La Salle Green Hills Mataas na Paaralan Kagawaran ng Filipino

Amerikano – ( Severino Reyes – Walang Sugat. Jose Corazon De Jesus – Isang Punongkahoy. Amado V. Hernandez – Luha ng Buwaya ) c. Hapones – ( Liwayway ...

36 downloads 692 Views 351KB Size
La Salle Green Hills Mataas na Paaralan Kagawaran ng Filipino Balangkas ng Kurso sa Filipino Baitang 8 Taong-Aralan 2016-2017 IKATLONG MARKAHAN I. MGA PAKSA Yunit 1- Panitikan sa Panahon ng Espanyol, Amerikano at Hapon A. Wika 1. Gamit ng mga Bantas 2. Mga Pagbabagong Morpoponemiko 3. Iba’t ibang Uri ng Pagpapahayag B. Panitikan 1. Mga Tanyag na Manunulat sa Panahon ng Espanyol, Amerikano at Hapon a. Espanyol ( Jose Rizal – Noli Me Tangere, El Filibusterismo at sa Aking Mga Kabata Marcelo H. Del Pilar – Caiingat Cayo at Dasalan at Tocsohan Andres Bonifacio – Katapusan Hibik ng Pilipinas at Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ) b. Amerikano – ( Severino Reyes – Walang Sugat Jose Corazon De Jesus – Isang Punongkahoy Amado V. Hernandez – Luha ng Buwaya ) c. Hapones – ( Liwayway Arceo – Titser Gloria Villaraza – Munting Patak-ulan Macario Pineda – Ang Ginto sa Makiling ) 2. Sanaysay- Amerikanisasyon ng Isang Pilipino ni Ponciano B. Pineda) a. Kaligirang Pangkasaysayan b. Uri at Elemento 3. Maikling Kuwento - Impeng Negro ni Rogelio Sicat a. Sangkap b. Elemento 4. Dula (Sa Pula, Sa Puti ni Rogelio Sicat) a. Uri ng Dula 5. Nobela a. Sangkap b. Elemento c. Teoryang Pampanitikan ( Humanismo, Moralismo, Eksistensiyalismo, Historikal ) C. Pagbasa 1. Pag-unawa sa mga pahiwatig at simbolismo 2. Pagtukoy sa mahahalagang detalye ng kuwento 3. Pagtukoy sa sanhi at bunga

D. Sabayang Pagbigkas 1. Kalikasan 2. Mga Dapat Tandaan sa Sabayang Pagbigkas 3. Pagtuturo ng piyesa

II. PARAAN NG PAGTATAYA A. Batayan sa Pagmamarka 1. Class Standing – 70 % (2/3) Mahabang Pagsusulit Tungkulin sa Pagganap Talakayan Maikling Pagsusulit Gawaing Upuan/Takdang-Aralin

= 25% = 25 % = 20 % = 20 % = 10 %

2. Markahang Pagsusulit – 30 % (1/3) B. Maikli at Mahabang Pagsusulit C. Tungkulin sa Pagganap 1. Sabayang pagbigkas Unang Yugto 2. Panunuri ng nobelang Canal de la Reina ni Liwayway A. Arceo 3. Kuharawan

III. MGA PATAKARAN AT HAKBANGIN 1. Markahan, maikli at mahabang pagsusulit lamang ang bibigyan ng make-up. 2. Ang sumusunod na sitwasyon lamang ang bibigyan ng make-up. A. Pinauwi ang mag-aaral dahil may sakit B. Lumahok o dumalo sa mga gawaing pampaaralan o itinaguyod ng paaralan na may paunang pagpapaalam sa kinauukulan o sa guro. C. Liban sa paaralan ng buong araw. 3. Ang make-up ay kinakailangan makuha ng mag-aaral sa loob ng isang linggo sa itinakdang panahon at lugar ng guro sa muli niyang pagbabalik. 4. Kung lumiban ang mga mag-aaral sa klase at may ipinapasang takdang-aralin sa araw na muli niyang pagpasok, bibigyan siya ng palugit para makapagpasa sa susunod na pagkikita ngunit hindi bibigyan ng make up ang mga mag-aaral na mahuhuling dumating sa klase. 5. Nararapat dalhin ng mga mag-aaral ang e-book/aklat sa Filipino sa bawat araw ng pagkikita. Kapag walang dalang libro / tablet ang mag-aaral ay magiging zero siya sa nakatakdang gawain. 6. Lahat ng proyekto at kahingian ay kailangan maipasa bago o sa itinakdang oras ng pagkikita sa Filipino. Walang palugit sa hindi makakapagpasa sa itinakdang panahon. 7. Ang lahat ng mga mag-aaral sa bawat taon ay inaasahang manonood ng mga dula o iba

pang pangkulturang pagtatanghal na itinataguyod ng Kagawaran. Ito ay katumbas ng isang proyekto sa klase. 8. May nakatakdang Consultation Period na gagawin sa bawat markahan. Inaasahan ang pagdalo ng mga mag-aaral. 9. May proyekto ang mga mag-aaral sa Filipino na nangangailangan ng pagsasanay pagkatapos ng klase sa loob ng paaralan. Kinakailangang sumulat ng liham-pahintulot ang mag-aaral sa guro sa Filipino kung magkakaroon ng pagsasanay sa loob ng paaralan pagkatapos ng klase upang sila ay magabayan at makikipag-ugnayan sa pamamagitan ng liham sa mga magulang upang maiayos naman ang transportasyon ng pag-uwi. Hindi magagabayan ng guro sa Filipino ang proyektong may kaakibat na pagsasanay sa loob ng paaralan kung walang liham-pahintulot na may lagda ng mag-aaral at magulang.

IV. MGA KAHINGIAN 1. Kwaderno 2. Sulating Pormal 3. MgaTungkulin sa Pagganap 4. Batayang Aklat o E-book Sanggunian Dayag,Baesa, Julian , Lontoc. Pinagyamang Pluma 8. Phoenix Publishing House, 2015. Inihanda nina: G. Allan Ravalo at G. Sean Quebec