Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik

sa mabilis na pagbabago ng panahon, ... Kahusayan sa makabagong ... Industriya” nasa Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng...

342 downloads 1901 Views 1MB Size
Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik: Ambag sa Transpormatibo at Makabayang Edukasyon CRIZEL P. SICAT-DE LAZA University of Santo Tomas [email protected]

09173147851

Gabay sa Repleksyon

1. Bakit kadalasang inaayawan ang pananaliksik sa Filipino ng mga magaaral? 2. Ano sa tingin mo ang kinabukasan ng pananaliksik sa Filipino sa Pilipinas?

2

Daloy ng Talakayan  Pananaliksik sa Filipino sa Senior High School  Mga Gabay na Teorya at Kaisipan sa Pagtuturo ng Pananaliksik  Ilang Suhestiyon sa Pagtuturo ng Pananaliksik  Halimbawang Aralin  Hamon sa mga Guro at Mananaliksik sa Filipino

Pananaliksik sa Filipino sa Senior High School • Ituturo bilang core course sa Senior High School (Grade 11) ang pananaliksik sa Filipino na may titulong “Pagbasa ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.” Asignatura sa Senior High School

Asignatura sa Kolehiyo (ayon sa bagong GEC)

1. Oral Communication 2. Reading and Writing 3. English for Academic and Professional Purposes 4. Research in Daily Life 1 5. Research in Daily Life 2

Purposive Communication

1. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino 2. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 3. Pagsulat sa Iba’t Ibang Larangan

WALA

1. Contemporary Philippine Arts from the Regions 1. Understanding Culture, Society, and Politics 1. General Mathematics 2. Statistics and Probability

Art Appreciation The Contemporary World 1 Mathematics in the Modern World

1. Earth and Life Science 2. Physical Science 3. Earth Science 4. Disaster Readiness and Risk Reduction

Science, Technology and Society

Pananaliksik sa Filipino sa Senior High School • Deskripsyon ng Kurso: Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang anyo at uri ng teksto na nakatutulong sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik. • Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig • Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa

• Panitikang Kontemporaryo/Popular: Napapanahong sanaysay, talumpati, panitikang popular (awitin, komiks, iba’t ibang paraan ng komunikasyon sa social media) • Gramatika: Paggamit ng kasanayang komunikatibo (linggwistik, sosyolinggwistik,diskorsal at istratedyik)

Ang Konstruktibong Hulmahan ng K-12 • Mula sa Contructivist Principle in Education, naniniwala ang prinsipyo sa disenyo na ang mga estudyante dapat ang nasa sentro ng pagkatuto at ang guro ay tatayo bilang facilitator. Ito rin ang tinatawag na Learner Centered-Learning Environment. • Ipinapanukala rin lagi ng Constructivist Approach ang pagsasagawa ng aktibidad para sa layuning maisa-kongkreto sa pang-unawa ng mga mag-aaral ang paksang pinapag-aralan. • Gayundin ang paggamit ng Rubrics para sa mas obhektibong pagmamarka sa Pagtataya.

Mga Kakayahan ng Ika-21 Siglo (21st Century Skills) Kabilang sa mga Kasama rito ang kakayahang ito ang Kahusayan sa pagiging malikhain, ang pagiging pleksible makabagonginobatibo, kakayahang sa mabilis na teknolohiya ng magbigay-solusyon sa pagbabago ng impormasyon at mga suliranin, panahon, responsible, komunikasyon (ICT) komunikatibo,atatmalay sa nagaganap kolaboratibosa lipunan (sociallyHolistikong Pag-unlad ng aware). mga

Mag-aaral na Responsableng Mamamayan ng Daigdig

8

Dale’s Cone of Experience

9

Pagkatutong Nakabatay sa Paggawa ng Proyekto (Project-Based Learning) • Ang PBL ay isang pagdulog sa pagkatuto kung saan ipinapasok ang mga mag-aaral sa mga kompleks na aktibidad na binubuo ng iba’t ibang proseso, mas matagal na panahon ng implementasyon at kooperatibong pag-aaral. • Pinalalakas nito ang kolaborasyon sa halip na kompetisyon. • Binibigyang-kapangyarihan ang mga mag-aaral na tumuklas ng kaalaman at dinedesentralisa ang kapangyarihan ng guro sa loob ng klasrum. • Pinapaunlad ang iba’t ibang kakayahan ng mga mag-aaral na magagamit sa praktikal na buhay.

10

Pagdulog na Patanong (Inquiry Approach) Pagtatanong na may • Ang pagdulog na patanong ay isang proseso ng pagtuturo estruktura

at pagkatuto na nakabatay sa interes ng mag-aaral na sa sariling pagtatangka ay tuklasin ang kaalaman (Alberts, 1996, sa pagbanggit niGinagabayang Penick, 2000). pagtatanong

• Aktibong kalahok ang mga mag-aaral sa iba’t ibang Pagtatanong sa pangunguna aktibidad at eksperimento. Sa proseso ng pagkatutong ng mag-aaral ito, hinahasa ang kanilang kritikal at pamprosesong mga kakayahan, sa pamamagitan ng mga serye ng tanong.

11

Pagdulog na Patanong (Inquiry Approach)

12

Matataas na Kakayahang Pangkaisipan

Matataas na Kakayahang Pamproseso

• interpretasyon ng mga datos, talahanayan at dayagram • pagbuo ng mga sintesis mula sa iba’t ibang ideya at konsepto • pagdidisenyo ng mga eksperimento at pagbuo ng modelo • pagbibigay-solusyon sa mga suliranin • pagbuo ng mga rasyonal na desisyon at pagtatasa kung sapat ang mga datos na nakalap

• pagsukat • pangangalap ng datos, paghahanay o klasipikasyon • pagdidisenyo ng iba’t ibang uri ng operasyon at imbestigasyon

Transpormatibong Edukasyon ni Mezirow • Bilang isang pagdulog, nakatutok ito sa mga mag-aaral na kinakailangang armasan ng mga pagpapahalaga at kakayahan na lilinang sa matalas na pananaw sa konkretong kalagayan ng daigdig at manghihikayat sa kanilang kumilos, indibidwal man o kolektibo upang paunlarin ang panlipunang kondisyon. (Mezirow, 1965) Pagbibigaykahulugan sa sariling karanasan

Transpormasyon ng karanasan at kaalaman

Muling pagkatuto

13

Ilang Suhestiyon sa Pagtuturo ng Maka-Pilipinong Pananaliksik 1. Isakonteksto sa kabuuang kalagayan ng disiplinan sa kalagayang pangekonomiya at pampolitika ng bansa ang pananaliksik. Talakayin ang mga hamon sa maka-Pilipinong pananaliksik. 2. Mahalagang gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pamimili ng paksa. Ginagabayan dapat ito ng mga katangian ng maka-Pilipino at transpormatibong pananaliksik. 3. Mas madali at praktikal kung isasaalang-alang ang pagdulog na Project Based Learning (PBL). Ang buong semestre ay pagbuo ng pananaliksik. 4. Bigyang-diin ang ilang mahahalagang bahagi ng pananaliksik na hindi gaanong nabigyang-tuon sa curriculum guide ng DepEd (hal. pagtalakay ng etika ng pananaliksik, presentasyon at publikasyon ng pananaliksik).

Mga Hamon sa Maka-Pilipinong Pananaliksik • Patakarang pangwika sa Edukasyon • Ingles bilang lehitimong wika • Internasyonalisasyon ng pananaliksik • Maka-Ingles na pananaliksik sa iba’t ibang larang at disiplina

Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at/o mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang mas malapit sa puso at isip ng mga mamamayan. • Mahalagang idagdag sa katangiang ito na kung hindi man maiiwasan na nasa wikang Ingles o iba pang wika ang isang pananaliksik dahil may pangangailangang ibahagi ito sa internasyonal na mambabasa, kailangan pa ring isalin ito sa Filipino o iba pang wika sa Pilipinas upang mas mapakinabangan. • Ang mahusay na pamimili ng wika at paksa ang nagtatakda sa bigat at halaga ng gagawing pananaliksik.

Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino. • Bago magdesisyon sa paksa, mahalagang tanungin muna ng isang mananaliksik ang bigat at halaga ng pananaliksik para sa mga kalahok nito o pinatutungkulan ng pananaliksik. • Kanino ba ito magsisilbi? Ayon kay Virgilio Enriquez (1976), proponente ng Sikolohiyang Pilipino, kailangang “ibatay sa interes ng mga kalahok ang pagpili ng paksang sasaliksikin.

Kahulugan at Kabuluhan ng Maka-Pilipinong Pananaliksik Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik. • Dahil sa lumalawak ang agwat o pagkakahiwalay ng karaniwang mamamayang Pilipino sa akademya at mga edukado, mahalagang tungkulin din ng pananaliksik na pawiin ang pagkakahiwalay na ito. • Mahalagang tungkulin ng mga mag-aaral, sa gabay ng kanilang mga guro, na lumabas at tumungo sa mga komunidad bilang lunsaran ng maka-Pilipinong pananaliksik. • Sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga pag-aaral sa komunidad, nakakakuha ng tunay na karanasan at kaalaman ang mga magaaral mula sa masa.

Latag ng Nilalaman batay sa DepEd • Batayang balangkas lamang ang makikita sa curriculum guide ng DepEd kung kaya’t flexible at madaling dagdagan ng iba pang mahahalagang aralin. • Walang pagtalakay sa mga dulog at metodolohiya sa pananaliksik, at iba pang mahahalagang paksa gaya ng etika ng pananaliksik, publikasyon at presentasyon nito.

Halimbawang Latag ng Aralin YUNIT I

YUNIT II

Kaalaman at Kasanayan sa Pagbasa: Pagsusuri at Pagsulat ng Teksto

Iba’t Ibang Uri ng Teksto: Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat

• Aralin 1 - Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa ng Teksto

• Aralin 5 - Tekstong Persuweysib: Paano Kita Mahihikayat

• Aralin 2 - Mga Kasanayan sa Mapanuring • Aralin 6 - Tekstong Naratibo: Mahusay na Pagbasa ng Teksto Pagkukuwento • Aralin 3 - Tekstong Impormatibo: Para sa • Aralin 7 - Tekstong Argumentatibo: Iyong Kaalaman Ipaglaban ang Katuwiran • Aralin 4 - Tekstong Deskriptibo: Makulay na Paglalarawan

• Aralin 8 - Tekstong Prosidyural: Alamin ang mga Hakbang

Halimbawang Latag ng Aralin YUNIT III

YUNIT IV

Mga Batayang Kaaalaman sa Pananaliksik Mga Kasanayan sa Pananaliksik • Aralin 9 - Ang Maka-Pilipinong Pananaliksik

• Aralin 13 Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik

• Aralin 10 - Etika ng Pananaliksik at mga • Aralin 14 Pagsisinop ng mga Tala at Responsibilidad ng Mananaliksik Bibliograpiya

• Aralin 11 - Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik • Aralin 12 - Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

• Aralin 15 Rebisyon ng Papel-Pananaliksik • Aralin 16 Presentasyon at Paglalathala ng Pananaliksik

PAGHAHANDA (I do it)

PAG-UNAWA AT PAGDANAS (We do it)

PAGHAHASA NG KASANAYAN (You do it)

Elicit

Balik-Tanaw

Engage

Lusong-Kaalaman

Explore

Gaod-Kaisipan

Explain

Layag-Diwa

Elaborate

Lambat-Likha

Evaluate

Salok-Dunong

Extend

Daong-Kamalayan

Ilang Suhestiyon sa Pagtuturo ng Maka-Pilipinong Pananaliksik 5. Gumamit ng epektibong paraan sa pagpapasa ng kaalaman: Modelong 7 E (Elicit, Engage, Explore, Explain, Elaborate, Evaluate, Extend) at GRR (Gradual Release of Responsibility). 6. Gumamit ng mga napapanahong teksto sa iba’t ibang disiplina at larang na hahasa sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa napapanahong isyu at gagabay sa kanila sa pagpili ng tatahaking disiplina o propesyon.

Pagpapalakas ng Pananaliksik sa Iba’t ibang Disiplina • Ang hamon ay lumagpas pa sa wika, panitikan, kultura, agham panlipunan at humanidades ang mga pananaliksik sa Filipino. • Mahalaga ang papel ng Filipino 11B upang ipalaganap ang halaga ng maka-Pilipinong pananaliksik sa lahat ng disiplina. • Mahalagang gumamit ng wikang Filipino at paksaing nakaugat sa karanasan ng mga Pilipino na nakaugnay sa iba’t ibang disiplina.

24

Mga Mungkahing Babasahin sa Pagtuturo ng Pananaliksik • Mga journal mula sa Malay, Humanities Diliman, Daluyan, Hasaan, Saliksik, Dalumat atbp. • Ipakilala sa mga mag-aaral na umuunlad na ang mga pananaliksik sa iba’t ibang disiplina. • Unang Tomo ng Hasaan Journal • Intelektuwalisasyon ng Filipino sa iba’t ibang larangan • Proyekto ng Panayam Pang-Agham sa UST

Wika, Lipunan at Kasaysayan

26

• Prudente, Nemesio. “Ang Agham Panlipunan at Kaunlarang Pambansa” nasa PUP Anthology of Social and Cultural Criticisms na pinamatnugutan nina Romeo Peña, Jeffrey Bartilet at Virgilio Rivas. Lungsod Maynila: PUP Center for Social History, Institute for Cultural Studies, 2016. • Lumbera, Bienvenido. “Ang Usapin ng Wika para sa mga Filipino at ang Pagbabago ng Lipunang Filipino” nasa Writing the Nation/Pag-akda ng Bansa. Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Press, 2000. • Jacob, Ave Perez. “Sibilisaduhin ang Pilipino sa Kulata ng Ripleng Krag” nasa PUP Anthology of Social and Cultural Criticisms na pinamatnugutan nina Romeo Peña, Jeffrey Bartilet at Virgilio Rivas. Lungsod Maynila: PUP Center for Social History, Institute for Cultural Studies, 2016.

Wika, Midya at Komunikasyon • Mirasol, Dominador. “Peryodismo sa Filipino: Paglikha ng Isang Makapangyarihang Pagbuwelo na Magtutuwid sa Takbo ng Kasaysayan” nasa PUP Anthology of Social and Cultural Criticisms na pinamatnugutan nina Romeo Peña, Jeffrey Bartilet at Virgilio Rivas. Lungsod Maynila: PUP Center for Social History, Institute for Cultural Studies, 2016. • Olvidado, Gilda. “Ang Wikang Filipino sa Media” nasa Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya’t Bansa na pinamatnugutan ni Benilda S. Santos. Lungsod ng Quezon: UP Sentro ng Wikang Filipino, 2003. • Maggay, Melba Padilla. Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino. Lungsod ng Quezon: Ateneo De Manila University Press, 2002.

27

Wika, Negosyo at Ekonomiya • Bermejo, Ramon. “Ang Wikang Filipino sa Negosyo at Industriya” nasa Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya’t Bansa na pinamatnugutan ni Benilda S. Santos. Lungsod ng Quezon: UP Sentro ng Wikang Filipino, 2003. • Rivera, John Paolo R. at Paolo O. Reyes “Mga Padalang Salapi Bilang Salik sa Pagsulong ng Pagnenegosyo ng mga Sambahayang Filipino” nasa Malay. Lungsod ng Maynila: De La Salle University Publishing House, 2011. • Tullao, Jr. Tereso S. “Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari” nasa Malay. Lungsod ng Maynila: De La Salle University Publishing House, 2009.

28

Wika at Iba’t ibang Napapanahong Usapin

29

• “Bayanihan o Kanya-kanyang Lutas? Pag-unawa at Pagplano sa Bakas ng Bagyong Yolanda sa Tacloban” ni Jose Edgardo Gomez, Jr. (Nasa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino Espesyal na Isyu, No. 2, 2015) • “(Ini)lihim sa Dagat: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman” ni Joanne Visaya Manzano (Nasa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol. 20, 2014) • “Ang Pelikulang Rural sa Sineng Indie noong 2005-2008” ni Patrick F. Campos (Nasa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol. 17, No. 1-2, 2011) • “Ang Kasalukuyang Pagkakakilanlan ng mga Iraya Mangyan” ni Aleli Bawagan (Nasa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol. 15, No. 1-2, 2009) • “Diskurso ng Siyensiya: Kolonyal na Diskurso ng mga Sakuna Mula sa Panahon ng Instrumentasyon Tungo sa Panahon ng mga Amerikano” ni Alvin Jason A. Camba (Nasa Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, Vol. 16, 2010)

Panayam Pang-Agham sa UST (Dr. Fortunato Sevilla) • Bayolohikal na Pagsusuri ng mga Halamang Gamot at Katas ng Prutas laban sa Nakakalasong Free Radical, Pagpapababa ng Asukal, Taba’t Sebo ni Librado Santiago, Ph.D. • Balatkahoy ng Kaimito: Pampalubay ng Daluyan ng Dugo ni Albert Quentela • Inkjet Printing sa Paggawa o Paglinang ng Sensors ni Karen Santiago, M.Sc. • Kemikal na pag-aaral sa Genus Pandamus ni Mario Tan, Ph.D. • Paglilinang ng Tisyu ng Halamang Ipomoea muricata ni Edison Dela Cruz, Ph.D.

Kritiko ng Lipunan ang Isang Mananaliksik

31

• Kailangan ang talas at pagiging kritikal ng mananaliksik. Nagsisimula sa mga matatapang na tanong at palagay sa iba’t ibang usapin ang isang mahusay na pananaliksik. Kailangang lumalagpas ito sa tanggap at nakagawian nang mga pagtingin. • Kailangang matalas na naisasakonteksto ng mananaliksik ang anumang pagsusuri at hindi nagpapakupot sa mga personal na pagtingin at palagay. Susi ang mas malawak na pagbabasa at imbestigasyon. • Kailangang magsiwalat at maging kritiko ng katotohanan ang pananaliksik.

32

33

34

jose marie viceral Follow

✔ @vicegandako

Hindi lahat ng nagpoprotesta totoong nag aaklas. Yung iba dyan nabayaran lang at sinuhulan ng pambili ng bigas. 3:07 AM - 28 Jul 2014 2,196 RETWEETS 3

Isang Semyolohikal na Pagsusuri sa mga Kontradiksiyong Nakapaloob sa Panlipunang Kritisismo ni Gloc-9 35 Feorillo Petronilo A. Demeterio III Gamit ang semyolohiya ni Roland Barthes, sinuri ng papel na ito ang labintatlong kanta ni Aristotle Pollisco, o Gloc-9, na may kinalaman sa politika at lipunan at mula sa kanyang tatlong pinakabagong album. Ipinakita ng pagsusuri na ilan sa mga imaheng ginamit ni Pollisco sa kanyang sariling panlipunan at politikal na kritisismo ay may mga nakakubling kontradiksiyon bunsod ng kanyang kakulangan sa kahandaan sa ideolohikal na usapin. Ang mga imaheng napili mula sa labintatlong kanta ay pinagbuklod sa ilalim ng limang tema: korapsiyon at politika, pagkamakabayan, kahirapan at buhay-manggagawa, krimen at kaguluhan, at homopobya.

Halimbawang Pagtalakay ng Aralin

• Aralin 16: Presentasyon at Paglalathala ng Pananaliksik

Hamon sa mga Guro at Mananaliksik sa Filipino • Gamitin at ipagamit sa mga mag-aaral ang wika at paksaing maka-Pilipino sa iba’t ibang larang at disiplina. • Magbasa, mag-imbestiga at kritikal na magsuri ng iba’t ibang pangyayaring panlipunan, kasama ng mga magaaral, na maaaaring pagmulan ng makabuluhang paksa ng pananaliksik. • Gawing laboratoryo ng pananaliksik ang pamayanan at palakasin ang mga community-based research. • Magsulat, maglimbag ng pananaliksik at mag-ambag sa karanasan at kaalamang maka-Pilipino.

Maraming salamat sa pakikinig!  Para sa katanungan: [email protected] https://www.facebook.com/crizel.sicat 09173147851