Updates sa Filipino sa Bagong Kurikulum; Panitikan ng Asya

Updates sa Filipino sa Bagong Kurikulum; Panitikan ng Asya, Amerika Latina at Daigdig; Filipino sa Kolehiyo David Michael M. San Juan Pangulo, PSLLF...

248 downloads 1603 Views 2MB Size
Updates sa Filipino sa Bagong Kurikulum; Panitikan ng Asya, Amerika Latina at Daigdig; Filipino sa Kolehiyo David Michael M. San Juan Pangulo, PSLLF Convenor, TANGGOL WIKA Associate Professor, De La Salle University-Manila

Filipino sa Kinder at Elementarya • Bawas ang oras ng pagtuturo sa mga rehiyong di Tagalog dahil sa MTB-MLE • Hindi prayoridad ang Filipino bilang wikang panturo sa iba’t ibang asignatura • Sa ibang lugar ay hindi nagagamit ang MTBMLE para makatulay ang mga estudyante tungong Filipino

Kurikulum sa Kinder

Kritik sa Kurikulum sa Kinder • MALI at labag sa Konstitusyon ang patakarang pangwika sa kurikulum ng kinder sa K to 12 • Tila una pang maituturo ang ENGLISH kaysa sa Filipino dahil ang mga competency sa LANGUAGE, LITERACY AND COMMUNICATION ay nasa English! • Kapuri-puri na ang ibang asignatura ay Filipino ang default language ngunit kulang pa rin…

Kritik sa MTB-MLE • WALANG DIREKTANG PAGBABAWAL sa paggamit sa o paggamit ng English bilang “mother tongue” o “first language.” • Pansinin ang pahayag sa kurikulum ng kinder na mula sa DepEd: “Language, Literacy, and Communication - This domain provides opportunities on early literacy learning for self-expression through language using the mother tongue or the child’s first language. Children are expected to develop communicative skills in their first language. They are also expected to develop more positive attitudes toward reading, writing, and to view themselves as effective users and learners of language.”

Kritik sa MTB-MLE • Sa perpektong sitwasyon, dapat ay gamiting TULAY ang “mother tongue” o “first language” para matutuhan ang wikang pambansa – FILIPINO – BAGO ang ENGLISH. • Ang nangyayari: ginagamit ang “mother tongue” o “first language” para matutuhan MUNA ang ENGLISH. • Hindi pa malinaw ang mekanismo para maiwasan ang duplikasyon ng aralin sa mga lugar na Tagalog ang “mother tongue”

Probisyong Pangwika sa Konstitusyon • ARTIKULO XIV, SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino…Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng FILIPINO bilang MIDYUM NG OPISYAL NA KOMUNIKASYON at bilang WIKA NG PAGTUTURO SA SISTEMANG PANG-EDUKASYON.

ANG DAPAT NA Kurikulum sa Kinder

• Filipino dapat ang wikang panturo dahil ito ang wikang pambansa. • Filipino ang wika ng 99% ng populasyon • Filipino ang wika ng pambansang pagkakaisa

Kritik sa Kurikulum sa Elementarya • ENGLISH na naman ang competencies para sa MOTHER TONGUE subject sa Grades 1-3! • Hindi malinaw kung paano LULUNDAG mula MOTHER TONGUE tungong ENGLISH at FILIPINO. • Sa perpektong daigdig, dapat munang LUMUNDAG tungong FILIPINO, bago mag-aral ng ENGLISH. • Pwede ring sabay ang FILIPINO at ENGLISH pero dapat FILIPINO ang pokus/emphasis.

Filipino sa Junior High School • Lunsaran ng pagtuturo sa Grade 7: Kuwentong-bayan, Pabula, Epiko, Maiking kuwento, Dula mula Mindanao; Mga Bulong at Awiting Bayan , Alamat, Dula, Epiko, Maikling Kwento mula Visayas; Mga Tulang Panudyo, Awiting-bayan, Tugmang de Gulong, Palaisipan, Mito, Alamat, Kuwentong-bayan, Sanaysay, Maikling Kuwento mula Luzon; Ibong Adarna

Filipino sa Junior High School • Lunsaran ng pagtuturo sa Grade 8: Karunungangbayan (Salawikain, Sawikain, Kasabihan), Alamat, Epiko, Tula (kabilang ang Haiku/Senryu ng Hapon) sa “Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon”; Tula, Balagtasan, Sarswela, Sanaysay at Maikling Kuwento sa “Panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan”; Popular na babasahin (pahayagan, komiks, magasin, kontemporaryong dagli), komentaryong panradyo, dokumentaryong pantelebisyon, pelikula; Florante at Laura

Filipino sa Junior High School • Lunsaran ng pagtuturo sa Grade 9: Maikling Kuwento, Nobela, Tula, Sanaysay at Dula mula Timog-Silangang Asya; Tanka at Haiku, Pabula, Sanaysay, Maikling Kuwento at Dula mula Silangang Asya; Elehiya/Awit, Maikling Kuwento, Alamat, Epiko, Sanaysay ng Kanlurang Asya; Noli Me Tangere

Filipino sa Junior High School • Lunsaran ng pagtuturo sa Grade 10: Mitolohiya, Parabula, Sanaysay, Epiko/Tula, Maikling Kuwento, Nobela (isang kabanata) mula Mediterranean; Sanaysay, Tula, Mitolohiya, Dula, Maikling Kuwento at Nobela ng "Mga Bansa sa Kanluran"; Mitolohiya, Anekdota, Tula, Epiko/Maikling Kuwento, Sanaysay , Nobela mula Africa at Persia; El Filibusterismo

Kritik sa Saklaw ng Grade 7-10 • Lubhang nakatali ang guro sa genre ng mga panitikan • May mga genre para sa bawat antas (mula rehiyunal hanggang internasyunal) na hindi nasasaklaw ng pagtalakay • May mga rehiyong gaya ng Kanlurang Asya, Mediterranean at Persia na masyadong binigyangpokus, habang WALA namang espasyo para sa mahalagang rehiyong kakambal ng Pilipinas: ang AMERIKA LATINA • Duplikasyon ng itinuturo sa English class ang ibang itinuturo sa Filipino class partikular sa Grade 10

Panitikan sa Senior High School • 21st Century literature from the region where the school is based in relation to the literature of other regions in various genres and forms in consideration of: 1. various dimensions of Philippine literary history from pre-colonial to contemporary; 2. canonical authors and works of Philippine National Artists in Literature; 3. names of authors and their works, and backgrounds of the literature from the region where the high school is located

Panitikan sa Senior High School • Study and appreciation of literary texts from the different regions written in different genres covering: 1. regions in Luzon, Visayas, Mindanao; 2. major genres (poetry, fiction, drama, creative nonfiction, as well as hyperpoetry, blogs, mobile phone Texttula, chick lit, speculative fiction, flash fiction, etc.)

Panitikan sa Senior High School • Literary genres, traditions and forms from different national literature and cultures, namely, Asian, Anglo-American, European, Latin American, and African • Basic textual and contextual reading approach in the study and appreciation of literature

Panitikan ng Asya, Amerika Latina at Daigdig

Silangang Asya

Tanka • Tulang binubuo ng limang taludtod na ang una at ikatlo ay lilimahing pantig at ang iba pang taludtod ay pipituhing pantig (31 pantig sa kabuuan); karaniwang pumapaksa sa isang pangyayari o kaya’y damdamin • “tan” (maikli) + “ka” (awit)

Tanka (mula sa panitikanatbp.wordpress.com) Marinig ko lang Tunog ng iyong ngalan Oh, tumitigil Inog niyaring mundo Ikot ng orasan ko…

Tanka (ni David Michael M. San Juan) Nangilid-bangin Daming alalahanin Nang magkahangin Bumuntong-hininga rin Loob sa papawirin

Haiku • 5/7/5 ang bilang ng pantig sa una, ikalawa at ikatlong taludtod TUTUBI (ni Gonzalo K. Flores/Severino Gerundio) Hila mo’y tabak… Ang bulaklak: nanginig! Sa paglapit mo. BANYUHAY (ni David Michael M. San Juan) Pumagaspas na Kumaripas na maya Ngayo’y agila!

Haiku SIKLO (ni David Michael M. San Juan) Dahong nanilaw Taglagas at tag-araw Hangi’y balaraw NIYEBE (ni David Michael M. San Juan) Luhang nanigas Sa lamig ay aalpas Liliyab bukas

Nangalalaglag na Persimon ni Chŏn Pyŏng-gu (mula North Korea) (salin sa Filipino ni David Michael M. San Juan) Sa burol ng Puerto Kwansan, mataas na ang damo, Sa tinatawiran ng linyang naghahati, Hoo-doo-dook, Hoo-doo-dook, Nangalalaglag ang mga persimon.

Sa kinatitirikan ng huling bahay, wala na ang may-ari, Isang puno ng persimon – sa marami nang mga taon – Ang solong nagpapahinog sa mga persimon, At walang simpatyang naglalaglag ng mga iyon.

Nangalalaglag na Persimon ni Chŏn Pyŏng-gu (salin sa Filipino ni David Michael M. San Juan) Kung aabutin ko, mabilis kong mapipitas Ang isang pula’t makatas na persimon, Ngunit ang alambreng may tinik na tumatagos sa puso Ay humahadlang sa kahit isa man lamang na hakbang.

Ang kaawa-awang puno ng persimon, Ikaw ri’y dumaranas ng pait ng dibisyon. Kailan mo tatawagin ang iyong amo? Kailan darating ang araw na, nakasakay sa iyong mga sanga, kanyang Pipitasin ang mga persimon nang may pananabik?

Nangalalaglag na Persimon ni Chŏn Pyŏng-gu (salin sa Filipino ni David Michael M. San Juan) Kasama ng mesang panghandaan sa kasal Maayos na nakasalansan kasama ng mga katakam-takam na persimon Ang mga dalaga ng baryong ito, anila, Ay nagtungo sa P'aju, sa ibayo ng Ilog Imjin, sa kanilang mga mapapangasawa; Ang kanilang mukha, pulang gaya ng mga persimon, Ay tiyak na kulu-kulubot na ngayon. Nasaan ang mga ikakasal sa mga araw na iyon? Kahit na ako’y naghanap lagpas sa ilog, di ko sila makita. Ang mga pulang persimon na nayayakap ko sa panaginip lamang, Hoo-doo-dook, Hoo-doo-dook.

Nangalalaglag na Persimon ni Chŏn Pyŏng-gu (salin sa Filipino ni David Michael M. San Juan)

Inaantig nila ang pusong ito; Inaantig nila ang peninsulang ito, Tumataghoy sa may-ari, nananawagan ng unipikasyon. Hoo-doo-dook, Hoo-doo-dook. Ah, mga nangalalaglag na na persimon.

Timog Silangang Asya

“Oh Kalayaan!” ni Xanana Gusmão (mula Timor Leste) salin ni David Michael M. San Juan

Kung magagawa ko lamang sa mga malalamig na umaga na gumising nang nanginginig, ginapi ng malakas na hangin na naghahawan sa akin ng kurtina ng kalangitan, at makita, sa tuktok ng aking mga burol, ang ubeng pinta ng nag-aalalang bukang-liwayway sa silangan ng Timor. Kung magagawa ko lamang, sa mga araw na nagliliyab, na sumakay sa tugatog ng ligaya tungo sa paghanap sa aking sarili sa mapayapang kapatagan ng mga pastulan, at maramdaman ang samyo ng mga nilalang na umiinom sa mga bukal na nagbubulong sa hangin ng mga alamat ng Timor.

“Oh Kalayaan!” ni Xanana Gusmão (mula Timor Leste) salin ni David Michael M. San Juan Kung magagawa ko lamang sa mga kalmadong hapon na damhin ang kapaguran ng kaakit-akit na kalikasang binabanat ang sarili sa kanyang pawis din at makinig sa pagsasalaysay ng kapaguran sa loob ng mga tawa ng mga hubo’t nakayapak na mga anak ng buong Timor. Kung magagawa ko lamang sa pagdilim ng mga alon na maglakad sa buhangin, magmumuni-muning mag-isa sa basang ligaya ng huyuhoy at haplusin ang lawak ng karagatan sa hininga ng kaluluwang nagpapahintulot sa akin na mangarap para sa hinaharap ng isla ng Timor.

PAGSISIMULA NG TALAARAWAN ni Ho Chi Minh (salin ni Ericson Acosta) Sadyang hindi ko naging hilig ang tumula-tula; Subalit ano pa nga bang magagawa sa pagkakatanikala? Gugugulin ko ang mahahabang araw sa pagkatha. Agapay ang pagkamakata sa pag-aantabay sa paglaya.

Gabi ng Taglagas ni Ho Chi Minh (salin ni Ericson Acosta) Sa tapat ng tarangkahan, nakatayo ang de-ripleng bantay Sa ibabaw, bulagsak ang mga ulap palayo, ang buwan ay tangay. Ang mga surot ay namumutakti gaya ng nagmamaniobrang mga tangke, Humahanay sa mga iskwadron ang mga lamok at tila toratorang umaatake. Sanlibong milya ang nilalakbay ng aking puso patungo sa lupang tinubuan, Nakasalabid sa kalungkutan ang aking parangap kagaya ng kumpol ng sanlibong himulmol. Walang kasalanan, ako ngayon ay nakatagal ng isang buong taon sa bilangguan Gamit ang luha bilang tinta, ginagawa kong tula ang mga laman ng aking isipan.

PAGSISIMULA NG TALAARAWAN ni Ho Chi Minh (salin ni Ericson Acosta) Mula sa koleksyong “paperback edition ng Prison Diary (PD) ni Ho Chi Minh. Ito yung inilabas ng Vietnamese Foreign Languages Publishing House noong 2008 sa tatlong wika – sa Chinese original, sa Vietnamese translation ni Nguyen Si Lam, at sa English ni Dang The Binh…Ang isandaang quatrain at tulang Tang na ito ni Ho, na isinulat sa gitna ng labing-apat na buwang pagpapalipat-lipat ng kulungan (August 1942September 1943) ay isang maningning na testamento ng rebolusyonaryong katatagan at makasining na sensibilidad ng isa sa pinakamagiting na lider-Komunista ng nagdaang siglo. Mula nang unang mailimbag ang PD sa Vietnamese noong 1960, naisalin na ito sa English (na may kung ilan nang bersyon) French, German, Russian, Hindi at iba pang wika. Ito na nga, walang duda, ang pinakakilalang akdang pampanitikan o ano pa mang sulatin na nagmula sa Vietnam. Hanggang ngayon ay patuloy itong tinatangkilik at pinag-aaralan sa maraming bansa hindi lamang ng mga aktibista at rebolusyonaryo kundi ng mga makata at iskolar.

SURING BASA: “Takipsilim sa Jakarta” Ang nobelang “Senja di Jakarta” (“Twilight in Jakarta”) ni Mochtar Lubis ang kauna-unahang nobelang nakasulat sa wikang Bahasa Indonesia na naisalin sa Ingles. Naisalin na rin ito sa Filipino ni Dr. Aurora Batnag. Pamilyar na mga eksena ang makikita ng sinumang Pilipino na magbabasa ng “Takipsilim sa Jakarta.” Mahusay na nailahad ni Lubis ang mga kanser ng lipunang Indonesian katulad ng ginawa ni Jose Rizal sa pagsulat ng “Noli Me Tangere.” Maihahanay ang obra maestra ni Lubis sa mga pangunahing sosyalrealista (social-realist) nobelang sinulat ng mga Asyano. Hindi kataka-takang hanggang sa kasalukuyang panahon ay nananatiling popular ang “Takipsilim sa Jakarta” sa mga Asyano at maging sa mga dayuhang interesado sa pag-aaral ng lipunang Asyano.

SURING BASA: “Takipsilim sa Jakarta” Pangunahing pokus ng nobela ang mga suliraning panlipunan gaya ng malawak na agwat sa antas ng pamumuhay ng mga dukhang Indonesian at ng mga mayayaman at makapangyarihang Indonesian, ang garapal na katiwalian ng mga burukrata sa gobyerno, ang pagsusumikap ng ilang intelektwal na nasa paggitnang uri (middle class) na talakayin ang mga posibleng solusyon sa mga krisis na dinaranas ng kanilang bansa at ang mga kontradiksyon sa pagitan ng mga pagpapahalagang Kanluranin (Western values) at mga pagpapahalagang Silanganin (Oriental values). Hitik sa historikal na datos ang nobela kaya naman kailangan ang karagdagang pananaliksik tungkol sa bansang Indonesia, para sa mga magtatangkang magbasa ng nobela. Hindi naman maninibago ang mambabasa, maliban sa mga pangalang Indonesian at mga katawagang kultural gayundin sa mga akronim ng mga partido pulitikal at ahensya ng pamahalaan sa Indonesia, sapagkat tila Maynila rin ang sitwasyon ng Jakarta sa panahong isinulat ni Lubis ang kanyang obra maestra.

SURING BASA: “Takipsilim sa Jakarta” Ang larawan ng mga barung-barong malapit sa mga tambakan ng basura sa ating bansa ay kahawig na kahawig ng mga eksena sa buhay nina Saimun at Itam na nakatira at nagtatrabaho sa gayunding tambakan ng basura sa Indonesia. Nakarinig na tayo ng sanlibo’t isang kwento ng mga Pilipinong namatay dahil sa di maipagamot na sakit (nagagamot ang sakit ngunit walang pampadoktor) kaya makikisimpatya rin tayo sa pamilya ni Pak Idjo, isang matandang kutsero, na namatay sa di maipaliwanag at di rin maipagamot na sakit na kinakatawan ng malalaki at mapupulang pigsa sa kanyang likuran. Marahil ay simbolo rin ng nagnanaknak na kanser sa lipunang Indonesian ang likuran ni Pak Idjo sapagkat, habang balisa ang kanyang mga naulila sa paghahanap ng perang pampalibing sa kanya ay abala naman ang mga pulitiko sa partido ng gobyerno sa pangungurakot ng pondo para mag-ipon ng perang gagamitin sa nalalapit na eleksyon at upang masustine ang kani-kanilang mga personal na luho mula sa kotse hanggang sa mga babae.

SURING BASA: “Takipsilim sa Jakarta”

Hindi madali ang mangurakot kaya kailangan nila ang mga kasabwat gaya nina Sugeng, isang dating matapat na opisyal ng gobyerno na napilitang makisali sa katiwalian upang magkaroon ng sariling bahay para sa kanyang anak at asawang noo’y kagampan (buntis). Tila ang isang maliit na grupo ng mga intelektwal na interesado sa mga walang katapusang diskusyon ang tanging pag-asa ng lipunang Indonesian sa nobela. Bahagi ng grupo si Suryono, isang empleyado sa Ministro ng Ugnayang Panlabas (na anak ng isa sa mga tiwaling opisyal ng partido ng gobyerno), si Pranoto, isang manunulat na interesado sa mga problemang kultural, si Achmad, isang lider ng mga manggagawa na humahanga sa sistemang komunista ng Unyong Sobyet (ang natirang bahagi nito’y Rusya ngayon) at Tsina, at si Murhalim, isang empleyado ng gobyerno na naaakit sa pagtatayo ng isang republikang Islamiko sa Indonesia bilang alternatibo sa tiwaling “demokrasya.” Halos walang kaisipan na pinagkakasunduan ang mga miyembro ng pangkat na ito, maliban sa konsensus nila sa kabulukan ng umiiral na sitwasyon ng mga bagaybagay o status quo. Maihahambing ang pangkat na ito sa mga gaya ni Crisostomo Ibarra, Pilosopong Tasio at Don Filipo sa “Noli Me Tangere” at sa mga gaya nina Isagani, Salvador, Macaraig, Basilio atbp. kabataan sa “El Filibusterismo.

SURING BASA: “Takipsilim sa Jakarta” Sa kabuuan, magaan at madaling basahin ang nobelang “Takipsilim sa Jakarta” sa kabila ng mahahabang mga pangungusap ng mga tauhan, lalo na sa bahaging talakayan ng mga intelektwal na interesado sa pagresolba sa mga suliranin ng lipunang Indonesian. Malinaw na malinaw ang paglalarawan ni Lubis sa lipunang Indonesian. Matagumpay niya itong nagawa sa pamamagitan ng salitan o halinhinang pagkukuwento sa sitwasyon ng mga dukha, ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno, ng mga intelektwal na naghahangad ng pagbabago. Mahusay na hinabi ni Lubis sa isang makulay na nobela ang iba’t ibang eksena sa buhay ng bawat uring panlipunan sa kanilang bansa, kung paanong naghahabi ng iba’t ibang kulay ng sinulid upang makabuo ng isang makulay na balabal. Ambag din ni Lubis sa panitikang Asyano ang kakatwang estilo ng pagsisingit ng “City Report” o tagni-tagning mga eksena ng pangaraw-araw na buhay sa Jakarta sa pagtatapos ng bawat kabanata. Gaya ng “Noli Me Tangere,” mananatiling mahusay na padron ang “Takipsilim sa Jakarta” para sa iba pang nobelang Asyano, at mananatili rin itong bahagi ng kanon ng panitikang Asyano dahil sa pagiging makatotohanan at malikhain nito.

Kanlurang Asya

Hinggil sa Kalikasan ng Tao (mula sa epikong Shahnameh ni Ferdowsi) Salin sa Filipino ni David Michael M. San Juan batay sa saling Ingles nina George Warner at Edmond Warner

Isang mas malayong hakbang – ang tao’y lumitaw; Mga kandado’y nilikha; siya ang susi ng mga ito. Taas-noo at tila sipres sa tangkad, Nagpapasakop sa karunungan at biniyayaan ng kakayahang magpahayag, Mayroong kaalamanm karunungan, at kakayahang magsuri, Pinaghaharian niya ang iba pang nilalang. Magmasid nnang bahagya, gabay ang karunungan Ang ”tao” ba’y may iisa lamang kalikasan, iisa lamang? Marahil ay batid mo, ang kahinaan Ng taong mortal, na hindi makita ang bahid Ng kawalan sa dako pa roon, ngunit ang dalawang daigdig ay nagkakaisa – Isang dakilang pagsasanib – upang ikaw ay bigyan. Sa kalikasa’y una, sa pagkakasunud-sunod, ikaw ay huli; Huwag maliitin ang sarili, kung gayon. Nakilala ko Ang mga matalinong taong iba ang sinasabi, ngunit sino ang mag-iisip Sa mga sikretong ukol sa Diyos lamang?

Hinggil sa Kalikasan ng Tao (mula sa epikong Shahnameh ni Ferdowsi) Salin sa Filipino ni David Michael M. San Juan batay sa saling Ingles nina George Warner at Edmond Warner

Masdan hanggang katapusan, laging kumilos nang wasto At magpagal, sapagkat ang katamaran at karunungan ay di nagkakasundo; Ngunit kung makakatakas ka sa kalamidad, Sa parehong daigdig, sa lambat ng balumbon ay makalaya At sa paningin ng Diyos ay tunay ngang isang taong makatwiran, At sa mabilis na umiikot na bubungan, ang iyong paningin Ay ibaling, ang dahilan ng pagdurusa at ginhawa, Bubungan na di alintana ang paglipas ng mga araw, At di apektado ng ating ligaya o lumbay; Hindi ito tumitigil at patuloy sa pag-ikot, Di naglalahong gaya natin, ngunit di nabubulok Doo’y nakabalandra ang termino at proseso, Mayroong inihahayag sa iyong mabuti at masama.

Amerika Latina

"Oda sa Pag-asa" (orihinal sa Espanyol ni Pablo Neruda: salin sa Filipino ni David Michael M. San Juan batay sa saling Ingles) Malakaragatang bukang-liwayway sa gitna ng aking buhay. Daluyong na gaya ng mga ubas, ang kalangita’y pag-iisa, pinupuno mo ako at binabaha ang buong dagat, ang di-mabawasang kalangitan, tempo at espasyo,

"Oda sa Pag-asa" (orihinal sa Espanyol ni Pablo Neruda: salin sa Filipino ni David Michael M. San Juan batay sa saling Ingles) mga puting batalyon ng pusod ng dagat, ang maliyab na baywang ng araw sa pagdurusa, pagkarami-raming regalo’t talento, mga ibong pumapailanlang sa kanilang mga pangarap, at ang dagat, ang dagat, nakabiting halimuyak,

"Oda sa Pag-asa" (orihinal sa Espanyol ni Pablo Neruda: salin sa Filipino mula sa Ingles)

koro ng malinamnam, mataginting na asin, at habang, tayong mga tao’y hinihipo ang tubig, nakikibaka at umaasa, hinihipo natin ang tubig umaasa.

At pinagwiwikaan ng mga alon ang matibay na dalampasigan; “Lahat ay matutupad.”

"Oda sa Pag-asa" orihinal sa Espanyol ni Pablo Neruda (salin ni David Michael M. San Juan)

• Hinggil sa makata at sa tula: Si Pablo Neruda, isang Nobel Prize for Literature Awardee ay isa sa pinakapopular na makata sa buong mundo. Ang kanyang mga tula ay tampok sa paggamit ng mga dinamikong metapora na pinatitingkad ng panlipunang nilalaman. Ang tulang ito’y isang pagpupugay sa pag-asang laging nananatiling buhay sa puso ng sangkatauhan.

“Pag-ibig” orihinal sa Espanyol ni Pablo Neruda (salin ni David Michael M. San Juan sa Filipino) Dahil sa ‘yo, sa mga hardin ng mga namumukadkad na bulaklak ako’y namimighati sa mga pabango ng tagsibol. Nalimutan ko ang ‘yong mukha, di ko na maalala ang iyong mga kamay; paano dumadampi ang ‘yong mga labi sa akin? Dahil sa ‘yo, minamahal ko ang mga puting estatwang nag-aantok sa mga parke, ang mga puting estatwang walang tinig o paningin. Nalimutan ko na ang iyong tinig, ang ‘yong masayang tinig; Nalimutan ko na ang ‘yong mga mata. Gaya ng bulaklak sa kanyang halimuyak, ako’y nakagapos sa malabo kong alaala mo. Ako’y nabubuhay nang may hapding gaya ng sugat; kung ako’y iyong haplusin, ako’y masasaktan mong lubos. Ang ‘yong mga haplos yumapos sa akin, gaya ng mga gumagapang na baging sa mga malulungkot na pader. Nalimutan ko na ang ‘yong pag-ibig, ngunit tila nasusulyapan kita sa bawat bintana. Dahil sa ‘yo, ang nakapagpapasiglang halimuyak ng tag-araw ay nakapagpapapipighati sa akin; dahil sa ‘yo, muli ko na namang hinahanap ang mga tandang nagpapasiklab ng pagnanasa: mga bulalakaw, mga bumabagsak na bagay.

Patay na Ang Panulaan Orihinal sa Español ni Javier Sicilia (salin sa Filipino ni David Michael M. San Juan) Hindi karapat-dapat ang daigdig sa mga salita, nalunod at di na makahinga ang kanilang kalooban, kung paanong kinitil ka nila, habang winawalat nila ang iyong mga baga… hindi ako iniiwan ng pagdaramdam ang tanging natira’y isang daigdig sa pamamagitan ng katahimikan ng makatwiran sa pamamagitan ng iyong katahimikan at ng aking katahimikan, Juanelo. Hindi na umiiral sa akin ang pagtula.

Patay na Ang Panulaan Orihinal sa Español ni Javier Sicilia (salin sa Filipino ni David Michael M. San Juan)

*Ito ang kahuli-hulihang tula ng premyadong makata ng Mexico na si Javier Sicilia na isinulat noong Abril 2011, bilang pag-alaala sa kanyang anak na pinatay ng mga di pa nakikilalang salarin. Hinihinalang biktima ng “drug wars” sa Mexico ang kanyang anak. Mula noon, nagpasya si Sicilia na huwag nang tumula muli. Pinamumunuan niya ngayon ang mga malalaking kilos-protesta laban sa karahasan.

Kapatiran Orihinal ni Octavio Paz (salin ni David Michael M. San Juan)

Ako’y isang tao: maliit ako kung magtagal man at ang gabi’y napakalawak. Ngunit ako’y tumingala: nagsulat ang mga tala. Wala man akong alam ay aking naunawaan: Ako man ay isinusulat, at sa oras ding ito may taong bumibigkas ng ngalan ko.

Kapatiran Orihinal ni Octavio Paz (salin ni David Michael M. San Juan)

• *Ang may-akda ay isang Mehikanong Nobel Prize for Literature Awardee noong 1990. Sa tula’y binibigyang-diin ng makata ang “imortalidad” ng bawat tao sa puso ng taong nagmamahal sa kanya.

Munting Paa Orihinal ni Gabriela Mistral (salin ni David Michael M. San Juan) Ang munting paa ng bata, nangasul, nangasul sa matinding lamig. Paano ka nila tinatanaw ngunit ika’y di kinakalinga? O Diyos ko! Munting paang sugatan, namamaga ang ‘yong kabuuan dahil sa mga maliliit na bato, inabuso ng niyebe’t ng kalupaan! Ang tao, ‘pagkat bulag, ay di alintana na saanmang ikaw ay humakbang, ika’y nag-iiwan ng halimuyak ng matinding liwanag, na saanmang mapadpad ang ‘yong nagdurugong talampakan, sumisibol ang mabangong azucena*. *Tuberose sa Ingles

Munting Paa Orihinal ni Gabriela Mistral (salin ni David Michael M. San Juan) Si Gabriela Mistral ay isang diplomat, edukador at makatang Chileano na siyang kauna-unahang taga-Amerika Latina at ikalimang babae sa buong mundo na ginawaran ng Nobel Prize for Literature. Sa melodramatikong tulang ito na tipikal sa panulat ni Mistral, inilalarawan ng makata ang mga paghihirap na dinaranas ng mga batang lansangan na di kinakalinga ng lipunan. Ipinagluluksa niya ang mga “munting paang sugatan” na “nangasul” dahil sa lamig at nagkapasapasa dahil sa pagtahak sa mga daang bato nang walang anumang panyapak. Makabuluhan pa rin ang tanong ni Mistral sa ating panahon hinggil sa kawalang pakialam o apathy ng ilang mamamayan sa pagdurusa ng mga anakdalita: “Paano ka nila tinatanaw ngunit ika’y di kinakalinga?”

Daigdig

Walang Gintong Tumatagal orihinal sa Ingles ni Robert Frost, salin sa Filipino ni David Michael M. San Juan

Unang ginto ng kalikasan ang luntian. Kulay na pinakamatagal niyang iniingatan. Ang unang daho’y bulaklak; Ngunit sa isang saglit lamang. At ang daho’y pinalitan ng dahon din. Kaya’t ang Eden ay nalunod sa lumbay. Kaya’t ang bukang-liwayway ay nagbigay-daan sa araw. Walang gintong tumatagal.

Walang Gintong Tumatagal orihinal sa Ingles ni Robert Frost, salin sa Filipino ni David Michael M. San Juan *Ang tulang “Walang Gintong Tumatagal” o “Nothing Gold Can Stay” ay naglalarawan sa iba’t ibang panahon/klima sa Estados Unidos na madaling makita sa pamamagitan ng pagmamasid sa pagbabago ng mga puno’t halaman. Ang tagsibol, taglagas, taglamig at tagaraw ay inilarawan ni Frost sa pamamagitan ng matatalinhagang pananalita. Ipinahihiwatig ni Frost sa pamagat ang kawalan ng permanenteng bagay sa daigdig: ang panahon ay nagbabago gaya ng kahit ano; maganda man ang tagsibol, kailangan itong magbigay-daan sa taglagas. Kilala si Frost sa paglika ng maiikling tulang hitik sa imahe ng kalikasan.

Dulce et decorum est (orihinal ni Wilfred Owen; malayang salin sa Filipino ni David Michael M. San Juan) Lason! Lason! Bilis! Litong emosyon ng pagmamadali, Naisuot ang helmet sa takdang panahon, Ngunit may sumisigaw at nabubuwal pa rin, At nagpupumiglas na tila taong nagliliyab o lumalangoy sa asido... Malabo, sa aninag ng salamin ng helmet at makapal na berdeng liwanag, Tila sa ilalim ng luntiang dagat, nakita kong nalulunod siya. Matinding bangungot, sa aking harapang wala akong magawa, Hinawakan niya ako, siya’y nalulunod at di makahinga.

Dulce et decorum est (orihinal ni Wilfred Owen; malayang salin sa Filipino ni David Michael M. San Juan) Kung sa panaganip mo’y makahabol ka Sa likuran ng karitong pinaglagyan namin sa kanya, At makita mo ang matang puti na lamang ang makikita, Ang kanyang mukhang tila sa diyablong may-sala, Kung maririnig mo lamang, sa bawat pulandit, ang dugong Mula sa kanyang sugatang baga, Malala pa sa kanser, mapait pa sa bomba Ng apdo, mga sugat na di na gagaling sa inosenteng dila. Kaibigan ko, hindi mo na marubdob na isisigaw Sa mga kabataang nais ng desperadong luwalhati Ang matandang Kasinungalingan: Dulce et Decorum est Pro patria mori.

Dulce et decorum est (orihinal ni Wilfred Owen; malayang salin sa Filipino ni David Michael M. San Juan) Ang pamosong tulang ito ay isinulat ng makatang si Wilfred Owen. Isa ito sa maraming tulang tutol sa digmaan na kanyang isinulat habang nasa mga trintsera o “trenches” (mga hukay) sa gitna ng Unang Digmaang Pandaigdig, bilang isa sa mga kabataang sapilitang pinagsundalo ng kani-kanilang gobyerno. Namatay si Owen sa digmaang iyon kasama ang milyunmilyong mga kabataang noo’y nangangarap ng maganda at mapayapang buhay, biktima ng isang walang saysay na digmaan, gaya rin ng mga namatay sa daan-daan pang digmaan sa ating panahon. Malungkot na inilalarawan sa tula ang paghihingalo ng isang biktima ng “berdeng liwanag,” at “luntiang dagat” – ang lason sa anyo ng “gas” o “hangin” na unang ginamit sa digmaang iyon. Ang huling pahayag sa Latin na itinuturing ni Owen na isang kasinungalingan ay nangangahulugang “Kaytamis at nararapat lamang mamamatay para sa bayan.”

“Pag-asa” ang bagay na may pakpak orihinal ni Emily Dickinson; salin ni David Michael San Juan “Pag-asa” ang bagay na may pakpak – na namamahinga sa kaluluwa – at umaawit sa piping himig – at hindi humihinto – hinding-hindi – At pinakamatimyas – sa Sigwa – ay naririnig – at malamang na magalit sa kanya ang unos – na nagpapahiya sa munting Ibon na nagbibigay-kalinga sa marami. Siya’y narinig ko sa lupaing pinakamalamig – At sa pinakakakatwang Dagat – Ngunit, hinding-hindi, kailanman, ito humingi ng tira-tirang mumo – sa akin.

“Pag-asa” ang bagay na may pakpak orihinal ni Emily Dickinson; salin ni David Michael San Juan * Ang tulang ito ng Amerikanang makata na si Emily Dickinson ay isang payak na pagbibigay-puri sa pag-asa. Si Dickinson ay kilala sa kanyang maiikli ngunit malalamang tula na nagpapahayag ng mga dakilang aral at inspirasyon sa buhay. Para kay Dickinson, ang pag-asa ay “bagay na may pakpak,” isang tinig na “umaawit sa piping himig” at “hindi humihinto” kailanman. Tunay nga: ang pag-asa’y laging nariyan hindi man gaanong napapansin ng sangkatauhan. Kalasag o “shield” ito ng mga dumaranas ng mga matinding sigwa o pagsubok sa buhay. Isang bagay na maraming inspirasyong ibinibigay sa lahat ng tao saanman, ngunit walang hinihinging anumang kapalit, kahit na “tira-tirang mumo.”

Ang Aklat (salin sa Filipino ng tulang “A Book” ni Emily Dickinson) Walang barkong tulad ng aklat Na magdadala sa atin sa malalayong lupain, Wala ring kabayong kagaya ng pahina Ng lulukso-luksong tula. Ang lakbaying ito’y maaaring suunging Walang pang-aapi o kapaguran ng mga mahihirap: Kaymura ng karwaheng Naglalaman ng kaluluwa ng sangkatauhan! *Ang tulang ito’y isang payak na oda sa mga aklat na nagbibigay ng oportunidad ssa mga mahihirap na “maglakbay” sa iba’t ibang malalayong lupain sa kabila ng kanilang karukhaan.

Isang Manggagawa ang Nagbasa ng Kasaysayan* ni Bertolt Brecht Salin sa Filipino ni David Michael M. San Juan Sino ba ang nagtayo ng pitong pintuan ng Thebes? Puno ng mga pangalan ng hari ang mga aklat. Mga hari ba ang naghakot ng magagaspang na bloke ng bato? At ang Babilonia, na maraming ulit nang nawasak. Sino ang pauli-ulit na nagtayo ng lungsod? Sa mga bahay sa Lima, Sa lungsod na iyon na kumikinang sa ginto, ang mga nagtayo ba nito ang nakatira roon? Sa gabing natapos ang pader ng Tsina Saan umuwi ang mga mason? Ang Imperyo ng Roma na puno ng mga arko ng tagumpay. Sinong nagtayo? Sino ang pinangibabawan ng mga Cesar? Namuhay sa awitin ang Byzantium. Lahat ba ng bahay roo’y palasyo? At kahit sa maalamat na Atlantis Sa gabing rumagasa ang karagatan, ang mga nalulunod ay tumatawag pa rin ng kanilang alipin.

Isang Manggagawa ang Nagbasa ng Kasaysayan* ni Bertolt Brecht Salin sa Filipino ni David Michael M. San Juan Sinakop ng Kabataang si Alexander ang India. Siya lamang mag-isa? Nilupig ni Cesar ang mga Gaul. Wala bang isa man lamang tagaluto sa kanyang hukbo? Nanangis si Felipe ng Espanya nang mapalis ang kanyang hukbong-dagat Wala bang ibang lumuha? Si Federicong Dakila ay nagtagumpay sa Pitong Taong Digmaan. Sino ang nagtagumpay na kasama niya? Bawat pahina’y tagumpay Sino ang gumasta sa piging ng tagumpay? Bawat sampung taon ay may isang dakilang tao, Sinong nagbayad sa taga-anunsyo? Laksa-laksang partikular na bagay. Laksa-laksang katanungan. *Ang tulang ito’y tumatalakay sa papel ng mga ordinaryong tao sa kasaysayan na karaniwa’y nakalilimutang banggitin ng mga historyador.

“Saradong Daan” ni Rabindranath Tagore Salin ni David Michael M. San Juan Akala ko’y natapos na ang aking paglalakbay sa huling pananda ng aking kapangyarihan --- ang daan sa harap ko’y sarado, at ang aking pagkai’y ubos na at ang oras ng pagkakanlong ko sa katahimika’y dumating na.

Ngunit nasumpungan kong ang Iyong loob ay walang katapusan sa akin. At kapag ang mga lumang salita’y naghingalo sa dila, magpupumiglas mula sa puso ang bagong tugtugin; at kung saan ang mga landas ay naglaho, isang bagong bansa’y makikilala, pati ang kanyang kagandahan.

“Saradong Daan” ni Rabindranath Tagore Salin ni David Michael M. San Juan *Si Rabindranath Tagore ay isang makatang mula sa Bengal na siyang kauna-unahang Asyano at di Europeo na tumanggap ng prestihiyosong Nobel Prize for Literature noong 1913. May angking kapayakan at espiritwalidad ang kanyang mga tula gaya ng “Saradong Daan.” Sa tulang ito ng pagpapasimula, ipinapahayag ni Tagore ang kanyang pananampalataya sa Lumikha, sa Kanyang kalooban na magpatuloy ang kasaysayan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng bawat taong nabubuhay sa daigdig gaya ng makata. Simbolo ng panibagong simula at pag-asa ang tulang ito.

Updates sa CMO No. 20, Series of 2013 at K to 12 • May Filipino at Panitikan pa rin DAPAT sa kolehiyo dahil naka-Temporary Restraining Order (TRO) ang CMO No. 20, Series of 2013

Supreme Court Case G.R. No. 217451 21 April 2015

Updates sa CMO No. 20, Series of 2013 at K to 12 • Hindi ipinatutupad ng maraming kolehiyo/unibersidad ang TRO sa pagbura sa Filipino. • Hinihintay pa ang pinal na desisyon ng Korte Suprema sa CMO No. 20, Series of 2013 at K to 12

Mga Mungkahing Laman ng Kurikulum ng Filipino sa Kolehiyo • • • • • • • •

• • •

Filipino sa Pananaliksik-Panlipunan Filipinolohiya Komunikasyon sa Araling Panlipunan at Humanidades Komunikasyon sa Agham, Teknolohiya, at Matematika Araling Pilipinas/Philippine Studies Wikang Filipino at Kultura at Lipunang Pilipino Filipino Bilang Wika ng Intelektwal na Diskurso at Pananaliksik sa Iba’t Ibang Disiplina Kaakuhan, Pamayanan, Sambayanan: Filipino Bilang Wika ng Identidad at Pagbabagong Panlipunan Panitikang Nasyonalista Panitikang Antikolonyal ng Timog-Silangang Asya Mga Kontemporaryong Isyu sa Timog-Silangang Asya: Kultura, Politika at Ekonomya

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KONKOMFIL) • Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino (Batay sa aklat ni Maggay) • Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KONKOMFIL) Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino • Tsismisan • Umpukan • Talakayan • Pagbabahay-bahay • Pulong-bayan • Komunikasyong Di Berbal (Kumpas atbp.) • Mga Ekspresyong Lokal

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KONKOMFIL) Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon • Forum, Lektyur, Seminar • Worksyap • Symposium at Kumperensya • Roundtable at Small Group Discussion • Kondukta ng Pulong/Miting/Asembliya • Pasalitang Pag-uulat sa Maliit at Malaking Pangkat • Programa sa Radyo at Telebisyon • Kritika at Etika sa Social Media • Video Conferencing

Filipino sa Pananaliksik-Panlipunan (FILPPAN) • Kaligirang Kasaysayan ng Filipino Bilang Wikang Pambansa at Wika ng Mga Kilusang Panlipunan • Batayang Kaalaman sa Kasaysayan at Mga Kontemporaryong Suliranin ng/sa Lipunang Pilipino • Batayang Kaalaman sa Mga Solusyon sa Mga Suliraning Panlipunan sa Pilipinas • Batayang Kaalaman sa Mga Teorya at Metodolohiya sa Pananaliksik-Panlipunan

Filipino sa Pananaliksik-Panlipunan • • • • •

Pagsulat ng Pananaliksik-Panlipunan Paghahanap ng Paksa Pagsulat ng Katawan ng Pananaliksik Rebisyon ng Pananaliksik Presentasyon, Publikasyon at Diseminasyon ng Pananaliksik-Panlipunan

Filipino sa Pananaliksik-Panlipunan Batayang Kaalaman sa Kasaysayan at Mga Kontemporaryong Suliranin ng/sa Lipunang Pilipino • Kapuluang Prekolonyal • Kolonyalismong Espanyol • Kilusang Propaganda at Himagsikang 1896 • Imperyalismong Amerikano • Pasismong Hapones • Panahon ng “Malayang” Republika • Batas Militar • Edsa I Hanggang Kasalukuyan

Filipino sa Pananaliksik-Panlipunan Batayang Kaalaman sa Kasaysayan at Mga Kontemporaryong Suliranin ng/sa Lipunang Pilipino • Kahirapan at agwat ng mayayaman at mahihirap • Konsentrasyon ng yaman at kapangyarihang politikal • Brain drain, deskilling at Labor Export Policy • Pagkawasak ng kalikasan at climate change • Urbanisasyon

Filipino sa Pananaliksik-Panlipunan Batayang Kaalaman sa Solusyon sa Kontemporaryong Suliraning Panlipunan • Reporma sa lupa, modernisasyon ng agrikultura, at industriyalisasyon • Enerhiyang renewable at pagsasakang organiko • Sustenibleng kaunlaran • Pagpapalakas ng mga samahan sa komunidad • Ugnayang komunidad-akademya para sa pananaliksik-panlipunan

Filipino sa Pananaliksik-Panlipunan Batayang Kaalaman Mga Teorya sa PananaliksikPanlipunan • Pantayong Pananaw • Teoryang Dependensiya • Marxismo at Kritikal na Diskurso sa Globalisasyon • Sikolohiyang Pilipino • Pantawang Pananaw • Perspektibang MKMP • Bakod, Bukod, Buklod • Pagbaklas/Pagbagtas • Mga Diskurso sa (Inter)Nasyonalismo

Filipino sa Pananaliksik-Panlipunan Batayang Kaalaman sa Metodolohiya sa PananaliksikPanlipunan • Pagmamapang kultural, ekonomiko etc. • Etnograpiya • Pananaliksik na leksikograpiko • Pagsusuri ng dokumento • Video documentation • SWOT Analysis • Case study • Literature review • Pagtatanung-tanong, obserbasyon, interbyu, FGD

Filipino sa Pananaliksik-Panlipunan Batayang Kaalaman sa Metodolohiya sa PananaliksikPanlipunan • Secondary data analysis • Eksperimental • Action research • Impact assessment • Comparative analysis • Discourse analysis • Content analysis • Policy review • Participant observation • Pagsasagawa ng survey • Transkripsyon

Filipino sa Pananaliksik-Panlipunan Pagsulat ng Pananaliksik-Panlipunan Paghahanap ng Paksa Pagsulat ng Katawan ng Pananaliksik Rebisyon ng Pananaliksik Presentasyon, Publikasyon at Diseminasyon ng PananaliksikPanlipunan • Pagsulat ng journal article • Pagsulat ng lathalaing may adbokasiya • Pagsulat ng resolusyon • Pagsulat ng letter to the editor • Pagsulat ng lobby letter atbp. • Pagsulat ng posisyong papel • Pagsulat ng petisyon • Pagsulat ng press statement at press release

Sine-Sosyedad (SINESOS) • Mga Teorya sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan • Mga Pangunahing Elemento sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan • Pagsulat ng Komparatibong Rebyung Pampelikula *Ang SINESOS ay maaaring gumamit ng dulog na batay sa paksa (thematic) o kaya’y batay sa panahon.

Sine-Sosyedad (SINESOS) Mga Teorya sa Panlipunan • Marxismo • Realismo • Pormalismo • Feminismo • Estrukturalismo

Pagsusuri

ng

Pelikulang

Sine-Sosyedad (SINESOS) Mga Pangunahing Elemento sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan • Karakterisasyon/Mga Tauhan • Banghay/Plot • Sinematograpiya • Panlipunang Nilalaman (Social Content) ng Pelikula

SINESOS (thematic) Kasarian • “Everything About Her” (2016); “Suffragette” (2015); “Pride” (2014); “Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” (2011) Migrasyon at Diaspora • “Emir” (2010); “Caregiver” (2008); “Transit” (2013); “Cesar Chavez” (2014); “It’s A Free World” (2007) Pamilya, Relasyon, Pag-ibig • “Filipinas” (2003); “Pamilya Ordinario” (2016); “Dagsin” (2016); “Endo” (2007); “Honor Thy Father” (2015); “Perdiendo el norte” (2015); “In a Better World” (2010) Kultura • “Ang Babae sa Septic Tank” (2011); “Debosyon” (2013); “The Monk” (2014); “También la lluvia” (2010)

SINESOS (thematic) Kalikasan • “Avatar” (2009); “The Lorax” (2012); “Yogi Bear” (2010); “Muro-Ami” (1999);

SINESOS (thematic) Ekonomya, Politika at Kasaysayan “Where To Invade Next” (2015); “Our Brand is Crisis” (2015); “The Good Lie” (2014); “Eye in the Sky” (2015); “Goodbye Lenin!” (2003); “Millions” (2004); “Voces Inocentes” (2004); “Chakravyuh” (2012); “The Liberator” (2013); “Selma” (2014); “Patikul” (2011); “Metro Manila” (2013); “Sigwa” (2010); “Mandela” (2013); “Orapronobis” (1989); “The Big Short” (2015); “A Royal Affair” (2012); “Capitalism: A Love Story” (2009)

Pangwakas • Lagpas pa sa pagtiyak na may asignaturang Filipino sa kolehiyo, at lagpas pa sa pagrerebisa ng nilalaman ng kurikulum ng Filipino sa elementarya at hayskul, KAILANGANG LUBUSANG IPATUPAD ANG PROBISYONG PANGWIKA NG KONSTITUSYON • Kailangang kilalanin AT gamiting WIKANG PANTURO at WIKA NG OPISYAL NA KOMUNIKASYON (WIKA NG GOBYERNO) ang Filipino

Pangwakas • Puso ng holistiko, progresibo, mapagpalaya at makabayang edukasyon mula kinder hanggang kolehiyo at lagpas pa ang asignaturang Filipino at Araling Pilipinas (Philippine Studies) sapagkat ito ang wika at ubod (core) na disiplina na magpapatibay sa identidad natin bilang Pilipinong nag-aambag sa pag-unlad ng bayan.

More? • • • • • • •

dlsu.academia.edu/lastrepublic www.facebook.com/TANGGOLWIKA www.facebook.com/act.teachers www.facebook.com/ACTPrivateSchools www.facebook.com/TanggolKasaysayan www.facebook.com/PSLLF www.facebook.com/PambansangSeminar