Aralin 3.2: Ang Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at

Nakagagawa ng mga gawaing ... kong ipakilala sa iyo ang broadcast media sa pamamagitan ng pag-anyaya sa iyo sa patuloy na pagbasa ng araling ito. Tara...

115 downloads 1316 Views 1MB Size
Aralin 3.2: Ang Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino I.

Panimula at Mga Pokus na Tanong: Ayon sa Encyclopedia, ang paghahatid ng mga impormasyon sa mamamayan sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay maituturing na broadcast media. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, hindi maitatangging malaki ang papel na ginagampanan nito sa lipunang ating ginagalawan. Sino nga ba ang hindi nakikinig sa radyo upang mapakinggan ang paboritong awitin o kaya naman ay malaman ang mahahalagang anunsiyo mula sa PAGASA? Sino nga ba ang hindi nanonood ng telebisyon upang malaman ang mga kaabangabang na tagpo sa paboritong telenobela o kaya’y malaman ang mahahalagang balita sa nakalipas na araw? Tunay ngang bahagi na ng ating buhay ang broadcast media. Ngunit paano nga ba nakatutulong ang broadcast media sa pagpapalaganap ng kulturang popular? Paano nagagamit ang radyo at telebisyon sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan ng mga mamamayan ng isang bansa? Ang kasagutan sa mga tanong na ito ang ating tutuklasin sa pamamagitan ng mga gawain sa araling ito.

II.

Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito Sa araling ito ay tutuklasin ang sumusunod na paksa: Aralin 3.2 : Ang Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino A.

Panitikan: Komentaryong Panradyo/ Dokumentaryong Pantelebisyon

B.

Wika: Mga Ekspresiyong Nagpapakilala s Konsepto ng Pananaw/ Mga Ekspresiyong Nagpapakilala ng Kaugnayang Lohikal

III.

Mga Inaasahang Kasanayan Narito ang mga kaalaman at kasanayang malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa araling ito:

Aralin Broadcast Media mekanismo Ng Pagbabago At Pag-unlad Ng Kulturang Pilipino

Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Napauunlad ang kasanayan sa mapanuring pakikinig/panonood  Napag-iiba ang katotohanan sa mga hinuha, opinyon at personal na interpretasyon ng nagsasalita at ng nakikinig  Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa mga hinuha (inferences), opinyon at personal na interpretasyon ng nagsasalita at ng nakikinig/nanonood  Nailalahad ang mga pagkiling (biases,prejudices) at sariling interes ng nagsasalita  Naisasaayos ang mga ideya o impormasyon mula sa teksto o diskursong napakinggan/napanood  Nailalahad sa sariling pamamaraan ang napakinggang mga pahayag, mensahe at teksto Pag-unawa sa Binasa Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang teksto sa pamamagitan ng pagkilala sa:  Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag  Napagsasama-sama ang magkakasalungat na mga ideya  Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na bahagi nito Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa sa teksto  Nakapagbibigay ng impresyon sa teksto kaugnay ng: -

paksa/tema layon gamit ng mga salita

Pagsasalita Nakapagpapahayag nang wasto ng mga pag-aalinlangan/pagaatubili/pasubali Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw,opinyon at saloobin Pagsulat Naisasaalang-alang ang mga kakailanganin sa pagsulat ng isang dokumentaryong panradyo  Nakapipili ng isang napapanahong paksa  Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon  Nakabubuo ng maayos na balangkas  Nababanggit nang wasto ang may akda, personalidad, organisasyong nagbibigay kredibilidad sa mga kaisipang ipinapahayag  Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala ng konsepto ng pananaw  Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala ng kaugnayang lohikal

Tatas Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at impormal na Filipino pasalita man o pasulat Nasusuri ang mahalagang detalye ng napakinggang impormasyon Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan ay may kabuluhan at kredibilidad Nakikipagkomunikasyon gamit ang wikang Filipino batay sa hinihingi ng pagkakataon/sitwasyon Pananaliksik Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga impormasyon sa isinagawang pananaliksik Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet

IV.

Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito

Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino

RADYO

TELEBISYON

Panitikan: Komentaryong Panradyo

Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon

Wika: Mga Ekspresyong Nagpapakilala ng Konsepto ng Pananaw

Wika: Mga Ekspresyong Nagpapakilala ng Kaugnayang Lohikal

Dokumentaryong Panradyo/ Dokumentaryong Pantelebisyon Marahil ay nananabik ka nang simulan ang araling ito. Simulan na natin ang pagtuklas ng mga bagong kaalaman!

V. Panimulang Pagtataya Ang bahaging ito ang makapag-uugnay sa iyo sa mga bagay na dapat mong malaman kaugnay ng Aralin 2 sa modyul na ito. Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot ng puzzle. Unawain at limiin ang isinaad na mga datos upang maibigay ang tamang sagot. Bilugan ang mga letrang bumubuo sa tamang sagot sa bawat bilang. Kopyahin at gawin ito sa papel. 1. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaliw at kawili-wili. 2. Isang palabas na maaring maging daan upang maimulat ang mamamayan sa katotohanan ng buhay sa kaniyang paligid. 3. Maaaring maghatid ng balita, talakayan at impormasyon sa bayan man o sa nayon. 4. Isa sa mga naihahatid ng radyo na nagdudulot ng aliw sa marami. 5. Maaring marinig o mapanood ang mga ito maging sa radyo o telebisyon.

T

E

L

E

B

I

S

Y

O

N

M

V

L

M

N

H

I

E

A

Y

O

A

U

M

E

J

O

S

H

I

D

I

E

T

S

U

L

I

R

A

B

A

L

I

T

A

I

S

E

C

A

C

R

I

S

T

Y

S

K

A

O

M

A

R

I

C

A

R

R

O

A

K

D

O

K

U

M

E

N

T

A

R

Y

O

Mahusay! Marahil nananabik ka nang ipagpatuloy ang iyong pag-aaral. Nais kong ipakilala sa iyo ang broadcast media sa pamamagitan ng pag-anyaya sa iyo sa patuloy na pagbasa ng araling ito. Tara na!

VI. Yugto ng Pagkatuto Alamin Mahilig ka bang makinig ng radyo o manood ng telebisyon? Kung oo ang iyong sagot, isa ka sa maraming tumatangkilik ng broadcast media.

GAWAIN 3.2.a: Paborito Ko! Isulat mo sa loob ng larawan ng telebisyon ang iyong kinagigiliwang palabas, at sa loob naman ng larawan ng radyo ang iyong paboritong pinakikinggang programa. Ipaliwanag mo rin ang mga dahilan kung bakit mo pinanonood o pinakikingggan ang mga programang iyong nabanggit.

Paboritong Palabas sa Telebisyon: _________________________________ Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan: _________________________________ _________________________________ _________________________________

Paboritong programa sa Radyo: ___________________ Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:

____________________ ___________________

Mula sa gawaing ito, ating napatunayan na bahagi na ng ating buhay ang pakikinig ng radyo at panonood ng telebisyon. Ngunit paano nga ba nito nabago ang ating kultura at panitikan? Ano ang gampanin ng mga midyum na ito sa pagpapaigting ng kamalayan ng mamamayan sa mahahalagang kaganapan sa ating lipunan?

GAWAIN 3.1.b:

Alam Ko ‘Yan!

Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng paksang ating tatalakayin. Isulat mo sa mga talahanayan ang mga kaisipang alam mo na, nais mong malaman at ang paraan kung paano ito matututuhan. Sagutin mo naman ang huling hanay sa katapusan ng pag-aaral mo sa araling ito upang iyong maitala ang mga kaisipang iyong natutuhan. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino Ano ang ALAM ko na?

Ano ang NAIS kong MALAMAN?

Paano ko ito MATUTUTUHAN?

Ano ang aking NATUTUHAN?

Talaga namang mayroon kang pagnanais na matuto! Binabati kita! Ipagpatuloy mo ang ganyang gawi upang ikaw ay magtagumpay! Sa katapusan ng araling ito, inaasahang makikibahagi ka sa paglikha ng iskrip ng isang komentaryong panradyo o kaya naman sa paglikha ng isang dokumentaryong pantelebisyon. Huwag kang mag-alala. Matututuhan mo ang iba’t ibang mahalagang kaalaman upang maging handa ka sa pagsasagawa ng mga gawaing ito.

Paunlarin Sa bahaging ito, bigyan muna natin ng pansin ang radyo bilang isa sa mga midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan ng mundo sa mas malawak na sakop nito. Sa modyul na ito, matutuklasan mo ang gampanin ng radyo bilang gabay sa kamalayang panlipunan.

GAWAIN 3.2.c: RADYOrific Ang Hatid Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling ito. Gamit ang arrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo sa larawang nasa gitna. Nasa loob ng malilit na kahon ang nasabing mga pahayag. Gawin sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat.

nagpapahatid ng mga panawagan

naghahatid ng musika

nagpapalabas ng pelikula nagpalabas ng variety show nagpapalabas ng teledrama nagpapakilala ng isang produkto

naghahatid ng mga talakayan/pulso ng bayan

naghahatid ng napapanahong balita

nakikinig ng mga awit

nagbibigay ng opinyon kaugnay ng isang paksa

Binabati kita sa mga tamang sagot na iyong nakuha! Ipagpatuloy mo ang iyong sigla sa pagsagot! Mapalalalim ang iyong kaalaman kaugnay ng gampanin ng radyo sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng mamamayan. Matututuhan mo rin kung paano makasusulat ng isang komentaryong panradyo gamit ang iba’t ibang konsepto ng pananaw. Sa ibaba ay mababasa mo ang ilang mga gabay na tanong na maaaring makatulong sa iyo upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa araling ito. Madali mo bang natukoy ang kahalagahan ng radyo? Masasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap panitikang popular? Ipaliwanag. Mahusay ang iyong ginawang pagpapaliwanag. Ngayon naman nais kong punan mo ang kasunod na tsart. Unahing sagutin ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Sasagutin lamang ang huling kolum, na L pagkatapos na mapag-aralan ang araling ito.

Masasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap ng panitikang popular? Ipaliwanag. K Ano ang alam mo na?

W Ano ang nais mong malaman?

H Paano mo makikita ang nais mong maunawaan?

L Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan?

Sa bahaging ito ng aralin, nais kong basahin at unawain mo ang mga komentaryong panradyo. Unawain ang mga bagay sa likod ng isang isyung tumatalakay sa lipunang iyong ginagalawan, ang Freedom of Information Bill” bilang pokus ng isang komentaryong pagtalakay sa radyo, gayundin ang pakikinig sa isang programang panradyo na komentaryo ang lapat. Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo. KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI) Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo. Roel: Magandang umaga sa inyong lahat! Macky: Magandang umaga partner! Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado. Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom Of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit ! Roel: Sinabi mo pa, partner! Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner? Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno. Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon! Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan. Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Roel:

Macky:

Roel:

Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal. Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative LorenzoTañada III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago magPasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura. Naku! Naloko na!

Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay at Maricar Francia mula sa:

http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/ Gabay na Tanong Ano ang mga bagay na nakapukaw sa iyong isipan habang binabasa ang mga pahayag mula sa binasang halaw na pagtatalakayan sa radyo?

GAWAIN 3.2.d : Radyopinyon Basahin ang mga pahayag ng mga komentarista. Alin sa mga ito ang nagsasaad ng positibo at negatibong pananaw? Isulat sa bituin ang positibo at sa bilog ang negatibo. Gawin sa iyong sagutang papel.

Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin – Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

GAWAIN 3.2.e : Radyomentaryo Bilang bahagi ng iyong gawain nais kong i-klik mo ang alin man sa mga link sa loob ng bilog. Makinig ng ilang napapanahong mga balita.

http://www.tv5.com.ph/ click radyo5 http://www.interaksyon.com/article/42031 /teodoro-l--locsin-jr---why-theyre-afraidof-foi tunein.com/radio/Radyo-Patrol-630s14674/ radioonlinenow.com/2011/02/25/listento-92-3-news-fm-online/

Para sa mga walang Internet sa klase, maaaring makinig sa radyo sa anomang estasyon sa AM o kaya ay basahin ang kasunod na teksto na kuwentuhang media.

Tandaan : Habang ikaw ay nakikinig, sikapin mong magtala ng iba’t ibang detalye tungkol sa: 1) Pamagat ng paksang tinalakay; 2) Mga batayan ng mga salaysay, at 3) Mga aral na natutuhan

Mga Gabay na Tanong: 1. Tungkol saan ang iyong napakinggan? 2. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng mga komentarista? 3. Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo? BAGO MAKASULAT NG ISANG DOKUMENTARYONG PANRADYO NARITO ANG MGA DAPAT TANDAAN  Magsaliksik ng mga impormasyon  Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat  Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa

KUWENTUHANG MEDIA Posted by Online Balita on Jun 2nd, 2012 Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa okasyon ng kaarawan ng magaling na coordinator na si Liza Carreon sa isang forum na kung tawagin ay TUESDAY CLUB sa Pasig City. Magagaling, matatalas at analitikal ang kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o pangyayari sa ating bansa, gaya ng mga usapin ng Panatag Shoal at ni CJ Renato Corona.

Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro ay sina Manila Bulletin Editor-in-Chief Cris “Jun” Icban; Butch Raquel, GMA vice president for communications; BizNews Asia Magazine Editor-in-Chief Tony Lopez, Tony Katigbak (chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ng ABS-CBN, ex-MMDA Chairman Bayani Fernando at ex-Marikina City Mayor Marides Fernando; ex-Graphic editor Manuel

Almario; columnist Boo Chanco; Pandan, Catanduanes Mayor Resty de Quiroz, dating reporter ng DZRH, at iba pa.

Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod sa tawanan, biruan at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, magaganda at sariwang opinyon, analisis at personal na paniniwala na kontra o katig sa isang kontrobersiyal na personalidad o usapin. Ang Club na ito ay ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art Borjal. Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks nito tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) na rito ay lantarang dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon kay Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa nasabing karagatan kontra sa ipinahihintulot ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Nagbabala ang China na hindi dapat makialam ang US sa usaping ito. Well, maliwanag ang pahiwatig ni Ms. Clinton na tiyak na susugod ang US forces para tulungan ang ating bansa sa sandaling ganap na salakayin at agawin ng China ang Bajo de Masinloc. Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa United States, walang magagawa o masusulingan ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa alinmang dayuhang lakas na ookupa at manduduro sa atin. Mga Gabay na Tanong 1. Anong napansin mo sa mga pahayag mula sa tekstong iyong binasa o sa mga pahayag na iyong napakinggan? 2. May mga salita bang ginamit ang may-akda o ang mamamahayag upang maging susi sa paglalahad ng mga detalye? 3. Batay sa teksto, paano inilahad ang bahaging ginampanan ng radyo bilang salik ng panitikang popular sa pag-unlad ng kasalukuyang lipunan?

GAWAIN 3.2.f: Radyopormasyon Pagkatapos mong basahin at unawain ang mga pahayag sa binasang teksto, punan ang kasunod na kahon ng tamang mga impormasyon. Gawin sa papel.

Mga nagpapahayag ng impormasyon Mga pahayag ng mga personalidad

Sariling pananaw

GAWAIN 3.2.g: Radyotik na mga Titik Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa mga halimbawa ng iskrip panradyo na iyong binasa? Ang mga iyon ay tinatawag na”konsepto ng pananaw.” Mula sa binasang teksto na Kwentuhang Media, Hanapin ang mga salitang tumutukoy sa mga konsepto ng pananaw. Isulat ang iyong sagot sa mga bilog. Gawin sa sagutang papel.

Ugnay-Wika Narito ang ilan pang dagdag na kaalaman upang lubos mong maunawaan kung ano ang tinatawag na Konsepto ng Pananaw. 1.

May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Kabilang

dito ang ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:

Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon. Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan. Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang plano. Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito. 2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng

naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng

pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:

Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan. Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka nang husto.

Tandaan: Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang popular na ang mga bagay ay pawang gumagamit ng mga bagong kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal ang isang8:uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino. GAWAIN RADYOMENTARYONG MAKABAGO Mula sa mga gawaing iyong nabigyang-tugon mula sa simula ng araling ito, bigyang tugon ang tsart na kasunod sa bahagi ng L. K W H L Pagkatapos mong maitala ang mga bagay na iyong natutuhan, nais ko naman na iyong bigyang-pansin ang mga bagay na nagdulot sa iyo ng maling pag-unawa. Hingin ang tulong ng iyong guro upang mas malawak at mas komprehensibo ang mga bagay na iyong natutuhan. Sa huli, gumawa ng isang komentaryong tumatalakay sa isang napapanahong isyu gaya ng Cyber Bullying, Child Protection Policy at Kalagayan ng Edukasyon sa Bansa. Gawin ito ayon sa hinihinging pamantayan. 1. Isang talatang sanaysay na nagbibigay puna o nagsasaad ng iyong sariling pananaw. 2. Gamit ang mga salitang nagsasaad ng konsepto ng pananaw. Subukin mo namang makagawa ng isang bagay na noong una’y inisip mong mga kilalang mamamahayag lamang sa radyo ang nakagagawa. Mula sa iyong naipong kaalaman sa mga nagdaang gawain, alam kong handa ka na. Bilang Pangulo ng Interact Club ng inyong bayan; sa pamamagitan mo ay inanyayahan kayong magpakita ng pagtatanghal ng isang programang panradyo bilang pagbibigay-pugay sa isang “award winning radio broadcaster/ komentarista” na mula sa inyong bayan, nagdiriwang din siya ng kanyang ika-60, kaarawan; kasabay ng pagdiriwang ng pagkakatatag ng Interact Club.

NARITO ANG MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG GINAWANG PAGTATANGHAL NG ISANG PROGRAMANG PANRADYO Pamantayan

Napakahusay 4

Mahusay 3

Umuunlad 2

Nagsisimula 1

Masaklaw na paglalahad ng napapanahong impormasyon

Komprehensibo at makabuluhan ang napapanahong mga impormasyong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok.

Masaklaw, makabuluhan at napapanahon ang mga impormasyong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok.

Makabuluhan at napapanahon ang mga impormasyong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok ngunit may mga detalyeng hindi nailahad na higit na makatutulong sa pagtatanghal

May makabuluhan at napapanahong mga impormasyong inilahad sa materyal ukol sa paksang itinatampok ngunit limitado ang mga ito.

Masining at maingat na paggamit ng wika

Natatangi ang paggamit ng wika ng kabataan nang higit pa sa inaasahang pamamaraan sa materyal.

Masining at maingat na nagamit ang wika ng kabataan sa kabuuang pagpapahayag sa nabuong materyal.

Masining at maingat na nagamit ang wika ng kabataan sa karamihan ng pahayag sa nabuong materyal.

Mahusay na aspetong teknikal

Tipong propesyonal ang pagkakagawa sa materyal dahil sa husay ng pagtatagpi-tagpi ng mga elemento nito.

Taglay ang mga susing elemento sa mabisang pagbuo ng materyal at naipamalas ang angkop na teknikal na pagganap.

Pagkapraktikal ng rekomendasyo n

Ang mga inilahad na rekomendasyon ay nagmumungkahi ng kaisipang pangmatagalan sa kamalayan ng madla

Taglay ang lahat ng kailangang elemento sa mabisang pagbuo ng materyal. Naipapamalas ang kahusayan sa teknikal na pagganap. Malinaw at kapakipakinabang para sa lahat ang inilahad na rekomendasyon.

Masining na ginamit ang wika ng kabataan sa karamihan ng pahayag sa nabuong materyal ngunit hindi maingat ang paggamit. Naipamalas sa materyal ang minimal na antas ng pagtatagpitagpi ng elemento at teknikal na pagganap.

Makabuluhan ang karamihan sa inilahad na rekomendasyon.

Kabuuang Marka

May mga rekomendasyong inilahad ngunit hindi malinaw ang inimumungkahin g mga kaisipan.

Kabuuang Marka

Naging madali ba para sa iyo ang paggawa ng isang iskrip panradyo? Paano nito naimulat ang iyong isipan sa katotohanan ng buhay? Gawin sa papel. SAGOT: ________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ _____________________________________.

Binabati kita sa iyong pagsasakatuparan ng mga gawain kaugnay ng iyong pagtuklas ng mga kaalaman kaugnay ng radyo bilang isang midyum ng broadcast media. Ngayon naman, ating aalamin ang mahahalagang kaalaman tungkol sa isa pang midyum ng broadcast media, ang telebisyon.

Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine ng mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time na mga panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong pantelebisyon. Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng Batas Militar, sumibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mas makabuluhang gampanin ng telebisyon sa mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga batikang mamamahayag na sina CheChe Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David at iba pa. Nais mo rin bang maging isang sikat at pinagtitiwalaang dokumentaristang gaya nila? Paano mo lilinangin ang iyong kakayahan? Sa araling ito, tatalakayin naman natin ang ilang mga hakbang upang maging isa kang mahusay na dokumentarista sa telebisyon - kung papaanong ang bawat galaw ng tao sa tunay na buhay ay mabibigyang-kulay sa likod ng kamera, at kung paanong ang katotohanang ipinakikita ng isang dokumentaryong palabas sa telebisyon ay naihahatid sa kaalaman ng bawat mamamayan. GAWAIN 3.2.1: Paborito Kong Palabas! Simulan mong pag-aralan ang tungkol sa telebisyon sa pamamagitan ng pagkilala sa mga programang pantelebisyon sa ibaba. Alin- ang pamilyar sa iyo? Pumili ng tatlo at isaayos ayon sa dalas ng iyong panonood. Ipaliwanag kung bakit.

Weekend Getaway

XXX

TV Patrol

Talentadong Pinoy

ART Angel

Rated K

Matanglawin

TV Patrol

Umagang Kay Ganda

i - Witness

Tween Hearts

Mahusay mong nakilala ang mga larawan, tunay ngang ikaw ay isang aktibong kabataan at mulat sa kamalayan ng mga pangyayari sa iyong paligid. GAWAIN 3.2.j: Gulong ng Buhay Telebisyon Magbigay ka ng mga dahilan kung bakit mo pinanonood ang programang pantelebisyon.

PAMAGAT NG PROGRAMA

DAHILAN KUNG BAKIT PINANONOOD

GAWAIN 3.2.k: Telembistiga Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa kasunod na mga kahon. Ibigay ang pagkakatulad nila.

INVESTIGATIVE

STORYLINE

S. O. C. O.

DOCUMENTARIES

KRUSADA

REEL TIME

REPORTER’S NOTEBOOK

Alam kong naging madali para sa iyo ang pagkilala at pagbibigay detalye sa mga larawan sa itaas. Oras na upang ipagpatuloy mo ang pag-unawa at pag-aaral ng araling ito. Mga Gabay na Tanong 1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan? 2. Sino-sino ang tagapag-ulat sa mga programang nabanggit? 3. Paano nila tinatalakay ang kanilang mga paksa? 4. Ang telebisyon bilang salik ng panitikang popular ay maituturing bang isang malaking impluwensya sa paghubog ng bagong kabataan? Pangatuwiranan.

Ano ang napansin mo sa iyong mga sagot? Tama! Mga pahiwatig na ikaw ay nakikisangkot sa mga usaping panlipunan gamit ang broadcast media tulad ng telebisyon. Ipagpatuloy mo ang pagtuklas ng karunungan sa susunod pang mga gawain. Nais kong bigyang-pansin mo ang bahaging ito ng aralin. Malaki ang maitutulong nito upang higit mong maunawaan ang kaugnayan ng naunang mga gawain sa mga susunod pa.

GAWAIN 3.2.l: Teleisipan ng Buhay Kung mayroon kang kompyuter at konesksyon sa internet, panoorin ang dokumentaryong “PAGPAG FOR SALE” SineTotoo ni Howie Severino na matatagpuan sa youtube. http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=related.Kung wala nama’y basahin mo ang blog para sa isang dokumentaryong pantelebisyon.

“Sa Gitna ng Dilim” ni MiL Adonis Kasalukuyan akong nasa high-school nang una kong mapanood ang maituturing kong isa sa pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang dokumentaryo ni Kara David na “Gamu- gamo sa dilim” ang nagbukas sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong dapat ito’y pinahahalagahan. Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit sa lahat sa mga kabataan ng mga taga Little Baguio dahil bagama’t kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy silang nagsusumikap, nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang kanilang kinabukasan. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, nabago ang aking naunang mga pangarap sa buhay. Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhenyero upang tuparin ang naunsiyaming pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili subalit, napalitan ito ng higit na mataas na pangarap, pangarap na makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit na atensyon. Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan ng lahat na aking kukunin. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong “Gamu-gamo sa dilim”, kinuha ko ang kursong AB Mass Communication. Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang mga bagay na hindi nakikita ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan ay higit kong makilala. Nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang iguguhit ko sa papel at mga kuwentong aking isusulat ay higit na maunawaan atmakikilala ng

mga tao ang kanilang mga sarili gayun din ang mga tao sa kanilang paligid. Gusto ko, dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit niyang nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag.

Mga Gabay na tanong: 1. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang pinanonood ang dokumentaryo? 2. Bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong lipunan? 3. Anong gamapanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito?

Narito naman ang mga dagdag kaalaman na dapat mong tandaan na alam kong magagamit mo sa susunod na gawain: Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa sa telebisyon. Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.

Basahin at unawain mo ang ilang paraan upang tagumpay na maisakatuparan ang gagawing pananaliksik para sa isang dokumentaryo.

BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK BASAHIN MUNA ANG MGA DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN ANG PAGBUO NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON 1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM *Magpaalam sa taong gustong kapanayamin *Kilalanin ang taong kakapanayamin *Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm  Mga Dapat Gawin Bago Magpanayam  Teknik sa Pakikipanayam  Bago Magpanayam 2. PAKIKIPANAYAM *Maging magalang *Magtanong nang maayos. *Itanong ang lahat ng ibig malalam kaugnay ng paksa. *Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam. http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm  Teknik sa Pakikipanayam  Tagumpay sa Pakikipanayam 3. PAGKATAPOS NG PANAYAM *Magpasalamat. *Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm  Pagkatapos ng Panayam

GAWAIN 3.2.m: Telehanayan ng Kasagutan Sa gawaing ito, ikaw mismo sa iyong sarili ang makapagtatala ng mga bagay na iyong natamo sa pag-aaral ng araling ito. Maging maingat at matapat ka sa pagtugon sa hinihingi nito. Gamit ang talaan ng paglalahat na nasa kabilang pahina nais kong sagutin mo ang unang apat na kolum, ang ikalimang kolum ay iyong sagutin sa pagtatapos mo sa kabuuan ng aralin kaugnay ng telebisyon.

Paksa: “Ang telebisyon ba bilang midyum ng panitikang popular ay may

malaking impluwensiya sa paghubog ng bagong kabataan?”

MGA NAUNA NANG NALAMAN

MGA NALAMAN AT NATUKLASAN

MGA PATUNAY NG NALAMAN AT NATUKLASAN

KATANGGAPTANGGAP NA MGA KONDISYON

PAGLALAHAT

GAWAIN 3.2.n: Telementaryo Maraming makabuluhang kaisipan ang tinalakay sa dokumentaryong iyong napanood. Subukin mong dugtungan ang kasunod na mga pahayag upang makabuo ng kaisipang inilalahad nito. Gawin sa sagutang papel. 1. Dadalhin ang pagpag sa karinderya para ____________________. 2. Dahil _____________ kaya binubura sa isipan ang pinanggagalingan ng pagkain. 3. Nililinis nilang mabuti ang pagpag nang sa ganoo’y ______________. 4. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, _________________________________________. 5. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong “Gamu-gamo sa dilim,” __________________________.

Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga pahayag sa itaas? Ano ang iyong napuna? Tama, may mga salitang ginagamit upang makabuo ng mga ekspresiyong nagpapahayag ng kaugnayang lohikal. Narito pa ang karagdagang impormasyon hinggil sa mga ekspresiyong nagpapakita ng mga konseptong may kaugnayang lohikal.

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL Ugnay-Wika

May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang lohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan.

1. Dahilan at Bunga/ Resulta Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ang dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito.

Tingnan ang halimbawang mga pangungusap na nagpapakita ng relasyong dahilan/sanhi at resulta/ bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay na ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod ng mga konsepto. (nakaturo sa resulta ang arrow o palaso)

Nag-aaral siyang mabuti

(dahilan + pang-ugnay+resulta)

kaya/kaya naman natuto siya nang husto. Nag-aaral siyang mabuti. dahil dito/Bunga nito/Tuloy

(dahilan + pu + resulta; may hinto sa pagitan ng dahilan at resulta)

natuto siya nang husto. Sapagkat/Pagkat/Dahil

nag-aral siyang mabuti natuto siya nang husto. Natuto siya nang husto

(pu + dahilan + resulta; may hinto pagkatapos ng dahilan)

(resulta + pu + dahilan)

sapagkat/pagkat/kasi/ dahil nag-aral siyang mabuti

Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang

naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito at bunga nito.

2. Paraan at Layunin Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag ng relasyon. (Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso)

Upang/Para matuto nang husto, nag-aaral siyang mabuti.

Nag-aaral siyang mabuti upang /para/nang sa ganoo’y matuto nang husto.

(pu + layunin + paraan May hinto pagkatapos ng Layunin) (paraan + pu + layunin)

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa ganoon upang maihudyat ang layunin. 3. Paraan at Resulta Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow. Sa matiyagang pag-aaral, nakatapos siya ng kaniyang kurso.

(paraan + resulta)

Nakatapos siya ng kaniyang kurso sa matiyagang pag-aaral.

(resulta + paraan)

Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.

4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan

Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan:Una, tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan nakaturo sa bunga o kinalabasan ng arrow.

Kung nag-aaral ka lang nang mabuti,

(pu + kondisyon + bunga)

sana’y natuto ka nang husto. Natuto ka sana nang husto

(bunga + pu + kondisyon)

kung nag-aral kang mabuti.

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito: Kapag/Sa sandaling/ basta’t

(pu+ kondisyon + bunga)

nag-aral kang mabuti, matututo ka nang husto. Matututo ka nang husto

(bunga + pu + kondisyon)

kapag/ sa sandaling/ bastat nag-aral kang mabuti. Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pangugnay na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sandaling… o basta’t upang ipahayag na maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.

GAWAIN 3.2.o: Sinematotohanang Kaganapan

Gamit ang mga salita o ekspresiyong nagpapakita ng mga ugnayang lohikal, sabihin ang kaisipang isinasaad ng bawat larawan. Gawin sa papel.

kaisipan

kaisipan

kaisipan

kaisipan

kaisipan

kaisipan

Pagkatapos mong makita ang mga larawan sa pahina sa itaas, sagutin mo ang sumusunod na tanong. 1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan? 2. Paano tinatalakay ang kanilang mga paksa? 3. Nagsilbing daan ba ang mga larawan upang maimulat ka sa katotohanan ng mga kaganapan sa iyong lipunan? Binabati kita, alam kong naging madali para sa iyo ang pagkilala at pagbibigay-detalye sa mga larawan. Oras na upang ang mga natutuhan mo sa mga gawain sa araling ito ay mabigyan mo ng pagtataya.

GAWAIN 3.2.p: DokPantele Layunin mo sa gawaing ito na ilapat sa tunay na sitwasyon ang mahahalagang konsepto tungkol sa dokumentong pantelebisyon na iyong natutuhan. Basahin at unawain ang ipagagawa ko saiyo. Sitwasyon: Taon-taon ay idinaraos ang pagdiriwang para sa pagkakatatag ng inyong lalawigan. Ngayong taon, naatasan ang inyong Samahang Pangkabataan ng Lalawigan (SPL) upang magkaroon ng isang palabas sa gabi ng pagtatanghal. Bilang Pangulo ng inyong samahan, ikaw ang naatasang manguna sa pagpapalabas na may layuning maipabatid ang kasalukuyang kalagayan ng inyong lalawigan. Ito ay sa pamamagitan ng

dokumentaryong pantelebisyon. Ang dokumentaryong inyong

itatanghal ay dapat a) gumamit ang wika ng kabataan sa kaslukuyan, b) may mga ekspresiyong nagpapakita ng mga konseptong may kaugnayang lohikal, at c) estilo ayon sa halimbawang iyong nabasa o napanood at sa panlasa ng kabataang tulad mo.

Magaling! Natapos na nating talakayin ang tungkol sa radyo at telebisyon, at natitiyak kong naunawaan mo na rin ang mahahalagang konsepto na nakapaloob sa araling ito. Para makatiyak ako, gawin mong muli ang sumusunod na gawain.

Pagnilayan at Unawain Sa bahaging ito, nais kong pagnilayan mo ang sumusunod na gawain

upang higit mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa mahahalagang konsepto na nakapaloob sa araling ito. Inaasahan ko na pagkatapos ng mga gawain, ang lahat ng iyong maling akala o palagay ay naitama na dahil ito ang daan upang mabisa mong mailipat sa tunay na sitwasyon ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan. Ipaliwanag sa pamamagitan ng sumusunod na dayagram kung paano nakatutulong ang Broadcast Media sa iba’t ibang kaparaanan sa ating araw-araw na pamumuhay.

BROADCAST MEDIA

RADYO

TELEBISYON

    

pagbibigay ng impormasyon pagpapahayag ng mga pananaw at opinyon pagpapabatid ng mga pangunahing suliranin paglalatag ng mga solusyon sa mga pangunahing suliranin aksiyong naisagawa/solusyon sa ipinahatid na mga suliranin (serbisyo publiko)

Buuin ang pahayag Ang Broadcast Media ay nakatutulong sa ating araw-araw na pamumuhay sapagkat____________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________

Ilipat

____________________

Pagkakataon mo nang ilipat ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa araling ito. Alam kong kayang-kaya mo ito. Kung mayroon ka pang hindi nauunawaan, maaari mong tanungin ang iyong guro. Sa pamamagitan ng mga kasanayang iyong natutuhan mula sa mga aralin kaugnay ng broadcast media, tiyak kong matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawaing iyong isinagawa! Alam kong nabatid mo rin ang papel na ginagampanan ng broadcast media sa paghahatid ng mahahalaga at napapanahong impormasyon na nagdudulot sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng mamamayan. Muli, subukin natin ang iyong galing at talino. Nasa ibaba ang isang gawaing tiyak kong kayang-kaya mong isakatuparan. Isa kang mamamahayag o journalist/ broadcaster. Ikaw ay naatasang magsaliksik kaugnay ng napapanahong isyu sa ating bansa. Binigyan ka ng kalayaan na pumili kung ikaw ay lilikha ng iskrip para sa isang komentaryong panradyo o kaya naman ay para maging bahagi ng isang dokumentaryong pantelebisyon. Para sa pagsasagawa ng komentaryong panradyo, kinakailangan mong sumulat ng isang iskrip na magtatampok sa batuhan ng ideya at komentaryo kaugnay ng iyong napiling paksa o isyu. Inatasan kang manaliksik upang magkaroon ng wasto at mapanghahawakang impormasyon mula sa mga personalidad na may kinalaman sa paksa o isyu. Kinakailangang bumuo ka ng iskrip para sa dalawang mamamahayag na siyang magbabasa nito sa isang programa sa radyo – ang KABOSES. Kung ikaw naman ay makikiisa sa Pagbuo ng Dokumentaryong Pantelebisyon, kinakailangan mong makipanayam sa isang tao na makapagbabahagi ng impormasyon o kaya naman ay may mahalagang opinyon kaugnay ng paksa o isyung iyong napili. Ang iskrip na iyong mabubuo ay magiging bahagi ng isang dokumentaryong ipalalabas sa KABOSES Station Channel

Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong komentaryong panradyo o dokumentaryong pantelebisyon: 

Dagdag na Taon sa Hayskul, Kailangan Pa Ba?



Ang mundo ba’y sadyang sa pera umiikot?



Pamahalaan, Lagi Bang Handa Sa Panahon ng Kalamidad?



Bagong teknolohiya sagot nga bas a pag-unlad?

Katangiang Pang-Multimedia Gumamit ng mga grapiko, video, tunog, at iba pang multimedia na makatutulong upang higit na maging makabuluhan ang presentasyon. Sumunod sa batas kaugnay ng copyright sa paggamit ng multimedia features.

Gumamit ng multimedia upang maisagawa ang presentasyon. Sumunod sa batas kaugnay ng copyright sa paggamit ng multimedia features.

Gumamit ng Di- gumamit ng multimedia multimedia upang upang maisagawa ang maisagawa ang Presentasyon presentasyon, ngunit may mga pagkakataong nalalayo sa tema. Sumunod sa batas kaugnay ng copyright sa paggamit ng multimedia features.

Pagiging Malikhain Ang presentasyon ay ginamitan ng kakaibang mga likhang sining upang mahikayat ang mga manonood, makadaragdag sa pagpapalabas ng layunin at tema ng paksa. Pagtatanghal

Ang presentasyon ay ginamitan ng kakaibang mga likhang sining upang mahikayat ang mga manonood.

Sinubukang gamitan ng kakaibang mga likhang sining upang mahikayat ang mga manonood.

Walang ginamit na kakaibang mga likhang sining upang mahikayat ang mga manonood.

Pinaghandaang mabuti ang bawat linya at malinaw na binigkas ang bawat salita. Naipakita ang kabuluhan ng paksa at tema nito.

Pinaghandaang mabuti ang bawat linya at malinaw na binigkas ang bawat salita.

May mga ilang pagkakataong kinabahan habang nagsasalita.

Di-napaghandaan ang pagsasalita at pagganap.

Isulat ang matatapos mong iskrip sa isang bond paper. Tiyakin na malinis at maayos ang pagkakasulat nito. Gagamitin sa pagtataya ng iyong gawa ang mga rubric na ginamit sa pagtataya ng komentaryong panradyo at dokumentaryong pantelebisyon sa naunang mga gawain. Narito ang rubrik kung paano mamarkahan ang iyong produkto: Rubrik para sa Multimedia Presentation Pinakamahusay 4

Mahusay 3

Umuunlad 2

Nagsisimula 1

May tiyak na paksa ang presentasyon ngunit ilang bahagi lamang ang nagpakita ng kaugnayan sa paksa.

Di malinaw na naipakita ang paksa at ang karamihan sa bahagi ay walang malinaw na kaugnayan sa tema.

Sa tulong ng iba, nakapaghinuha akong isang magandang kongklusyon.

Di naging madali ang paghinuha ko ng kongklusyon.

Nilalaman: Layunin Ang presentasyon ay may tiyak na layunin o tema. Ang lahat ng ipinakita rito ay may tiyak na kaugnayan sa layunin at lubhang makabuluhan.

Ang presentasyon ay may tiyak na paksa, at may kaugnayan ang mga ipinakita rito sa paksa.

Nilalaman: Kongklusyon Ginamit ko ang aking natutuhan at mga dati ng kaalaman upang mailahad ang aking pag-unawa sa mga datos na nakalap.

Nakapaghinuha ako nang maayos na kongklusyon mula sa mga datos na nakalap.

Binabati kita at matagumpay mong natugunan ang mga gawain sa Aralin 3.2. Ngayon ay inanyayahan kitang tayain ang natamo mong mga kaalaman at nalinang na kakayahan mula sa pagtalakay mo sa modyul na ito.

VII.

Pangwakas na Pagtataya

Punan ang mga patlang sa bawat bilang upang mabuo ang mga kaisipang isinasaad. 1. Nababatid ng mga mamamayan ang kasalukuyang kaganapan sa kaniyang paligid sa pamamagitan ng _____________________________________. 2. Sa pamamagitan ng mga programa sa radyo, ______________________________________________________________ ___________________. 3. Sa panonood ng mga dokumentaryong pantelebisyon, ang kabataan ay ___________________________________________________________. Buong husay mong naisagawa ang Aralin 3.2. Handang-handa ka na para sa huling aralin ng modyul na ito. Pag-uusapan naman natin ang tungkol sa dokumentaryong pampelikula.