Edukasyon sa Pagpapakatao - depedligaocity.net

Pamantayan sa Pagkatuto: ... pamamagitan ng pakikinig, pakikilahok sa pangkatang gawain, pakikipagtalakayan, at pagtatanong Code: EsP5PKP – Ic-d – 29...

181 downloads 1083 Views 324KB Size
5 Edukasyon sa Pagpapakatao Activity Sheets (1st Quarter)

Department of Education June 2016 1

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - Baitang5 Unang Markahan Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya

ARALIN 1

Pamantayan sa Pagkatuto: 1. Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga balitang napakinggan, patalastas na nabasa/narinig, napanood na programang pantelebisyon, at nabasa sa internet Code:

EsP5PKP – Ia – 27

GAWAIN 1 1. Bumuo ng apat na pangkat. 2. Ang lider ng bawat pangkat ay bubunot ng gagawin ng kanilang pangkat. Ito ay maaaring: a. Pagbibigay ng balita na tulad ng ginagawa sa radyo b. Paggawa ng patalastas na makikita sa telebisyon c. Pagbabasa ng balita tungkol sa artista o entertainment news na nakalagay sa dyaryo d. Pag research sa internet tungkol sa climate change. 3. Gamit ang “semantic webbing”, itala ang mga uri ng pinagkukunan ng impormasyon na batay sa ipinakita ng inyong pangkat.

radyo

telebisyon

pinagkukunan ng impormasyon

dyaryo

internet 2

4. Sagutin ang mga tanong: a. b. c. d.

Saan tayo nakakukuha ng mga impormasyon? Ano ang dapat nating gawin sa mga balitang ating nalalaman? Sa paanong paraan natin nasusuri ang katotohanan ng mga ito? Mahalaga ba na nasuri ang mga nilalaman ng mga balitang ito?

GAWAIN 2 Panoorin ang isang programang pantelebisyon o palabas sa video clip. Unawain ang mga kaganapan sa bawat tagpo ng programa. Suriin at sumulat ng talata tungkol sa mga mabuti at di mabuting maidudulot nito sa iyong sarili at sa pamilyang iyong kinabibilangan. Ipaalam sa klase ang mga pananagutang pansarili na pwede pang malinang.

GAWAIN 3 Sagutan ang tseklis. Lagyan ng tsek sa tapat ng sagot at bilangin ang kabuuang puntos pagkatapos itong sagutan.

KASANAYAN

LAGI KONG NAGAGAWA (3)

1. Sinusuri kong mabuti ang nababasa kong nakalagay sa internet bago ako maniwala. 2. Inuunawa ko muna ang napakinggang balita sa radyo bago magbigay ng reaksyon. 3. Inaalam ko sa tuwina ang positibong epekto ng napanood kong programa sa telebisyon. 4. Nababatid ko na hindi lahat ng aking nababasa ay may katotohanan. 3

MINSAN KO LANG NAGAGAWA (2)

HINDI KO LANG NAGAGAWA (1)

ARALIN 2

Pamantayan sa Pagkatuto: 2. Nakasusuri ng mabuti at di mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ng anumang babasahin, napapakinggan at napapanood, tulad ng diyaryo, magasin, radyo, telebisyon, pelikula, at internet Code:

EsP5PKP – Ib – 28

GAWAIN 1 1. Basahin ang artikulo. Mabuti at Di Mabuting Epekto ng Computer Umuunlad na nga ang ating panahon ngayon. Marami na ang mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone, MP3, MP4, iPod at higit sa lahat ang computer. Para sa karamihan, ang computer ay isang napakahalagang imbensiyon at malaki ang naitutulong nito sa atin. Pero hindi alam ng lahat, bukod sa mga mabuting epekto nito, mayroon din itong hindi mabuting epekto. Unahin na natin ang mabuting epekto. Ang computer ay isang teknolohiyang nagbibigay sa atin ng maraming impormasyon. Halimbawa na lamang kapag tayo ay mayroong mga proyekto o takdang aralin sa paaralan, mas napapadali tayong maghanap ng mga kasagutan. Hindi na tayo mahihirapang maghanap sa mga libro, ang computer na mismo ang magbibigay sa atin ng sagot. Tumutulong din ang computer para magkaroon tayo ng komunikasyon sa mga mahal natin sa buhay na nasa ibang bansa. Nakatutulong din ito ng computer sa negosyo gamit ang internet. At ito rin ang pangunahing dahilan ng mga estudyante sa teknolohiya sa pagpili nila sa kanilang kurso. Sunod naman ay ang mga hindi mabubuting epekto ng computer. Una na diyan ang problemang naidudulot nito sa mga kabataan. Ang iba ay napapabayaan ang kanilang pag-aaral dahil sa computer. Naaadik ang iba sa paglalaro ng computer games tulad ng DOTA. Hindi lang oras ang nasasayang pati na rin ang pera. Winawaldas ng mga estudyante ang kanilang pera sa paglalaro kaysa sa pagkain. Maaari din itong magdulot ng sakit, tulad ng pagsakit ng ulo o pagkahilo dahil sa matagal na pagkatutok sa computer. 4

Kaya payong kapatid, hinay hinay lang sa paggamit at huwag nating abusuhin ang mga teknolohiyang ito.

2. Magkaroon ng talakayan tungkol sa binasang artikulo. 3. Isa-isahin ang mga mabubuti at di mabubuting epekto ng computer.

GAWAIN 2 1. Bumuo ng anim na pangkat: unang pangkat ikalawang pangkat ikatlong pangkat ikaapat na pangkat ikalimang pangkat ikaanim na pangkat

– – – – – –

dyaryo magasin radyo pelikula telebisyon internet

2. Sa multimedia o technology tool na napunta sa inyong pangkat, anong uri ng datos o impormasyon ang inyong hinahanap at makukuha dito? Bakit?

GAWAIN 3 Anong mga palabas sa telebisyon o pelikula ang rated PG? Ano ang ibig sabihin nito?

GAWAIN 4 Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng mabuting naidudulot ng alinman sa sumusunod: dyaryo, radyo, telebisyon, pelikula, magasin at internet. Bigyan ng maikling paliwanag ang inyong ginawang poster.

5

ARALIN 3

Pamantayan sa Pagkatuto: 3. Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral sa pamamagitan ng pakikinig, pakikilahok sa pangkatang gawain, pakikipagtalakayan, at pagtatanong Code:

EsP5PKP – Ic-d – 29

GAWAIN 1 1. Bumuo ng apat na pangkat. Pumili ng lider at tagapagtala sa bawat pangkat. 2. Buuin ang jigsaw puzzle na ibibigay ng guro. 3. Pagkatapos mabuo ang jigsaw puzzle, ang bawat pangkat ay susulat ng isang maikling balita mula sa larawang nabuo. 4. Babasahin ng lider ng bawat pangkat, sa harap ng klase, ang isinulat na balita. 5. Maaaring magbigay ng kanilang opinyon ang ibang pangkat tungkol sa nabuong jigsaw puzzle at sa isinulat na balita ng nag-ulat na pangkat.

GAWAIN 2 1. Gumawa ng maikling sanaysay tungkol sa iyong pangarap. Ano-ano ang dapat mong gawin upang makamit ito? 2. Ibahagi sa klase ang isinulat na sanaysay.

GAWAIN 3 1. Magnilay kung ano ang nais mong makamit pagkaraan ng sampung taon. 2. Gumawa ng isang poster tungkol sa slogan na ito, “Ito AKO pagkatapos ng Senior High School”. 3. Ilahad sa klase ang nilalaman ng ginawang poster.

6

ARALIN 4

Pamantayan sa Pagkatuto: 3. Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral sa pamamagitan ng paggawa ng proyekto (gamit ang anumang technology tools), paggawa ng takdang aralin, at pagtuturo sa iba Code:

EsP5PKP – Ic-d – 29

GAWAIN 1 1. Magpapakita ang guro ng mga larawan ng pagtulong sa mga gawaing pampaaralan. 2. Sagutin ang sumusunod na tanong: a. Anong katangian ang ipinakikita ng mga bata sa larawan? b. Paano nakatutulong ang mga katangiang ito upang maisagawa nang matagumpay ang mga gawain? c. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong maiaambag o maibabahagi upang maisakatuparan ang isang gawain?

GAWAIN 2 1. Bumuo ng tatlong pangkat. Pumili ng lider. 2. Ang lider ng bawat pangkat ay bubunot ng sitwasyon, tulad ng sumusunod: Pangkat 1 - Nagbigay ang iyong guro ng takdang aralin na ipapasa kinabukasan. Niyaya ka ng iyong kaibigan na dumalo sa isang “Birthday Party”. Ano ang iyong gagawin? Pangkat 2 - Nadatnan mong umiiyak ang iyong nakababatang kapatid. Hindi niya alam ang kaniyang takdang aralin sa Matematika. Ano ang iyong gagawin? Pangkat 3 - Miyembro kayo ng Yes – O sa inyong paaralan. Napagkaisahan ng grupo na magsagawa ng Clean Up Drive sa barangay. Ano ang inyong gagawin? 7

3. Ipakikita sa klase ng bawat pangkat ang wastong pag-uugali sa pamamagitan ng masining na pamamaraan. 4. Talakayin ang mga wastong pag-uugali na naipakita ng bawat pangkat sa mga sitwasyong nailahad.

GAWAIN 3 Gumawa ng isang repleksiyon na naglalahad ng iyong mga karanasan sa pagtulong at pagganap ng mga gawain. Ano ang mga naging motibo mo sa pagtulong? Ano naman ang mga leksiyon na natutuhan mo tungkol sa iyong sarili at sa kapuwa.

8

ARALIN 5

Pamantayan sa Pagkatuto: 4. Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga proyektong pampaaralan 5. Nakahihikayat ng iba na maging matapat sa lahat ng uri paggawa Code:

EsP5PKP – Ie – 30 at EsP5PKP – Ie – 31

GAWAIN 1 1. Basahin ang kuwento. ANG BATANG MATAPAT Isang araw nagbigay ng isang takdang aralin si Bb. Cruz sa kaniyang klase upang magsaliksik tungkol sa mga bayaning Pilipino. Pagkatapos ng klase ay dali-daling nagpunta si Juan sa silidaklatan upang maghanap ng mga babasahin tungkol sa mga bayani ng Pilipinas. Samantalang si Pedro ay naglaro muna sa palaruan at ipinagawa na lang niya ang kaniyang takdang aralin sa kaniyang kapatid na nagtatrabaho sa isang internet café. Kinabukasan ay agad na ipinasa ng mga mga mag-aaral ang kanikanilang takdang aralin na agad din namang binigyang puntos ni Bb. Cruz. Sa kadahilanang mas maayos, makulay at maganda ang ipinasang proyekto ni Pedro, siya ang nakatanggap ng pinakamataas na puntos sa kanilang klase. Tuwang-tuwang ipinagyabang ni Pedro sa mga kaklase ang nakuhang marka. Malungkot man ay mahinahon namang tinanggap ni Juan ang hatol ng kanilang guro dahil alam niyang pinaghirapan niyang tapusin ang kaniyang proyekto sa sariling pagsisikap. Nang sumunod na araw ay nagkaroon ng talakayan sa klase tungkol sa proyektong ipinagawa ng guro na madali namang nasagot lahat ni Juan dahil siya mismo ang gumawa ng kaniyang proyekto sa pamamagitan ng pagbasa ng mga aklat sa silid-aklatan, samantalang si Pedro ay yuyuko-yuko upang hindi tawagin ng guro para sagutin ang mga tanong tungkol sa mga bayani. Ngunit, anumang pagtatago niya ay 9

tinawag din siya ng kaniyang guro upang ibahagi sa klase ang kaniyang gawain. Napayuko si Pedro at inamin sa kaniyang guro na hindi niya kayang ipaliwanag ang kaniyang gawain dahil ipinagawa lamang niya ito sa kaniyang kapatid. Humingi ng tawad si Pedro sa guro at sa kaniyang mga kaklase. Magmula noon ay napagtanto niya na lubhang napakahalaga ang maging matapat at pagtuunan ng pansin ang kaniyang pag-aaral.

2. Magkaroon ng maikling talakayan sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na tanong: a. Tungkol saan ang kuwentong inyong binasa? b. Ano ang ginawa ni Juan pagkabigay ni Bb. Cruz ng kanilang takdang aralin? c. Sino ang mas tama ang ginawa? Bakit? d. Ano ang mas mahalaga, magandang resulta pero hindi mo gawa, o hindi masyadong maganda ang gawa pero sarili mo ang gumawa? e. Paano mo pa mapagaganda ang sariling gawa? Bakit kailangan na maganda at magaling ang gawa natin?

GAWAIN 2 1. Isulat sa isang metacard ang salitang MATAPAT, at sa isa naman ay ang salitang HINDI MATAPAT. 2. Gawin ang gawain sa ibaba. Panuto: Itaas ang salitang MATAPAT kung ang sitwasyon ay nagpapahiwatig ng katapatan sa paggawa ng proyekto o takdang aralin at ang salitang HINDI MATAPAT kung ito ay hindi. _____ a. Masusing gumagawa ng takdang aralin na nag-iisa. _____ b. Ipinapagawa ang proyekto sa nakatatandang kapatid. _____ c. Sumasangguni sa kaibigan o kasapi ng pamilya kung hindi naiintindihan ang proyekto. 10

_____ d. Nagpapatulong sa pag-download ng mga larawan ng mga bayani ng Pilipinas. _____ e. Nagpapatulong sa kaklase sa indibidwal na proyekto. 3. Talakayin sa pamamagitan ng pagbabahaginan ang mga naging kasagutan sa bawat sitwasyon.

GAWAIN 3 1. Bumuo ng tatlong pangkat. Pumili ng lider at tagapagtala 2. Bawat pangkat ay bibigyan ng sitwasyon na kanilang babasahin at ng gawain na nakasulat sa papel.

Sitwasyon: Si Mario ay manlalaro ng volleyball sa paaralan. Ang team nila ay may gaganapin na pag-eensayo sa buong araw ng Sabado at Linggo. Mahigpit na pinadadalo ang bawat manlalaro dahil malapit na ang paligsahang pandistrito. Gustong-gusto ni Mario na pumunta ngunit hindi pa niya nagagawa ang proyekto niya sa Araling Panlipunan. Sa Lunes na ang huling pagpapasa ng proyekto. May oras pa naman sa gabi kaya lang ay siguradong pagod na siya. Isang kaibigan ang nagsabi sa kaniya na ipagawa na lamang sa computer shop ang kaniyang proyekto upang maipasa niya ito sa takdang oras. Mga tanong sa bawat pangkat: Pangkat I Basahin ang sitwasyon na ibinigay ng inyong guro at sagutin nang malikhain ang tanong. Tanong: Kung ikaw si Mario, susundin mo ba ang payo ng iyong kaibigan?

11

Pangkat II Basahin ang sitwasyon na ibinigay ng inyong guro at sagutin nang malikhain ang tanong. Tanong: Kung ikaw si Mario, paano mo maipakikita ang matapat na paggawa sa proyekto?

Pangkat III Basahin ang sitwasyon na ibinigay ng inyong guro at sagutin nang malikhain ang tanong. Tanong: Kung ikaw ay isa pang kaibigan ni Mario, paano mo siya hihikayatin na gawin ang proyekto nang matapat kahit siya ay mahirapan?

3. Pag-usapan sa inyong pangkat ang sitwasyon at ang inyong magiging kasagutan sa tanong. Iulat ito sa harap ng klase pagkatapos.

GAWAIN 4 Gumawa ng tula, poster o talata kung paano mo ipinapakita ang katapatan sa paggawa at kung paano mo mahihikayat ang iba na maging matapat sa kanilang gawain.

12

ARALIN 6

Pamantayan sa Pagkatuto: 6. Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain Code:

EsP5PKP – If – 32

GAWAIN 1 1. Basahin ang sumusunod na salawikain:

Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa.

Kaya matibay ang walis, palibhasa’y nabibigkis.

May lakas sa pagtutulungan.

2. Ano ang ipinahihiwatig ng mga salawikaing ito. Ibahagi sa klase ang iyong sagot.

GAWAIN 2 1. Bumuo ng apat na pangkat. 2. Bawat pangkat ay gagawa ng diyalogo o script na nagpapakita ng pagkakaisa sa: Unang Pangkat Ikalawang Pangkat Ikatlong Pangkat Ikaapat na Pangkat

-

silid-aralan tahanan pamayanan simbahan

GAWAIN 3 1. Sagutin ang sumusunod na tanong: a. Paano mo maipakikita ang pakikiisa sa pagtatapos ng gawain ng inyong pangkat? 13

b. Bakit mahalaga na makiisa sa gawain ng pangkat? c. Anong tamang pag-uugali ang kinakailangan sa pagganap at pagtatapos ng gawain ng pangkat? 2. Ibahagi sa klase ang iyong sagot.

GAWAIN 4 Gumawa ng isang tula, awit, drawing o poster na nagpapakita ng kahalagahan ng pagpapasensiya at pakiisa sa pagtatapos ng gawain.

14

ARALIN 7

Pamantayan sa Pagkatuto: 7. Nakapagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa/pagsuri ng mga aklat at magasin 7.1. nagbabasa ng diyaryo araw-araw 7.2. nakikinig/nanonood sa telebisyon sa mga “Update” o bagong kaalaman 7.3. nagsasaliksik ng mga artikulo sa internet 8. Nakapagpapahayag nang may katapatan ng sariling opinyon/ideya at saloobin tungkol sa mga sitwasyong may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan. Code:

EsP5PKP – If-g – 33 at EsP5PKP – Ig – 34

GAWAIN 1 1. Bumuo ng apat na pangkat. Pumili ng lider at tagapagtala. 2. Bawat pangkat ay magbabasa ng isang balita mula sa pahayagan o dyaryo. 3. Gamit ang balitang binasa, pangungunahan ng lider ang pagtatanong tungkol sa mahahalagang impormasyon ukol sa balita. (Gagamitin ang mga salitang tulad ng Ano, Sino, Saan, Kailan at Paano sa pagtatanong.) 4. Talakayin sa klase kung ano ang naging bunga ng gawaing ito.

GAWAIN 2 1. Bumalik sa pangkat. 2. Bawat pangkat ay bibigyan ng dalawang larawan. Ang unang larawan ay mukha na nakangiti () at ang ikalawang larawan ay mukha na nakasimangot (). Ito ang gagamitin ng bawat pangkat sa kanilang pagdedesisyon sa pagsagot sa gawain. Panuto: Ipakita ang larawan na may mukha na nakangiti () kung ang isinasaad sa bilang ay nagpapakita ng kawilihan, at larawan na may mukha na nakasimangot () kung hindi nagpapakita ng kawilihan. 15

_____ 1. Nagbabasa ng diyaryo buong araw na lamang. _____ 2. Sinusunog ang mga aklat. _____ 3. Pinipili ang mga pelikula o programang pinapanood. _____ 4. Nakapupulot ng aral sa mga binabasa. _____ 5. Ginagaya ang masasamang salita at kilos na napanood.

3. Magkaroon ng maikling talakayan sa naging kasagutan ng bawat pangkat.

GAWAIN 3 Panuto: Ano ang dapat mong gawin sa bawat sitwasyon kung ikaw ang tauhan dito? Itala rin ang dahilan kung bakit mo ito dapat gawin. Gawin mo ito sa iyong kuwaderno. a. Hindi bumibili ng diyaryo ang magulang mo dahil dagdag lang yan sa gastusin, pero alam mo na may diyaryo araw-araw sa silid-aklatan ninyo. Gagawin: ___________________________________________ Dahilan: ___________________________________________ b. Napabalita sa telebisyon na paparating ang isang malakas na bagyo. Gagawin: ___________________________________________ Dahilan: ___________________________________________ c. Nakita mong may malaswang pinapanood sa internet ang iyong mga pinsan at niyaya ka nilang manood. Gagawin: ___________________________________________ Dahilan: ___________________________________________

GAWAIN 4 1. Iguhit ang iyong sarili na nagbabasa. 2. Sumulat ng dapat mong ugaliin upang mapaunlad ang kawilihan sa pagbasa. 16

ARALIN 8

Pamantayan sa Pagkatuto: 9. Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit sa kalooban gaya ng pagkuha ng pag-aari ng iba, pangongopya sa oras ng pagsusulit, pagsisinungaling sa sinumang miyembro ng pamilya, at iba pa. Code:

EsP5PKP – Ih – 35

GAWAIN 1 1. Suriin ang mga larawan na nagpapakita ng: a. pagkuha ng gamit ng iba ng walang paalam b. pangongopya sa oras ng pagsusulit c. pagsisinungaling sa sinumang miyembro ng pamilya 2. Sagutin ang sumusunod na tanong: a. Tungkol saan ang ipinakita sa unang larawan? Pangalawang larawan? Pangatlong larawan? b. Kung ikaw ang nasa ganitong sitwasyon, ano ang iyong gagawin? Bakit? c. Magsasabi ka pa rin ba ng totoo sa isang pangyayari kung ang sangkot ay ang iyong kaibigan, kamag-anak o kakilala kahit alam mong ito’y masakit sa iyong kalooban?

GAWAIN 2

1. Panoorin ang isang dula-dulaan at pag-aralang mabuti kung ano ang marapat gawin sa ipakikitang kalagayan: Mahirap lamang ang buhay ng magkakaibigang sina Lucio, Lito at Marlo. Nang araw na iyon binanggit ni Bb. Imelda Reyes ang mga gamit na kailangan nila sa pagbuo ng kanilang proyekto sa EsP. Kinakailangan nila ang magtungo sa isang internet shop upang magsaliksik. Alam nila na kailangan nila ang malaki-laking halaga upang ito’y magawa.

17

Sa kanilang paglalakad isang pitaka na maraming lamang pera ang natisod ni Lito. Ano kaya ang gagawin nilang tatlo? Panorin natin sila.

2. Pangatwiranan kung sino ang dapat mong panigan sa kanilang tatlo?

GAWAIN 3 1. Bumuo ng tatlong pangkat at gawin ang sumusunod na gawain: Sa loob ng 10 minuto, pag-usapan kung papaano maipakikita ang pagiging matapat sa lahat ng pagkakataon kahit na ang sangkot ay ang iyong mga mahal sa buhay o kakilala. Ipakita sa loob ng tatlong minuto ang natapos na gawain. Pangkat 1: Pangkat 2: Pangkat 3:

Awit Tula Rap

-

Oras ng Pagsusulit Pagsasauli ng Bagay na Napulot Pagsasabi ng Totoo sa mga Magulang

2. Talakayin ang ipinakitang ugaling pagiging matapat sa natapos na gawain ng bawat pangkat.

GAWAIN 4 Panuto: Itaas ang puting flaglet kung ang sitwasyon ay nagpapahayag ng katapatan at pulang flaglet naman kung hindi. 1. Nakita mo na nabasag ng kapatid mo ang baso. Galit na galit ang nanay mo at ipinaaamin kung sino ang may gawa nito. Sinabi mo na ang kapatid mo ang nakabasag. 2. Inutusan ng iyong nanay ang iyong kuya na ilabas ang basura dahil daraan na ang mga basurerong nangongolekta nito. Pero inuna ng kuya mo ang kaniyang paglalaro kaya’t hindi niya naabot ang trak ng basurero. Dahil sa takot na mapagalitan ng nanay ay itinapon niya ito sa bakuran ng kapitbahay. Nakita mo ito pero hindi mo ito isinumbong sa iyong nanay.

18

ARALIN 9

Pamantayan sa Pagkatuto: 10. Nakapaghihinuha na nakapagdudulot ng kabutihan sa pagsasama nang maluwag ang pagsasabi nang tapat. Code:

EsP5PKP – Ii – 36

GAWAIN 1 1. Bawat mag-aaral ay bubunot ng isang larawan mula sa kahon. Ang bawat larawan ay nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng kabutihan at di kabutihang dulot ng pagiging matapat. 2. Suriin ang iba’t ibang larawan ng sitwasyon na nabunot. 3. Sabihin kung ito ay nagpapakita ng kabutihan o di kabutihang dulot ng pagiging matapat.

GAWAIN 2 1. Bumuo ng limang pangkat. Pumili ng lider at tagapagtala. 2. Bawat pangkat ay babasahin ang sitwasyon sa ibaba. Oras ng recess, nag-uunahan patungong kantina ang mga magaaral sa ikalimang baitang. Sa pagmamadali ni Ana, nahulog niya ang kaniyang pera. Nakita mong pinulot ito ng iyong matalik na kaibigan na si Llex, na nagkataon na nasa kaniyang likuran lamang. Dali-dali itong inilagay ni Llex sa kaniyang bulsa habang palinga-linga pang tumingin sa paligid na tila naghahanap ng sinumang nakakita sa kaniyang ginawa. Alam mong wala syang pera at baon ng mga panahong iyon. Nakita mong ang perang kaniyang napulot ang ipinambili nya ng baon sa kantina. Kung ikaw si Llex, sasabihin mo ba kay Ana ang iyong nakita? Bakit? Alam mo na kapag isinumbong mo si Llex kay Ana ay tiyak na magagalit sya sa iyo. Ano ang gagawin mo? 3. Itala ang sagot ng mga kasapi ng pangkat at iulat ito sa klase. 19

GAWAIN 3 1. Ipikit ang iyong mga mata at alalahanin ang isang bagay o damdamin na hindi mo maipahayag sa iyong mga magulang o kaibigan. Ipahayag ito sa pamamagitan ng isang liham. Tiyaking sumunod sa wastong paraan ng pagsulat ng isang liham. 2. Ilagay sa loob ng sobre ang inyong nabuong liham at selyuhan. 3. Isulat sa labas ng sobre ang pangalan ng taong iyong padadalhan. 4. Ibigay ang ginawang liham sa taong iyong pagbibigyan.

GAWAIN 4 Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Nakita mong binunot ni Clark ang talong na tanim ni Mang Domeng sa kaniyang hardin. Binalaan mo siyang isusumbong sa iyong guro ngunit pinagbantaan ka niya na ikaw ay susuntukin paglabas ng paaralan. Isusumbong mo pa rin ba siya? Bakit? 2. Pinagbilinan ng iyong nanay ang iyong kuya na bantayang mabuti ang iyong nakababatang kapatid dahil siya ay mamamalengke. Subalit, sinabayan ng alis ng iyong kuya ang pag-alis ng iyong ina at ikaw ang kaniyang inatasang magbantay ng inyong bunsong kapatid. Sasabihin mo ba ang totoong ginawa ng iyong kuya sa iyong ina kahit alam mong magagalit siya? Bakit? 3. Araw ng pagsusulit, hindi nakapag-aral si Liza dahil nawili siyang manood ng bagong pelikula. Nakita mong kumopya siya ng mga sagot sa kaniyang kwaderno. Matalik kayong magkaibigan ni Liza. Nais mo siyang isumbong sa inyong guro subalit nangangamba kang baka siya ay mawala sa honor roll. Isusumbong mo pa rin ba siya sa inyong guro sa kabila ng pagiging magkaibigan ninyo? Bakit? 4. Naiwan ng iyong pinsan ang kaniyang bag sa loob ng silid-aralan. Nang ito ay iyong buksan, nakita mong may laman itong pera. Alam mong ang perang iyon ay gagamitin nyang pambayad sa kaniyang matrikula. Ibabalik mo ba ito sa kaniya o itatago mo na lang? Bakit? 5. Sa Palaruan ay masayang naglalaro ang mga bata ng habulan. Nakita ni Joshua na itinulak si Joseph si John Paul. Kung ikaw si Joshua, isusumbong mo ba si John Paul sa inyong guro kahit alam mong anak siya ng punong-guro? Bakit?

20