FILIPINO II Pangkalahatang Pamantayan: Naipamamalas ng mag

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakikibahagi sa pagtatanghal ng balagtasan ... Chart at iba pang paraan ng pagsagot sa mga tanong/pagsasagawa...

22 downloads 966 Views 413KB Size
Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II

Antas 3 – Plano sa Pagkatuto

FILIPINO II

Pangkalahatang Pamantayan: Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo at kahusayan sa

pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang mga piling tekstong

pampanitikang pambansa upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino

1

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II Ikalawang Markahan: Balagtasan

Aralin 1: A. Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan Bilang ng araw/sesyon: 6 B. Pangngalan 1. Pantangi 2. Pambalana Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa balagtasan gamit ang angkop Ang mag-aaral ay nakikibahagi sa pagtatanghal ng balagtasan na gramatikal/ retorika A. Panitikan 1. Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan 2. Tulang Patnigan a. Karagatan b. Duplo c. Balagtasan d. Batutian 3. Mga Elemento ng Balagtasan a. Tauhan a.1. Lakandiwa a.2. Mambabalagtas a.3 Mga Manonood b.Uri ng Taludturan b.1.Sukat b.2.Tugma c. Paksa/Isyung Pagtatalunan - Politika - Pag-ibig - Karaniwang bagay - Kalikasan - Lipunan - Kagandahang - asal - Pambayan d. Mensahe/MahalagangKaisipan 4. Ang Balagtasan Bilang Salamin ng Kulturang Pilipino

2

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II B. Gramatika/ Retorika 1. Pangngalan a. Pantangi b. Pambalana 2. Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian a. Payak b. Tambalan 3. Pinasidhing Anyo ng Pang-uri 4. Pang-abay na Pamaraan Kakailanganing Pag-unawa para sa Buong Markahan: Ang balagtasan ay isang klasikong anyo ng patulang pagtatalo ng pananalinghaga at pangangatuwiran ng mga makata na kapupulutan ng kaalaman tungkol sa mga napapanahong isyu o paksa.

Mahahalagang Tanong para sa Buong Markahan: Paano naiiba ang balagtasan sa mga kauri nitong akdang pampanitikan?

Ang balagtasan ay isang ekspresyong kultural sa paraang pangangatuwiran, mabisang paraan sa pagpapalaganap ng wika at paglinang ng kasanayan sa pakikipagtalastasan, partikular sa pagsasalita.

Paano nakatutulong ang pag-aaral ng balagtasan sa mga tao partikular sa mga mag-aaral?

Ang pagkakaroon ng kaalaman at kakayahan sa paggamit ng wastong gramatika at retorika ay nakatutulong sa maayos na pakikipagpalitan ng opinyon at katuwiran, gayundin sa panghihikayat na pumanig sa iyong pangangatuwiran ang mga taong iyong kaharap/ kausap. Kakailanganing Pag-unawa para sa Aralin: Ipinakikita sa balagtasan ang pagiging henyo at pagkakaroon ng talas ng isip ng mga makatang Pilipino sa pamamagitan ng maindayog na pagbigkas at pakikipagpalitan ng katuwiran na may ganap na sukat at tugma ang bawat taludturan.

Paano nakatutulong sa mga tao ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan sa paggamit ng wastong gramatika at retorika?

Mahalaga ang gamit ng pangngalan sa ilang pangungusap sa pangangatuwiran sapagkat makatutulong ito sa pagtiyak kung ano ang pinapaksa o tinutukoy nito. Nauunawaan ng mag-aaral ang: A. Panitikan Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan B. Gramatika/ Retorika Pangngalan a. Pantangi b. Pambalana

Mahahalagang Tanong para sa Aralin: Bakit mahalaga ang balagtasan bilang isa sa mga uri ng anyong tula ng panitikan?

Bakit mahalaga ang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng pangngalan sa pangangatuwiran? Ang mag-aaral ay: • nakapagbabahagi ng kanilang mga ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng balagtasan • nakapaglalahad ng sariling pananaw tungkol sa bisa ng pag-aaral ng balagtasan • nakapaglalahad ng naging bisang padamdamin at pangkaisipan

3



Inaasahang Produkto/ Pagganap: Paglalahad ng mga katuwiran kaugnay ng isang napapanahong isyu o paksa

sa pag-aaral ng balagtasan nakapaghahanay ng mga katuwiran kaugnay ng isang napapanahong isyu o paksa

Antas 2 Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag at pagbabahagi ng mga ideya tungkol sa kalagayan ng balagtasan sa kasalukuyan. Mga Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay; nakabubuo ng sariling kongklusyon.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinagawang pangangatuwiran batay sa mga kraytirya: A. May kaugnayan sa paksa B. Orihinal

paglalahad ng sariling pananaw kung dapat ba o hindi dapat ipagpatuloy ang pagtatanghal ng balagtasan at mga kauri nito. Mga Kraytirya: naglalahad ng pananaw ng iba’t ibang tao; may batayan ang nabuong sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw.

C. Presentasyon

pagbabahagi ng magiging kontribusyon upang mahikayat ang kapwa mag-aaral na tangkilikin ang balagtasan at mga kauri nito bilang bahagi ng kulturang Pilipino. Mga Kraytirya: makatotohanan;tapat; may kaugnayan sa paksa. pagbabahagi ng sariling panig o katuwiran tungkol sa ilang napapanahong isyu/ paksa. Mga Kraytirya: may batayan ang inihahayag na kaalaman o impormasyon; batay sa pananaliksik; napapanahon. pagIalahad ng naging bisang pandamdamin at pangkaisipan sa pag-aaral ng pinagmulan ng balagtasan. Mga Kraytirya: makatototohanan; tapat; naglalarawan ng pag-unawa sa sariling damdamin at sa damdamin ng iba. paghahambing ng kaligirang pangkasaysayan ng balagtasan sa isa sa mga panitikang kinagigiliwan pa rin ng mga tao sa kasalukuyan. Mga Kraytirya: may batayan ang ginawang interpretasyon; napapanahon.

4

Antas 3 A. Tuklasin : Sa bahaging ito, lilinawin ng guro ang dating kaalaman/karanasan ng mga mag-aaral tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng balagtasan sa pamamagitan ng pagkilala sa mga taong nagbigay kontribusyon sa pagsisimula at pagpapalaganap ng balagtasan. Ipaaalam sa kanila ang mga paksang tatalakayin (Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan, Pangngalang Pantangi at Pambalana) ,ang Inaasahang Produkto/ Pagganap (Paglalahad ng mga katuwiran kaugnay ng isang napapanahong isyu o paksa), at ang mga kraytirya kung paano ito tatayain. Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na bumuo na kanilang hinuha/sagot sa Mahahalagang Tanong (EQ) kaugnay ng aralin. Iminumungkahing tanggapin ng guro ang lahat ng sagot ng magaaral upang mataya kung gaano na ang alam niya sa araling ito. Itanong ng guro ang Mahahalagang Tanong: “Bakit mahalaga ang balagtasan bilang isa sa mga uri ng anyong tula ng panitikan?”, at “Bakit mahalaga ang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng pangngalan sa pangangatuwiran?”

Ang mga mag-aaral ay :  nakikilala ang mga taong nagbigay ng kontribusyon sa pagpapasimula at pagpapalaganap ng balagtasan (Maaaring ipaskil ng guro ang mga pangalan o ang larawan ng mga taong nabanggit. Maaari rin namang sa pamamagitan ng power point presentation.)



nakikilala ang mga taong nagbigay kontribusyon sa pagpapasimula at pagpapalawak ng balagtasan (Maaaring ipaskil ng guro ang mga pangalan o ang larawan ng mga taong nagpasimula at nagpalawak ng balagtasan. Maaari rin namang sa pamamagitan ng power point presentation.)

Florentino Collantes

Jose Corazon de Jesus

Francisco Baltazar

5

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II 

nakapag-uulat ng naging kontribusyon ng mga mambabalagtas sa balagtasan (Pagpangkatin ang mga mag-aaral at himukin silang iulat ang bahaging ito sa masining na paraan)



nakapagbibigay ng hinuha sa Mahahalagang Tanong para sa aralin na “Bakit mahalaga ang balagtasan bilang isa sa mga uri ng panitikan?,” at “Bakit mahalaga ang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng pangngalan sa pangungusap na ginagamit sa pangangatuwiran?” (Maaaring gawing kolaboratibong gawain ang bahaging ito. Bigyan sila ng pagkakataon na makapagpalitan ng opinyon sa kanilang mga kapangkat. Isulat sa manila paper ang mapagkakasunduan ng pangkat at iulat ito sa klase sa tulong ng Building Blocks Strategy, Wing Chart, Concept Map o iba pang agkop na estratehiya. Building Blocks Strategy Bakit mahalaga ang Balagtasan bilang isa sa mga uri panitikan?

1. 4.

2. 5.

3. 6.

7.

Wing Chart Bakit mahalaga ang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng pangngalan sa pangangatuwiran?

P A T U N A Y

___________________________ __________________________ ________________________ _______________________ _____________________

_________________________ ______________________ _____________________ ___________________ _________________ ________________

P A T U N A Y

6

• nakapagbibigay ng mungkahing Inaasahang Produkto/Pagganap para sa aralin (Maaaring sa pamamagitan ng brainstorming. Bigyan ng 10 minuto ang mga mag-aaral upang malayang makapagmungkahi ng inaasahang produkto/pagganap na angkop sa aralin.) • nakapaglalahad ng nabuong kraytirya para sa Inaasahang Produkto/Pagganap para sa aralin (Iminumungkahing gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pagsasagawa nito. (Maaaring kolaboratibo ang gawaing ito. Ipasulat sa manila paper ang nabuong kraytirya na ipapaskil sa pisara.) • nakapagbibigay ng mga karagdagang kaalaman o impormasyon tungkol sa balagtasan sa tulong ng alinman sa Word Pool, Word Concept, Word Network, Webbing o Word Association at iba pang estratehiya (Iugnay ang gawaing ito sa tatalakaying paksa sa bahaging Linangin.) Word Pool

Balagtasan

B. Linangin: Sa bahaging ito magsasaliksik at iuulat ang tekstong Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan upang masuri/ mataya kung ang mga hinuha/sagot sa EQ ng mga mag-aaral sa bahaging Tuklasin ay wasto/ katanggap-tanggap. Iminumungkahi na maging maingat ang guro sa di-pagtanggap sa mga maling sagot/hinuhang mga mag-aaral. Sa bahaging ito, inaasahang naitama na (kung mayroon mang mali/di-katanggap-tanggap) na Kakailanganing Pag-unawa na dapat matutuhan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga makahulugan at mapanghamong gawain. Sisimulan din ang paglinang ng anim na aspekto ng pag-unawa ng mga mag-aaral.

Ang mga mag-aaral ay: (Iminumungkahing ibigay na ng guro sa bawat pangkat ang gawaing ito bilang takdang aralin bago ang pagtalakay.)  nakapagsasaliksik sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan sa pamamagitan ng: Pangkat 1: Pagsasaliksik sa pamamagitan ng Internet Pangkat 2: Pagsasaliksik sa pamamagitan ng silid-aklatan Pangkat 3: Pakikipanayam sa mga taong may kasanayan sa larangan ng balagtasan (Hikayatin ang mga mag-aaral na i-video ang gagawing pakikipanayam) 

nakapaglalahad ng mahahalagang pangyayari/ impormasyon kaugnay ng aralin (Ipaskil sa pisara ang mahahalagang petsa na may kaugnayan kung paano nagsimula at lumaganap ang balagtasan. Isulat ang mga ito sa pisara nang hindi magkakatapat ang wastong impormasyon. Hayaang ang mga mag-aaral ang magtapat ng petsa at ang wastong pangyayari sa petsang ito.)

7



nakapag-uulat sa masining na paraan ng nakalap na mga impormasyon tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng balagtasan (Dagdagan ng guro ang mga impormasyonhg ibinahagi ng bawat pangkat.)



nakapagbibigay ng kaugnay na mga salita sa sumusunod na salita mula sa aralin. Maaaring gamitin ang Word Network, Word Clining, Word Pool, o Word Concept Word Network politika

pagbeberso

duplero

Bukanegan



nakikiisa sa pagtalakay sa tulong ng sumusunod gawain/tanong: (Ito ay mga mungkahi lamang, maaaring dagdagan o palitan ng guro.) Mga Gabay na Tanong: 1. Saan/Kanino nagmula ang salitang balagtasan? Ipaliwanag. 2. Bakit nasabing ang balagtasan at si Francisco Baltazar ay iisa? Itala ang mahahalagang detalye sa Concept Map, Embedded Circle,Flow Chart o iba pang maaaring magamit a estratehiya.

8

Concept Map

Bakit sinasabing ang balagtasan at si Francisco Baltazar ay iisa?

3. Sang-ayon ka ba na mula sa pangalan ni Balagtas ang tawag sa uring ito ng patulang pagtatalo? Bakit? 4. Itala sa tsart ang mga taong may kinalaman sa pagpapaunlad ng balagtasan at ang naging kontribusyon nila sa panitikang ito. Taong may kinalaman sa pagpapaunlad ng balagtasan

Naging kontribusyon nila

5. Bigyan ng reaksiyon ang naganap na alitan sa pagitan nina Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes. Nakatulong ba ito upang lalong tangkilikin ng mga tao ang balagtasan? Ipaliwanag.

9



nakalalahok sa malayang talakayan sa pamamagitan ng Brainstorming, Chart at iba pang paraan ng pagsagot sa mga tanong/pagsasagawa ng gawain: 1. Ipaliwanag at ibahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng balagtasan. Gamitin ang Rays Concept Organizer, Concentric Circle, Concept Map o iba pang estratehiya. Rays Concept Organizer

Kahalagahan ng Balagtasan

1.

2.

3.

4.

2. Magpalitan ng pananaw tungkol sa bisa ng pag-aaral ng balagtasan sa sarili at sa iba. (Maaaring gawing kolaboratibong gawain ang bahaging ito. Bigyan ng pagkakataong makapagpalitan ng ideya ang bawat pangkat at humandang ipaulat sa klase ang napag-usapan. 3. Paano naapektuhan ang iyong damdamin at kaisipan ng pag-aaral sa balagtasan? Ilahad ang mga pagbabagong naganap sa sarili. Punan ang Plot Chart sa pagsagot. Maaari ring gumamit ng iba pang pamamaraan tulad ng Flow Chart, Discussion Web o iba pang estratehiya. Plot Chart Sa pag-aaral ng balagtasan,naapektuhan ang aking damdamin sa pamamagitan ng... Gayondin ang aking kaisipan nang ... Kaya maraming nabago sa aking sarili tulad ng...

10

4. Sa tulong ng tsart, ihambing ang kaligirang pangkasaysayan ng napag-aralan sa nasaliksik na kaligirang pangkasaysayan ng isa sa mga panitikang kinagigiliwan pa rin ng mga tao sa kasalukuyan. Kaligirang Pangkasaysayan

Pagkakatulad

Pagkakaiba

Balagtasan Iba pang uri ng panitikang kinagigiliwan pa rin sa kasalukuyan

5. Sa iyong palagay, kinagigiliwan ba ang balagtasan sa kasalukuyan? Maglahad ng mga patunay na tinatangklik pa rin ito ng mga tao sa kasalukuyan. 6. Bilang mag-aaral, ibahagi ang iyong maaaring maging kontribusyon upang mahikayat ang kapwa mag-aaral na pag-aralan ang balagtasan bilang bahagi ng kulturang Pilipino. 7. Ibahagi ang kaalaman sa ilang napapanahong isyu/ paksa kaugnay ng aralin. Maaaring sa pamamagitan ng masining na paglalahad o gamit ang iba’t ibang paraan ng pagbabahagi tulad ng PIN o think pair share Napapanahong Isyu

Positibo Kawiliwili

Negatibo

11

C. Palalimin: Sa bahaging ito, pagtitibayin ang nabuong wastong Kakailanganing Pag-unawa ng mga mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga mapanghamong tanong/gawain upang sila’y magnilay, muling balikan ang mga natutuhan na, muling mag-isip at baguhin ito kung kinakailangan. Dito isasagawa ang pananaliksik at pagsasanib ng angkop na gramatika/retorika, sa tulong ng angkop na teksto (alinman sa pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad, pangangatuwiran, at iba pa). Ihahanda ng guro ang mga mag-aaral upang mailapat ang kanilang natutuhan sa pagsasagawa ng Inaasahang Produkto/ Pagganap sa bahaging Paglalapat. Inaasahang tutugunan ng guro ang pagiging kakaiba ng mga mag-aaral, ang kanilang kalakasan at kahinaan sa pamamagitan ng pagtuturong kailangan/angkop sa kanila. Bigyan din ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mataya niya ang kanilang natutuhan at kakayahan. Ang mga mag-aaral ay: (Bago isagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod na gawain ay magbigay muna ng input ang guro tungkol sa pangngalan at sa mga uri nito – pantangi at pambalana.) 

nakikibahagi sa pagtalakay sa tekstong “Ang Impresyon sa Ekonomiya” (Ito ay mungkahi lamang, maaaring ibang teksto ang ipabasa ng guro.), at ang mga pangngalang pantangi at pambalana (Talakayin ang nilalaman ng teksto, gayundin kung anong uri ito, bago ang pagtalakay sa gramatika.)



naihahanay ang mga pangngalang ginamit sa akda gamit ang T-chart.

Pangngalan

Pambalana

Pantangi

(Magbigay ng maikling pagsusulit kaugnay ng paksa sa gramatika. Pasulatin ang mga mag-aaral ng katulad ng tekstong pinag-aralan. Ipagamit sa nasabing teksto ang mga pangngalan. Gamitan ng ang angkop na estratehiya.)

12

D. Ilapat: Sa bahaging ito, aktuwal na isasagawa ng mga mag-aaral ang Inaasahang Produkto/Pagganap para sa aralin bilang patunay na naunawaan nila ang aralin. Muli, balikan ang mga kratirya sa pagtataya ng nasabing gawain. Ipadama/ Ipakita sa mga mag-aaral ang kahalagahan at kaugnayan ng Inaasahang Produkto/Pagganap sa kanilang sarili at sa pagpapayaman ng kulturang Pilipino.

. Ang mga mag-aaral ay: (Magbigay muna ng input tungkol sa paghahanay ng mga katuwiran, at sa debateng Oregon-Oxford (mungkahi lamang) na gagamitin sa pakikipagtalo/pangangatuwiran.) 

nakapaglalahad/nakapagbabalik-aral sa mga kraytiryang gagamitin sa pagtataya ng Inaasahang Produkto/Pagganap



nakapaghahanay ng mga katuwiran kaugnay ng ilang napapanahong isyu/paksa (kolaboratibong gawain)



nakapagbibigay ng feedback sa isinagawang pagtatanghal ng bawat pangkat (sa gabay ng guro) (Muli, balikan ang Mahahalagang Tanong para sa aralin upang matiyak na naunawaan ng mga mag-aaral ang mga Kakailanganing Pag-unawa.)

Mga Kakailanganing Kagamitan  Internet  Mga babasahin tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan, Pangngalan (pantangi at pambalana), textong Ang Impresyon sa Ekonomiya  Mga kraytirya sa pagtataya ng isasagawang debate/pagtatalo  Sipi ng mga estratehiya

13

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II Ikalawang Markahan: Balagtasan

Aralin 2: A. Mga Uri ng Dulang Patnigan “Balagtasan” ni Patricio A. Dionisio B. Mga Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian Antas 1

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa balagtasan gamit ang angkop na gramatikal/ retorika A. Panitikan 1. Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan 2. Tulang Patnigan a. Karagatan b. Duplo c. Balagtasan d. Batutian 3. Mga Elemento ng Balagtasan a. Tauhan a.1. Lakandiwa a.2. Mambabalagtas a.3 Mga Manonood b. Pinagkaugalian (May Sukat at Tugma) c. Paksa/Isyung Pagtatalunan c.1. Politika c.2. Pag-ibig c.3. Karaniwang bagay c.4. Kalikasan c.5. Lipunan c.6. Kagandahang asal c.7. Pambayan d. Mensahe/ Mahalagang Kaisipan 4. Ang Balagtasan Bilang Salamin ng Kulturang Pilipino

Bilang ng araw/sesyon: 7

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay ay nakikibahagi sa pagtatanghal ng balagtasan

14

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II B. Gramatika/Retorika 1. Pangngalan a. Pantangi b. Pambalana 2. Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian b. Payak c. Tambalan 3. Masidhing Anyo ng Pang-uri 4. Pang-abay na Pamaraan Mga Kakailanganing Pag-unawa para sa Buong Markahan: Ang balagtasan ay isang klasikong anyo ng patulang pagtatalo ng pananalinghaga at pangangatuwiran ng mga makata na kapupulutan ng kaalaman tungkol sa mga napapanahong isyu o paksa.

Mahahalagang Tanong para sa Buong Markahan: Paano naiiba ang balagtasan sa mga kauri nitong akdang pampanitikan?

Ang balagtasan ay isang ekspresyong kultural sa paraang pangangatuwiran, mabisang paraan sa pagpapalaganap ng wika at paglinang ng kasanayan sa pakikipagtalastasan, partikular sa pagsasalita.

Paano nakatutulong ang pag-aaral ng balagtasan sa mga tao partikular sa mga mag-aaral?

Ang pagkakaroon ng kaalaman at kakayahan sa paggamit ng wastong gramatika at retorika ay nakatutulong sa maayos na pakikipagpalitan ng opinyon at katuwiran, gayundin sa panghihikayat na pumanig sa iyong pangangatuwiran ang mga taong iyong kaharap/ kausap. Mga Kakailanganing Pag-unawa para sa Aralin: Inilalarawan sa mga tulang patnigan ang takbo ng buhay ng mga Pilipino, gayondin kung paano nila sinusunod ang ilang paniniwala, tradisyon, pananampalataya at higit sa lahat ang paglinang ng kagandahang- asal noong panahon bago dumating ang mga Espa ol.

Paano nakatutulong sa mga tao ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan sa paggamit ng wastong gramatika at retorika?

Ang mga tulang patnigan ay magkakatulad sa nilalaman, mga tula ito ng pagtatalo, may ganap na sukat at tugma ang mga taludturan bagamat magkakaiba sa paraan ng pagsasagawa at sa dami ng tauhan o mambibigkas.

Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang mga tulang patnigan?

Ang pagkakaroon ng kakayahang bumuo ng iba’t ibang uri ng pangungusap ay patunay ng kahusayan sa pagkilala ng mga sugnay, at wastong gamit ng mga pangatnig bahagi lamang ng pangungusap.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kakayahang bumuo ng iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa kayarian nito?

Payak ang kayarian ng pangungusap kapag ito ay binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa; tambalan naman kung binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa na pinag-uugnay ng pangatnig.

Ihambing ang mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian ng mga ito.

Mahahalagang Tanong para sa Aralin: Bakit kailangang pag-aralan at unawain ang mga tulang patnigan?

15

Nauunawaan ng mag-aaral ang: A. Panitikan Mga Uri ng Tulang Patnigan a. Karagatan b. Duplo c. Balagtasan d. Batutian B.Gramatika/Retorika Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian a. Payak b. Tambalan

Ang mag-aaral ay:  nakapag-uulat ng mga nasaliksik na impormasyon kaugnay ng paksa  nakapaglalahad ng naging epekto sa sarili, sa iba at sa sariling lugar na kinakaharap ngayon ng mga tulang patnigan  nakapagbabahagi ng mga kaisipang inihayag sa balagtasan  napaghahambing ang mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian  nakasusulat ng tekstong nagsasalaysay gamit ang mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian  nakapagtatanghal ng alinman sa mga uri ng dulang patnigan Antas 2

Inaasahang Produkto/ Pagganap: Pagtatanghal ng alinman sa mga uri ng tulang patnigan

Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa; Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: Pagpapaliwanag pagpapaliwanag ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tulang patnigan. Mga Kraytirya: makatotohanan; napapanahon; may mga patunay; napangangatuwiranan ang mga patunay.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinagawang pagtatanghal ng alinman sa uri ng tulang patnigan batay sa mga kraytirya: A. May kaugnayan sa paksa

Interpretasyon pagbabahagi ng mga kaisipang inilahad sa balagtasan na magagamit sa paglutas sa suliranin ng lipunan. Mga Kraytirya: may batayan ang ginawang interpretasyon; kaangkupan; napapanahon.

B. Orihinal ang interpretasyon C. Masining

Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba pagpapahayag ng sariling damdamin sa naging kalagayan o saloobin ng mga mambabalagtas ng alinman sa mga anyo ng balagtasan. Mga Kraytirya: makatototohanan; tapat; naglalarawan ng pag-unawa sa damdamin ng mga taong kabilang sa gawain.

D. Napapanahon ang paksa E. Wasto ang pagkakagamit ng mga pangungusap

Paglalapat pagbabahagi kung paano makatutulong sa paglutas ng ilang suliraning panlipunan na inilahad sa alinman sa mga balagtasang nabasa/ napag-aralan. Mga Kraytirya: tapat; makatotohanan; napapanahon.

16

Pagkilala sa Sarili paglalahad ng mga pagbabagong naganap sa sarili, paniniwala, saloobin o kaisipan, matapos matalakay ang aralin. Mga Kraytirya: makatotohanan;tapat; may kaugnayan sa paksa. Paglalapat paglalahad ng ilan sa napapanahong pangyayari o isyu sa sa lipunan na nagiging sanhi ng pagtatalo. Mga Kraytirya: angkop sa paksa; naglalahad ng iba’t ibang ideya; nagmumungkahi ng solusyon. Antas 3 A.Tuklasin: Sa bahaging ito, lilinawin ng guro ang dating kaalaman/karanasan ng mga mag-aaral tungkol sa mga uri ng tulang patnigan sa pamamagitan ng pagsusuri sa isang palabas sa isa sa mga uri ng dulang patnigan. Ipaaalam sa kanila ang mga paksang tatalakayin (Ang Mga Uri ng Tulang Patnigan at Mga Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian), ang Inaasahang ProduktoPagganap (pagtatanghal ng alinman sa mga uri ng dulang patnigan), at ang mga kraytirya kung paano ito tatayain. Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na bumuo na hinuha/sagot Mahahalagang Tanong (EQ) kaugnay ng aralin. Iminumungkahing tanggapin ng guro ang lahat ng sagot ng mga mag-aaral upang mataya kung gaano na ang alam nila sa araling ito. Itanong ng guro ang Mahahalagang Tanong para sa aralin: ”Bakit kailangang pag-aralan at unawain ang mga tulang patnigan?”, ”Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang mga tulang patnigan?”, “Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kakayahang bumuo ng iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa kayarian nito?”, at “Ihambing ang mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian ng mga ito.” Ang mga mag-aaral ay: (Ipapanood/Ipatanghal sa mga mag-aaral ang alinman sa mga uri ng dulang patnigan o maaaring bahagi ng lahat ng uri nito.) 

nakapagbibigay ng reaksiyon/pagsusuri sa napanood na pagtatanghal



nakapaglalahad ng pamaraang ginamit sa pagtatanghal mula paksa, mga tauhan at paraan ng pagsasalita o naging usapan



nakapagpapalitang kuro tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng mga tulang patnigan



nakapagpapalitan ng ideya o opinyon tungkol sa Mahahalagang Tanong para sa aralin (Maaaring gawing kolaboratibong gawain ang bahaging ito. Bigyan sila ng pagkakataon na makapagpalitan ng opinyon sa kanilang mga kapangkat. Isulat sa manila paper ang mapagkakasunduan ng pangkat at iulat ito sa klase sa tulong ng Diagram, Flow Chart, Building Blocks Strategy, Wing Chart, Concept Map o iba pang agkop na estratehiya. )

17

Diagram Pangkat 1: Bakit kailangang pag-aralan at unawain ang mga tulang patnigan? Pangkat 2: Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang mga tulang patnigan? Pangkat 3: Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kakayahang bumuo ng iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa kayarian nito? Pangkat 4: Ihambing ang mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian ng mga ito.

Karagatan

Duplo

Balagtasan

Batutian

Kongklusyon:

18

 nakabubuo ng mga kraytirya para sa Inaasahang Produkto/ Pagganap para sa aralin (Iminumungkahing gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pagsasagawa nito. Maaaring kolaboratibo ang gawaing ito. Ipasulat sa manila paper ang nabuong kraytirya na ipapaskil sa pisara.)  nakapagbibigay ng mga karagdagang kaalaman o impormasyon kaugnay ng salitang tulang patnigan sa tulong ng alinman sa Word Bank, Word Pool, Word Concept, Word Network, Webbing o Word Association at iba pang estratehiya (Iugnay ang gawaing ito sa tatalakaying paksa sa bahaging Linangin.)

Word Bank Ang sumusunod na mga salita ay pagpipilian sa paglalarawan ng katangian ng tulang patnigan. Itatala ang mga angkop na paglalarawan sa Concept Map na susundan nito. may tugma tradisyunal na tula naglalahad ng kutura ng ibang bansa malayang taludturan mambabalagtas masining na pagkukuwento

tuluyang akda ipinakikita ang kulturang Pilipino duplero

Tulang Patnigan

19

B. Linangin: Sa bahaging ito ipababasa/ipanonood/iparirinig at tatalakayin ang Mga Uri ng Tulang Patnigan at mga halimbawa nito upang masuri/mataya kung ang mga nabuong hinuha/sagot ng mga mag-aaral sa bahaging Tuklasin ay wasto/katanggap-tanggap. Iminumungkahi na maging maingat ang guro sa di-pagtanggap sa mga maling sagot ng mga mag-aaral. Sa bahaging ito, inaasahang naitama na (kung mayroon mang mali/di-katanggap-tanggap) na Kakailanganing Pag-unawa na dapat matutuhan ng mag-aaral sa pamamagitan ng mga makahulugan at mapanghamong gawain. Sisimulan ding linangin ang anim na aspekto ng pag-unawa ng mga mag-aaral hanggang sa bahaging Ilapat. Ang mga mag-aaral ay:  nakapagtatanghal ng balagtasang “Balagtasan” sa masining na paraan (Isa ito sa mga uri ng tulang patnigan, maaaring gumamit ng ibang halimbawa.)  nakabubuo ng salita sa tulong ng mga panlapi at salitang- ugat  nabibigyang - kahulugan ang salitang nabuo Salitang-ugat 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8.

Panlapi

Salitang nabuo

Kahulugan

tindig dakila inam mithi sinta hayag ibig bunyi

 nakapagpapalitan ng ideya/pananaw sa nilalaman ng “Balagtasan” sa pamamagitan ng mga gabay na tanong: 1. Paano ipinakita sa balagtasan ang pagpapahalaga sa mga babae? Nakikita pa ba ang ganitong pagpapahalaga sa kasalukuyan? Patunayan. 2. Ipaliwanag: “Dito ang bulaklak, bago mo makamtan,kailangan munang puhunani’y buhay.” Sang-ayon ka ba rito? Bakit? 3. Sa inyong lugar, paano pinahahalagahan ang mga kababaihan? Ibahagi ang iyong damdamin kaugnay nito.( Maaaring gamitin ang Fan Fact Analyzer, Concept Mapping, at iba pang angkop na estratehiya.)

20

Sariling damdamin

Pagpapahalaga

4. 5.

Kung ikaw ay babae, paano mo gustong suyuin ka? Kung ikaw naman ay lalaki, paano ka manunuyo sa iyong hinahangaan o minamahal? Ito ang pinamarisan ng mga lumahok sa pagtatanghal ng balagtasan para sa pagdaraos ng kaarawan ni Balagtas. Ilahad ang mga kalakasan/kahinaang nakita sa balagtasan.

Kalakasan

Kahinaan

21



nakapagtatanghal ng ilang bahagi ng tulang patnigan (Ibigay na itong takdang aralin sa bawat pangkat, upang magkaroon sila ng pagkakataong magsaliksik at maghanda para sa gagawing pagtatanghal. Magbigay ng feedback pagkatapos ng pag-uulat/pagtatanghal ng bawat pangkat.)



masigasig na nakikilahok sa malayang talakayan sa tulong ng mga gabay na tanong/gawain. (Iminumungkahing gumamit ng angkop na estratehiya ang guro sa pagsasagawa nito tulad ng ng panel discussion, simposyum, round table discussion, at iba pa.) 1. Ilahad ang naging epekto sa sarili, sa iba at sa sariling lugar ng kasalukuyang kalagayan ng mga tulang patnigan. 2. Bakit ito nakaapekto sa iyo at sa iba? Maaaring gamitin ang Flow Chart, Emotional Webbing at iba pang graphic organizer.

Epekto ng kasalukuyang kalagayan ng mga tulang patnigan

Sa sarili

Sa iba

Sa sariling lugar

5. Paano nabuo ang bawat uri ng tulang patnigan? Ilahad ang kaisipang inihayag sa pagkakabuo ng mga ito. 6. Paano nakaapekto sa iyong damdamin ang naging kalagayan o saloobin ng mga mambibigkas sa mga uri ng tulang patnigan sa kasalukuyan. 7. Magbahagi sa klase kung paano makatutulong sa paglutas ng suliraning panlipunan na kinaharap ng mga mambibigkas sa kasalukuyan. Gamitin ang Staircase Strategy, Flow Chart, Bubble Chart o iba pang pamamaraan. Staircase Strategy

22

Kurikulum ng Edukasyong Sekundaya ng 2010 Filipino II

8. Ilahad ang pagbabagong naganap sa sarili, paniniwala, saloobin o kaisipan, matapos matalakay ang aralin. 9. Maglahad ng ilan sa napapanahong pangyayari o isyu na nagiging sanhi ng pagtatalo. (Maaaring dagdagan ng guro ang mga gawaing ito, tiyakin lamang na malilinang ang anim na aspekto ng pag-unawa ng mga mag-aaral.) 

nakikiisa sa talakayan tungkol sa mga uri ng tulang patnigan sa tulong ng mga gabay na tanong : Mga Gabay na Tanong : (Ang mga ito ay mungkahi lamang, maaaring dagdagan o palitan ng guro.) 1. Ano ang tinatawag na tulang patnigan ?(Maaaring ibatay sa nabuong sagot sa Word Bank at magdagdag na lamang ng iba pang impormasyon.) 2. Iulat ang mga uri ng tulang patnigan. Maaaring gamitin ang Eye Witness Balita, Focus Group Discussion, Interview with the Expert, Simposyum o iba pang angkop na pamamaraan. (Gawin itong kolaboratibong gawain. Ibigay na ito bilang takdang aralin ng mga mag-aaral.) 3. Alin sa mga uring ito ang pinakaibig mong itanghal, panoorin, o pakinggan ? Bakit ? 4. Anong damdamin ang namamayani sa iyo sa tuwing itinatanghal/ pinakikinggan/ pinanonood ang mga tulang patnigan ? 5. Paano nakatutulong sa iyo ang kaalaman sa mga tulang patnigan bilang mag-aaral ? 6. Ilahad ang dating kaalaman, gusto pang matutuhan at ang natutuhan sa araling tinalakay gamit ang K-W-L Technique o Know,Want and Learned Technique) Dating Kaalaman

Gusto Pang Malaman

Natutuhan sa Aralin

23

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II C. Palalimin: Sa bahaging ito pagtitibayin ang nabuong wastong Kakailanganing Pag-unawa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga mapanghamong tanong/gawain upang sila’y magnilay, muling balikan ang mga natutuhan na, muling mag-isip at baguhin ito kung kinakailangan. Dito isasagawa ang pananaliksik at pagsasanib ng angkop na gramatika/retorika, sa tulong ng angkop na teksto (alinman sa pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad, pangangatuwiran, at iba pa). Ihahanda ng guro ang mag-aaral upang mailapat ang kanilang natutuhan sa pagsasagawa ng Inaasahang Produkto/Pagganap sa bahaging Paglalapat. Inaasahang tutugunan ng guro ang pagiging kakaiba ng bawat mag-aaral, ang kanilang mga kalakasan at kahinaan sa pamamagitan ng pagtuturong kailangan/angkop sa kanila. Bigyan din ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mataya nila ang kanilang natutuhan at kakayahan.

Ang mga mag-aaral ay:  nauunawaan at napahahalagahan ang tekstong “Mga Relehiyon sa Pilipinas” sa pamamagitan nang pagtukoy sa mga uri ng pangungusap na ginamit sa teksto (Ito’y mungkahi lamang, maaaring palitan ng guro ang tekstong nagsasalaysay.) Pangungusap _________________________________

Uri: _____________________

Pangungusap _________________________________

Uri: _____________________

Pangungusap _________________________________

Uri: _____________________

Pangungusap _________________________________

Uri: _____________________

24

 nakapaghahambing ng tekstong nagsasalaysay sa mga kauri nito  nakasusulat ng tekstong nagsasalaysay (batay sa ibibigay na paksa ng guro) gamit ang mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian. D. Ilapat Sa bahaging ito, aktuwal na isasagawa ng mga mag-aaral ang Inaasahang Produkto/Pagganap(Pagtatanghal ng alinman sa mga uri ng tulang patnigan) bilang patunay na naunawaan nila ang aralin. Muli, balikan ang mga kraytirya sa pagtataya ng nasabing gawain. Ipadama/Ipakita sa mga mag-aaral ang kahalagahan at kaugnayan ng Inaasahang Produkto/Pagganap sa kanilang sarili, gayundin sa pagpapayaman ng kulturang Pilipino.

Ang mga mag-aaral ay : (Magbigay ng input ang guro kung paano isasagawa ang isa sa mga uri ng tulang patnigang napiling itanghal.)   

nakapaglalahad/nakapagbabalik-aral sa mga kraytiryang gagamitin sa pagtataya ng isasagawang pagtatanghal l ng alinman sa mga uri ng tulang patnigan nakapagtatanghal ng alinman sa mga uri ng tulang patnigan na angkop sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan nakapagpapalitan ng puna o mungkahi sa ginawang pagtatanghal ng bawat pangkat (Maaaring sinoman sa guro o mga mag-aaral ang magbigay ng puna o feedback.) (Muli, balikan ang Mahahalagang Tanong para sa aralin upang matiyak na naunawaan ng mga mag-aaral ang Kakailanganing Pag-unawa.)

Mga Kakailanganing Kagamitan Babasahing “Balagtasan” at Kayarian ng Pangungusap Mga Elemento ng Masining na Pagtatanghal ng Alinman sa mga Uri ng Dulang Patnigan Mga Kraytirya sa Pagtataya ng Pagtatanghal ng Alinman sa mga Uri ng Dulang Patnigan

25

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II Ikalawang Markahan: Balagtasan

Aralin 3: A. Mga Elemento ng Balagtasan “Alin ang Higit na Mahalaga, Wikang Pambansa o Wikang Pandaigdig?“ B. Pinasidhing Anyo ng Pang-uri

Bilang ng Araw /Sesyon: 8

ANTAS 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa balagtasan gamit ang angkop na gramatikal/ retorika A. Panitikan 1. Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan 2. Tulang Patnigan b. Karagatan c. Duplo d. Balagtasan e. Batutian 3. Mga Elemento ng Balagtasan a. Tauhan a.1. Lakandiwa a.2. Mambabalagtas a.3 Mga Manonood b. Pinagkaugalian (May Sukat, Tugm at Indayog) c. Paksa/Isyung Pagtatalunan c.1. Politika c.2. Pag-ibig c.3. Karaniwang bagay c.4. Kalikasan c.5. Lipunan c.6. Kagandahang asal c.7. Pambayan d. Mensahe/ Mahalagang Kaisipan 4. Ang Balagtasan Bilang Salamin ng Kulturang Pilipino B. Gramatika/ Retorika 1. Pangngalan a. Pantangi

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakikibahagi sa pagtatanghal ng balagtasan

26

b. Pambalana 2. Mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian a. Payak b. Tambalan 3. Pinasidhing anyo ng pang-uri 4. Pang-abay na pamaraan Mga Kakailanganing Pag-unawa para sa Buong Markahan: Ang balagtasan ay isang klasikong anyo ng patulang pagtatalo ng pananalinghaga at pangangatuwiran ng mga makata na kapupulutan ng kaalaman tungkol sa mga napapanahong isyu o paksa.

Mahahalagang Tanong para sa Buong Markahan: Paano naiiba ang balagtasan sa mga kauri nitong akdang pampanitikan?

Ang balagtasan ay isang ekspresyong kultural sa paraang pangangatuwiran, mabisang paraan sa pagpapalaganap ng wika at paglinang ng kasanayan sa pakikipagtalastasan, partikular sa pagsasalita.

Paano nakatutulong ang pag-aaral ng balagtasan sa mga tao partikular sa mga mag-aaral?

Ang pagkakaroon ng kaalaman at kakayahan sa paggamit ng wastong gramatika at retorika ay nakatutulong sa maayos na pakikipagpalitan ng opinyon at katuwiran, gayundin sa panghihikayat na pumanig sa iyong pangangatuwiran ang mga taong iyong kaharap/ kausap. Mga Kakailanganing Pag-unawa para sa Aralin: Ang tamang pagkilos o aksiyon ng mga tauhan ay nakapagdaragdag ng pagiging masining sa pagtatanghal ng balagtasan. Sa kilos ay naipakikita na ang mensaheng nais ipaabot nito sa manonood.

Paano nakatutulong sa mga tao ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan sa paggamit ng wastong gramatika at retorika?

Masining na nailalarawan ang mga pangngalan (tao, bagay, lugar o pangyayari), gayundin ang emosyon sa pamamagitan ng paggamit ng pinasidhing anyo ng pang-uri.

Mahahalagang Tanong para sa Aralin: Bakit kailangang matutuhan ang tamang pagkilos ng mga tauhan sa pagtatanghal ng Balagtasan? Paano nakatutulong ang mga pinasidhing anyo ng pang-uri sa pagbuo ng taludturan?

27

Nauunawaan ng mag-aaral ang : A. Panitikan: Mga Elemento ng Balagtasan 1. Tauhan a. Lakandiwa b. Mambabalagtas 2. Pinagkaugalian (May Sukat, Tugma at Indayog) B. Gramatika/Retorika Pinasidhing Anyo ng Pang-uri

Ang mag-aaral ay: • nakapaglalarawan sa mga katangiang dapat taglayin ng lakandiwa, mambabalagtas at mga manonood sa pagtatanghal ng balagtasan • nakapaglalahad ng kahalagahan at papel na ginagampanan ng mga tauhan at manonood sa balagtasan • nakapaghahambing ng katangian ng balagtasan sa mga kauri nito (mga tulang may sukat, tugma at indayog • nakapagbibigay ng sariling interpretasyon ang isang balagtasan • nakasusulat ng tekstong naglalarawan ng isa sa hinahangaang mambibigkas sa kasalukuyan gamit ang pinasidhing anyo ng pang-uri • nakasusulat ng mga saknong na bibigkasin ng Lakandiwa at mambabalagtas • naisasakilos ang mga dapat gawin ng mga taong kabilang pagtatanghal ng balagtasan Antas 2

28

Inaasahang Pagganap : Aktwal na pagsasakilos ng mga dapat gawin ng bawat gumaganap sa balagtasan

Pagpapatibay ng Antas ng Pag-unawa : Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng : Pagpapaliwanag pagpapaliwanag kung paano nakatulong ang mga elemento ng balagtasan sa pagpapalutang ng ilang napapanahong isyu o paksa. Mga Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay; nakabubuo ng sariling kongklusyon. Paglalapat paglalahad kung paano masosolusyunan ang nararanasang ilang suliraning panlipunan sa alinmang napag-aralang balagtasan. Mga kraytirya: makakatotohanan; kaangkupan.

Pagtataya sa isinagawang aktuwal na pagsasakilos ng mga dapat gawin ng mga taong kabilang sa balagtasan batay sa mga kraytirya: A. Kaangkupan ng kilos B. Kasuotan C. Pagbigkas

Pagkilala sa Sarili pagbabahagi ng sariling kahinaan at kalakasan kung magiging kalahok sa pagtatanghal ng balagtasan Mga kraytirya: makatotohanan;tapat; Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba pagbabahagi ng naging damdamin sa mga taong kabilang sa pagtatanghal ng balagtasan. Mga kraytirya: makatototohanan; tapat; naglalarawan ng pag-unawa sa damdamin ng iba. Pagbuo ng sariling pananaw paglalahad ng iba’t ibang pananaw tungkol sa paksang pinagtalunan. Mga kraytirya: naglalahad ng pananaw ng iba’t ibang tao; may batayan ang nabuong sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw. Paglalapat pagmumungkahi ng solusyon sa ilang suliraning panlipunan. Mga Kraytirya: napapanahon; nagmumungkahi ng solusyon; makatotohanan.

29

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II ANTAS 3 A. Tuklasin: Sa bahaging ito, lilinawin ng guro ang dating kaalaman/karanasan ng mag-aaral tungkol sa mga elemento ng balagtasan sa pamamagitan ng pagpaparinig o pagpapanood ng isang pagtatanghal. Ipaaalam sa kanila ang mga paksang tatalakayin (Ang Mahahalagang Elemento ng Balagtasan- Tauhan at Uri ng Taludturan, at Pinasidhing Anyo ng Pang-uri), ang Inaasahang Produkto/ Pagganap (Aktuwal na pagsasakilos ng mga dapat gawin ng ng mga taong kabilang sa balagtasan ), at ang mga kraytirya kung paano ito tatayain. Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na bumuo ng sagot/hinuha sa Mahahalagang Tanong (EQ) kaugnay ng aralin. Iminumungkahing tanggapin ng guro ang lahat ng mga hinuha/ sagot ng mga mag-aaral upang mataya kung gaano na ang alam nila sa araling ito. Itanong ng guro ang Mahahalagang Tanong para sa aralin: “Bakit kailangang matutuhan ang tamang pagkilos ng mga tauhan sa pagtatanghal ng balagtasan?”, at “Paano nakatutulong ang pinasidhing anyo ng pang-uri sa pagbuo ng taludturan?”

Ang mga mag-aaral ay: (Magparinig o magpanood sa mag-aaral ng isang taong nagtatanghal ng masining na pagkukuwento at mga taong nagtatanghal ng balagtasan.) •

nakapaghahambing ng taong nagtanghal ng isahang pagkukuwento (masining na pagkukuwento) sa mga taong nagtatanghal ng balagtasan



nakapagpapalitan ng kuro-kuro sa pamamaraan ng pagtatanghal ng mga tauhan sa balagtasan (Maaari itong gawing kolaboratibong gawain at pipili ng tagapagsalita sa naging kuro-kuro ng pangkat. Ito ang magsisilbing sintesis ng bawat pangkat.)



nakapagbibigay ng sariling hinuha/opinyon sa Mahahalagang Tanong (EQ) para sa aralin (Imungkahi sa mga mag-aaral na isagawa ito sa paraang Focus Group Discussion, Talk Show o iba pang pamamaraan. Hikayatin sila na dagdaan pa ang Mahahalagan Tanong para sa aralin.)



nakabubuo ng mga kraytiryang angkop sa Inaasahang Produkto/ Pagganap (Maaaring gawing kolaboratibong gawain ang pagbuo ng inaasahang pagganap at angkop na kraytirya. Bigyan ng 10 minuto ang mga mag-aaral upang pag-usapan ang mga ito. Papiliin sila ng lider ng pangkat na mag-uulat ng kinalabasan ng kanilang napag-usapan.)



nakapagpapalawak ng salitang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang salita o panlapi rito mula sa ibinigay na kahulugan

30

Eksperto sa wika W I K A

sabihin Paglilipat ng wika sa iba pang wika

B. Linangin: Sa bahaging ito ipababasa/ipanonood/iparirinig at tatalakayin ang balagtasang “Alin ang Higit na Mahalaga, Wikang Pambansa o Wikang Pandaigdig?” upang masuri/ mataya kung ang mga naibigay na sagot/hinuha ng mga mag-aaral sa bahaging Pagtuklas ay wasto/katanggap-tanggap. Iminumungkahi na maging maingat ang guro sa di-pagtanggap sa mga maling Kakailanganing Pag-unawa ng mga mag-aaral. Sa bahaging ito, inaasahang naiwasto na (kung mayroon mang mali/di-katanggap-tanggap) na Kakailanganing Pag-unawa na dapat matutuhan ng mag-aaral. Inaasahang naiwasto na (kung mayroon mang mali/di-katanggap-tanggap) na Kakailanganing Pag-unawa sa pamamagitan ng mga makahulugan at mapanghamong gawain. Sisimulan din ang paglinang ng anim na aspekto ng pag-unawa ng mga mag-aaral hanggang sa bahaging Ilapat.

n Ang mga mag-aaral ay: •

nakapagtatanghal ng balagtasan sa pamamagitan ng Intonational Reading (kolaboratibong gawain)



nakapaglalarawan sa mga katangiang dapat taglayin ng mga taong kabilang sa pagtatanghal ng balagtasan (lakandiwa, mambabalagtas at mga manonood) gamit ang Text Map

Mga Katangian

Lakandiwa

mambabalagtas

mga manonood

31



nakapagpapaliwanag ng kahalagahan at papel na ginagampanan ng mga taong kabilang sa pagtatanghal ng balagtasan



nakapaglalarawan ng damdaming dapat mamayani sa mga taong kabilang sa pagtatanghal ng balagtasan



masigasig na nakikiisa sa talakayan sa klase sa tulong ng sumusunod na mga gabay na tanong: Mga Gabay na Tanong: 1. Bakit mahalagang magkaroon ng Wikang Pambansa at Wikang Pandaigdig? Itala ang mga dahilang ito sa tulong ng Factstorming Web, Spider Map, Wing Chart o iba pang angkop na estratehiya. Factstorming Web

Bakit mahalagang magkaroon ng Wikang Pambansa at Wikang Pandaigdig?

2. Kung ikaw ay mambabalagtas na nangangatuwiran para sa Wikang Pambansa o Wikang Pandaigdig, paano mo hihikayatin ang iyong kapalitang kuro na mas mahalaga ang iyong ipinaglalaban? Maglahad ng katuwiran sa paraang patula. 3. Bigyan ng sariling interpretasyon ang mga katuwirang inilahad ng mga mambabalagtas gamit ang Interpretative Chart, Compare and Contrast Chart .

32

Interpretative Chart Katuwirang inilahad sa…

Mambabalagtas ng Wikang Pambansa

Mambabalagtas ng Wikang Pandaigdig

Unang Tindig Ikalawang Tindig Ikatlong Tindig Ikaapat na Tindig Ikalimang Tindig Kongklusyon

4. Paano mo magagamit sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay ang kaalaman sa wika? 5. Bilang mamamayan ng ating bansa, paano mo ipinakikita ang pagmamahal at pagpapahalaga sa wika? Itala sa Ladder , Staircase Strategy o iba pang teknik ang mga paraang ito. Ladder

6. Bilang bahagi ng lipunan,ipaliwanag ang iyong tungkulin sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wika sa ating bansa, pambansa man o pandaigdig. Maaaring sa pamamagitan ng pagtatalumpati, dugtungang pasulat at iba pang angkop na estratehiya. 7. Paano masosolusyunan ang nararanasang suliranin sa ating wika na maituturing na suliranin ng lipunan? Kapanayamin ang kapwa mag-aaral, guro, politiko at karaniwang mamamayan kung paano ito masosolusyunan.

33

Mag-aaral Guro Politiko Karaniwang mamamayan

8. Bumuo ng talataan na nagpapahayg ng sariling damdamin kaugnay ng aralin. 9. Sa pamamagitan ng alinman sa Focus Group Discussion, Interview with theExpert, Panel Discussion o iba pang pamamaraan, maglahad ng iba’t ibang pananaw tungkol sa paksang pinagtatalunan sa balagtasan. Gawin itong kolaboratibong gawain. 10. Ibahagi ang naging damdamin/saloobin sa mga mambabalagtas na nagpapahayag ng iba’t ibang katuwiran 11. Magbigay ng mungkahing solusyon sa suliraning may kinalaman sa wika gamit ang dayagram.

S U L I R A N I N

S O L U S Y O N

12. Sumulat ng tigdalawang saknong tungkol sa suliranin sa wika na bibigkasin ng Lakandiwa at dalawang magkatunggaling Mambabalagtas batay sa uri ng sukat at tugmang pinag-aralan.( Gawin itong kolaboratibong gawain.) (Pagkatapos ng pagtalakay sa mga tanong, magbigay muna ng input ang guro tungkol sa pinagkaugaliang taludturan na may sukat at tugma bago ipagawa ang sumusunod na gawain.)

34

C. Palalimin: Sa bahaging ito, pagtitibayin ang nabuong wastong Kakailanganing Pag-unawa (EU) ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga mapanghamong tanong/gawain upang sila’y magnilay, muling balikan ang mga natutuhan na, muling mag-isip at baguhin ito kung kinakailangan. Dito isasagawa ang pananaliksik at pagsasanib ng angkop na gramatika/retorika, sa tulong ng angkopna teksto (alinman sa pagsasalaysay, paglalarawan, pagpapaliwanag, pangangatuwiran, at iba pa). Ihahanda ng guro ang mga mag-aaral upang mailapat ang kanilang natutuhan sa pagsasagawa ng Inaasahang Produkto/ Pagganap sa bahaging Paglalapat. Inaasahang tutugunan ng guro ang pagiging kakaiba ng bawat mag-aaral, ang kanilang mga kalakasan at kahinaan sa pamamagitan ng pagtuturong kailangan/angkop sa kanila. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mataya nila ang kanilang natutuhan at kakayahan.

Ang mga mag-aaral ay: (Pumili ng tekstong naglalarawan. Talakayin ang nilalaman nito, gayondin ang katangian ng tekstong naglalarawan. Ipatukoy ang mga pang-uring ginamit sa teksto. Subukin ang mga itong pasidhiin. Talakayin ang kaantasan ng kasidhian ng pang-uri at ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod na gawain. Magbigay ng mga halimbawa upang mas higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang aralin.) •

napipili at natutukoy ang pang-uring ginamit sa sumusunod na mga pangungusap 1. Maganda ang mga tanawing makikita sa Tagaytay City. 2. Sa tatlong magkakapatid, pinakamaganda pa rin si Sheryl. 3. Mas masarap kainin ang mga pagkaing pinoy kaysa sa mga pagkaing mula sa ibang bansa. 4. Si Loleng ay mahinhin, sagisag ng isang dalagang Pilipina . 5. Pinakamatalino si Darwin sa klase kaya’t kinagigiliwan ng mga guro.



natutukoy ang mga salitang naglalarawan na ginamit sa tekstong Cagayan de Oro, Lungsod ng Ginintuang Pakikipagkaibigan (Ihanay ang mga ito sa tsart.) Lantay



Katamtamang Antas

Masidhi/Pinakamasidhi

nakasusulat ng tekstong naglalarawan ng isa sa hinahangaang mambibigkas (maaaring tagapagbalita, artista, at iba pa) gamit ang mga pinasidhing anyo ng pang-uri

35

D. Ilapat Sa bahaging ito, aktuwal na isasagawa ng mga mag-aaral ang Inaasahang Produkto/ Pagganap bilang patunay na naunawaan nila ang aralin. Muli, balikan ang mga kraytirya sa pagtataya ng nasabing gawain. Ipadama/Ipakita sa mga mag-aaral ang kahalagahan at kaugnayan ng Inaasahang Produkto/ Pagganap sa kanilang sarili at sa pagpapalaganap/pagpapayaman ng kulturang Pilipino. Ang mga mag-aaral ay : •

nakapagbabalik-aral/nakapaglalahad ng mga kraytirya sa pagtataya sa aktuwal na Inaasahang Produkto/ Pagganap



aktuwal na isasakilos ang mga dapat gawin ng ng mga taong kabilang sa pagtatanghal ng balagtasan



nakapagpapalitan ng puna o mungkahi sa ginawang pagtatanghal ng bawat pangkat (Maaaring sinoman sa guro o mga mag-aaral ang magbigay ng puna o feedback.) (Muli, balikan ang Mahahalagang Tanong para sa aralin upang matiyak na naunawaan ng mga mag-aaral ang mga Kakailanganing Pag-unawa.)

MGA KAKAILANGANING KAGAMITAN : • Babasahing “Alin ang Higit na Mahalaga, Wikang Pambansa o WIkang Pandaigdig ?”, Cagayan de Oro, Lunsod ng Ginintuang Pakikipagkaibigan; Pang-uri • Kraytirya sa aktwal na pagsasakilos • Sipi ng estratehiya

36

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II Ikalawang Markahan: Balagtasan

Aralin 4: A. 3. Iba pang Elemento ng Balagtasan “Dapat bang Dagdagan ng Isa Pang Taon ang Hayskul?” B. Pang-abay na Pamaraan

Bilang ng Araw /Sesyon : 8

ANTAS 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa balagtasan gamit ang angkop na gramatikal/ retorika A. Panitikan 1. Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan 2. Tulang Patnigan a. Karagatan b. Duplo c. Balagtasan d. Batutian 3. Mga Elemento ng Balagtasan a. Tauhan a.1. Lakandiwa a.2. Mambabalagtas a.3 Mga Manonood b. Pinagkaugalian (May Sukat at Tugma) c. Paksa/Isyung Pagtatalunan c.1. Politika c.2. Pag-ibig c.3. Karaniwang bagay c.4. Kalikasan c.5. Lipunan c.6. Kagandahang asal c.7. Pambayan d. Mensahe/ Mahalagang Kaisipan 4. Ang Balagtasan Bilang Salamin ng Kulturang Pilipino

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakikibahagi sa pagtatanghal ng balagtasan

37

C. Gramatika/ Retorika 1. Pangngalan a. Pantangi b. Pambalana 2. Mga uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian a. Payak b. Tambalan 3. Pinasidhing Anyo ng Pang-uri 4. Pang-abay na Pamaraan Mga Kakailanganing Pag-unawa para sa Buong Markahan: Ang balagtasan ay isang klasikong anyo ng patulang pagtatalo ng pananalinghaga at pangangatuwiran ng mga makata na kapupulutan ng kaalaman tungkol sa mga napapanahong isyu o paksa.

Mahahalagang Tanong para sa Buong Markahan: Paano naiiba ang balagtasan sa mga kauri nitong akdang pampanitikan?

Ang balagtasan ay isang ekspresyong kultural sa paraang pangangatuwiran, mabisang paraan sa pagpapalaganap ng wika at paglinang ng kasanayan sa pakikipagtalastasan, partikular sa pagsasalita.

Paano nakatutulong ang pag-aaral ng balagtasan sa mga tao partikular sa mga mag-aaral?

Ang pagkakaroon ng kaalaman at kakayahan sa paggamit ng wastong gramatika at retorika ay nakatutulong sa maayos na pakikipagpalitan ng opinyon at katuwiran, gayundin sa panghihikayat na pumanig sa iyong pangangatuwiran ang mga taong iyong kaharap/ kausap. Mga Kakailanganing Pag-unawa para sa Aralin: Mahalagang magkaroon ng malawak na kaalaman sa paksa/ isyung pagtatalunan upang mapanindigan ang sariling katuwiran. Gayondin naman, ang mahalagang kaisipan upang maikintal sa isipan ng tagapakinig/ tagabasa ang mahalagang kaisipan o mensahe nito.

Paano nakatutulong sa mga tao ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan sa paggamit ng wastong gramatika at retorika?

Ang pang-abay na pamaraan ay nakatutulong sa paglikha ng isyung pagtatalunan sapagkat maayos na nailalarawan ang kilos na naganap,nagaganap o magaganap na tungkol sa isyu/ paksang napili.

Mahahalagang Tanong para sa Aralin: Bakit kailangan ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman kaugnay ng isyu/paksang pagtatalunan? Paano nakatutulong ang kaalaman at kakayahan sa paggamit ng mga pang-abay na pamaraan sa paghahanay ng mga katuwiran?

38

Nauunawaan ng mag-aaral ang : A. Panitikan Mga Elemento ng BalagtasanPaksa/Isyung Pagtatalunan Politika Pag-ibig Karaniwang bagay Kalikasan Lipunan Kagandahang asal Pambayan

Ang mag-aaral ay: • nakapagpapaliwanag kung bakit kailangang magkaroon ng paksa ang isang gawain – pasulat man o pagbasa • nakapagpapaliwanag ng kahalagahan nang pagkakaroon ng mensahe o mahalagang kaisipan ng isang paksa • masining na nakapag-uulat tungkol sa maaaring paksain ng isang balagtasan • malayang natatalakay ang mga tanong o gawain sa aralin • nakapagsasaliksik ng mga halimbawa ng paksa/isyung pagtatalunan • nakapaglalahad ng mga katuwiran kaugnay ng isang napapanahong isyu/ paksa na maaaring pagtalunan

Mensahe/Mahalagang Kaisipan B. Gramatika/ Retorika Pang-abay na Pamamaraan

ANTAS 2

39

Inaasahang Produkto/ Pagganap : Paglalahad ng mga katuwiran kaugnay ng isang napapanahong isyu/ paksa na maaaring pagtalunan

Pagpapatibay ng Antas ng Pag-unawa : Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamgitan ng: Pagpapaliwanag pagbibigay-katuwiran sa kahalagahan nang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa paksa kung makikipagtagisan ng katuwiran. Mga kraytirya: nakapangangatuwiran; may batayan ang inilahad na katuwiran; batay sa paksa. Pagbuo ng sariling pananaw pagbabahagi ng sariling pananaw sa ilang isyu o paksang pinagtalunan sa alinmang itinanghal na balagtasan. Mga kraytirya; naglalahad ng pananaw ng iba’t ibang tao; may batayan ang nabuong sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinagawang paglalahad ng mga katuwiran kaugnay ng isang napapanahong isyu/ paksa na maaaring pagtalunan batay sa mga kraytirya: A. Napapanahon B. Makatotohanan C. Angkop sa paksa

Interpretasyon paglalahad ng sariling pagpapakahulugan sa mahalagang kaisipang inilahad sa alinman sa mga isyu o paksang pinagtalunan sa balagtasan. Mga Kraytirya: makatotohanan; napapanahon.

D. Tumutugon sa layunin E. Batay sa pananaliksik

Pagkilala sa sarili paglalahad ng bisang pangkaisipan, pandamdamin, at pangkaasalan ng alinmang balagtasan. Mga kraytirya: makatotohanan;tapat; may kaugnayan sa paksa. Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba pagbabahagi ng sariling damdamin at ng mga kamag-aral sa mga katuwirang inilahad sa alinmang nabasa o napag-aralang balagtasan. Mga kraytirya: makatotohanan; tapat; may kaugnayan sa paksa. Paglalapat pagbibigay - katuwiran sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mahalagang kaisipan sa paksa o isyung pagtatalunan. Mga Kraytirya: napapanahon; may kaugnayan sa paksa; naglalahad ng proposisyon.

40

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II ANTAS 3 A. Tuklasin: Sa bahaging ito, lilinawin ng guro ang dating kaalaman/karanasan ng mga mag-aaral tungkol sa paksa/isyung pagtatalunan at mensahe/mahalagang kaisipan bilang mga elemento ng balagtasan sa pamamagitan nang pagtukoy sa paksa at mensaheng inilalahad sa balagtasang pinanood/pinabasa/ pinarinig. Ipaaalam sa kanila ang mga paksang tatalakayin (Iba pang Elemento ng Balagtasan- Paksa/Isyung Pagtatalunan at Mensahe/Mahalagang Kaisipan at Pang-abay na Pamaraan), ang Inaasahang Produkto/ Pagganap, at ang mga kraytirya kung paano ito tatayain. Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na bumuo ng hinuha/sagot Mahahalagang Tanong (EQ) kaugnay ng aralin. Iminumungkahing tanggapin ng guro ang lahat ng sagot ng mga mag-aaral upang mataya kung gaano na ang alam nila sa araling ito. Itanong ng guro ang Mahahalagang Tanong para sa aralin: Bakit kailangan ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman kaugnay ng isyu/paksang pagtatalunan? , at Paano nakatutulong ang kaalaman at kakayahan sa paggamit ng mga pang-abay na pamaraan sa paghahanay ng mga katuwiran? Ang mga mag-aaral ay: •

nakapagpapaliwanag kung bakit kailangang magkaroon ng paksa at mahalagang kaisipan ang balagtasan

41



nakapagbibigay ng sariling hinuha/ opinyon tungkol sa Mahahalagang Tanong (EQ) (Imungkahi sa mga mag-aaral na isagawa ito ito sa tulong ng Webbing, Chart o Concept Map. Hikayatin sila na dagdaan pa ang Mahahalagang Tanong.

Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman at mahalagang kaisipan sa paksa/isyung pagtatalunan?



nakabubuo ng mga kraytiryang angkop sa Inaasahang Produkto/ Pagganap (Maaaring gawing kolaboratibong gawain ang pagbuo ng mga kraytirya. Bigyan sila ng 10 minuto upang pag-usapan ang mga ito. Pagkatapos, ipasulat sa manila paper ang kanilang sagot at ipapaskil sa pisara. Papiliin sila ng lider ng pangkat na mag-uulat ng kinalabasan ng kanilang napag-usapan.Hayaang nakapaskil ang kanilang sagot hanggang sa matapos ang aralin.)

42



nakapagbibigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang paaralan sa tulong ng Word Network, Word Association, Word Bank o iba pang pamamaraan

Paaralan

B. Linangin: Sa bahaging ito ipababasa/ipanonood/iparirinig at tatalakayin ang balagtasang “Dapat bang Dagdagan ng Isa Pang Taon ang Hay-Iskul?”, at ang paksa at mahalagang kaisipan bilang mga elemento ng balagtasan upang masuri/ mataya kung ang mga nabuong hinuha/sagot ng mga mag-aaral sa bahaging Pagtuklas ay wasto/katanggap-tanggap. Iminumungkahi na maging maingat ang guro sa di-pagtanggap sa mga maling Kakailanganing Pag-unawa ng mga mag-aaral. Sa bahaging ito, inaasahang naiwasto na (kung mayroon mang mali/di-katanggap-tanggap) na Kakailanganing Pag-unawa na dapat matutuhan ng mga mag-aaral. Inaasahang naiwasto na (kung mayroon mang mali/di-katanggap-tanggap) na Kakailanganing Pag-unawa sa pamamagitan ng mga makahulugan at mapanghamong gawain. Dito rin sisimulang linangin ang anim na aspekto ng pag-unawa ng mga mag-aaral.

43

Ang mga mag-aaral ay: • nakapagtatanghal ng balagtasan “Dapat bang Dagdagan ng Isa Pang Taon ang Hay-Iskul?” (Itoy’ mungkahi lamang, maaaring palitan.) •

nakapaglalahad ng mga katuwiran sa balagtasan sa pabuod na paraan. Maaaring gamitin ang P-solve, Story Frame, Flow Chart, Ladder, Rays Concept Organizer sa pagbubuod Ano? (Paksa/Suliranin)

Sino? (Tao o mga taong kabilang)

P-solve

Paano? (Ginawang solusyon)

Bakit? (Paliwanag sa napiling solusyon at mga taong kabilang)

Kongklusyon: ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ____________________________________ .

44



nakiiisa sa talakayan sa tulong ng mga gabay na tanong Mahalagang Tanong: 1. Ipaliwanag ang kahalagahan nang pagkakaroon ng kaalamang natututuhan sa paaralan gamit ang Chain Organizer

Kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalamang natutuhan sa paaralan

Kongklusyon

2. Kung ikaw ay mag-aaral mula sa mahirap na pamilya, papayag ka bang madagdagan pa ng taon ang pag-aaral sa hayskul? Bakit? 3. Sa iyong palagay, makatutulong ba ang pagdaragdag ng panibagong taon sa hayskul upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaal? Ipaliwanag. Sa tulong ng Discussion Web, Flow Chart, H-Chart ilahad ang mga ideya. Oo

_________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ ________________________

Makatutulong ba ang pagdaragdag ng panibagong taon sa hayskul upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaal?

Hindi ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ _____________________ _____________________

4. Ilahad at suriin ang paksa at mahahalagang kaisipang inilahad sa balagtasan. 5. Anong suliranin ang inilahad ng mga mambabalagtas sa pagkakaroon ng karagdagang taon sa hayskul? Paano mo ito mabibigyan ng solusyon? Maaaring gamitin ang Bubble Map, Concept Map, Chart o iba pang angkop na estratehiya.

45

Bubble Map

Suliranin



Solusyon

nakalalahok sa malayang talakayan 1. Bakit mahalagang magkaroon ng malawak na kaalaman sa paksa? Bigyang katuwiran ang iyong sagot. 2. Kailangan bang may mensahe o mahalagang kaisipan ang nilalaman ng isang balagtasan? Bakit? 3. Ilahad ang kaisipang inilahad sa aralin at ang sariling pagpapakahulugan dito gamit ang Webbing, Spider Map at iba pa.

Mahalagang Kaisipan

46

4. Makatutulong ba sa pagpapaunlad ng iyong pagkatao ang pagdagdag ng isa pang taon sa hayskul? Sa paanong paraan? Itala ito sa pamamagitan ng Flow Chart, Spider Web, Concept Map o iba pang pamamaraan. Flow Chart

Paano makatutulong sa pagpapaunlad ng iyong pagkatao ang pagdagdag ng isa pang taon sa hayskul?

5. Ibahagi ang naging damdamin at ng kaparehang kamag-aral sa mga katuwirang inilahad sa balagtasan. Kanino ang may katuwirang kahikahikayat at kapani-paniwala para sa iyo? Bakit? 6. Bigyang katuwiran ang kahalagahan nang pagkakaroon ng mahahalagang kaisipan sa paksa/isyung pagtatalunan. 7. Bukod sa isyung pinagtalunan sa itinanghal na balagtasan, magbigay ng mga napapanhong isyu/paksa na maaaring pagtalunan/pinagtatalunan sa kasalukuyan. Gamitin ang tsart sa iba Tema Isyu/Paksang Maaaring Pagtalunan Politika Pag-ibig Karaniwang bagay Kalikasan Lipunan Kagandahang asal Pambayan

47

C.Palalimin: Sa bahaging ito, pagtitibayin ang nabuong wastong Kakailanganing Pag-unawa (EU) ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga mapanghamong tanong/gawain upang sila’y magnilay, muling balikan ang mga natutuhan na, muling mag-isip at baguhin ito kung kinakailangan. Dito isasagawa ang pananaliksik at pagsasanib ng angkop na gramatika/retorika, sa tulong ng angkop na teksto (alinman sa pagsasalaaysay, paglalarawan, paglalahad, pangangatuwiran, at iba pa). Ihahanda ng guro ang mga mag-aaral upang mailapat ang kanilang natutuhan sa pagsasagawa ng Inaasahang Produkto/ Pagganap sa bahaging Paglalapat. Inaasahang tutugunan ng guro ang pagiging kakaiba ng bawat mag-aaral, ang kanilang mga kalakasan at kahinaan sa pamamagitan ng pagtuturong kailangan/angkop sa kanila. Bigyan din ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mataya nila ang kanilang natutuhan at kakayahan. Ang mga mag-aaral ay: • nakapagbibigay ng kaugnayan ng tao sa kalikasan Kalikasan

Tao

Kaugnayan: _____________________ _____________________ _____________________ ____________________ •

natutukoy ang pang-abay na pamaraan na ginamit sa tekstong Ang Tao at ang Kalikasan (Ito’y mungkahi lamang, maaaring palitan ng guro Talakayin muna ang nilalaman ng teksto at ang katangina ng tekstong ito.)



nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng pang-abay na pamamaraan (Magbigay ng input ang guro tungkol sa pang-abay na pamamaraan. Magbigay muna ng sariling halimbawa bago pagbigayin ng sariling halimbawa ang mga mag-aaral.)



nakasasagot sa pagsasanay na ibibigay ng guro (kung kinakailangan)

48

D.Ilapat Sa bahaging ito, aktuwal na isasagawa ng mga mag-aaral ang Inaasahang Produkto/ Pagganap bilang patunay na naunawaan nila ang aralin. Muli, balikan ang mga kraytirya sa pagtataya ng nasabing gawain. Ipadama/Ipakita sa mga mag-aaral ang kahalagahan at kaugnayan ng Inaasahang Produkto/ Pagganap sa kaniyang sarili at sa pagpapayaman ng kulturang Pilipino. Magbiagay ng feedback matapos maisagawa ang Inaasahang Produkto/Pagganap. Ang mga mag-aaral ay: (Magbigay ng input ang guro tungkol sa paraan ng pananaliksik.) • nakapagbabalik-aral/nakapaglalahad ng kraytirya sa gagawing pananaliksik • nakapaglalahad ng mga katuwiran kaugnay ng isang napapanahong isyu/ paksa na maaaring pagtalunan • nakapagbabahagi sa klase ng nasaliksik o nalikhang paksa • nakapagbibigay ng puna o feedback sa ginawang pananaliksik sa paksang napili (Magbigay rin ng sariling puna ang guro.) (Muli, balikan ang Mahahalagang Tanong sa aralin upang matiyak na natamo ng mga mag-aaral ang mga Kakailanganing Pag-unawa.) MGA KAKAILANGANING KAGAMITAN : • • • • •

Sipi ng Balagtasang “Dapat bang Dagdagan ng Isa Pang Taon ang Hay-Iskul?”, Ang Tao at ang Kalikasan Ang Pang-abay na Pamaraan Sipi ng mga Estratehiya Internet Mga Kagamitang makabago na Kakailanganin sa Pag-uulat

49

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II

Ikalawang Markahan: Balagtasan

Aralin 5: A Ang Balagtasan Bilang Salamin ng Kulturang Pilipino “Ang Anak na Lalake at Anak na Babae” B. Pagtatanghal ng Balagtasan

Bilang ng Araw /Sesyon: 10

ANTAS 1 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa balagtasan gamit ang angkop na gramatikal/ retorika A. Panitikan 1. Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan 2. Tulang Patnigan a. Karagatan b. Duplo c. Balagtasan d. Batutian 3. Mga Elemento ng Balagtasan a. Tauhan a.1. Lakandiwa a.2. Mambabalagtas a.3 Mga Manonood b. Pinagkaugalian ( Sukat at Tugma) c. Paksa/Isyung Pagtatalunan c.1. Politika c.2. Pag-ibig c.3. Karaniwang bagay c.4. Kalikasan c.5. Lipunan c.6. Kagandahang asal c.7. Pambayan d. Mensahe/ Mahalagang Kaisipan 4. Ang Balagtasan Bilang Salamin ng Kulturang Pilipino

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakikibahagi sa pagtatanghal ng balagtasan

50

B. Gramatika/ Retorika 1. Pangngalan a. Pantangi b. Pambalana 2. Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian a. Payak b. Tambalan 3. Pinasidhing Anyo ng Pang-uri 4. Pang-abay na Pamaraan Mg Kakailanganing Pag-unawa para sa Buong Markahan: Ang balagtasan ay isang klasikong anyo ng patulang pagtatalo ng pananalinghaga at pangangatuwiran ng mga makata na kapupulutan ng kaalaman tungkol sa mga napapanahong isyu o paksa.

Mahahalagang Tanong para sa Buong Markahan: Paano naiiba ang balagtasan sa mga kauri nitong akdang pampanitikan?

Ang balagtasan ay isang ekspresyong kultural sa paraang pangangatuwiran, mabisang paraan sa pagpapalaganap ng wika at paglinang ng kasanayan sa pakikipagtalastasan, partikular sa pagsasalita.

Paano nakatutulong ang pag-aaral ng balagtasan sa mga tao partikular sa mga mag-aaral?

Ang pagkakaroon ng kaalaman at kakayahan sa paggamit ng wastong gramatika at retorika ay nakatutulong sa maayos na pakikipagpalitan ng opinyon at katuwiran, gayundin sa panghihikayat na pumanig sa iyong pangangatuwiran ang mga taong iyong kaharap/ kausap. Mga Kakailanganing Pag-unawa para sa Aralin: Ang balagtasan ay isang klasikong anyo ng patulang pagtatalo ng pananalinghaga at pangangatuwiran ng mga makata na kapupulutan ng kaalaman tungkol sa mga napapanahong isyu o paksa.

Paano nakatutulong sa mga tao ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan sa paggamit ng wastong gramatika at retorika? Mahahalagang Tanong para sa Aralin: Paano naiiba ang balagtasan sa mga kauri nitong akdang pampanitikan?

Ang balagtasan ay isang ekspresyong kultural sa paraang pangangatuwiran, mabisang paraan sa pagpapalaganap ng wika at paglinang ng kasanayan sa pakikipagtalastasan, partikular sa pagsasalita.

Paano nakatutulong ang pag-aaral ng balagtasan sa mga tao partikular sa mga mag-aaral?

Ang pagkakaroon ng kaalaman at kakayahan sa paggamit ng wastong gramatika at retorika ay nakatutulong sa maayos na pakikipagpalitan ng opinyon at katuwiran, gayundin sa panghihikayat na pumanig sa iyong pangangatuwiran ang mga taong iyong kaharap/ kausap.

Paano nakatutulong sa mga tao ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan sa paggamit ng wastong gramatika at retorika?

51

Nauunawaan ng mag-aaral ang : Balagtasan Bilang Salamin ng Kultura

Ang mag-aaral ay: • nakapaglalahad ng kulturang Pilipino na masasalamin sa alinmang nabasa/narinig/napanood balagtasan • nakikibahagi sa pagtatanghal ng balagtasan • nakapagbibigay ng feedback sa isinagawang pagtatanghal ng bawat pangkat • nakabubuo ng wastong ng mga Kakailanganing Pag-unawa (EU) sa Mahahalagang Tanong para sa buong markahan

Pagtatanghal ng Balagtasan

Antas 2

52

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino I

Inaasahang Produkto/ Pagganap: Pagtatanghalng balagtasan

Pagpapatibay ng Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng : Pagpapaliwanag paghahambing sa kalagayan ng balagtasan noon at ngayon. Mga Kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay; nakabubuo ng sariling kongklusyon.

Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa itinanghal na balagtasan batay sa mga kraytirya: A. Orihinal

Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba pagbabahagi ng sariling saloobin at ng ibang tao tungkol sa muling pagpapalaganap ng balagtasan sa kasalukuyan. Mga kraytirya: makatototohanan; tapat; naglalarawan ng pag-unawa sa damdamin ng iba.

B. Napapanahon ang isyu o paksang pagtatalunan

Pagbuo ng sariling pananaw pagpapaliwanag ng kahalagahan ng pag-aaral o muling pagpapalaganap ng balagtasan sa kasalukuyan. Mga kraytirya: naglalahad ng sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw.

D. Wasto ang pagkakagamit ng gramatika/ retorika

C. Presentasyon

Interpretasyon pagbibigay ng sariling pakahulugan sa matatalinghagang pahayag na nakapaloob sa alinmang balagtasan at maiugnay ang mga ito sa kasalukuyang isyu sa ating lipunan o mahahalagang paksa. Mga Kraytirya: makatotohanan; napapanahon; kaangkupan. Pagkilala sa saril paglalahad ng mga pagbabagong naganap at naramdaman sa sarili tungkol sa kalagayan ng balagtasan sa ating bansa sa kasalukuyan. Mga Kraytirya: makatotohanan;tapat; may kaugnayan sa paksa Paglalapat paninindigan sa katuwiran tungkol sa isang napapanahong isyu na kinakaharap ng bansa. Mga kraytirya: napapanahon; may mga patunay;napangangatuwiranan ang mga patunay; naglalahad ng paghahambing.

53

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino I

ANTAS 3 A. Tuklasin : Sa bahaging ito, lilinawin ng guro ang dating kaalaman/karanasan ng mga mag-aaral tungkol sa Balagtasan bIlang Salamin ng Kulturang Pilipino sa pamamagitan ng paglalahad ng mga kulturang ito sa binasa/narinig/napanood na alinmang balagtasan. Itanong sa mga mag-aaral ang Inaasahang Produkto/ Pagganap para sa buong markahan (Pagtatanghal ng Balagtasan), at ang mga kraytirya kung paano ito tatayain. Muli, itanong ang Mahahalagang Tanong para sa buong markahan. Iminumungkahing tanggapin ng guro ang lahat ng sagot ng mga mag-aaral upang mataya kung gaano na ang alam nila sa araling ito. Maaaring magbalik-aral sa mga paksang tinalakay sa markahang ito.

Ang mga mag-aaral ay: • nakapaglalahad ng konsepto sa salitang kultura gamit ang Word Concept, Word Bank, Word Network at iba pang pamamaraan

kultura

• nakapagbabalik-aral sa kanilang mga sagot/hinuha sa Mahahalagang Tanong para sa Buong Markahan upang matiyak na tama ang kanilang nabuong Kakailalanganing Pag-unawa (Maaaring gawing kolaboratibong gawain ang bahaging ito. Maaari itong ipalahad sa mag-aaral sa pamamagitan ng Talk Show, Focus Group Discussion o panayam.)

54

Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II •

nakapagbabalik-aral sa mga kraytirya sa pagtataya sa Inaasahag Produkto/ Pagganap para sa buong markahan

B. Linangin: Sa bahaging ito ipababasa/ipanonood/iparirinig at tatalakayin ang balagtasang “Ang Anak na Lalake at Anak na Babae” upang masuri/ mataya kung ang mga sagot/hinuha ng mga mag-aaral sa pagsisimula ng markahan ay wasto/katanggap-tanggap. Iminumungkahi na maging maingat ang guro sa dipagtanggap sa mga sagot/hinuha ng mga mag-aaral. Sa bahaging ito, inaasahang naiwasto na (kung mayroon mang mali/di-katanggap-tanggap) na Kakailanganing Pag-unawa na dapat matutuhan ng mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay: •

masining na nakapagtatanghal ng balagtasang “Ang Anak na Lalake at Anak na Babae” sa pamamagitan ng Reader’s Theatre, Intonational Reading, Reading Relay at iba pang masining na pamamaraan ng pagbasa



nakapagbibigay-kahulugan sa mga salitang may salungguhit na ginamit sa balagtasan (Maaaring ipagawa ito bilang indibidwal na gawain na itatala sa kuwaderno o kaya naman ay gawing boardwork. 1. Natapos at sukat yaong lumang taon ng mga sigalot. 2. Magkaisip sanang sa buhay na ito’y matutong magimpok. 3. Sa anak at anak: alin sa dalawa ang may mapapala? 4. Bunying Lakandiwa: ako’y magtatanggol sa mga lalaki. 5. Matawanan lamang, loob mo’y lulubag.

Kahulugan

1. _____________ 2. _____________ 3. _____________ 4. _____________ 5. _____________

55



masigasig na nakikiisa sa talakayan sa pamamagitan ng mga gabay na tanong/gawain: 1. Tukuyin at ipaliwanag ang kulturang Pilipino na inilarawan sa itinanghal na balagtasan. Dapat bang ipagmalaki ang mga kulturang ito? Patunayan gamit ang Road Map, Treebone Map, Comparison Alley, H-Chart at iba pang angkop na estratehiya. Treebone Map

Kulturang Pilipino

Kulturang Pilipino

Dapat

Di-dapat

Kulturang Pilipino

Kulturang Pilipino

2. Bakit dapat/di-dapat pahalagahan ang kulturang Pilipinong inilahad sa itinanghal na balagtasan? 3. Ipahayag ang sariling damdamin tungkol sa nabanggit na kulturang Pilipino. Tanungin ang kamag-aral sa naging damdamin din nila sa aralin. Magpalitan ng sagot at bigyan ng kongklusyon kung bakit iyon ang nadama. Maaaring gamitin ang Comparison Chart, H-Chart, o T-Chart,

56

Comparison Chart Sariling Damdamin

Damdamin ng Kamag-aral

4. Bigyan ng sariling pakahulugan ang tungkol sa mga kulturang tinalakay sa aralin gamit ang T-chart, KWL Chart, Flow Chart at iba pang estratehiya. Kultura

_________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________

Kahulugan

_________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________

57

C. Palalimin: Sa bahaging ito, pagtitibayin ang nabuong wastong Kakailanganing Pag-unawa (EU) ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga mapanghamong tanong/gawain upang sila’y magnilay, muling balikan ang mga natutuhan na, muling mag-isip at baguhin ito kung kinakailangan. Ihahanda ng guro ang mga mag-aaral upang mailapat ang kanilang natutuhan sa pagsasagawa ng Inaasahang Produkto/Pagganap sa bahaging Paglalapat. Inaasahang tutugunan ng guro ang pagiging kakaiba ng mga mag-aaral, ang kanilang mga kalakasan at kahinaan sa pamamagitan ng pagtuturong kailangan/angkop sa kaniya. Bigyan din ng pagkakataon ang mag-aaral na mataya nila ang kanilang natutuhan at kakayahan.

Ang mga mag-aaral ay: •

nakapaglalahad ng kulturang Pilipino sa alinmang binasa/narinig/napanood na teksto/artikulo



nakapaghahanay sa pamamagitan ng Tsart, Bubble Map o iba pa ang kulturang nananatili pa, reaksiyon dito, nawala na at ang gagawin upang maibalik ito Kulturang nananatili pa



Reaksiyon

Kulturang nawala na

Gagawin upang manumbalik

nakapagbibigay ng sariling pananw kaugnay ng tanong na: 1. Bilang kabataan, paano mo babaguhin ang iyong sarili upang maiwasan na ang mga suliraning panlipunan o sa sariling lugar na katulad ng suliraning inilahad sa aralin? 2. Magbigay ng mga panukala at iparanggo ang mga ito sa 10 mag-aaral (hindi kaklase) ayon sa panukalang pinakamahalaga para sa kanila. Pagkatapos, bigyan ito ng interpretasyon. (Maaaring ipagamit sa mga mag-aaral ang Pyramid, Line Graph, Pie Graph o Bar Graph upang mas madaling mabigyan ito ng interpretasyon ng mga mag-aaral at magkaroon na rin sila ng kaalaman sa pagkuha at pagkalkula ng datos ngunit bigyan muna sila ng input tungkol dito.

58

5

4

3

2

1

5 Mga Panukala

4 3 2 1 1

2

3 4 Mga Mag-aaral

5

6

7

8

9

10

Tanungin ang ilang kapwa kabataan kung paano naman nila babaguhin ang sarili para sa ikauunlad ng bayan. Iulat sa klase ang kinalabasan ng pagtatanong.

59

D.

Ilapat Sa bahaging ito, aktuwal na isasagawa ng mga mag-aaral ang Inaasahang Produkto/Pagganap bilang patunay na naunawaan niya ang aralin. Muli, balikan ang mga kraytirya sa pagtataya ng nasabing gawain. Ipadama/Ipakita sa mag-aaral ang kahalagahan at kaugnayan ng Inaasahang Produkto/Pagganap sa kanilang sarili at sa pagpapayaman ng kulturang Pilipino. Ang mga mag-aaral ay: (Magbigay ng input ang guro tungkol sa pagtatanghal ng balagtasang Flip Flop at tradisyonal na pagtatanghal.) •

nakapagbabalik-aral/nakapaglalahad ng mga kraytirya sa isasagawang pagtatanghal ng balagtasan



nakapagtatanghal ng balagtasan na sariling likha tungkol sa ilang napapanahong paksa/isyu (kolaboratibong gawain)



nakapagbibigay ng puna o feedback sa mga nagsipagtanghal (Maaarin sinoman sa guro o mga mag-aaral ay magbigay ng feedback .) (Muli, balikan ang Mahahalagang Tanong para sa buong markahan upang matiyak na natamo ng mga mag-aaral ang Kakailanganing Pag-unawa.)

MGA KAKAILANGANING KAGAMITAN: • • • •

Babasahing o Akdang Nagpapakita ng Kultura ng mga Pilipino Mga kraytirya sa pagtatanghal Kasuotan Sipi ng mga estratehiya

60