Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

matagumpay ka sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo. ... Paggamit ng mga Salitang Kasingkahulugan at Kasalungat sa Pagbibigay Kahulugan sa Isang...

997 downloads 1478 Views 1MB Size
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

1

3 Baitang

Batang Pinoy Ako Filipino Kagamitan ng Mag-aaral UNIT 3

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI INILAAN PARA SA Distrito/Paaralan: ____________________________ Dibisyon: ____________________________________ Unang Taon ng Paggamit: ___________________ Pinagkukunan ng Pondo (pati Taon):________

2

BATANG PINOY AKO – Ikatlong Baitang Filipino – Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2014 ISBN : Paunawa hinggil sa Karapatang-Sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamhalalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapang naghanda at/o naglathala ng akda bago at upang magamait sa layuning komersiyal. Nagtataglay ng karapatang-ari ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito. Pinagsikapang hanapin at hilingin ang pahintulot ng mga karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilalathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim : Br. Armin A. Luistro, FSC Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines; Pangalawang Tagapangasiwa: Marilou Martha E. Benisano; Manunulat: Florenda Cardinoza, Jenny-Lyn Trapane, Amaflor Alde, Agnes G. Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace Margallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad, Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue. Tagapag-ambag: Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, Elgie Ariniego, Ma. Cristina C. Garcia; Evelyn de Castro, Malou M. de Ramos, Maria Castillo-David Konsultant: Dr. Lydia Liwanag, Ani Rosa Almario; Editor: Benilda Santos, Jomar Empaynado Tagapagtala: Jasmin Bangisan, Aprilyn Montilla Tagaguhit : Kristel de Guzman, Kenneth Cubol ,Michael Cajis, Jefrrey V. Cambronero, Reynaldo A. Simple Taga-anyo: Ferdinand Bergado. Inilimbag sa Pilipinas ng __________ Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address : 5th Floor Mabini, Bldg. Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : 02 – 634- 1054 o 634- 1072 E-mail Address : [email protected]

3

PAUNANG SALITA Kumusta mga bata? Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng Mag-aaral na ito. Ito ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ng Filipino at magiging kasama mo

at ng iyong mga

kaibigan sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa pamamagitan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at pagtanaw. Ang lahat ng mga gawain na inilagay dito ay gagawin mo sa paggabay ng iyong guro. Basahin at unawain ang mga panuto na mababasa dito upang maging matagumpay ka sa mga gawaing sadyang inihanda para sa iyo. Ang mga aralin dito ay nahahati sa apat na yunit. - Pamilya Ko, Mamahalin Ko - Pamayanan Ko, Pagyayamanin Ko - Bansa Ko, Ikararangal Ko - Kakayahan Ko, Ipagmamalaki Ko Ang bawat aralin naman ay may mga gawain tulad ng : Alamin Natin. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, at talata na magiging daan sa pagtalakay ng mga kasanayang lilinangin sa bawat aralin. Linangin Natin. Ito ay pagsasanay ng mga kakayahan o kaalaman na tinalakay sa klase. Maaari itong isagawa nang ikaw lamang o kasama ang iyong pangkat. Tandaan Natin. May mababasa ka dito na mga pangungusap na hindi kumpleto. Pupunanmo lamang ang mga

4

ito ng mga salita upang maipakita ang natutuhan mo sa isang aralin. Pagyamanin Natin. Karagdagang pagsasanay ito hinggil sa mga natutuhan mo. Sa paggamit ng kagamitang ito, upang ikaw ay maging matagumpay, tandaan mo lamang na laging hintayin ang hudyat o mga panuto na sasabihin ng iyong guro. Sana sa paggamit mo nito, maging isa kang tunay na Batang Pinoy na maka Diyos, makatao, makabayan at makakalikasan. Maligayang pag-aaral sa iyo!

MGA MAY-AKDA

5

TALAAN NG NILALAMAN Yunit III – Bansa Ko, Ikararangal Ko Aralin 21 – Kilalanin Natin 8  Paggamit ng Angkop na Salita sa Pagtatanong Tungkol sa mga Tao, Bagay, Lugar, at Pangyayari  Paggamit ng mga Salitang Kasingkahulugan at Kasalungat sa Pagbibigay Kahulugan sa Isang Salita Aralin 22 – Pangalagaan Natin 11  Paggamit ng Angkop na Pagtatanong Gamit ang Sino, Saan, Ilan, Kailan, Ano-ano,Sino-sino  Pagsunod sa Panutong may 3-4 Hakbang Aralin 23 – Pagyamanin Natin 13  Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, at Lugar sa Pamayanan  Pagbibigay-Kahulugan sa Graph Aralin 24 – Tangkilikin Natin 15  Paglalarawan ng mga Bagay, Tao at Lugar sa Pamayanan  Pagsasabi ng Paksa o Tema ng Binasang Teksto Aralin 25 – Ipagtatanggol Natin 19  Paggamit ng Tamang Salitang Kilos sa Pagsasalaysay ng mga Personal na Karanasan  Pagbibigay ng Paksa ng Kuwento o Sanaysay na Napakinggan Aralin 26 – Pahalagahan Natin 21  Paggamit ng Tamang Salitang Kilos (Pandiwa)sa Pagsasalaysay ng mga Personal na Karanasan  Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Binasang Teksto Aralin 27 – Paunlarin Natin 25  Paggamit nang Wasto ng mga Pang-abay na Naglalarawan ng Kilos o Gawi  Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari sa Kuwentong Napakinggan

6

Aralin 28 – Mahalin Natin 29  Paggamit nang Wasto ng mga Pang-abay na Naglalarawan ng Kilos o Gawi  Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang Teksto sa Tulong ng Timeline Aralin 29 – Ipagmalaki Natin 34  Paggamit nang Wasto ang Pang-ukol na –Laban sa, -Ayon sa, at –Para sa  Pagbibigay ng Sariling Wakas sa napakinggang Kuwento  Pagbasa ng mga Salitang may Klaster at Diptonggo Aralin 30 – Ikarangal Natin 38  Paggamit nang Wasto ang Pang-ukol  Pagbibigay ng Lagom ng Binasang Teksto  Pagsusulat ng Isang Talatang Nagsasalaysay

7

Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ang pagiging magalang lalo na sa mga nakatatanda sa atin. Isa rin ito sa mga laging paalala ng ating mga magulang. Alamin sa tula kung ito rin ang bilin ng mga magulang ni Lino. Si Linong Pilipino Ako si Lino, Na isang Pilipino. Pagiging kayumanggi, Hindi ko itinatanggi. Laging bilin Ng aking magulang, Lahat ay igalang. Lahat ay mahalin. Saan man mapunta, Sino man ang makasama, Pagiging Pilipino, Laging isasapuso.

Pumili ng isang salita sa binasang tula. Sumulat ng limang salitang katugma nito. Isulat sa loob ng ginuhit na b. hay ang iyong sagot.

8

Ang mga salitang magkakatugma ay ___________.

Gawin ang Bahaghari ng Magkakatugmang Salita. Sa iyong papel, gumuhit ng isang bahaghari. Gumupit ng limang metacard sa bawat kulay nito. Sumulat ng magkakatugmang salita sa bawat kulay ng papel. Idikit ito sa loob ng bahagharing ginawa.

Sino-sino ang Pilipino? Pilipino Sila Natatangi at naiiba talaga ang mga Pilipino. Hindi lamang kilala sa magandang pag-uugali at kahanga-hangang kaayusan sa iba’t ibang gawain kundi maging sa makukulay nilang kultura. Isa sa mga tunay na maipagmamalaki ay ang mga pangkat-etniko na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng bansa. Maaaring sila ay nasa kapatagan, tabing-dagat, o tabing-ilog. Ang iba naman ay nasa kabundukan at kagubatan. Sila ay may sariling wika, tradisyon, kaugalian, at paniniwala. Ang mga Tagalog ang pinakamalaking pangkat-etniko sa Pilipinas sa kasalukuyan. Sinusundan ito ng Bisaya. Pero hindi lang sila ang pangkat-etniko ng bansa. Nariyan ang mga Igorot, Kalinga, Kankanaey, Ibanag, Ifugao, Negrito at Aeta na makikita sa Luzon. Sa Mindanao naman makikita ang mga Manobo, T’boli, Higaonon at Tiruray. Anuman ang tawag sa kanila, ano man ang kanilang paniniwala, wika, kaugalian at tradisyon, sila ay mga Pilipino. Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa.

9

Sumulat ng tanong na nagsisimula sa ano, sino,at saan, tungkol sa binasang sanaysay.

Ang ano, sino, saan, at kailan ay ginagamit sa pagtatanong. Ang ano ay para sa ngalan ng _____________. Ang sino ay para sa ngalan ng _____________. Ang saan ay para sa ngalan ng _____________. Ang kailan ay para sa ngalan ng _____________.

Umisip ng isang taong nais mong makapanayam. Sumulat sa isang malinis na papel ng isang tanong na sasagutin niya.

Sino nga ba ang mga pangkat-etniko? Muling basahin nang tahimik ang “Pilipino Sila” sa p. 88.

Sipiin ang isang talata mula sa “Pilipino Sila” sa p. 88.

Sa pagsipi ng talata,kailangan kong tandaan na, _____.

Isulat muli ang talata na binigyang-puna ng iyong guro.

10

Malaki ang epekto ng klima sa ating bansa lalo na sa pamumuhay ng bawat Pilipino na nasa iba’t ibang panig nito. Ano ang klima? Ang Klima at ang Aking Bansa May mga bansa sa mundo na nakararanas ng apat na klima hindi tulad ng ating bansa. Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal. Ito ay nasa tropiko ng Kanser na makikita sa itaas ng ekuwador. Kapag nasa malapit sa ekwador ang bansa, mayroon lamang itong dalawang uri ng klima. Ito ay ang tag-araw o tag-ulan. Mainit at maalinsangan tuwing tag-araw samantalang mahalumigmig at malamig kung tag-ulan.

Iguhit ang dalawang klima sa mga bansa na malapit sa ekwador.

Natutuhan ko sa araling ito na ________________________.

Sumulat ng ngalan ng apat na bansang makikita malapit sa ekwador.

11

Muling basahin ang “Ang Klima at ang Aking Bansa” sa p.90.

Sumulat ng isang tanong tungkol sa tekstong “Ang Klima at ang Aking Bansa.”

Sa pagtatanong, gumagamit ng angkop na salita tulad ng __________________________________.

Sumulat ng dalawang tanong na nais mong sagutin ng Presidente ng Pilipinas tungkol sa programa ng pamahalaan para sa pangangalaga ng kapaligiran. Isulat ang mga tanong sa iyong notebook.

Ano-ano ang ginagawa sa inyong pamayanan upang pangalagaan ang kalikasan? Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito.

Pag-aralan at pumili ng isang larawan. Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang apat na pangungusap tungkol dito.

12

C

Natutuhan ko sa aralin ngayon na ________________.

Isulat muli ang talatang binigyang-puna ng iyong guro.

Tayong mga Pilipino ay maraming tradisyon at kaugalian na dapat nating pagyamanin. Isa na rito ang masayang pagsalubong sa Bagong Taon. Paano nga ba natin ito dapat salubungin? Paano natin ito mapagyayaman? Kultura sa Pagsalubong sa Bagong Taon Palitan Na - DOH ni Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) January 3, 2013

Naniniwala si Health Secretary Enrique Ona na panahon na para seryosong ikonsidera ang pagpapalit ng kultura o tradisyunal

13

na paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon dahil maaari namang lumikha ng iba’t ibang ingay sa ibang paraan para sa pagtataboy ng ‘evil’ at ‘bad luck.’ Sabi ni Ona, karamihang nabibiktima ng paputok ay kabataan kaya’t pinag-aaralan nilang i-ban ang kabataan sa pagbili nito. Inamin ng Kalihim na kahit pa masigasig ang Department of Health o ang pamahalaan sa kampanya kontra sa paputok, marami pa rin ang nabibiktima nito, at ang nakalulungkot ay mga bata pa ang kadalasang napuputulan ng daliri, kamay o maging paa kaya naman imumungkahi niya sa stakeholders meeting, kasama ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection na ibawal na sa kabataan ang pagbebenta ng mga paputok.

Paano ipinagdiriwang ang Bagong Taon sa inyong lugar? Ibahagi ito sa klase.

Natutuhan ko na ___________________________________.

Kunin ang kagamitan mo sa Art. Gumawa ng isang poster tungkol sa pag-iingat na dapat gawin sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Muling basahin ang “Kultura sa Pagsalubong sa Bagong Taon Palitan Na – DOH.” Tukuyin ang mga salitang naglalarawan sa mga tao, lugar, bagay, o pangyayari dito.

14

Sumulat ng pangungusap na naglalarawan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari na makikita sa larawan. Bilugan ang mga ginamit na pang-uri.

http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/modules_in_Tagalog/mga_pagdiriwang_sa_pilipinas.htm

Ang pang-uri ay ___________________.

Makinig nang mabuti sa babasahing balita ng guro. Itala sa iyong notebook ang mga pang-uring napakinggan.

15

Ano ang tatak ng suot mo ngayon? Saan ito gawa? Ano-ano ang produktong Pilipinong dapat nating tangkilikin? Tatak-Pinoy Gawa sa Pilipinas. Maraming bagay na gawa ng ating kapwa Pilipino ang puwede nating ipagmalaki. Bukod sa magaganda nitong disenyo, hindi rin pahuhuli ang tibay ng mga ito. Bawat produkto ay butil ng pawis at buhay ng bawat Pilipinong manggagawa. Ilan sa mga “Only in the Philippines” na talagang puwede nating ipagsabayan sa buong mundo ay ang mga makukulay at air-conditioned na dyip. Hari ng daan, samu’t sari ang gayak na talagang nakakaaliw. Ang mga matitibay na sapatos na gawa sa Marikina at sa Liliw, Laguna na talaga namang world class ang dating. Ang naggagandahang parol ng Pampanga na talagang nakadaragdag ng saya ng Pasko. Ang mga kakaibang disenyo ng mga barong na gawa sa Batangas. Pagdating din sa pagkain, hindi tayo pahuhuli. Ang napakasarap na mainit na kape na galing sa Batangas na sasabayan mo pa ng suman na galing sa Mindoro. Ang mga matatamis na pinya ng Davao at mangga na mula sa Guimaras ay tunay na hindi mo pagsasawaan. O halika na at ating libutin ang sarili nating bansa. Kung saan ang mga produkto ay subok na matibay, ang mga pagkain ay tunay na masarap. Basta’t sarap at tibay ang gusto, hanapin lamang ang tatak Pinoy.

Gumupit sa lumang diyaryo o magasin ng isang bagay na dapat tangkilikin ng mga Pilipino. Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa napiling bagay.

16

Ang paksa ng isang talata ay ________________.

Pumili at bumasa ng isang sanaysay o kuwento mula sa mga nagdaang aralin. Isulat ang pamagat at ang pahina nito. Sumulat ng isang pangungusap tungkol sa paksa ng binasang sanaysay o kuwento. Basahin ang “Tatak-Pinoy” sa Alamin Natin, p.98. Tukuyin ang mga pang-uri na ginamit. Gamitin ang larawan na ginupit mo sa naunang gawain. Sumulat ng mga pang-uri tungkol sa larawang ito.

Ang pang-uri ay ______________________.

Pumili ng isang paborito mong bagay, o lugar. Gumawa ng isang flyer na naglalarawan nito at hihikayat sa ibang Pilipino o dayuhan na tangkilikin ito.

Ang Child Friendly Barangay ay isang programa ng pamahalaan upang mabigyan ng pagkilala ang mga barangay na may natatanging programa para sa karapatan ng kabataan sa kanilang nasasakupan. Sa paraang ito, mabibigyan din ng pagkakataon na makilala ang barangay at matangkilik ng ibang Pilipino ang mga produkto nito.

17

Basahin natin ang isang liham na nagkukuwento kung ano-ano ang nangyari nang ang kanilang barangay ay tanghaling Child-Friendly Barangay. 106 Purok 190 Brgy. Malinis, Ginhawa Okt. 2, 2013 Mahal kong Vans, Kumusta ka na? Bakit hindi ka nakarating noong nakaraang Sabado? Hindi mo tuloy nasaksihan ang parangal na iginawad sa aming barangay bilang Child-Friendly Barangay ng Reh. IV- A. Lahat ay nagtipon-tipon sa plasa upang makiisa sa pagdiriwang. Nagsalita ang puno ng aming barangay na si Kapt. Joel at sinabi niya na sa wakas ay nagbunga rin ang aming mga pagsisikap at pagtutulungan. Dumating din si Kgg. Agnes na aming punong lungsod at si Cong. Abraham na talaga namang ikinatuwa ng lahat. Pagkatapos ng maikling palatuntunan, nagbigay ng libreng serbisyong medikal ang grupo ni Dra. Rey. Sina Bb. Badillo, G. at Gng. Derla naman ay nanguna sa pamimigay ng libreng miryenda para sa lahat. Ang saya talaga nang araw na iyon. Sana nakarating ka. Ang iyong kaibigan, Danika Sa isang malinis na papel, sipiin nang wasto ang liham na ipinadala ni Danika kay Vans.

Sa pagsipi ng liham at pagsulat ng mga salitang dinaglat, dapat kong tandaan na ____________.

Isulat muli ang siniping liham. Isaalang-alang ang mga sagot mo sa “Tama ba ang Pagkakasulat Ko?” na ipakikita ng iyong guro.

18

Ang bawat batang Pilipino ay may karapatan. Tungkulin ng lahat ng Pilipino na masigurong natatamasa ang mga ito ng bawat bata saanmang sulok ng Pilipinas. Ang karapatang mabuhay at magkaroon ng pangalan ang isa sa mga pangunahing karapatan nila. Ang Batang may K Maagang naulila ang batang si Kristine. Namatay sa isang aksidente ang kaniyang mga magulang. Kaya’t siya ay kinupkop ng Department of Social Welfare and Development. Hindi pa siya nagtatagal sa bahay-ampunan, may magasawang dumating at nais na siya ay ampunin. Inayos kaagad ang kaniyang mga papel at hindi nagtagal siya ay nakauwi na sa bahay nina G. at Gng. Robles. Itinuring siyang tunay na anak. Inalagaan siya nang maayos. Pinapasok sa magandang eskwelahan. At higit sa lahat binigyan siya ng isang mapagmahal na pamilya at pangalang Kristine Robles.

Sipiin ang mga pangungusap na sumusuporta sa pamaksang pangungusap na: Si Kristine sa bago niyang pamilya. Ang mga pangungusap na sumusuporta sa paksa ng isang talata ay __________________________.

19

Sumulat ng dalawang pangungusap na sumusuporta sa kaisipang “pagtatanggol sa karapatan ng mga bata.” Muling basahin ang kuwentong “Ang Batang may K” nasa sa Alamin Natin, p.99. Tukuyin ang mga salitang kilos na ginamit dito.

Pumili ng isang pandiwa sa binasang kuwento. Gamitin ito sa sariling pangungusap na nagsasalaysay ng sariling karanasan.

Ang pandiwa ay ____________________.

Makinig nang mabuti sa kuwentong ibabahagi ng iyong kamag-aral. Pumalakpak sa tuwing makakarinig ng pandiwa.

Nagkasakit ka na ba? Ano ang ginawa ng iyong magulang o ng nag-aalaga sa iyo? Pag-aralan ang graph na nasa susunod na pahina at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

20

Karapatan sa Atensiyong Medikal Bilang ng Batang Babae at Lalaki Dinala sa ospital Hindi dinala sa ospital Dinala sa albularyo o manghihilot

Ilan na kaya sa mga kaklase mo ang nadala na sa klinika? Sa ospital? O sa albularyo? Gamit ang naunang graph, alamin ang nangyari sa mga kasama mo sa pangkat.

Ang graph ay _______________________.

Sumulat ng dalawang pangungusap tungkol sa natutuhan mo sa graph na unang ipinakita ng bawat pangkat.

“Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan.”

21

Ito ang sinasabi sa ating pambansang awit. Ibig sabihin mayaman ang Pilipinas. Bakit kaya? Mayaman ang Pilipinas. Sa lawak ng kalupaan at katubigang nakapaligid sa bansa, napakaraming natural na yaman ang makikita rito. Maraming nakukuha sa lupa. Ilan sa mga maituturing na yaman ay mga halaman, puno, metal at hindi metal na makukuha sa kalupaan. Sa katubigan naman, makikita at makukuha ang iba’t ibang klaseng isda, halamang-dagat, perlas, at korales na ginagawang alahas. Sa tubig din natin kinukuha ang enerhiya at kuryente na pinakikinabangan ng maraming Pilipino sa iba’t ibang sulok ng bansa. Kayamanan ding maituturing ang mga mamamayan ng bansa. Sila ang mamamahala at magpapaunlad ng mga biyayang bigay ng Poong Maykapal. Tunay nga na mayaman ang Pilipinas. Mayaman ang mga Pilipino. Kailangan lamang na pahalagahan natin ang ating kapaligiran at ang ating kapwa Pilipino.

Basahing muli ang sanaysay. Sa isang malinis na papel, isulat ang nais mong maging pamagat nito. Lagyan ng kulay at disenyo ang papel na pinagsulatan ng naisip na pamagat.

Sa pagbibigay ng pamagat, kailangang _______________.

Gumuhit ng isang poster tungkol sa pagpapahalaga mo sa yaman ng ating bansa. Lagyan ito ng pamagat.

22

Sumulat ng dalawang pangungusap kung paano mo pahahalagahan ang ating mga likas na yaman.

Basahing muli ang mga pangungusap na nakasulat sa pisara. Pumili ng dalawang pandiwa mula dito. Gamitin sa sariling pangungusap at sabihin kung paano mo pahahalagahan ang likas na yaman ng bansa. Ang pandiwa ay may iba’t ibang kapanahunan tulad ng ____________, ___________, at _________________.

Paano mo inaalagaan ang iyong mga tanim sa sariling bakuran? Isulat ang sagot sa anyong pangungusap sa loob ng talaan. Bilugan ang pandiwang ginamit. Gawin ito sa notebook. Ano ang ginawa Ano ang Ano ang mo nang ginagawa mo gagawin mo nagdaang araw? ngayon? bukas?

Ang sama-samang paglilinis ng kapaligiran ay isang palatandaan na ang mga mamamayan dito ay nagpapahalaga sa likas na yamang taglay ng lugar na ginagalawan. Alamin kung paano ito ipinakita ng mga taga-Bataan?

23

Bataan, Nilinis, Tinamnan ng Puno Posted by Online Balita , April 23, 2013

Armado ng walis tingting, inilunsad ng mga tauhan ng Bataan Police Provincial Office at mga miyembro ng Alpha Fire Brigade and Brotherhood Association-Manila ang maghapong paglilinis sa Bataan nitong Sabado, kaugnay ng pagdiriwang ng Earth Day kahapon. Ang paglilinis ay pinangunahan ng La Filipina Uygongco Corporation, sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Mariveles Mayor Dr. Jesse Concepcion, na nanguna sa pagtatanim ng may 400 puno ng niyog sa baybayin ng Barangay Townsite, Mariveles. Sinabi ni La Filipina General Manager Susan Romero na mahalagang pagtulung-tulungan ang paglilinis ng paligid upang malinis ang hanging ating nalalanghap at mapakinabangan pa ng susunod na henerasyon ang likas na yaman. Hinikayat din ng kumpanya ang mga miyembro ng Recycling129 sa Tondo na makibahagi sa paglilinis.

Katulad din ba kayo ng mga taga-Bataan? Paano ninyo pinahahalagahan ang likas na yaman sa inyong lugar? Sumulat ng isang pag-uulat na may dalawa hanggang apat na pangungusap.

Sa pagsulat ng talatang nag-uulat, kinakailangang ___________________.

Isulat muli ang pag-uulat na natapos. Isaalang-alang ang mga puna at mungkahi na ibinigay ng guro.

24

Bawat tao ay may kaniya-kaniyang katangian at kakayahan. Ang mga ito ay kailangan nating paunlarin upang makatulong tayo sa pagpapaunlad ng ating pamilya, ng ating pamayanan, ng ating bansa at higit sa lahat ng ating mga sarili. Basahin natin ang isang kuwento, upang maunawaan natin kung gaano tayo kahalaga sa ating pamayanan. Doon na Lamang Gratcielo Chiara D. Badillo

Buo na ang desisyon ni Doding Daga. Gusto niyang subukan ang buhay sa siyudad. Para naman maiba. Baka doon magbabago ang buhay. Kinuha niya ang kaniyang maliit na lagayan ng damit at nag-umpisa siyang maglakad. Hindi nagtagal, sinapit niya ang dati’y tinatanaw lamang na lugar. Madilim na noon kaya namangha si Dodi sa naggagandahan at nagkikislapang ilaw. Dahil wala pa naman siyang matutuluyan, nagpasya na muna siyang matulog sa isang maliit na upuan sa tabi ng kalsada. Hindi pa nagtatagal sa kaniyang pagtulog ay bigla siyang nagising. Isang malakas na sigawan ang kaniyang narinig. Mga katulad niya na nagtatakbuhan at nag-aagawan sa pagkaing nakalagay sa isang malaking plastic bag. Maghahanap muna siya ng trabaho. Nakakita siya ng isang malaking gusali. Dito siya susubok. Pero kinailangan niyang makipagpatintero sa mga sasakyan para lang makarating dito. Nakakabinging busina ang narinig niya mula sa mga naiinis sa mga tsuper. Muntik na siyang maipit ng otomatikong pintuan nang papasukin siya ng guwardiya kahit wala siyang ID. Matapos makipag-usap sa isang kahon na nagsasalita, pinaakyat siya sa ikalawang palapag. Kahit takot ay sumakay pa rin siya sa gumagalaw na hagdan.

25

Hapon na ngunit wala pa siyang trabaho. Hapon na pero wala pa siyang bahay. At hapon na ay wala pa siyang pagkain. Sa kaniyang pag-upo sa ilalim ng puno, muli niyang nasulyapan ang mundong kaniyang pinanggalingan. “Doon na lamang ako. May trabaho. May bahay. May pagkain.”

Basahing muli ang kuwento ni Doding Daga upang makagawa ng isang timeline.

Ang timeline ay isang paraan upang _______________.

Basahin ang kuwento upang makagawa ng isang timeline. Kailangan Lima Angelika D. Jabines

May limang magkakaibigan. Sina Rose, Tess, Luz, Dennis at Danilo. Bagamat magkakaibigan, magkakaiba naman sila ng ugali at kagustuhan.

26

Isang araw sa kanilang pagbibisikleta, isang malaking kahoy ang nakaharang sa kanilang daraanan. Dahil sa pinakamalaki si Danilo, nanguna siya sa pagtanggal ng malaking kahoy. Pero hindi niya nakaya. Sumunod si Luz, mas maliit siya nang kaunti kay Danilo. Bahagyang gumalaw ang malaking kahoy. Buong tapang na sumubok si Dennis, ang pinakamataba sa lima. Pero hindi gumalaw ang malaking kahoy. Si Tess naman ang sumunod. Pero wala rin. Huling sumubok si Rose. Buong yabang na binuhat ang malaking kahoy. Umangat ito. “Aray!” ang sigaw niya. Ang malaking kahoy ay biglang bumagsak sa kaniyang maliit na paa. Sabay-sabay na nagtakbuhan ang magkakaibigan upang tulungan si Rose. “Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Buhat!” At marahang naiangat ang malaking kahoy. Kailangan pala lima. Hindi isa. Hindi dalawa. Hindi tatlo. Hindi apat. Kailangan lima talaga!

Muling basahin ang “Kailangan Lima” sa p. 108. Tukuyin ang mga pandiwa sa kuwento.

Pumili ng isang pariralang may pang-abay sa kuwentong “Kailangan Lima.” Gamitin ito sa sariling pangungusap. Ang pang-abay ay ____________________________. Basahin ang “Doon na Lamang.” Pumili ng tatlong pandiwa na ginamit dito. Sumulat ng pangungusap na maglalarawan kung paano isinakilos ito sa kuwento.

27

Tingnan at kilalanin ang mga tauhan sa kuwentong “Kailangan Lima.” Ako si Atty. Tess.

Ako si Bb. Luz.

Ako si Lt. Dennis

Ako naman si Dr. Danilo.

Piliin at daglatin ang mga salita mula sa pangungusap. 1. Pinasaya ni Pangulong Aquino ang mga batang may sakit sa Ospital ng Maynila noong Biyernes. 2. Sa darating na Oktubre magbibigay ng libreng pag-aaral para sa kababaihan si Ginang Javier. 3. Ibinalik ni Heneral Tomas ang perang napulot niya sa may-ari nito kaya siya ay pinarangalan. 4. Tayo ay humahanga sa mga taong mapagkakatiwalaan katulad ni Senador Domingo.

28

5. Si Kongresman Manuel ay dumalo sa pagpupulong sa Cebu noong Pebrero.

Sa pagsulat ng mga salitang dinaglat, _________________.

Sino- sino ang kilala mong katulong sa pagpapaunlad ng inyong pamayanan? Isulat ang kanilang ngalan at katungkulan sa paraang padaglat.

Paano mo ipinakikita ang pagmamahal mo sa iyong pamayanan? Sa bansang iyong nakagisnan? Sino ka sa kuwentong ating babasahin? Si Maria kaya o si Rosa? Mariang Tilapya Maria Castillo-David

Isang umaga, masayang naglalakad si Rosa sa tabing-ilog nang marinig niya ang isang munting tinig. “Rosa, tulungan mo ako.” Isang maliit na tinig mula sa tabing-ilog ang narinig niya. Hinanap niya ito at laking gulat niya nang makita ang isang tilapya na nagsasalita. “Bakit mo ako tinawag?” tanong ni Rosa sa isda.

29

“Ako si Mariang Tilapya, at nais kong tulungan mo kaming mga nakatira dito sa ilog. Sobra na ang pang-aabuso ng mga tao,” wika ng isda. “Ano ba ang ginawa namin sa inyo?” tanong muli ni Rosa. “Lahat ng basura ay sa ilog ninyo itinatapon, pati mga patay na hayop ay dito rin inihahagis. Pati tuloy ang mga maliliit at maging mga itlog pa lang ay namamatay dahil sa labis na dumi,” mahabang himutok ni Mariang Tilapya. “Kung patuloy kayong mga tao sa masamang gawain ninyo, mawawala nang tuluyan ang likas na yamang tubig,” dagdag pa ng isda. “O sige, tutulungan kita,”pangako ni Rosa. Biglang nagising si Rosa dahil sa nakabibinging patak ng ulan sa kanilang bubong . Panaginip lang pala ang lahat. Pagdungaw niya sa kanilang bintana upang silipin ang ilog na malapit sa kanilang tahanan, nanlaki ang kaniyang mga mata. Mistulang dagat ang kanilang paligid. Matapos ang ilang araw, humupa na rin ang baha. Bawat isa sa kanilang baryo ay lumabas ng bahay na may dalang kagamitan sa paglilinis. Lihim na napangiti si Rosa sa nakita. Tiyak siya na matutuwa rin si Mariang Tilapya kahit siya ay isang panaginip lamang.

Ibigay ang hinihingi ng diagram na ito buhat sa mababasa sa “Mariang Tilapya.” Naging Bunga

Mga Kilos na Naganap sa Kuwento

30

Ang sanhi ay _________________________________. Ang bunga ay ________________________________.

Ibigay ang sanhi at bunga ng kilos sa bawat larawan. Isulat sa kaliwa ang sanhi at sa kanan naman ang bunga.

Balikang muli ang kuwento ni Mariang Tilapya. Tukuyin ang mga pandiwa at pang-abay na ginamit.

31

Gamit ang pariralang pang-abay, ilarawan kung paano ipinakita ng mga tauhan sa kuwentong “Mariang Tilapya” ang pagmamahal sa kanilang pamayanan. Ang pang-abay ay _________________________________.

Ilarawan ang mga kilos na makikita sa bawat sitwasyon.

Basahin ang “Doon na Lamang.” Itala ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kuwentong ito.

32

Punan ang bawat kahon ng hinihingi tungkol sa kuwentong “ Doon na Lamang.” Wakas Suliranin at Solusyon Simula Tauhan Kahon ng Kuwento Tagpuan May-akda

Pamagat

Natutuhan ko ____________________________________.

Basahing muli ang “Kailangan Lima.” Ibigay ang hinihinging impormasyon.

33

Paksa

Problema

Pamagat

Natutuhan

Solusyon

Ano-anong magagandang lugar sa Pilipinas ang iyong napasyalan? Halika at sumama sa paglalakbay. Sakay Na! Sakay na sa makulay na dyip na dito lamang sa Pilipinas matatagpuan! Sa ilang segundo, tayo ay aarangkada na! Isa... dalawa... tatlo... Una nating silipin ang Palawan Underground River. Itinanghal na isa sa mga pinakabagong magagandang tanawin sa buong mundo kaya naman hindi ito nauubusan ng turistang lokal at dayuhan. Ang kuwebang ito na may ilog sa loob ay sinasabing may habang 8.2 kilometro. Upang malakbay ang kahabaan nito, kailangan mong sumakay sa isang bangka upang masaksihan ang pambihirang iba’t ibang hugis ng bato na nililok sa pamamagitan ng patak ng tubig sa nakalipas na daanlibong taon. Kilalanin din natin ang tinaguriang Salad Bowl ng Pilipinas. Ito ay napaliligiran ng probinsiya ng Baguio at La Trinidad. Sa lugar

34

na ito makikita ang paglago ng strawberries sa bansa kaya tinawag din itong Strawberry Country bukod pa sa iba’t ibang uri ng prutas at gulay na nakatanim dito. Tara na sa lalawigan ng Benguet. Tinagong Dagat ang sunod nating destinasyon. Ito ay isang nakatagong lawa na matatagpuan sa talampas sa tuktok ng bundok na may sukat na humigit kumulang tatlong (3) ektarya at lalim na nasa otsenta (80) metro. Dito makikita ang iba't ibang isda.Napapaligiran din ito ng makapal na gubat kung saan gumagala ang ligaw na hayop at malago ang halaman. Tayo na sa Lambunao, Iloilo upang mapasyalan ito. Sa Mindanao naman, makikita ang Talon ng Maria Cristina sa dulo ng Ilog Agus. Ito ay kilala sa kagandahan na may taas na 320 talampakan bukod pa sa ito ang pangunahing pinagkukunan ng kuryente sa Iligan. Ilan lang ito sa puwede nating pasyalan sa ating bansa. Hanggang sa muling pagsakay sa ating pambihirang dyip.

Sa binasa mong “Sakay Na,” pumili ng dalawang diptonggo at gamitin sa sariling pangungusap. Gawin din ito sa dalawang salitang may klaster. Sundan ang format na nasa susunod na pahina.

diptonggo Salita

Pangungusap

klaster Salita

Salita

Pangungusap

Pangungusap

Salita

Pangungusap

Diptonggo ang mga salitang ____________. Ang mga salitang may klaster ay mga salitang __________.

35

Sumulat ng isang talata na may tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa paraan na gagawin mo upang maipagmalaki ang bansang Pilipinas. Bilugan ang mga salitang may diptonggo at guhitan ang salitang may klaster. Puting Sobre Susan Formales. Sabik na sabik na binuksan ni Susan ang isang puting sobre na natanggap mula sa kaniyang kaibigan. Hindi maalis ang ngiti sa kaniyang mga labi sa mga bagong kuwento na kaniyang nabasa. Kaya’t hindi pa man nakapagbibihis ng kaniyang damit, agad niyang kinuha ang kaniyang ballpen at stationery. At nagsimulang magsulat. 160 Maitim II East Silang, Cavite Pebrero 3, 2013 Mahal kong Susan, Wow! Nakasama ka pala sa inyong lakbay-aral. Tiyak ako sa susunod nating pagkikita marami tayongpagkukuwentuhan. Sa susunod na buwan naman ang aming lakbay-aral. Sana payagan ako ni Tatay. Kanina sa klase, dumating ang isang tourist guide. Ipinakita sa amin ang iba’t ibang larawan at video tungkol sa magagandang lugar na malapit dito sa amin. Kululangin pala ang isang araw para sa pamamasyal. Ayon pa sa kaniya, kapag tagarito ang mamamasyal, libre daw. Kaya sa susunod na bakasyon, marami tayong papasyalan. Hanggang sa muli, best friend. Ang iyong kaibigan, Maricel

36

Dagdagan ang nilalaman ng sulat ni Maricel sa pamamagitan ng pagsulat ng isang pangungusap gamit ang pang-ukol na natutuhan sa aralin.

Ang pang-ukol ay _____________. Ang tungkol sa ay ginagamit sa _____________. Ang tungkol kay ay ginagamit sa ____________. Ang ayon sa ay ginagamit sa ___________. Ang ayon kay ay ginagamit sa __________.

Gamit ang mga pang-ukol na natutuhan, isalaysay sa dalawang pangungusap ang mga natutuhan mo sa “Sakay Na!”

Basahin muli ang “ Puting Sobre.” Tukuyin at suriin kung paano isinulat ang mga hiram na salita.

Sipiin ang mga salitang hiram sa “Sakay Na” at gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap.

Sa pagsulat ng mga salitang hiram, ________________.

Sumipi ng dalawang salitang hiram na mababasa dalawang kuwento na binasa sa araling ito. Iguhit sa tapat nito ang pagkakaunawa mo sa mga salitang ito.

37

Ang Pilipinas ay hindi lamang mayaman sa likas na yaman kundi maging sa kaniyang kultura. Alamin kung ano-ano ito. Kayamanan sa Pagsulat May mayamang tradisyon sa pagsulat ang mga Pilipino. Patunay rito ang napakaraming tulang nalikha noong unang panahon para sa iba’t ibang pangyayari sa buhay. Ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang tula upang makapaghatid ng aral. Ginamit din nila ang tula upang maipasa ang mga sinaunang kaalaman. Hindi lang basta isinusulat ang mga tulang ito. Madalas ay binibigkas o hindi kaya ay inaawit ito sa mga pagtitipon. Maaaring tuwing kapistahan, kasalan, o kaya sa pag-alaala sa namatay binibigkas ang mga tula. Sa malakas na pagbigkas o pag-awit ng mga tula rin naipapasa ng matatanda ang kanilang paniniwala at kultura sa mga nakababata. Ang mga tula at awitin na binibigkas natin hanggang sa kasalukuyan ay patunay kung ano ang ating pinagmulan, kaugalian at mga paniniwala. Ito ay isang buhay na paalala ng ating sariling kultura na dapat nating pagyamanin at ikarangal.

Sumulat ng tatlong pangungusap tungkol sa natutuhan mo sa binasang sanaysay.

38

Sa pagsulat ng buod, ________________.

Pumili at basahin ang isang story book sa Filipino. Sumulat ng isang buod na may tatlo hanggang apat na pangungusap. Muling basahin ang “Kayamanan sa Pagsulat.” Tukuyin ang mga pangungusap na may pang-ukol.

Ano-ano ang nalaman mo mula sa sanaysay na binasa? Isulat ito gamit ang pang-ukol na natutuhan. Ginagamit ang laban sa kung _________. Ginagamit ang ayon sa kung _________. Ginagamit ang para sa kung __________.

Tapusin ang sumusunod na parirala. Ayon sa ______________________________. Para sa _______________________________. Laban sa _____________________________.

Basahin muli ang “Kayamanan sa Pagsulat.”

39

Gamit ang mga pantig sa loob ng malaking kahon, bumuo ng mga salitang may klaster. Gamitin ang mga mabubuong salita sa isang talata na may tatlo hanggang apat na pangungusap. plu

pri

to

som

ma

pla

lan

bre

bra

bro

so

ro

no

tsa

tra

Sa pagsulat ng talata, __________________.

Isulat muli ang talatang binigyang-puna ng iyong guro at mga kaklase.

40