Publications - depedbataan.com

2 July 2017 Publications WASTONG GAMIT NG MGA SALITA SA WIKANG FILIPINO, MAHALAGA PA BA? ni: Camela C. Mila “Ang hindi magmahal sa kanyang salita, mah...

84 downloads 1073 Views 276KB Size
Publications WASTONG GAMIT NG MGA SALITA SA WIKANG FILIPINO, MAHALAGA PA BA? ni: Camela C. Mila “Ang hindi magmahal sa kanyang salita, mahigit sa hayop at malansang isda.” Ito ang bantog na pahayag ni Gat. Jose Rizal sa mga Filipino. Sa kasalukuyang panahon at henerasyon mayroon na ring mga modernong salitang Filipino o salitang Ingles na nagmula sa Pilipinas na kinikilala hindi lamang sa ating bansa pati na rin sa buong mundo, katulad na lamang ng salitang ‘Imeldific’ na ang ibig sabihin ay pagiging magarbo. Bilang karagdagan, kahanga-hanga ngang maituturing ang ganitong simpleng pagkilala sa mga salitang Pinoy sa buong mundo, ngunit sa kabila nito magbalik-tanaw tayo sa kaalaman nating mga Filipino sa wastong gamit ng mga salita sa wikang Filipino. Sa lipi na ang Ingles ay parte na ng ating pang araw-araw na pamumuhay mula sa mga babasahin at talakayan sa loob at labas ng ating mga tahanan at paaralan binibigyan pa ba natin ng kahalagahan ang wastong gamit ng ating pambansang wika? Base sa artikulo ni Alfie Vera Mella, isang kolumnista “Karamihan ng ‘di pagkakaintindihan ng mga tao ay bunga lang ng ‘di maayos na paggamit ng wika.” Isa na lamang sa pinakasimpleng salita na marahil ay hindi batid ng ilan sa atin ay ang wastong gamit at pagkakaiba ng mga salitang ‘ng at nang,’ upang maunawaan ang kasagutan

pati

na

rin

sa

ilan

pang

mga

salita

bisitahin

ang

wastonggamitngmgasalita.blogspot.com. Bilang tugon sa artikulo, maaaring ito’y isang katotohanang nais ipabatid sa atin, na ang wastong paggamit ng ating wika mula sa pinakasimple hanggang sa pinakakomplikadong mga salita ay napakaimportante higit sa lahat sa larangan ng pakikipagkomunikasyon, responsibilidad ng bawat isa sa atin na pangalagaan at 2 July 2017

Publications pagyamanin ang ating wika na hindi nasasakripisyo ang wastong paggamit nito sapagkat ito ay maaaring maging susi sa matibay na pagkakabuklod sa pulo na libo ang bilang tulad ng Pilipinas.

Sanggunian: Mella A.V. (2015) Gaano Nga Ba Kahalaga ang Tamang Paggamit ng Wika? Wastong gamit ng mga salita, ibinatay mula sa: http://wastonggamitngmgasalita.blogspot.com/

2 July 2017