang lalaking balo ngunit patuloy pa rin siya sa paglakad at paglipat-lipat sa iba’t ibang lugar saan mang dako upang isulat ang mga alamat sa malalaking tipak ng bato. . Gawin Mo 1. Ipakita ang mahahalagang pangyayaring ipinababatid ng kaligirang pangkasaysayan ng alamat sa tulong ng dayagram ng pangyayari. Pagkatapos ay gawan ito ng buod. (P- Pangyayari) Buod ng mga Pangyayari: Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat

Paglinang sa Talasalitaan Ngayon ay pagpangkat-pangkatin mo ang mga salitang magkakaugnay ang kahulugan gamit ang world clustering. Piliin sa kasunod na kahon ang mga salitang may kaugnayan sa bawat salita na biluhaba. Isulat ang mga sagot sa kuwarderno. Gayahin ang format.

pananampalataya a

nandarayuhan

Karunungangbayan

mapalawak ang kolonya

Malay

Kristianismo

santo at santa

alamat

Bathala

kuwentong-bayan

Lumikha

panitikan

nalangkapan

saling- dila

may sariling kultura

Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Sagutin mo ang mga tanong upang lubos na maunawaan ang mga kaisipan ng Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat.Isulat ang mga sagit sa sagutang papel. Gayahin ang pormat. 1. Ihanay sa tsart ang mga patunay kung ang impormasyong nakuha sa binasang Alamat ng mga Alamat ay makatotohana o di-makatotohan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gayahin ang format.

MAKATOTOHANAN

DI-MAKATOTOHANAN

2. . Sa iyong palagay, makatuwiran bang hadlangan ng mayamang balo ang pagmamahalan sa pagitan ng kaniyang anak at ng binatang mahirap. Isulat ang iyong sagot sa loob ng cloud call-out. Gawin sa sagutang papel.

3. Magbigay ng patunay sa nabasang Ang Alamat ng Alamat na ito ang pinagmulan/pinag-ugatan ng alamat na lumaganap sa Pilipinas gamit ang _________.

4. Kung ikaw ang matandang lalaking balo, gagawin mo rin ba na tikisin ang sarili mong anak, bakit. OO bakit hindi? Ilagay sa scroll ang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.

5. Ilagay sa dayagram ang mga hakbangin kung paano ka makatutulong upang mapalaganap ang alamat sa inyong lugar. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang fromat.

Palalimin ang Iyong Pag-unawa

Basahin ang panayam sa pagitan ng isang mag-aaral at ng kilalang manunulat sa kanilang lalawigan. Isang Sabado ng hapon, inimbitahan ng Eastern Cabu National High School ang isang kilalang manunulat sa lalawigan para sa isang panayam na naglalayong magbigay ng kaalaman sa mga mag-aaral tungkol sa mga karanasan ng mga ito sa kanilang pagsusulat. Itinalaga bilang tagapanayam ng gawain si Armando, isang mag-aaral. Narito ang kanilang naging pagpapalitan ng mga tanong at sagot.

Armando

Magandang hapon po sa inyo. Naparito po ako upang kapanayamin kayo hinggil sa mga bagay na may kinalaman sa inyong mga karanasan sa pagsusulat. Maaari po ba kayong magbigay ng ilang mga impormasyon para sa kabatiran ng mga tulad kong mag-aaral na nagnanais na sundan ang inyong mga yapak?

Magandang hapon din. Ano-ano ba ang mga nais mo’ng malaman? G. Francisco:

Nais ko po sanang malaman kung ano-ano o sino-sino ang inyong mga naging inspirasyon sa inyong mga isinusulat na maiikling kuwento? Armando: Sila ang aking pamilya na nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang makakuha ako ng magagandang paksa sa aking maiikling kuwento. Ang aking mga naranasang kahirapan sa buhay na mula’t sapul sa pagkabata ang nagsilbing inspirasyon at hamon sa akin para makasulat ng maiikling kuwento. Naging pangunahing paksa sa mga isinulat kong maiikling kuwento ang kahirapan at kung paano ito

G. Francisco:

malalampasan.

Bakit at paano po nakilala ang inyong maikling kuwento? Armando:

G. Francisco:

Nakilala ang aking mga isinulat dahil sa kawili-wili nitong mga paksa na nababagay sa lahat ng edad. Sa katunayan, mabilis nauubos sa mga tindahan ng mga aklat ang aking maiikling kuwento. Dahilan marahil sa marami sa ating mga kababayan ang nakararanas ng kahirapan, kaya’t sa pamamagitan ng pagbabasa sa maiikling kuwentong aking isinusulat ay nakasusumpong sila ng inspirasyon upang patuloy na makipagsapalaran sa buhay.

Alin po sa inyong mga isinulat na maiikling kuwento ang pinakatanyag? Armando: Masasabi ko’ng pinakatanyag sa aking mga isinulat ang “Sa Putikan ay May Langit Din”. Maligaya ako kung mababasa mo ang aking mga kuwento. Natitiyak ko’ng magugustuhan mo rin ang isinulat kong “Bagong-Pinoy” tulad ng pagkawili ng maraming mga kabataang tumangkilik dito. G. Francisco : Nasasabik po akong mabasa ang inyong mga isinulat na maiikling kuwento. Maraming Salamat po sa inyong napakahalagang sandali na iniukol para sa panayam na ito. Hanggang sa susunod po nating pagkikita. Armando:

Muling balikan ang naging panayam ni Armando sa mga kilalang manunulat, pansinin ang kanilang pagpapalitan ng mga tanong at sagot. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. 1. Bakit kinapanayam ni Armando ang mga kilalang manunulat sa kanilang lalawigan? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 2. Tungkol saan ang paksa ng kanilang naging usapan? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 3. Batay sa iyong pag-unawa sa panayam, masasabi mo ba na ang paraan ng pagtatanong ni Armando sa mga nabanggit na manunulat ay malinaw, gayon din ang pagsagot sa kaniya ng mga manunulat? Patunayan. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 4. Batay sa takbo ng pagpapalitan ng tanong at sagot ng mga tauhan sa panayam, masasabi mo ba na naging kawili-wili sa bawat isa ang kanilang naging panayam? Magbigay ng partikular na sitwasyon na susuporta sa iyong sagot. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 5. Batay sa mga naging sagot ng kinapanayam ni Armando, ano sa mga pahayag niya ang higit na nakapukaw ng iyong damdamin. Bakit at paano? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

6. Ilahad ang mahahalagang impormasyong tinukoy ng kinapanayam na manunulat gamit ang W’s organizer. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat. W’s Organizer

Alam Mo Ba… Upang mas higit tayong makakuha ng mga impormasyon, kinakailangan nating maunawaan ang tamang paraan ng pagtatanong at ng pagsagot sa mga tanong sa tulong ng mga hinihinging detalye. Suriin ang mga paraan ng pagtatanong at ang tamang pagsagot batay sa susunod nating talakayan. Pagtatanong at Pagsagot sa Tanong 1. Mga tanong na humihingi ng higit sa isang impormasyon sa tulong ng dalawang panghalip. Sa ganitong uri ng mga tanong, isang panghalip lamang ang inilalagay sa unahan ng tanong maliban kung pinag-uugnay ng at ang dalawang tanong. Mga Halimbawa: Tanong 1. Sino ang dapat magpahalaga sa ating kultura at bakit? Sagot: a.) Tayong mga Pilipino ang dapat magpahalaga sa ating mga minanang kultura dahil ito ang pamana ng ating mga ninuno sa atin..

Tanong 2: Bakit at paano lumaganap ang mga alamat sa ating bansa? Sagot: a.) Lumaganap ang alamat sa ating bansa dahil sa pagdating ng mga dayuhan. b.) Ang mga alamat ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan at sa kasalukuyan ay nakalimbag na kung kaya’t nananatili ang mga ito hanggang sa kasalukuyan at sa darating na henerasyon. Tanong 3: Sino ang dapat tumangkilik sa ating mga alamat at paano? Sagot: a.) Tayong mga Pilipino ang dapat tumangkilik sa ating mga alamat sa pamamagitan ng pagbabasa at pagkukuwento nito sa iba. Maaari rin nating paghiwalayin sa isang serye ng tanong ang mga naunang halimbawa. a. b. c. d. e. f.

Sino ang unang dapat tumangkilik sa ating mga alamat? Bakit dapat nating tangkilikin ang ating mga alamat? Bakit mayroon tayong mga alamat ngayon? Paano lumaganap ang mga alamat sa ating bansa? Sino ang dapat magpahalaga sa ating mga alamat? Paano natin mapahahalagahan ang ating mga alamat?

2. Magalang na pagtatanong na nangangahulugan ng pakiusap. Mga Halimbawa: a. Maaaring magtanong? Maaari (po) bang magtanong? b. Puwede (po) bang makahiram ng mga alamat? c. Maaari (po) bang humingi ng kuro-kuro tungkol sa inyong pananaw sa pagpapalaganap ng alamat? 3 . Mga tanong na panagot sa pangungusap at nagpapaliwanag ng iba’t ibang layunin. Kaiba sa pagtatanong, ang pangungusap ay hindi nangangailangan ng sagot. Ngunit sa isang pag-uusap, karaniwan ng inaasahan ang pagbibigay ng reaksyon ng kausap sa maraming pangungusap upang maipakita sa nagsasalita ang interes at pagsang-ayon o pagtutol, o para maipakita lamang na nakikinig sa nagsasalita. Isang uri ng reaksyon ang pagtatanong, kapag ginawa ito, matitiyak lamang na may natatanging layunin ang taong nagtatanong na tulad ng sumusunod:

A. Mga tanong na signal o hudyat ng atensyon at interes sa sinasabi ng kausap. May kasama itong intonasyon na nagpapahayag ng interes. Mga Halimbawa: Pangungusap 1: Sagot:

Maunlad pala tayo sa mga alamat. Talaga? (naniniguro)

Pangungusap 2:

Dahil ba sa alamat kaya nalalaman natin ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa ating paligid? Oo, sa alamat din malalaman kung ano ang kaugalian at paniniwala ng mga tao sa isang lugar o rehiyon.

Sagot

:

Pangungusap 3: Sagot:

May paligsahan daw sa pagsulat ng alamat. Totoo ba? (naniniyak)

B. Mga tanong na humihingi ng iba pang impormasyon mula sa kausap. Pinaiikli rin ang ganitong tanong. Mga halimbawa: Pangungusap 1: Sagot:

Maglalakbay kami sa Boracay. Bakit? Kailan? ( kayo pupunta sa Boracay)?

Pangungusap 2: Sagot:

Magbabasa ako ng alamat Anong alamat (ang babasahin mo)?

Pangungusap 3: Sagot:

Isulat mo ito. Bakit (ko iyan isusulat)?

Gawaing Panggramatika Basahin at suriin ang Focus Group Discussion sa ibaba. Dahilan sa tagumpay ng isinagawan ng Sangguaniang Barangay ng Sapang-Buho, nagsagawa ng panayam si Erwin, Pangulo ng Supreme Student Council ng Sapang-Buho National High School sa kanilang Kapitan ng Barangay at sa ilang mga Kagawad nito upang makakuha ng mga impormasyon na makatutulong sa kanila sa paglulunsad ng katulad na proyekto sa kanilang paaralan. Narito ang bahagi ng pakikipanayam ni Erwin sa ilan sa mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng SapangBuho: Erwin :Magandang umaga po Kapitan, gayon din po sa inyong mga kagawad. Maaari ko po ba kayo’ng maabala sandali para sa ilang mga katanungan hinggil sa matagumpay na tree-planting activity na inyong inilunsad sa ating barangay? Kapitan Mendoza :Magandang umaga din naman sa iyo, Erwin. Tamang-tama ang iyong dating, kasalukuyan kaming nagkakatipon ngayon ng mga Kagawad ng ating barangay at aming pinag-uusapan ang susunod na mga hakbang na aming isasagawa para matiyak na hindi mapapabayaan ang mga punong aming itinanim sa iba’t ibang bahagi ng ating barangay. Erwin : Talaga po? Kagawad Mercado: Siya nga Erwin, ano-ano ba ang iyong katanungan? Erwin :Paano po ba nabuo ang ideya na inyong inilunsad sa ating barangay? Ano po ang pangunahing layunin nito? Kapitan Mendoza: Marami, Erwin. Isa na rito ay bunsod ng patuloy na pag-ulan na nagdudulot ng pagbaha sa iba’t ibang panig ng ating bansa kung kaya’t napagkasunduan ng sanggunian na magsagawa ng programa na makatutulong sa pagsagip sa ating kalikasan. Kagawad Mercado : Totoo iyan, Erwin. Mahalaga ang bawat puno upang mapigilan ang pagbaha, sapagkat sa pamamagitan ng mga ugat nito na sumisipsip sa mga tubig ulan, napipigilan ang labis na pagtaas ng tubig dito sa kapatagan. Kagawad Cruz: Malaking bahagi rin ang ginagampanan ng mga puno para sa pagkakaroon natin ng sapat at malinis na hangin na nakatutulong para sa ating paghinga. Erwin : Tama po. Kagawad Santos: Maliban sa mga iyan, batid din namin ang kahalagahan ng mga puno upang maiwasan ang polusyon sa hangin na ating nilalanghap sa ating paghinga. Erwin : Sino-sino po ba ang mga taong nasa likod ng programang ito? Kapitan Mendoza: Sila ang ating magigiting na miyembro ng Sangguniang Barangay na kumikilala sa kakayahan ng bawat isa na mapangalagaan ang ating kalikasan. Erwin: Sino-sino po ba ang mga taong nakiisa rito? Kagawad Cruz: Sila ang mga mamamayan ng barangay na may malasakit sa kalikasan.

Erwin : May mga naging balakid po ba sa pagsasakatuparan ng inyong programa? Kung mayroon, anu-ano po ang mga ito? Kapitan Mendoza: Oo. Iyon ay ang oras kung kailan namin itatakda ang mismong araw ng pagsasakatuparan ng programa. Kinakailangan kasi na isaalang-alang ang oras ng bawat isang sasama rito kung kaya’t talagang pinag-isipan namin kung kailan ito isasagawa. Erwin : Gano’n po ba? Batay po sa inyong mga naging tugon sa aking katanungan, natitiyak ko po’ng wala namang naging malaking balakid sa pagsasakatuparan ng inyong napiling proyekto sapagkat nadarama ko po ang pagmamalasakit ng bawat isa sa ating Inang Kalikasan. Maari ko na lamang po ba’ng malaman kung ano pa ang susunod ninyongmga hakbang batay sa inyong naging pag-uusap upang matiyak na hindi mapapabayaan ang mga punong inyong itinanim at sa halip ang mga ito’y mapakinabangan pa ng susunod pang henerasyon? Kapitan Mendoza : Tama ka Erwin at tulad ng iyong sinabi, ang bawat isa sa amin ay nakikita ang kabutihan ng puno para sa ating pansariling kaligtasan kung kaya’t hindi naging mahirap na pag-isipan kung paano mapangangalagaan ang mga punong aming itinanim. Erwin : Paano po? Kagawad Santos : Kami sa aming mga nasasakupang purok ay mangunguna sa pagdidilig ng mga halaman at sa pangangalaga sa mga ito. Kagawad Cruz: Ganon nga Erwin. Isa na riyan ang mga ligaw na hayop na maaaring kumain sa mga dahon ng maliliit na puno kung kaya’t hindi namin hahayaang may mga hayop na magpapakalat-kalat sa lansangan. Kapitan Mendoza: Kayo rin Erwin, bilang mga mag-aaral ay maaaring makibahagi sa gawaing ito. Kung inyong nanaisin ay maaari kayong makipag-ugnayan sa amin upang higit nating mapalaganap ang ating proyekto. Erwin: Nakahanda po ako na makipagtulungan sa ano mang programang makabubuti para sa lahat. Hayaan po ninyo at sa aking pagbabalik sa aming paaralan, ako po ay makikipag-ugnayan sa aming punong-guro upang maipaabot sa kaniya ang inyong paanyaya. Kapitan Mendoza : Sige Erwin, mag-iingat ka. Nagagalak din ang buong sanggunian na magbigay ng kabatiran sa mga kabataang tulad mo hinggil sa aming hangaring mapangalagaan ang ating kalikasan at sa huli kayo ay maging katuwang din namin sa mga gawaing katulad nito. Erwin : Sige po, maraming salamat po sa inyong napakahalagang oras na iginugol para sa panayam na ito. Magpapaalam na po muna ako.

1. Batay sa binasang panayam, sipiin ang iba’t ibang uri ng pagtatanong at pagsagot sa tanong na ginamit dito. Ilagay ang mga ito sa tsart na kasunod. Gawin ito sa sagutang papel. Mga tanong na humihingi ng higit sa isang impormasyon sa tulong ng dalawang panghalip

Mga magalang na tanong na nangangahulugan ng pakiusap

Mga tanong na panagot sa pangungusap at nagpapahiwatig ng iba’t ibang layunin

2. Tukuyin ang iba’t ibang uri ng pagtatanong at pagsagot sa tanong na ginamit sa sumusunod. Isulat ang sagot sa patlang. Gawin ito sa sagutang papel. a. Maaari po ba kayong maabala sandali upang kayo’y aming makapanayam? ______________________________________________________ b. Sabi mo matagumpay naming naisagawa ang aming panayam. Sigurado ka? ______________________________________________________ c. Sa iyong palagay, bakit at paano unti-unting nawala ang hilig ng mga kabataan sa pagbabasa ng alamat? ______________________________________________________ d. Gawin mo ito. Paano? ______________________________________________________ e. Nais ko po sanang makasali sa inyong usapan. Maaari po ba? ______________________________________________________ f. Sino-sino ang kinapanayam ng tagapagtanong? Bakit sila ay kinapanayam? ______________________________________________________

Ilapat Mo

Ang Focus Group Discussion ay isang uri ng pangkatang talakayan. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pakikipanayam sa pangkat ng mga taong apektado o may kaugnayan sa isang isyu o paksa upang:     

makapagpalaganap ng mahahalagang impormasyon; makakuha ng iba’t ibang pananaw o opinyon hinggil sa isang paksa; makabuo ng sariling pananaw na may matibay na batayan; malaman ang mga salik na nakaiimpluwensya sa pananaw o pag-uugali ng isang tao; at makakuha ng tamang sagot sa isinagawang pananaliksik o pag-aaral. Sa pagsasagawa ng Focus Group Discussion, maaaring iba’t ibang tao sa iba’t ibang sitwasyon ang iyong makakausap. Dahil dito, dapat na magkaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan sa tamang pagtatanong at pagsagot sa tanong. May kasabihan nga “nakasalalay sa masining pagtatanong ang pagkuha mayamang impormasyon”.

na na ng

Isang mabisang panghikayat ng reaksiyon ng kausap ang pagtatanong. Makatatanggap ng tamang sagot at impormasyon ang isang tagapanayam kung gagamit siya ng tamang paraan ng pagtatanong. Pinakanatural namang reaksiyon ng tinatanong ang pagsagot sa tulong ng mga hinihinging impormasyon.

A. Maghanda ng iskrip para sa Focus Group Discussion. Mag-isip ng mga tanong na maaaring itanong sa mga kakapanayamin hinggil sa kaligirang pangkasaysayan ng alamat o iba pang matatandang anyo ng panitikan sa bansa. Ihanay ang mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel. Mga Inihandang tanong sa kakapanayamin: 1. ___________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________ 3. ___________________________________________________________ 4. ___________________________________________________________ 5. ___________________________________________________________ 6. ___________________________________________________________ 7. ___________________________________________________________ 8. ___________________________________________________________ 9. ___________________________________________________________ 10. ___________________________________________________________ B. Sumulat ng ulat sa isinagawang panayam. Gawing batayan ang pagpapalitan ng tanong at sagot sa katatapos na panayam sa gawaing ito. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________