Pagtukoy sa Pang-abay na Pamaraan_3 - Samut-samot

Tuwang-tuwang ipinakita ni Magda sa kanyang mga kaibigan ang mga ritrato ng kanyang anak. 14. Malinaw na ipinaliwanag ng punong-guro ang mga patakaran...

49 downloads 760 Views 27KB Size
Pagsasanay sa Filipino Pangalan _________________________ Petsa ___________ Marka ______

Pagtukoy sa Pang-abay na Pamaraan Kakayahan: Natutukoy ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap

Salungguhitan ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap. Bilugan ang pandiwa na inilalarawan ng pang-abay na ito. 1. Masarap magluto ng sinigang si Ate Rosita. 2. Ipinagtanggol nila nang buong tapang ang ating kalayaan. 3. Siya ay nag-isip nang malalim bago siya sumagot. 4. Ang bagong mag-aaral ay malumanay magsalita. 5. Kinausap niya nang mahinahon ang makulit na bata. 6. Ang munting prinsesa ay mahinhin kumilos. 7. Gumagalaw nang pataas ang elevator. 8. Ang hangin ay umihip nang malakas sa karagatan. 9. Unti-unting lumalakas ang liwanag ng araw.

10. Ang operasyon ay matagumpay na isinagawa. 11. Ang mga monghe ay mapayapang naninirahan sa bundok. 12. Ang pulubi ay dagling nagpasalamat sa babaeng nagbigay sa kanya ng limos. 13. Tuwang-tuwang ipinakita ni Magda sa kanyang mga kaibigan ang mga ritrato ng kanyang anak.

14. Malinaw na ipinaliwanag ng punong-guro ang mga patakaran sa paaralan. 15. Ikinuwento niya sa korte ang buong pangyayari na walangalinlangan. © 2013 Pia Noche

samutsamot.com