Pagbabago ng Pagpapatuloy, Pagpapatuloy ng Pagbabago

laman ng balita at social media ... nito ay isang mabuti o hindi magandang epekto sa ating bansa, ang mga ... karapatan at sumama sa pagkilos ng mga e...

5 downloads 1083 Views 1MB Size
ISYU 3: TAON 2016

Pagbabago ng Pagpapatuloy, Pagpapatuloy ng Pagbabago

OPINYON Ni Ruperto 'Ka Uper' B. Aleroza

Mahigit anim na buwan mula nang maluklok bilang ika-15 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas si Ginoong Rodrigo Roa Duterte, napakaraming isyu na ang lumabas at nagpaikot-ikot sa ating bansa na may kinalaman sa kriminalidad, korupsyon, pamamahala, karapatang pantao, polisiyang panloob at panlabas, relihiyon, usaping kapayapaan, kahirapan, at iba pang isyu na araw-araw laman ng balita at social media, at maging ng huntahan at palitan ng kuro-kuro ng sambayanang Pilipino. Dala man nito ay isang mabuti o hindi magandang epekto sa ating bansa, ang mga nabanggit na isyu, hindi man nalahat, ay masasabi ring sumasalamin at akmang-akma sa sitwasyon ng Batayang Sektor. Nagpalit man tayo ng mga bagong pinuno, ang kasapian ng batayang sektor ay hindi nagbabago at maaaring nadaragdagan pa. Ang aming hanay ay kadalasang iniaangkop sa mga mahihirap na Pilipino, ngunit sa kabila nito, kami ay organisado at nagtataya ng aming posisyon sa mga isyu at usapin na sa tingin namin ay may malaking kinalaman sa pagpapaunlad sa kinasasadlakan naming uri ng buhay. Ngayong nandirito kami sa NAPC, isang ahensya sa ilalim ng Opisina ng Pangulo, bitbit ang mga adyendang nalipasan na ng ilang administrasyon, ang sama-sama naming hangad ay sa pagkakataong ito, hindi lamang kabalikat kundi ang tinig namin ang maging gabay ng pamahalaan upang mapamunuan ng husto ang Pilipinas. Noong kasagsagan ng eleksyon ay maraming nasabi ang Pangulong Duterte na angkop sa tema ng kanyang kampanyang “Change is Coming”. Labing-anim na milyong Pilipino ang nagtiwala at nanabik sa pagbabagong pinangako. Ang batayang sektor ay hindi nalalayo sa pag-aasam na PAGBABAGO. Change is coming. Sa mga panukalang batas gaya ng Security of Tenure, Coconut Farmers Trust Fund at AntiCorporal Punishment, Internally Displaced Persons at Tax Reform, National Land Use Act at Department of Ocean Fisheries and Aquatic Resources na hindi pa rin naipapasa.

Change is coming. Sa mga magagandang batas gaya ng Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) Law, SK Law at mga programang kapaki-pakinabang gaya ng Pantawid Pamilya, Bottom-up Budgeting na ngayon ay Assistance to Disadvantaged Municipalities at mga Small and Medium Enterprises na hindi ganap na naipapatupad. Change is coming. Sa mga maralitang nayon at lungsod na walang ligtas na pabahay at pinapaalis ng walang tiyak na pupuntahan. Change is coming. Sa mga nadismayang matatanda na umasa na sila ay makakatanggap ng umento sa kanilang pension at sa mga kapatid nating may kapansanan na hirap magsulong ng inclusive education at wastong pagkilala sa kanilang kapasidad. Change is coming. Sa institusyunalisasyon ng peoples participation bilang epektibong pamamaraan ng pamamahala sa bansa. Change is coming. Sa en banc sa pamumuno ng Pangulo na siyang ulo ng NAPC at Chairperson naming batayang sektor na hindi naganap sa nakalipas na anim na taon. Change is coming. Sa lahat ng isyung nakakaapekto sa aming mga batayang sektor na wala pa ring pagkakaiba sa nasimulang laban nito. Nais namin ng tunay na pagbabago. Isang panibagong yugto na naman para sa aming hanay upang ipagpatuloy ang aming laban. Kung ito rin ang panawagan ng kasalukuyang administrasyon, kami ay naka-suporta rito. Tapos na ang nakaraan at hindi na ito mababago ngunit sa ngayon, marami pa ang pwedeng gawin at mapagtutulungan kung ang pamahalaan ay hindi magdadalawang-isip na kilalanin ang kahalagahan naming batayang sektor sa lipunan, labas ang anumang kulay o interes, kung hindi ang tanging umiiral ay ang tama, nararapat, at nakabubuti. Walang masama sa pagbabago. Ito pa nga ang naging motibasyon upang mahalal ang isang pinunong pinaniniwalaang magtataguyod nito. Ang batayang sektor sa NAPC ay kasama at patuloy na mananawagan ng aming mga adyenda magbago man at magpabago-bago man ang panahon. Ngunit, huwag sana maiwaglit sa kasalukuyan ang aming boses na paus-paos na sa kakasigaw ng pagbabago. Hangad namin na kasabay ng pagbabago ay ang pagbabago rin ng aming estado sa lipunan.

ISYU 3: TAON 2016

Buhay at Pakikibaka ni Liza Maza ni Marc Lino Abila at Raquel Esguerra-Valerio

Aktibista. Babae. Ina. Sa paaralan, madalas siyang ng karangalan at medalya mula elementarya hanggang sekondarya at nagtapos bilang isang modelong mag-aaral. Sa murang gulang, alam na niyang malayo ang kanyang mararating.

Ang mga salitang ito ang unang papasok sa isipan ng marami kapag narinig ang pangalang Liza Maza. Sa kanyang pagkakatalaga bilang bagong kalihim at lead convenor ng National Anti-Poverty Commission, marami pa rin ang hindi nakakakilala sa bagong pinuno ng ahensyang nagsisikap na bigyan ng boses ang mga batayang sektor upang makatuwang sa paggapi sa kahirapan.

Pumasok si Sec. Liza sa University of the Philippines-Diliman at kumuha ng kursong Bachelor of Science in Business Economics noong 1974, dalawang taon matapos ang deklarasyon ng Batas Militar.

Ipinanganak si Sec. Liza sa San Pablo, Laguna noong 1957. Sampu silang magkakapatid, walo ang babae at pangatlo siya sa pinakabata.

Napukaw ang kanyang kamalayan sa pulitika at lipunang Pilipino sa ilalim ng diktadurang Marcos. Ang kahirapan na nararanasan ng maraming mamamayan ay malayo sa nakasanayang buhay na kanyang kinalakhan.

Kilala ang kanilang pamilya sa San Pablo dahil sila ang nagmamay-ari ng kauna-unahang tindahan na mala-grocery sa lugar. Pinapatakbo ng kanyang mga magulang ang negosyo. Dahil dito ay masasabing magaan ang buhay ng kanilang maganak kumpara sa iba.

Sa panahon ding ito natutunan ni Liza na igiit ang kanyang karapatan at sumama sa pagkilos ng mga estudyante at mamamayan. Tandang-tanda pa niya ang unang beses na malaman ang kahulugan ng salitang “pasista” mula sa protesta na kanyang sinamahan.

Tahimik at palaisip si Sec. Liza noong siya ay bata pa. Mahilig siyang magbasa at gumuhit bilang libangan. Dahil sa pagiging tahimik, pitong taong gulang na siya nang mapansin ng kanyang ina na nagsasalita naman pala ang anak.

Nagtapos si Liza sa kolehiyo noong 1978. Agad siyang ng nakahanap ng trabaho bilang isang inancial analyst.

Sundan sa P.11

1

ISYU 3: TAON 2016

NAPC Action Center: Tungo sa Makabuluhang Serbisyo Publiko ni Marc Lino Abila at Raquel Esguerra-Valerio

Mas mabilis na pagtugon Ginagabayan ang NAPC Action Center ng Republic Act No. 9495, kilala rin bilang Anti-Red Tape Act of 2007 at Executive Order No. 6 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte upang pairalin at ipatupad ang 8888 Citizens' Complaint Hotline. Makabuluhang serbisyo publiko ang nais ipaabot ng bagong pamunuan sa pagtatatag ng NAPC Action Center. Nais ipadama ng NAPC sa batayang sektor, sa pamamagitan ng Action Center, na may puso ang paglilingkod-bayan.

Magsisilbi itong mekanismo para sa mamamayan na iulat ang kanilang mga reklamo o hinaing sa red tape at mabusising proseso sa loob ng mga ahensya ng pamahalaan. Sa pamamagitan ng NAPC Action Center, magiging mas mabilis at simple ang pagpoproseso sa mga hinaing ng mamamayan.

Ramdam ng ahensya ang pinagdadaanang krisis ng mga batayang sektor mula sa kasiguruhan ng pagkain hanggang sa kasiguruhan ng masisilungan. Dahil dito, sadyang nangangailangan sila ng pagkalinga ng ating gobyerno kahit man lamang sa simpleng mapakinggan sila sa kanilang mga hinaing at mga kahilingan.

Mga kagyat na gawain at responsibilidad Binuo ang NAPC Action Center upang linangin ang isang may-kamalayan at tumutugon na serbisyo publiko para sa mga batayan at napag-iiwanang sektor. Tangan ang paninindigang ito, dala ng Action Center ang mga sumusunod na gawain at responsibilidad:

Hindi lingid sa NAPC na nakalilito sa mamamayan ang pagpapasa-pasa ng mga hinaing at kahilingan sa iba't ibang ahensya na gobyerno. At sa dulo, nagiging paikot-ikot ang kalagayan: ang paglutas ng problema ay nagdudulot ng panibagong suliranin na minsa'y mas malubha pa sa halip na mabigyan ng lunas.

·Mabigyan ng kaukulang impormasyon sa lahat ng mga serbisyong ipinagkakaloob ng iba't ibang ahensya ng gobyerno;

Makataong serbisyo

·Matiyak na ang serbisyo publiko ay nasa balangkas ng repormang panlipunan ng NAPC;

Mula sa makabuluhang serbisyo publiko na nais ipadama ng NAPC, naitatag ang NAPC Action Center upang maghatid ng makataong serbisyo na sinserong makikinig at maiintindihan ang hinaing, kahilingan, at katanungan ng mga dumudulog sa ahensiya.

·Makapagtatag ng epektibong pakikipag-ugnayan sa iba't ibang ahensya ng gobeyrno para maagap at positibong matugunan ang mga pansarili at kolektibong mga usapin na mahalaga sa batayang sektor; at

Layunin nito na bigyang suporta at alalayan ang mamamayan tungo sa mga ahensiya na makasasagot ng kanilang mga kahilingan. At sa bawat katanungan, may handang pagtugon lalo pa't para sa ikabubuti ng mamamayan.

·Pagtataguyod at pagpapakita ng mga batayang prinsipyo ng propesyunalismo sa pagtugon sa mga isyu at may kabuluhan sa batayang sektor. Dumulog sa NAPC Action Center: Mag-email sa [email protected] o mag-mensahe sa facebook.com/NAPC.ph

2

ISYU 3: TAON 2016

Programang “Assistance to Disadvantaged Municipalities,” ipinatutupad Ni Perigine Madrazo Cayadong

Sa mensahe ni Pangulong Rodrigo R. Duterte hinggil sa badyet para sa taong 2017, kinilala niya ang mahalagang papel ng mga pamahalaang lokal bilang aktibong katuwang sa kaunlaran. Bahagi ng pilosopiya sa pagbabadyet ay: “Ang adhikain natin ay ang palakasin ang mga lokal na pamahalaan bilang aktibong katuwang sa pagpapaunlad ng bansa. Makakamit natin ito sa pamamagitan ng pagbigay ng dagdag na pondo, hindi bilang pampulitikang lakas o kaya pabor; ang magiging kundisyon natin ay ang kanilang maayos na pagpapatakbo sa mga programa o proyekto ayon sa mataas na antas ng husay sa pamamahala, pagpapabuti ng kanilang kakayahan sa pagkalap ng mga rekurso, at pagpapalakas sa kakayahan nila sa pagbigay ng kagyat na serbisyo.”

Ang mga punong-bayan ng bawat munisipalidad ay siyang pipili ng mga proyektong popondohan alinsunod sa Talaan ng mga Proyekto na gagawaran ng badyet ayon sa DILG-DBM Joint Memorandum Circular No. 1. Ang isusumiteng Talaan ng mga Proyekto ay nararapat na pirmado ng punong-bayan at isang lehitimong kinatawan ng batayang sektor na kinikilala ng pamahalaang lokal. Ang kinatawan ng batayang sektor ay patutunayan ng DILG sa pamamagitan ng kanilang mga Municipal Local Government Operations Of ice (MLGOO). Ang pipiliing mga proyekto ay nararapat manggaling sa mga inaprubahang plano ng munisipyo, tulad ng Local Development Investment Program, Local Disaster Risk-Reduction Action Plan, o iba pang sector-based o area-based na mga plano.

Ang programang Assistance to Disadvantaged Municipalities (ADM) ay isang mekanismo ng pagbibigay- tulong sa mahihirap na munisipalidad upang madagdagan ang kanilang kakayahan sa pagpapaabot ng mga pangunahing serbisyo sa mamamayan. Ang alokasyon ng ADM ay nagpapahintulot sa naturang mga bayan na pumili ng mga proyektong popondohan ng pambansang pamahalaan. Ang maaaring igawad na alokasyon sa bawat munisipyo ay mula walo (8) hanggang dalawampung-apat (24) na milyong piso. Ang mga pamantayan sa badyet na maaaring igawad ay ang sumusunod: (1) pantay na pamamahagi sa lahat ng mga naitalang mahihirap na munisipalidad mula sa 80 porsyento ng alokasyong umaabot sa 19.4 bilyong piso; (2), pagbahagi sa bawat munisipyo ayon sa dami ng mahirap na populasyon, na papatak sa P72.00 bawat tao mula sa 20 porsyento ng pangkalahatang alokasyon; (3) pagbahagi sa bawat munisipyo batay sa haba ng taon na ito ay naging katuwang ng pambansang pamahalaan, kung saan mas mababa ang alokasyon kung nasa apat na taon pataas at mas malaki ang alokasyon kung nasa tatlong taon pababa; at (4) pagbahagi sa bawat munisipyo batay sa kanilang mahusay na pagsasagawa ng mga nakaraang programa o proyekto.

3

ISYU 3: TAON 2016

NAPC aims for multidimensional approach to poverty through TALAMBAYAN In cooperation with the World Bank-Institutional Development Fund (WB-IDF), NAPC launched the Tala ng Bayan Laban sa Kahirapan (People's Anti-Poverty Database, or TALAMBAYAN), a database consolidating all poverty-related datasets by various government agencies into a single, interactive platform.

Through the consolidated data and its analytical tools, TALAMBAYAN can keep track of the success of anti-poverty programs through statistical indicators, and establish correlations and causal links NAPC Secretary Liza L. Maza described the platform as a 'signi icant step' in advancing the between various factors and poverty poverty discourse in the country, especially in incidence in communities. terms of illustrating its multidimensional nature – greatly improving on of icial poverty James Mira lor, TALAMBAYAN project lead consultant, said that TALAMBAYAN igures based only on income poverty. currently makes use of data from the “TALAMBAYAN allows us to assess poverty not National Household Targeting System (NHTS) of the DSWD. Soon, however, the just across its many dimensions, but at multiple levels as well – national, regional, and team will integrate relevant data from other local – through evidence-based analysis,” Maza agencies such as DILG, DBM, and Philhealth. said. “This will bene it our work with the basic sectors in formulating anti-poverty strategies “You can say we are drawing the bigger picture of poverty, based on correlated that are more holistic and better-suited to each locality, and evaluating existing strategies data,” Mira lor said. by the same standard.” Nevertheless, Maza encouraged the public to engage with NAPC to request or validate TALAMBAYAN was borne out of the need to strengthen the mandate of NAPC to coordinate, the information in TALAMBAYAN, in the spirit of the Duterte Administration's thrust monitor, and evaluate the government's antipoverty programs. Through the Open Data for towards a holistic, convergent, and participatory approach to governance. Poverty Monitoring Project Team, NAPC collected all poverty-related datasets, converted them into a single format, stitched “This information should help not only government but all of the people, as we them, and centralized them in a single data build the mass movement that we need in warehouse, which is now the TALAMBAYAN order to end poverty,” she said. platform.

4

ISYU 3: TAON 2016

'Your Technology is Good, But We Need Land Reform' Coconut farmers speak on problems affecting the coconut industry By Peter Paul Sengson

The oil is then sold to industries which use it to produce soaps, detergents, chemicals, and even explosives.

Koprasan is a hut covered by a makeshift roof made out of coconut lumber and leaves placed atop a meter deep pit that is used to dry coconut meat some 45 days after the coconuts are harvested. The nuts are husked, split, and deshelled. The pit is illed with burning coconut shells and husk where the coconut meat is allowed to dry via smoking over the bamboo matt. Drying usually takes a few days to complete.

New process “The koprasan dates back even during the Spanish colonial period,” said Ka Ed Mora, Sectoral Representative of the Farmers and Landless Rural Workers Council of the National Anti-Poverty Commission (NAPC).

For over a decade now, Jun Castillo has been passionate about teaching farmers the potential of harnessing coconut and its by-products. Castillo established the farmers' and advocates' movement named Philippine Coconut Society (PCS) which offers trainings to coconut farmers all over the country.

Mora narrated that nuts are sold at 10 pesos apiece in the market but traders do not buy these nuts unless the farmers turn them into copra.

In a roundtable discussion, Castillo shared his group's vision among an audience of farmers and representatives from sectoral organizations.

It takes ive nuts worth 50 pesos to process one kilo of copra, which the industry buys only at 5 to 25 pesos.

The PCS aims to spread the idea of a 'new coconut industry,' teaching farmers a new way of processing coconut oil with less waste, and higher quantity and quality of yield, Castillo said.

According to Mora, farmers like him are not only denied the value they deserve for their farm crop, they are also denied of wages for their labor in converting the nuts into copra.

Using their model, if a farm can process 5,000 nuts a day, it is projected to gain P10 million net income per year. If there are 200 farmers in that farm, each of them can earn P50,000 a year. The capital cost to acquire facilities is P10 million which he claims can be recovered after a year of operation.

“I have inherited the livelihood (koprasan) from my lola which she has inherited from our ancestors, and the situation remains the same today,” said Mora. He added that with all the soot and smoke, farmers expose themselves to great health risks. The oil-rich coconut meat produces a crude and ilthy coconut oil that is also full of toxins. This is then re ined, bleached, and deodorized by oil re ineries before it becomes valuable.

The PCS said, however, that 80% of the land worked by coconut farmers are owned by landlords, and they get only a share (50% or less) of the income from farm produce.

Sundan sa P.11

5

ISYU 3: TAON 2016

EDITORYAL

Ang Pagiging Inklusibo ng Administrasyong Duterte Hindi maikakaila ang suportang ibinigay ng sambayanang Pilipino sa pagkakahalal ng ating Pangulo. Tila nga ba hindi nawawala sa panahon ang temang pagbabago. Hindi rin naman ito kaduda-duda sapagkat magpasahanggang ngayon, naghahanap pa rin ang mamamayan ng tunay na pagbabagong panlipunan kung saan ay kasama ang lahat sa kaunlaran at kasaganahan.

mamamayan upang ipahatid ang mga hangad na pagbabago. Tanaw ang isang komprehensibong agenda laban sa kahirapan na magmumula mismo sa mga batayang sektor, idinaos ng NAPC ang National Anti-Poverty Sectoral Summit na nagtipon sa mga kinatawan ng batayang sektor, mga ahensiya ng pamahalaan, at iba pang mga organisasyon na naglalayong tumulong sa paglaban sa kahirapan. Lumabas dito ang mga usapin na kahaharapin at nararapat tugunan ng administrasyon sa susunod na anim na taon. Ang ilan sa mga ito ay matagal nang mga problema ng mamamaya, katulad ng kakulangan sa mga batayang serbisyo gaya ng edukasyon at kalusugan. Tunay nga na ang mga batayang sektor ang magtitiyak na may boses at espasyo ito sa pagbabagong hangad ng pamahalaan.

Sa kanyang unang talumpati, sinabi ni Pangulong Duterte na sa isang demokratikong lipunan, sa mga tao manggagaling ang lakas ng pamahalaan. Sa ganitong gana, nararapat lamang na pakinggan ng administrasyon ang hinaing ng sambayanan, damhin ang kanilang pulso, at tugunan ang kanilang mga pangangailan upang maibalik ang kanilang tiwala sa pamahalaan.

Ang resulta ng mga nabanggit na summit ay inaasahang ipapaloob sa binubuong Philippine Development Plan ng bagong administrasyon, patunay na ang paglutas sa kahirapan ay nararapat na nasa sentro ng planong pang-kaunlaran ng bansa.

Naiiba ang administrasyong Duterte sapagkat ang unang Executive Order ng Pangulo ay naglalayong isulong ang kaunlaran at iangat ang buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng “holistic, convergent, and participatory approach to leadership and governance.” Agad na ipinamalas nito ang adhikain ng pamahalaan na isama ang mamamayan sa hinahangad na pagbabago. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang paglutas sa kahirapan at sama-samang pag-unlad ay nangangailangan ng mahigpit na pakikiisa ng mga batayang sektor.

Ngunit upang tiyakin na ang tinig ng mamamayan ay lubos na pakikinggan sa paglikha ng mga polisiya at programa, mahalagang patuloy na maging mapagmatiyag sa mga hakbangin ng pamahalaan. Mahalagang patuloy na kumilos at isulong ang kaunlaran na tangan ang perspektiba ng mamamayan, lalo na ng mga mahihirap. Kaugnay nito, ang NAPC ay nagsusulong ng multi-dimensional approach sa pagtingin at paglutas sa kahirapan, kung saan ito ay itinuturing hindi lamang bilang usaping pang-ekonomiya kundi sa pamamagitan ng iba't ibang aspeto nito, gaya ng kakulangan ng kapangyarihang magdesisyon sa komunidad, akses sa serbisyong pangkalusugan at edukasyon, kakayahang ipagtanggol ang sarili sa pang-aapi, at iba pa.

Bilang paunang hakbang, idinaos ng administrasyon ang Social Development Initiatives Summit noong Agosto sa Lungsod ng Davao upang buiin ng social development agenda ng pamahalaan. Ito ay isang mainam na panimula sapagkat sa ganitong pamamaraan ay natitiyak na ang bawat ahensya ng pamahalaan ay nakahandang magtulungan sa paglutas sa kahirapan.

Sa huli't huli, ang sambayanan ay itinuturing na katuwang ng pamahalaan sa pagbabago. Ngayon, higit kailanman, ang bawat isa ay may pagkakataong isulong ang progresibong pagbabago sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon – isang pagbabago na nagnanais ng kapayapaan, hustisya, at kaunlaran na nakaugat sa isang lipunang pantay-pantay at nagbibigay ng tinig sa lahat, anuman ang kanilang posisyon at kalagayan sa buhay.

Ang pagtutulungang ito ay nakaugat sa pangako ng administrasyon kung saan ang bawat polisiya, programa, at proyekto ng pamahalaan ay tungo sa isang inklusibong pamamahala. Kasunod nito, ang bawat ahensiya ay naatasang mag-organisa ng kani-kanilang summit kung saan makakadalo ang

6

ISYU 3: TAON 2016

Making the Poor the Solution, Not the Problem By Paul Paraguya Sectoral Representative, Non-Government Organizations

With the Philippine poverty incidence now pegged at 21 percent of the population, approximately twenty million Filipinos are now considered poor. The National Anti-Poverty Commission's Anti-Poverty Framework (from the previous administration) has identi ied low income, lack of basic social services like water, shelter, education, con lict and violence, and people's participation in governance as key issues of the poor. The focus of its mandate has been to propose policies and programs on asset reform, social protection, human development programs, building of pro-poor infrastructures, and institutional development. Multi-sector partnership in addressing poverty has been carried out by the Commission. Its major thrust has been to focus on the poor and their participation and to rationalize all anti-poverty programs of the government to ensure and strengthen the basic sectors' response to poverty, which should result to multi-dimensional economic growth and rural development, social protection, and economic reforms. President Rodrigo Roa Duterte, who hails from Mindanao, ordered relevant agencies in government to come up with a new Philippine Development Plan covering his term of of ice from 2016 to 2022. How does the current administration see poverty? It is clear that his ivepoint platform of development includes the reduction of criminality, drugrelated crimes, continuation of peace talks, charter change, and improvement in the living standard of the people. His current economic managers started with a 10-point economic agenda. Then the socioeconomic managers came up with a 10++ Social Development Agenda which included peace and development with a special focus on the Mindanao con lict. On November 23 to 24, the harmonization of all the development summits was conducted where an expanded 5++ agenda was crafted.

The bottom line is that in the inal plan and during the process – has it made the poor the solution, rather than the problem? The challenge of tweaking macro- and microeconomic factors comes relatively easy considering that the government, with enough political will, has the resources to do it. The previous administration had done it with different level of results. The other essential part is the presence of concrete, broad-based people's participation mechanisms. Through these mechanisms, the involvement of the poor at all levels will be ensured. The NAPC Sectoral Representative Council, headed by the Vice Chairperson for the Basic Sectors Ruperto Aleroza, tried its best to participate and contribute to President Duterte's call. The cross-sector agenda sought legislative formulation on key issues like the Bangsamoro Basic Law, Freedom of Information Bill, and others; ensuring basic sectors' participation and representation in key government agencies like the RDC and the GOCCs, and in the different levels of planning processes which include PDP/SDG formulation, ELA/AIP, and NLA agencies plan; internal governance standards, and electoral reforms. The sheer number of poor calls for stronger cooperation among all major sectors of the society, which include private and business institutions. But the most critical is the actual participation of the basic sectors, in planning and budgeting, from the local level, regional, and national level. There have been successes and challenges along the way. They will continue to work for the critical agenda that should be included in the inal plan. The assumption is that the process will continue to be participative and principled to the last phase of PDP formulation. We continue to struggle to organize the basic sector with emphasis on the highest form of broadbased inclusion and, at the same time, a government structure that will accommodate and respect representatives from all partners and basic sectors of Philippine society.

A Framework for NAPC Participatory Budgeting By Edwin Bustillos

Sectoral Representative,

plan of the 14 basic sectors. This should be added on top of the budget allocated for OVC Administration and Finance. In determining the budget of the 14 basic sectors and the OVC, the principle of participatory budgeting must be applied.

Formal Labor and Migrant Workers

Participatory democracy is vague without participatory budgeting. The fourteen basic sectors are the overwhelming majority of the population, but most of them are poor, exploited, and disempowered. This is due to representative democracy, where most of those in power are from the upper classes. They continue to rule because of such oppressive electoral structures and governance favoring the rich more to the detriment of the poor majority.

Suggested processes for participatory budgeting are as follows: 1. Each basic sector must inalize their proposed Work and Financial Budget (WFB) in each year. 2. The proposed WFB will be submitted to the OVC, which will then call for an Sectoral Representatives Council (SRC) meeting to tackle all the WFBs of the 14 basic sectors and consolidate all the proposals to be readied for submission to the NAPC Secretariat.

As such, where spaces and opportunities are available, the marginalized sectors must assert their presence and participate in the decision-making processes to advance their interests and agenda.

3. The NAPC Secretariat, through the Lead Convenor, the Sectoral Representatives, through their Vice Chairperson, and members of the SRC Executive Committee will discuss the proposed budget. Once inalized, it will be submitted to the Department of Budget and Management (DBM) during the regular budget cycle. Once approved, the DBM will incorporate the proposal in the budget of the executive branch for the year.

One example is in the budget formulation of the NAPC. NAPC, as an institution created through the Social Reform and Poverty Alleviation Act (RA 8425) of 1997, has a clear mandate in pursuing advocacies to alleviate poverty. As such, budget is an important aspect in implementing its programs and plans for the people. Equally important is the Of ice of the Vice Chair for the Basic Sectors (OVC) where the 14 basic sectors are represented through their respective sectoral representatives. However, the OVC budget allocation is only at the helm of the NAPC; hence, implementing its work plans and programs can be very dif icult because of budget constraints.

4. Afterwards, it will be forwarded by the OP through the DBM to the Congress for deliberation and approval during the scheduled budget hearing for the executive branch of the government. 5. It is understood that the management of funds and the administration of such under the OVC will be under the jurisdiction of the NAPC Administration and Finance.

Being an equally important structure under the Of ice of the President (OP) of the Republic of the Philippines, the OVC must receive its own budget and resources allocated based on the sectoral agenda and work

7

ISYU 3: TAON 2016

KWENTONG KONSEHO

ASEAN+3 Village Leaders Exchange Program, Dinaluhan ng NAPC Basic Sectors

Children Lobby ng Children Sector para sa Anti-Corporal Punishment Bill

Ni Glenda Dimaandal

SHANGHAI, CHINA – Matagumpay na dinaluhan ng tatlong kinatawan ng NAPC mula sa mga sektor ng Kooperatiba, Katutubo, at Magsasaka ang ginanap na ASEAN+3 Village Leaders Exchange Program (VLEP) for Poverty Reduction Learning noong ika 18 hanggang 24 ng Setyembre, 2016.

Matapos ang kanilang 3rd Council Meeting, tumulak ang Children Sectoral Council noong Oktubre 3, 2016 upang isulong ang Anti-Corporate Punishment Bill o Positive Discipline Bill. Inilahad ng mga bata kina Sen. Leila de Lima at Risa Hontiveros ang kanilang Position Paper ukol sa panukalang batas, at humingi ng suporta kay Sen. Hontiveros para sa pagsasabatas nito para sa ikabubuti ng mga bata. Masayang umuwi ang mga bata matapos makadaupang-palad ang Senadora.

Ang VLEP ay isang plataporma kung saan ang mga lider ng komunidad na delegado mula sa sampung (10) bansang miyembro ng (ASEAN) kasama ang tatlo (3) pang bansa (China, Japan, at Korea) ay nagpapalitan ng kaalaman at karanasan kaugnay sa iba't ibang programa at inisyatiba upang sugpuin ang kahirapan. Para sa taong ito, ang VLEP ay pinangunahan ng International Poverty Reduction Center in China (IPRCC) katulong ang ASEAN Secretariat, Asian Development Bank (ADB) - PRC Regional Knowledge Sharing Initiative (RKSI) at United Nations Development Program (UNDP). Ang mga kinatawan ng Pilipinas sa nasabing programa ay sina Sectoral Representative Deon Mokudef ng Indigenous Peoples Sector, Council Member (CM) Christie Rowena Plantilla ng Cooperatives Sector, at CM Felix Pasua ng Farmers Sector. Ang tatlong kinatawan ay sinamahan ni Bb. Glenda Dimaandal mula sa NAPC- Basic Sector Coordination and Advocacy Service (BSCAS) bilang opisyal na kinatawan ng sektor ng pamahalaan. Kabilang sa mga programang itinampok ng mga naturang delegado ay ang Bottom-up Budgeting (BuB), Kapit-Bisig Laban sa KahirapanComprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDDS) at ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ilan sa mga programa ng pamahalaan ukol sa kahirapan. Bahagi rin ng VLEP ang pagbisita ng mga delegado sa mga komunidad sa Jinshan District na nasa timog-kaunlarang bahagi ng Shanghai, upang saksihan ang kanilang pamumuhay at kung paanong ang pamahalaan ng Tsina ay nagbibigay ng subsidiya o ayuda sa mga komunidad na ito.

8

Senior Citizens Ikatlong pagpupulong ng Senior Citizens Sectoral Council Isinagawa ang ikatlong pagpupulong ng Senior Citizens Sectoral Council noong ika-14 hanggang ika-17 ng Setyembre, 2016, sa Lungsod ng Davao. Ito ay dinaluhan ng 18 Council Members kabilang si Sectoral Representative Salvacion Basiano. Dumalo din ang ilang panauhin kabilang sina dating Congresswoman at NAPC consultant Luz Ilagan; Program Of icer at Focal Person para sa Senior Citizens' sector mula sa Of ice of the Cabinet Secretary, Cheysser C. Reyes; NAPC Transition Committee member Ferdinand Hombrebueno; Of ice for Senior Citizens Affairs (OSCA) Head Azucena Bajao; kinatawan mula sa Davao City Social Services Development Of ice (CSSDO), Precy Rica; at mga pangulo ng bawat distrito sa lungsod ng Davao na kabilang sa Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines (FSCAP). Napag-usapan sa pulong ang nalalapit na Elderly Filipino Week (EFW), isang taunang pagkilala sa mga nakatatanda na ginaganap tuwing unang linggo ng buwan ng Oktubre. Kabilang din mga napag-usapan ay ang Community Resiliency Model, Elder Abuse Discussion, at pagbubuo ng ilang resolusyon gaya ng Philhealth coverage at pagpapatuloy ng BuB.

ISYU 3: TAON 2016

KWENTONG KONSEHO WIS Inter-Agency Meeting sa Informal Economy Transitioning to Formal Act

PWDs Konsultasyon para sa dagdag na benepisyo sa mga may kapansanan

Isinagawa ang inter-agency meeting para sa tagumpay ng panukalang batas ukol sa transition ng mga manggagawang impormal tungo sa pormal noong ika-22 ng Agosto, 2016, sa tanggapan ng NAPC.

Dumalo ang humigit-kumulang dalawampung (20) miyembro ng NAPC-Persons with Disabilities Sectoral Council (PWDSC) sa isinagawang konsultasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) tungkol sa mungkahing Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 10754 (An Act Expanding the Bene its and Privileges of Persons with Disability). Ito ay ginanap noong ika-13 ng Setyembre, 2016 sa Sequoia Hotel, Mo. Ignacia Ave., Quezon City. Ang paglahok ng mga miyembro ng konseho sa nasabing aktibidad ay bunga ng pakikipag-ugnayan nito sa National Council on Disability Affairs (NCDA).

Dumalo ang walong kinatawan mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan, dalawa mula sa tanggapan ni Sen. Francis Pangilinan, apat mula sa mga organisasyon ng Workers in the Informal Sector (WIS) at isa mula sa akademya upang buuin ang Technical Working Group (TWG) na magbabalangkas ng panukalang batas. Anila, mahalagang magkaisa sa laman ng panukalang batas sa Informal Economy Transitioning to Formal Act (IETFA) upang maging madulas ang pagpasa nito sa Kamara at Senado para sa ikauunlad ng mga manggawang impormal.

Dumalo din ang kinatawan ng iba't-ibang ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa pagpapatupad ng nasabing batas tulad ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Finance (DOF), at iba pa.

Pinagkaisahan sa pulong na: 1) magpadala ng kumento at mungkahi ang iba't ibang ahensya at matapos matalakay sa kanikanilang mga tanggapan; 2) magbalangkas ng isang mungkahing Executive Order na naglalaman sa depinisyon ng mangagawang impormal at ipapa-endorso sa tanggapan ni NAPC Secretary Liza L. Maza; at 3) ipinal ang mga dumalo sa pulong bilang kasapi ng TWG.

Ilan sa mga komento at suhestiyon ng mga may kapansanan sa IRR ang mga sumusunod: · Pagpapalakas ng kapasidad ng mga empleyado sa ahensiyang nagbibigay ng PWD ID upang matiyak kung sinu-sino ang mga dapat makatanggap nito; · Pagsasama ng mga food supplements, herbs, at vitamins na inireresta ng mga doktor sa depinisyon ng “drugs and medicines”; · Pagsasama ng dormitoryo sa lodging establishments at cremation at morge ng punerarya sa burial expenses kung saan maaaring makakuha ng diskuwento ang mga may kapansanan; at, · Paglalabas ng alituntunin kung paano makukuha ang diskuwento kapag ang domestic air o sea travel ticket ay binili online. Binigyan ng sampung araw ang mga ahensiya upang pag-aralan ang mga komento at suhestiyon. Pagkatapos nito ay paghahandaan na ang ceremonial signing ng IRR. Ginawa ang nasabing konsultasyon kaalinsabay ng ikatlong regular na pagpupulong ng NAPC-PWDSC noong ika-14 hanggang ika-15 ng Setyembre 2016 upang matiyak ang paglahok ng mga miyembro ng konseho na mula sa iba't-ibang rehiyon.

Fisherfolk AFSC, nakipagpulong kay Bise Presidente Robredo Noong ika-1 ng Setyembre, dinulog ng Oversight Committee Members ng NAPC-Artisanal Fisherfolk Sectoral Council (AFSC) ang usapin ng isherfolk settlement sa tanggapan ni BisePresidente Leni Robredo (OVP). Napag-usapan sa pulong ang mga hakbang na magkasamang kikilusan ng Konseho at ng tanggapan ni Gng. Robredo bilang HUDCC Chairperson upang matiyak ang ligtas na pabahay para sa mga maliliit na mangingisda, bagay na patuloy na isinusulong ng sektor. Kabilang din sa mga napagusapan ang koordinasyon para sa pagpapatawag ng inter-agency meeting para sa municipal water delineation, serbisyong pangkalusugan ng OVP para sa mga mangingisda, at mga programa para sa kapakinabangan ng mga kababaihan.

9

ISYU 3: TAON 2016

RECOGNITION CORNER Artisanal Fisherfolk Sector GAVINA TUMBAGA DANILO TRONGCO Bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon sa larangan ng pangingisda, kinilala sina Gavina Tumbaga at Danilo Trongco, mga miyembro ng Konseho ng Fisherfolk Sector, sa TOFARM 2016 Search for the Outstanding Farmers of the Philippines Award na iginawad noong ika-15 ng Nobyembre, 2016 sa Makati Shangrila Hotel, Makati City.

Senior Citizens Sector EXPEDITO PILAR Ginawaran ng pagkilala si Council Member Expedito Pilar ng Region I noong ika-2 ng Pebrero, 2016, sa kanyang natatanging pagbabahagi ng oras, commitment at dedikasyon bilang pangulo ng Area-Based Standards Network (ABSNET) ng La Union chapter sa loob tatlong taon, at bilang bahagi ng adbokasiya tungo sa implementasyon ng Bottom-up Budgeting (BuB). Ang pagpaparangal na ito ginanap sa Ariana Hotel, Bauang, La Union.

VEDA RAUNILLO Napabilang si Veda Raunillo, Council Member ng Artisanal Fisherfolk Sector, sa mga ginawaran ng kauna-unahang Oceans Heroes Award noong ika-8 ng Hunyo, 2016. Tubong Guihulngan, Negros Oriental, si Raunillo ay kinilala sa kanyang kakayahan bilang babae at lider-mangingisda. Ang aktibo niyang pakikibaka laban sa ilegal na pangingisda sa Tañ on Strait, isa sa mga marine-protected areas sa Visayas, ang nagtulak sa Oceana Philippines upang igawad sa kanya ang nasabing parangal.

10

ISYU 3: TAON 2016

Liza Maza, Mula P. 1

Your Technology, Mula P.5

Naging researcher hanggang naging guro ng Economics sa high school department ng St. Scholastica's College sa Maynila noong 1983.

Land reform

Naging kasapi si Sec. Liza ng GABRIELA noong 1986 upang isulong ang karapatan at kagalingan ng kababaihan. Naging secretary general siya ng organisasyon mula 1991 hanggang 2001.

Angie Ipong of the Ugnayan ng mga Manggagawa sa Agrikultura said that while the PCS-proposed process may be a good model for coconut farmers, “the primary task remains to be the mass mobilization of farmers toward genuine agrarian reform.”

Nang magbukas ang pagkakataon na makapasok sa Kongreso sa pamamagitan ng party-list system, naging kinatawan siya ng Bayan Muna Party-list mula 2001 hanggang 2004 at kinatawan ng Gabriela Women's Party mula 2004 hanggang 2010.

For his part, Ka Tonying Flores of the Kilusang Magbubukid ng Pilipinas said: “Improving the technology within the coconut industry is a good thing, but it is only one aspect in our task to develop agriculture. The bigger task is to ensure that a genuine agrarian reform has materialized.”

Sa loob ng Mababang Kapulungan, naipasa ni Sec. Liza ang mga batas na nagtatanggol sa karapatan ng kababaihan. Ilan sa mga ito ang Anti-Traf icking of Persons Act of 2003, Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004, Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, Anti-Torture Act of 2009 at Magna Carta for Women.

Flores reasoned that the new technology can be implemented concurrently in areas where farmers already own their land, while rallying each and every farmer to the cause of genuine agrarian reform. “Perhaps the Coco Levy Fund can be channeled to fund efforts with direct bene it to farmers, such as this one,” said Flores, who also convenes the alliance Coco Levy Fund Ibalik sa Amin (CLAIM), a group that advocates for the release of the Coco Levy Fund to coconut farmers.

Natapos man ang termino sa Kongreso, hindi tumigil si Sec. Liza sa paglilingkod sa mamamayan at pagbibigayboses sa kababaihan sa pagtatayo niya ng WeGovern Institute noong 2010.

“I long for the day when farmers have their own land to till and have the opportunity to be given trainings to upgrade their skills. But for now, reforms on the structural causes of farmers' poverty should be addressed. A genuine agrarian reform law must be passed and I hope NAPC can include this in their anti-poverty agenda,” said Flores.

Dahil sa pagiging aktibo sa usapin ng kababaihan, naging kilala rin siya sa ibayong-dagat at nahalal na tagapangulo ng International Women's Alliance noong 2011. Nitong 2015, kasama siya sa tatlumpung liderkababaihan mula sa iba't ibang bansa sa lakas-loob at makasaysayang pagtawid sa Korean Demilitarized Zone na naghihiwalay sa North at South Korea, bitbit ang panawagan ng pagkakaisa at kapayapaan sa Korean Peninsula at iba pang bahagi ng daigdig na hinati ng gulo at hidwaan. Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, tinanggap ni Sec. Liza ang pagkakatalaga bilang Kalihim at Lead Convenor ng National Anti-Poverty Commission. Ang pagbibigay ng bagong direksyon sa pagsugpo ng kahirapan at pagtitiyak na makararating sa pinakamahihirap na mamamayan ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan ay isang malaking hamon na hindi niya uurungan upang makapaglingkod sa mamamayan. Sa huli, pinaninindigan at pinanghahawakan ni Sec. Liza ang panawagan na nagbibigay sa kanya ng lakas at inspirasyon na magpatuloy sa kanyang nasimulan: Paglingkuran ang Sambayanan!

11

ISYU 3: TAON 2016

TANONG AT SAGOT

Ano sa tingin mo ang magiging relasyon ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng pamahalaang Duterte at Trump? “Magiging okay ang relasyon ng Pilipinas at Amerika. Halos magkapareho ang istilo nila sa pananalita at aksyon. Sa foreign policy, mas magiging independent ang Pilipinas.” –Jorge Banal, Sr., Council Member, NAPC-Senior Citizens Sector

“It would not be as warm and open as before, but it would be a civil one. With Pres. Duterte's policy of forging economic ties with China and Russia, lots of changes are expected to happen with regard to the relation of Philippines and US.” – Enrique Ampo, Council Member, NAPC-Persons with Disabilities Sector

“Mananatili ang pakikipagkaibigan, suporta at respeto ng Pilipinas sa Amerika.” – Vilma Gawilan, Council Member, NAPC-Indigenous Peoples Sector

“Dahil sa pagkakapareho ng dalawang lider, magkakaroon ng 'lukewarm' na relasyon ang Pilipinas at Amerika at posible ring maging mas metatag ang alyansa ng dalawang bansa.” – Josh Serilo, Sectoral Representative, NAPC-Children Sector

“Pareho silang may marubdob na kagustuhang mapaunlad ang kanilang mga bansa kaya't magiging magkaibigan sila.” – Ramon Reandelar, Council Member, NAPC-Cooperatives Sector

Editorial Team

Contributors

Ruperto 'Ka Uper' Aleroza Angela Garchitorena Cyrus Pangan Joy Bacon Nerissa Landicho Jon Vincent Marin

Marc Lino Abila Edwin Bustillos Perigine Cayadong Glenda Dimaandal Maya Gabriel-Orca Ferdinand Mendoza Paul Paraguya Paying Pascual Carl Santos Peter Paul Sengson Raquel Valerio

Layout and Graphics Geri Matthew Carretero

12

ISYU 3: TAON 2016

Executive Of ice: Water System Training Center, Local Water Utilities Administration, MWSS-LWUA Complex, Katipunan Avenue, Quezon City 1105 Trunklines: (02) 426-5028 / 426-5019 / 426-4956 / 426-5144 Fax: (02) 927-9838 Email: [email protected] (general inquiries) / [email protected] (website concerns)

ISYU 3: TAON 2016

ENTERTAINMENT Hula Bira Ni Madam Da Min AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Didibdibin mo ang iyong New Year's Resolution. Magsasabi ka na ng totoo lagi at aamin ka na rin na ikaw ang numero unong troll na pro-Marcos. Lucky person: Mga kapanalig sa pulitika PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi mo na kayang tanggapin pa ang napapanood mong pagdinig sa Senado. Mas gugustuhin mo na lang panoorin ang pelikulang Anak ng Kumander na pinagbibidahan ni Manny Pacquiao. Lucky Person: Mga ka-inuman sa kanto. ARIES (Marso 21 – Abril 19) Naiirita ka na sa mga kaliwa't-kanang Oplan Tokhang. Maglulunsad ka na lang ng sariling oplan na mas kagigiliwan ng publiko – ang Oplan BalikAlindog. Lucky Person: Echoserang BFF TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) Magiging malamig ang iyong kapaskuhan habang ang mga kaibigan ay sing-init ng araw ang ulo sa kaka-rally at post sa social media. Lucky Person: Katrabahong walang social media account. GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 20) Excited ka na sa release ng iyong Christmas Bonus. Excited na rin ang mga pinagkaka-utangan mo. Lucky Person: Kapitbahay mong may sari-sari store.

CANCER (Hunyo 21 – Hulyo 22) Duda ka sa friendship na kayang ibigay ng China at Russia sa Pilipinas pero magtitiwala ka pa rin. Sisimulan mo ito sa pamamagitan ng paggawa ng Mannequin Challenge. Lucky Person: Makaka-kwentuhan mo sa CR.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Nagimbal ka sa pagkapanalo ni Donald Trump bilang Pangulo ng Estados Unidos. Nagimbal ka rin sa pagkakalibing ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Nagimbal ka rin sa pasabog ni Ronnie Dayan. Nagimbal ka! Ayaw mo lang aminin. Lucky Person: Millennials VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Magno-nobena ka para mapasakamay ulit ng Pilipinas ang Miss Universe crown. Isasama mo si Miss China at Russia sa iyong panalangin na makapasok sa Top 3 dahil isa kang mabuting Pilipino. Lucky Person: Mga trolls sa facebook. LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 22) Nadismaya ka sa resulta ng MMFF ilms ngayong taon. Pinag-ipunan mo pa naman ang panonood sana rito. Magkakasya ka na lang manood ng Eat Bulaga at It's Showtime tutal pareho lang din naman, libre pa. Lucky Person: Masasakyan mong Uber driver. SCORPIO (Oktubre 23 – Nobyembre 21) Malapit nang malaman ng mga kakilala mo ang iyong troll account. Magpapalit ka ng pro ile picture pero maa-identify ka pa rin. Mapipilitan kang mangdawit ng kaibigang walang kamuwangmuwang sa pinag-gagawa mo. Lucky Person: Mocha Uson SAGUITTARIUS (Nov. 22 – Dec. 21) Magpa- ile ka ng leave para sa Holiday break. Papayagan ka naman pero hindi ka na pababalikin. Lucky Person: Ka-opisinang hindi mo ka-close. CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Malilito ka kung ang dahilan ng trapik ay dahil magpapasko o may rally na naman. Pipiliin mo ang huli. Lucky Person: Mga ka-DDS.

NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION Water System Training Center MWSS-LWUA Compound Katipunan Avenue, Quezon City 1105

Trunklines: 426-5028 / 426-5019 / 426-4956 / 426-5144 Fax: 423-41235 Website: www.napc.gov.ph

NAPC.ph

NAPC_ph