Patakaran ng Kumpanya - Raytheon

7 Okt 2013 ... pag-asang ang mga lider, empleyado, at mga kasosyo sa negosyo ng Raytheon ay mangangasiwa ayon sa aming mga gabay sa halaga ng negosyo,...

7 downloads 639 Views 161KB Size
Numero ng Dokumento:

276-RP fil

Patakaran ng Kumpanya

Epektibong Petsa:

Oktubre 7, 2013

Hindi kontrolado ang mga kopya - Suriin ang Epektibong Petsa Bago Ito Gamitin

Gagamitin para sa:

Legal

Pamagat:

Binigyang awtorisasyon ni:

Senior Vice President – General Counsel at Secretary

1.

Katayuan 1.1

2.

Bagong patakaran.

Layunin 2.1

3.

Laban sa Katiwalian

Ang patakarang ito ay muling nagpapatibay sa pangmatagalang pangako ng Raytheon na tiyakin na ang mga taong nagsasagawa ng pandaigdigang negosyo sa ngalan ng Kumpanya ay ginagawa ito nang may integridad, katapatan, at sa ganap na pagsunod sa mga angkop na batas tulad ng US Foreign Corrupt Practices Act (FCPA) at ng U.K. Bribery Act of 2010 (UK Bribery Act) at sang-ayon sa mga layunin ng mga kumbensyon laban sa katiwalian, kabilang ang Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) Convention on Combating Bribery of Foreign Public Officials in International Business Transactions at ng United Nations Convention Against Corruption. Ang mga patakaran, proseso, at panloob na mga kontrol ng Raytheon ay binuo para itaguyod ang pagsunod at para masansala, matuklasan, at maitama ang mga paglabag. Ang aming programa sa Code of Conduct at Business Ethics and Compliance ay nagbibigay diin sa pag-asang ang mga lider, empleyado, at mga kasosyo sa negosyo ng Raytheon ay mangangasiwa ayon sa aming mga gabay sa halaga ng negosyo, ubod na prinsipyong etikal, mga kaugnayang batas at regulasyon, at mga patakaran at pamamaraan ng Kumpanya. Ang patakarang ito ay nagpapatibay na responsibilidad ng mga namumuno, ng bawat empleyado ng Raytheon, at ng lahat ng mga inupahang kumatawan sa amin na tiyaking ang Kumpanya ay nagsasagawa ng pandaigdigang negosyo ayon sa pinakamataas na pamantayang etikal at sa pagsunod sa lahat ng naaangkop na mga batas.

Pag-aangkop 3.1

Ang patakarang ito ay angkop sa lahat ng mga organisasyon ng kumpanya, kabilang ang mga nasa US at ang mga nasa labas ng US o mga banyagang negosyo ng Kumpanya at mga kontroladong sangay.

3.2

Lahat ng mga Sakop na Tao ay sasailalim sa patakarang ito.

3.3

Ang mga Sakop na Tao na inupahan ng Kumpanya na gumaganap ng anumang papel o tungkulin na nagbibigay ng serbisyo sa Kumpanya o na kumakatawan sa Kumpanya sa mga pampamahalaan o dipampamahalaang organisasyon, mga opisyal, o mga empleyado, kabilang ang mga tagapamagitan tulad ng mga kinatawan sa pagbebenta, mga tagapayo, o mga nagbibigay ng serbisyong pagkaluwagan, ay siyang responsable sa pagpapatupad, sa loob ng kanilang sariling organisasyon, sa mga patakaran, pamamaraan, at mga panloob na kontrol na makatitiyak ng kanilang kakayahang ipakita ang pagsunod sa mga angkop na bahagi ng patakarang ito sa kanilang pagbibigay ng mga serbisyo o iba pang suportang pangnegosyo. Ang mga negosyo ng Kumpanya na umupa sa naturang mga pangatlong partidong Sakop na Tao ay dapat magbigay ng mga kopya ng patakarang ito (at ano pa mang kaugnay na mga patakaran ng Kumpanya) sa naturang mga Sakop na Tao at, sa pagkonsulta sa Opisina ng General Counsel (OGC), tiyakin na ang mga kasunduan ng Kumpanya sa naturang mga pangatlong partidong Sakop na Tao ay may kasamang nakasulat na pagkilala ng pagkakatanggap, mga karapatan sa pagtutuos ng kuwenta, mga sertipikasyon ng ng pagtupad, at edukasyon sa pagtupad ayon sa naaangkop.

Pahina:

1

4.

Mga Kahulugan 4.1

Negosyo – Ang lahat ng mga pagpapatakbo ng Integrated Defense Systems (IDS); Intelligence, Information and Servces (IIS); Missile Systems (MS) at Space and Airborne Systems (SAS).

4.2

Kumpanya – Ang lahat ng mga nagpapatakbong entidad ng Raytheon Company, kabilang ang nasa U.S. at wala sa U.S. o mga banyagang negosyo at kontroladong mga sangay.

4.3

Mga Sakop na Tao – Mga lider, mga empleyado, at mga kasosyo sa negosyo ng Raytheon na nagtatrabaho sa Kumpanya, at tulad ng inilarawan sa Seksyon 3.3 ng patakarang ito, ang mga inupahan ng Raytheon.

4.4

Foreign Corrupt Practices Act (FCPA), bilang nasusugan – Isang batas sa US na nagbabawal ng pagbabayad ng suhol sa mga banyagang opisyal. Kasama sa mga nasasakop na elemento ng FCPA ang pag-aalok o pagbibigay, direkta o hindi direkta, sa pamamagitan ng mga ahente o tagapamagitan, ng "anumang bagay na may halaga," kabilang ang mga ilegal o hindi wastong kortesiyang pangnegosyo, sa mga banyagang opisyal na may kaugnayan sa mga kumpanya sa US na may negosyo sa ibang bansa, para makakuha o mapanatili ang negosyo o makakuha ng anumang hindi tamang bentahe sa negosyo. Kasama rin sa FCPA ang mga probisyon sa accounting na nag-aatas sa mga pampublikong kumpanya sa U.S. na magpanatili ng mga epektibong sistema ng mga panloob na kontrol para masansala at matuklasan ang pagsusuhol (kabilang ang tumpak na mga libro at talaan na nagpapakita ng lahat ng mga transaksyon ng negosyo). Ang FCPA ay nagaatas ng tumpak at malinaw na accounting ng mga pinansyal na transaksyon para hindi maipagkaila o maitago ang mga pagbabayad sa mga banyagang opisyal ng gobyerno sa mga libro at talaan ng kumpanya, at ang mga talaan ay panatiliinsa makatwirang detalye para tumpak at malinaw na maitala ang lahat ng mga transaksyon. Ang paglabag sa FCPA ay maaaring magresulta sa kriminal na kaparusahan kabilang ang pagkabilanggo, mga sibil na multa, at pagbabawal sa pamimili ng pamahalaan. Ang mga parusa para sa mga paglabag sa mga probisyon ng FCPA ukol sa mga libro at talaan ay maaaring maging kasing seryoso sa paglabag sa mga probisyon nitong ukol sa pagsusuhol.

4.5

OECD Convention – Ang Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) Convention on Combating Bribery of Foreign Public Officials in International Business Transactions (1997), na nag-aatas sa mga pumirma nito na magpatibay ng mga batas na ginagawang kriminal ang pagsusuhol sa mga banyagang opisyal. Bilang sa Nobyembre 21, 2012, 40 na estado na ang pumirma sa Convention.

4.6

UK Bribery Act – Isang batas sa United Kingdom na gingawang kriminal ang pagbibigay, pagpapangako, pag-aalok, paghiling, o pagtanggap ng mga suhol pati na rin ang pagsusuhol sa mga banyagang pampublikong opisyal. Ang UK Bribery Act ay lumilikha rin ng isang tiyak na pangnegosyong sala sa pagkukulang na pigilan ang nauugnay na mga tao" ng kumpanya (tulad ng mga empleyado, ahente, mga kasosyo sa negosyo, o mga kinatawan) mula sa pagsusuhol. Higit pa rito, ang Batas ay ginagawang may pananagutan ang mga senior na opisyal ng kumpanya kung sila ay itinuring na mga kasabwat sa anumang mga pagkakasala. Ang UK Bribery Act ay ipinagbabawal ang pagsusuhol sa pribadong sektor pati na rin ang pagsusuhol sa mga banyagang pampublikong opisyal . Tulad ng FCPA, ang Batas ay ang may bisa sa labas ng bansa, na nangangahulugan na ang mga kumpanya na nagsasagawa ng negosyo sa UK at ang kanilang mga empleyado ay maaaring litisin para sa pagkakasala sa labas ng UK.

4.7

United Nations Convention Against Corruption (2000) – Ang mga pumirma sa UN Convention - 167 na mga bansa nanoong Septiyembre 10, 2013, ay sumasang-ayon na magtatag ng mga batas na ginagawang kriminal ang katiwalian kung ang kanilang pambansang batas ay hindi pa ipinagbawal ito, at para makipagtulungan sa paglaban ng katiwalian, kabilang ang pagpigil, pagsisiyasat, at pag-uusig ng mga maysala. Ang mga bansa ay napapailalim sa Convention na magbigay ng tiyak na palitang legal na tulong sa pagtitipon at paglilipat ng mga ebidensya para sa mga pag-uusig.

Numero ng Dokumento:

276-RP fil

Epektibong Petsa:

Oktubre 7, 2013

Pahina:

2

Ng:

8

5.

Patakaran 5.1

5.2

Pangkalahatan 5.1.1

IPatakaran ng Raytheon Company na tiyakin ang pagsunod ng mga pinuno, mga empleyado, at mga Sakop na Tao nito, kabilang ang mga kinatawan, tagapayo at iba pang kinontratang pangatlong partido, sa FCPA, sa UK Bribery Act, at sa lahat ng iba pang may-katuturang mga batas laban sa katiwalian. Ang Kumpanya ay nakikipagkumpitensya batay sa presyo, sa kalidad ng aming mga produkto at serbisyo, at sa mga kakayahan ng aming mga empleyado at mga subkontraktor, hindi batay sa anumang hindi tamang bentahe sa labas ng mga panuntunan na nagtataguyod ng patas na kumpetisyon. Kinikilala ng Kumpanya na ang pagsunod sa patakarang ito ay maaaring mahirap dahil ang katiwalian at ang mga kaugnay na problema nito ay pangkaraniwan, ang mga lokal na kaugalian ay maaaring nakakalito, at ang mga legal na mga pamantayan at patakaran sa pagpapatupad ay nag-iiba. Alinsunod dito, kung minsan, ang mahigpit na pagsunod sa patakarang ito ay maaaring magresulta sa kabawasan sa negosyo. Gayunpaman, kapag may mga ganitong pangyayari,mas mahalagang sumunod sa lahat ng mga may-katuturang batas at protektahan ang reputasyon at integridad ng Kumpanya kaysa makakuha ng negosyo sa pamamagitan ng pagkompromiso sa ating mga pangunahing prinsipyo.

5.1.2

Ang Raytheon ay bumuo ng isang matatag na hanay ng mga patakaran, mga proseso, at mga panloob na kontrol - na inilarawan sa Seksyon 8.2, ng patakarang ito, Iba Pang Mga Kaugnay na Patakaran ng Raytheon, na dinisenyo para matiyak ang pagsunod sa FCPA at sa iba pang mga naaangkop na batas laban sa katiwalian. Ang mga patakaran, mga proseso, at mga panloob na kontrol, kasama ang patakarang ito, ay tinitiyak na ang Raytheon at ang mga empleyado nito ay nakatuon sa pinakamataas na pamantayan ng katapatan at integridad sa pagsasagawa ng pandaigdigang negosyo ng Kumpanya. Ginagabayan ng mga patakaran, mga pamamaraan, at mga kontrol ang mga pagkilos ng mga lider ng Raytheon sa pagtataguyod ng direksyong estratehiko ng Kumpanya at ng lahat ng mga empleyado ng Raytheon sa pagsasagawa ng pandaigdigang negosyo ng Kumpanya. Sa ganitong paraan, ang mga empleyado, mga parokyano, mga ahente, mga tagapayo, mga kinatawan, mga tagatustos, at iba pa, ng Raytheon ay maaaring umasa sa Kumpanya na magsagawa ng pandaigdigang negosyo nito ayon sa pinakamataas na pamantayang etikal at sumunod sa mga batas, regulasyon, at patakaran ng hurisdiksyon kung saan ang nagsasagawa ng negosyo ang Kumpanya.

5.1.3

Nagtataguyod ang Raytheon ng isang bukas na kapaligiran na nagbibigay-daan at naghihikayat sa mga empleyado at sa iba pa na magtanong, ipahiwatig ang kanilang mga alalahanin sa trabaho tungkol sa etika at pagsunod, mag-ulat ng mga paglabag o pinaghihinalaang paglabag sa batas o regulasyon, sa mga patakaran ng Kumpanya, mga pamamaraan o mga panuntunan, o sa Code ng Conduct ng Raytheon.

5.1.4

Ang mga pagsusumikap ng Raytheon laban sa ka ay tuloy-tuloy, at regular na sinusuri at binabago bilang kinakailangan. Ang proseso ay nagsisimula sa maagang pagbuo ng negosyo at nagpapatuloy sa buong itinagal ng anumang proyekto o kaloob. Tungo sa layuning ito, ang Kumpanya ay patuloy na nagsasagawa ng mga sailing pagtatasa ng aming mga patakaran laban sa katiwalian, ng mga pamamaraan, at mga kontrol at pagkatapos ay sinusubaybayan namin ang pagsunod sa mga pamantayang laban sa katiwalian na ito sa pamamagitan ng panloob na proseso ng pag-odit na itinakda sa patakaran ng Raytheon 56-RP, Internal Audit. Bagama’t ang mga empleyado ay dapat umasa sa mga patakaran, mga proseso, at panloob na mga kontrol na inilarawan sa Seksyon 8.2 ng patakarang ito, para sa mga tiyak na gabay, ang mga pangunahing prinsipyo at simulain ng aming patakaran laban sa katiwalian ay itinakda sa ibaba.

Mga Kagandahang-loob sa Negosyo - Ang matibay na relasyon ay mahalaga sa pag-unlad at pagpapanatili ng negosyo. Ang mga kagandahang loob sa negosyo ay paminsan-minsang naaangkop sa pagbuo at pagpapanatili ng mga relasyong pangnegosyo na may mga parokyanong pamahalaan at komersyal. Gayunpaman, kapag nagsasagawa ng negosyo ng Kumpanya, ang mga empleyado ng Raytheon ay dapat na umiwas sa anumang anyo na mapapagkamalang naghahanap ng hindi tamang bentahe sa negosyo, o

Numero ng Dokumento:

276-RP fil

Epektibong Petsa:

Oktubre 7, 2013

Pahina:

3

Ng:

8

anumang masamang ugali, na maaaring magkaroon ng masamang epekto sa reputasyon ng Raytheon. Ang patakaran ng Raytheon 97-RP, Pag-aalok at Pagtanggap ng Kagandahang Loob sa Negosyo, Mga Regalo at Iba pang Pabuya, ay naglalahad sa mga empleyado ng proseso na dapat sundin bago mag-alok, magbigay, o tumanggap ng kagandahang-loob sa negosyo, regalo , o iba pang mga pabuya. Bagama’t may mga tiyak na limitasyon ng dolyar at mga pamamaraan ng pag-apruba na itinakda sa patakarang ito, dapat tiyakin ng lahat ng mga empleyado na ang anumang kagandahang loob sa negosyo ay: (I) katamtaman lang at angkop para sa okasyon, (ii) may matapat na layuning pangnegosyo, at (iii) sumusunod sa lahat ng naaangkop na batas, mga patakaran, at regulasyon. Hindi kailanman pinapayagan na mag-alok o ng kagandahang loob sa negosyo na maaaring makatwirang pakahuluganan bilang isang pagtatangkang makakuha o makapanatili ng isang hindi tamang bentahe sa negosyo o na maaaring makapag-pahiya sa Raytheon o negatibong maapektuhan ang reputasyon nito. 5.3

Pampulitikang aktibidad at mga mapagkawang-gawang kontribusyon - Ang Raytheon ay sumusunod sa mga batas at mga regulasyong pang-etika na naaangkop sa mga paglolobi na gawain at tinitiyak na ang anumang kontribusyon na ibinibigay nito sa mga partidong politikal, mga opisyal, mga kandidato, mga organisasyon, at mga kawanggawa ay para sa isang lehitimong layunin at hindi ito ginagamit para makakuha ng isang hindi tamang bentahe ng negosyo. Ang patakaran ng Raytheon 197-RP, Pag-uulat at Pagbubunyag ng Pederal na Paglolobi na mga Gawain, ay nagtatakda sa aming patakaran sa pagsunod sa paglolobi. Ang patakaran ng Raytheon 117-RP, Mga Kontribusyon na Corporate at sa Pagtutugma sa Regalo, ay nagbibigay ng mga alituntunin para sa pamamahala ng mga kontribusyon at mga regalo at nagtatatag ng isang proseso para tiyakin ang pagsunod sa mga patakaran ng Raytheon 74-RP, Kodigo ng Etikang Pangnegosyo at Pag-uugali at Etikang Pangnegosyo at Programang Pagsunod, at ang 124-RP, Mga kasalungatan ng Interes.

5.4

Mga Third Parties - Ang Raytheon ay madalas na nakikipagtrabaho sa ibang mga partido sa pagsasagawa ng pandaigdigang negosyo nito. Gayunpaman, ang Raytheon ay maaaring managot sa ilalim ng FCPA at iba pang batas laban sa katiwalianhindi lamang para sa mga pagkilos ng mga empleyado nito, pero para na rin sa mga pagkilos ng mga nasabing ibang mga partido Ang Raytheon ay maaaring managot kung alam nito, o dapat na nalaman nito, ang hindi wastong aktibidad sa pamamagitan ng ahente nito, kasosyo, tagapagtustos, kontratista, tagapamagitan, tagapamahagi, muling tagapagbenta, o iba pang mga pangatlong partido at nagkulang itong gumawa ng mga naaangkop na hakbang upang tangkaing maiwasan ang naturing masamang pagkilos . Alinsunod dito, ang Kumpanya ay dapat mag-ingat sa pakikipagtrabaho sa mga pangatlong partido at hindi kailanman dapat tangkain o payagan ang pangatlong partido na magtangkang magpairal ng paguugaling hindi angkop sa patakarang ito. Bago pumasok sa isang kasunduan sa pangatlong partido kung saan may kontrol ang Raytheon, ang Raytheon ay dapat, kung naaangkop, kumuha ng isang pagkilala mula sa pangatlong partido ng kanilang pag-unawa at pagsang-ayon na sumunod sa kanilang mga patakaran laban sa katiwalian at sa Code of Conduct ng Raytheon. Tiyak na paggabay sa pakitungo sa ilang mga pangatlong partido ay matatagpuan sa patakaran ng Raytheon 81-0003-110, at Awtorisasyon at Pagpoproseso ng mga Kasunduan ng Kinatawang Internasyonal at Kasangguni, 21-RP, Gastos ng Kinatawang Internasyonal at Kasangguni, Pag-bid, Accounting at Pagbabayad; 67-RP, International Procurement; 109-RP, International Industrial Cooperation (Offsets); at Supply Chain na dokumento TC 004, Mga Internation al na Tuntunin at Kondisyon sa Pagbili.

5.5

Due Diligence o Pagsusumikap - Patakaran ng Raytheon na gawin ang mga naaangkop due diligence ng lahat ng mga pangatlong partido at mga transaksyon sa bago at sa kabuuan ng relasyong opangnegosyo. Ang Kumpanya ay nagtatag ng detalyadong mga pamamaraan na magbigay ng isang disiplinadong proseso para sa party at due diligence para sa lahat ng mga transaksyon ng negosyo na may isang internasyonal na bahagi. Tulad ng isinasaad sa patakaran ng Raytheon 251-RP, Due Diligence para sa International Parties at Mga Transaksyon, kailangan magkaroon ng due diligence para sa internasyonal na mga ahente at mga kinatawan pati na rin para sa mga internasyonal na transaksyon. Katulad nito, ang patakaran ng Raytheon 67-RP, International Procurement, may detalye sa proseso at mga pamamaraan na dapat sundan sa pagsasagawa ng angkop due diligence sa mga internasyonal na supplier at kontratista. Bilang karagdagan, ang patakaran ng Raytheon 109-RP, International Industrial Cooperation (Offsets), ay nagtatakda ng mga proseso, mga responsibilidad at mga pamamaraan para matugunan ang mga internasyonal Offset na kinakailangan habang sa sumusunod sa mga nalalapat na batas at mga panuntunan. Ang mga patakarang ito ay ang tatlong kritikal na bahagi ng Company-wide International Due Diligence program ng Raytheon, kung saan kasama ang AntiCorruption Due Diligence Guidebook, ay nangangailangan ng pakikipagtulungan sa pagitan ng mga negosyo

Numero ng Dokumento:

276-RP fil

Epektibong Petsa:

Oktubre 7, 2013

Pahina:

4

Ng:

8

at iba't-ibang corporate na tungkulin kabilang ang Supply Chain, Contracts, Compliance, Finance at Legal, upang magbigay ng sapat na panloob na mga kontrol laban sa korupsyon. Ang pundasyon ng due diligence na proseso ng Raytheon ay ang maagang kilalanin ang "red flags" sa at pagkatapos ay tiyakin na ang mga alalahanin na ito ay natugunan - gamit ang tulong ng legal na tagapayo kung naaangkop - para mabawasan ang mga potensyal na mga panganib ng korupsyon. Ang mga resulta ng lahat ng mga pagsusuri ng due diligence ay dokumentado at naitala sa 3D database ng Raytheon, na nagbibigay ng access sa buong kumpanya sa mga resulta ng lahat ng resutla ng pagsusuri ng lahat ng mga empleyado ng Raytheon. 5.6

5.7

Facilitation payments o pagbabayad para sa pasilitasyon 5.6.1

Ang "facilitation payments" ay mga maliit na bayad na naglalayong mapabilis kung hindi man ang nakagawiang pagkilos ng pamahalaan tulad ng pagpoproseso ng visa o work permit o customs clearance. Ang facilitation payments ay hindi kasama ang anumang pangsariling pagkilos tulad ng isang desisyon kung, o sa ilalim ng kung anong mga tuntunin, na aprubahan ang isang permit. Habang ang FCPA ay pinapayagan ang limitadong pagbubukod para sa mga facilitation payments, maraming batas laban sa korupsyon ang hindi. Higit pa rito, ang pagkakaiba sa pagitan ng isang illegal na suhol at ang isang matuwid na facilitation payment ay maaaring lubhang mahirap na matukoy kahit na ng may mga karanasan na tagapayo. Ang Raytheon ay matinding nirerekomendang huwag magbayad ng facilitation payments, at bilang isang lumagda sa Mga Global na Prinsipyo ng Etika ng Negosyo para sa Aerospace and Defense Industry, ang Raytheon ay sumasang-ayon na alisin ang mga facilitation payments. Alinsunod dito, ang facilitation payments ay ipinagbabawal ng patakarang ito at ang anumang mga kahilingan para dito ay dapat agad na iniulat sa OGC.

5.6.2

Ang anumang mga pagbubukod sa patakarang ito ay nangangailangan ng: (1) paunang nakasulat na pag-apruba mula sa OGC pagkatapos ng masusing pag-aaral ng mga naaangkop na batas laban sa korupsyon, at ang mga nakapalibot na mga katotohanan at mga pangyayari, at (2) ng maayos at tumpak na accounting ng pagbabayad sa talaan ng Kumpanya na malinaw na minarkahan ang "facilitation payment."

5.6.3

Ang pagbabawal sa mga facilitation payment ay hindi nilalayon na ilagay ang pisikal na kaligtasan ng mga tao sa panganib. Kung ang sinumang Raytheon na empleyado ay iniharap sa isang sitwasyon na kinasasangkutan ng isang facilitation payment na makatwirang naihaharap sa pisikal na kaligtasan ng tao, ang empleyado ay dapat gumawa ng mga makatwirang hakbang, na tugon sa patakarang ito, at sa mga lokal at sa batas ng US, upang tiyakin ang kaligtasang iyon. Sa sandaling ang Raytheon na empleyado ay maaari nang malutas ang agarang banta sa pisikal na kaligtasan, dapat niyang iulat ang pangyayari sa OGC.

Mga Talaan at Records - Patakaran ng Raytheon na upang gumawa at magpanatili ng mga libro, mga tala, at mga accounts na walang kinikilingan at tumpak na ipinapakita ang mga transaksyon at kaayusan ng mga ariarian ng Kumpanya. Ang lahat ng mga kontrata o mga dokumento ay dapat na tumpak na inilalarawan ang mga transaksyon kung saan nauugnay ang mga ito, at walang mali o nakaliligaw na mga entry ay dapat na ginawa sa mga libro, mga tala, o mga accounts ng Kumpanya para sa anumang kadahilanan. Bilang karagdagan, ang mga pagbabayad na ginawa sa ngalan ng Raytheon ay dapat na magsama ng sapat na dokumentasyon na sumusuporta sa tumpak na paglalarawan sa likas na katangian at layunin ng anumang pagbabayad. Ang pangkalahatang impormasyon sa pagpapanatili ng tumpak na mga talaan ay matatagpuan sa patakaran ng Raytheon 17-RP, Cost Reporting Integrity Standards, habang ang mga detalye sa pagsunod sa mga tukoy na talaan na ito ay matatagpuan sa patakaran ng Raytheon 247-RP, General Ledger Requirements.

Numero ng Dokumento:

276-RP fil

Epektibong Petsa:

Oktubre 7, 2013

Pahina:

5

Ng:

8

6.

7.

8.

5.8

Pagsuway at pandisiplinang aksyon - Ang pagsunod sa patakarang ito ay ipinag-uutos. Ang mga paglabag sa patakarang ito ay maaaring magresulta sa pandisiplinang aksyon hanggang sa at kabilang ang pagkakatanggal ng mga empleyado ng kumpanya, o pagwawakas ng relasyon sa negosyo ng mga third party. Ang paglabag sa batas laban sa korupsyon ay maaari ring iharap ang mga indibidwal sa sibil o kriminal na kaparusahan. Walang mga empleyado na magdurusa ng salungat na kahihinatnan kung tatanggihan nilang magbayad ng suhol o sa kanilang pagsunod sa patakarang ito kahit na ito ay magresulta sa kawalan ng negosyo ng Kumpanya.

5.9

Komunikasyon at Pag-uulat 5.9.1

Habang ang patakarang ito ay nagpapahiwatig sa paggabay na prinsipyo ng programa ng Raytheon laban sa korupsyon, hindi ito nagsisilbi bilang isang komprehensibong patakaran na tinutugunan ang bawat pangyayari na kung saan ang korupsyon ay maaaring mangyari. Ang lahat ng mga empleyado at nasasakop na tao tulad ng inilarawan sa Seksyon 3.3 ng patakarang ito ay hinihikayat na makipagusap nang hayagan at tapat sa OGC o sa Office of Ethics and Compliance (OEC) kung mayroon silang mga katanungan tungkol sa isang partikular na pangyayari na nauugnay sa mga prinsipyo na itinakda sa patakarang ito.

5.9.2

Ang mga empleyado na naniniwala na may mga posibleng paglabag sa pamantayan ng Kumpanya na itinakda sa patakarang ay dapat sumangguni sa OGC o sa OEC. Ang referral ay maaaring gawin nang harapan, sa email o telepono, nang direkta sa isang OGC na abogado o Ethics Officer, nang hindi nagpapakilala o palihim, sa pamamagitan ng “help line” ng Kumpanya sa pamamagitan ng FCPA website. Ang paghihiganti laban sa mga indibidwal na nag-ulat ng mga potensyal na masamang ugali ay ipinagbabawal ng batas, at hindi papayagan ng Raytheon ang anumang laban sa sinumang empleyado na nag-ulat ng potensyal na masamang ugali.

Pagsasanay 6.1

Ang bawat Raytheon Business ay responsable na ang minsanang core anti-corruption training ay nakumpleto ng lahat ng naaangkop na mga empleyado sa loob at labas ng Estados Unidos. Bilang karagdagan sa core anti-corruption training, ang mga negosyo ay hinihikayat na magsagawa ng mga karagdagang pagsasanay sa ibang tungjulin(eg, Finance, Supply Chain, Contracts) ayon sa naaangkop.

6.2

Ang mga mapagkukunan para sa pagbibigay ng parehong core anti-corruption training at anumang karagdagang pagsasanay ay nasa Website ng FCPA o sa pakikipag-ugnay sa OGC o sa Office of Ethics and Compliance.

Pananagutan 7.1

Ang Presidente ng bawat Negosyo ng Kumpanya, lahat ng mga miyembro ng namamahala at mga kopononan ng Kumpanya, at ang lahat ng mga lider ay responsable para sa pagpapatupad at pagsunod sa patakarang ito sa loob ng kani-kanilang mga organisasyon.

7.2

Ang lahat na nasasakop na tao ay responsable para sa pagsunod sa mga probisyon ng patakarang ito.

7.3

Ang Tanggapan ng General Counsel at ng Office of Ethics and Compliance ay magbibigay ng gabay at edukasyon tungkol sa patakarang ito.

Kaugnay na Impormasyon 8.1

Ang Raytheon's Intranet Homepage ay naglalaman ng links sa iba pang mga on-line resources na maaaring ma-access ng mga empleyado para makakuha ng mga patakaran, regulasyon, o mga policies, pati na rin ang kaugnay na forms at pang-edukasyong materyales na may kaugnayan sa kanilang mga trabaho. Ang Business Ethics and Compliance Website ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa gabay ng Raytheon sa negosyo at ng mga etikal na prinsipyo nito, mga corporate na patakaran at pamamaraan, ethics awareness education, compliance education, at sa Business Ethics and Compliance Program ng Kumpanya. Ang mga empleyado at

Numero ng Dokumento:

276-RP fil

Epektibong Petsa:

Oktubre 7, 2013

Pahina:

6

Ng:

8

iba pang mga stakeholders ay ipinag-alam din tungkol sa kung paano makipag-ugnay sa Raytheon Ethics Line at sa Ethics Officers ng Kumpanya. Ang “Desktop Ethics and Compliance Resource Center” ng Kumpanya ay ma-access mula sa site na ito. 8.2

Iba pang Mga nauugnay na Patakaran ng Raytheon Numero ng Dokumento

Pamagat ng Patakaran

3-RP

Paglalakbay, Pulong, Libangan, at Sari-saring gastos

17-RP

Integridad ng Pamantayan sa Pag-uulat

21-RP 24-RP

International Sales Representative at Consultant na mga gastos, Pag-bid, Accounting at Pagbabayad ng Records Management

32-RP

Pagsusuring Panukala at mga kontrata

56-RP

Internal Audit

58-RP

Pagtatrabaho ng Kasalukuyan at Dating empleyado ng gobyerno ng US

63-RP 67-RP

Pag-uulat Pampulitikang ambag, mga bayad, at mga komisyon na kinasasangkutan ng banyagang benta ng Defense Articles / mga serbisyo International Procurement

74-RP

Code of Business Ethics and Conduct and Business Ethics and Compliance Program

93-RP 94-RP

Hiling para sa Wire Transfer - Kabilang ang lahat ng mga US Dollar wires, Foreign Currency wires at Foreign Currency Drafts Mga Pahintulot sa Bank Accounts

96-RP

Paghawak ng mga tseke, pera at barya sa Mga Lokasyon ng Tanggapan ng Raytheon

97-RP

Pag-aalok ng at pagtanggap ng Business Courtesies, Regalo at Iba Pabor

109-RP

International Industrial Cooperation (Offsets)

117-RP

Corporate na Kontribusyon at mga regalo

124-RP

Mga kasalungatan ng Interes

128-RP

Export, Reexport at Import Control

138-RP

Internal Control sa Financial Reporting

156-RP

Purchasing Card Program

197-RP

Federal na Lobbying na aktibidad - Pag-uulat at Pagsisiwalat

215-RP

Corporate Card Program

247-RP

General Ledger Mga Kinakailangan

251-RP

Due Diligence para sa International Parties at Mga Transaksyon

81-0003-110

Authorization at Pagproseso ng International Representative at Kasunduan ng Consultant Banyagang Pambansa at Ikatlong Pambansang hire (draft na nasa proseso)

XX-RP 8.3

Ang iba pang mga patakaran at mga pamamaraan ng Kumpanya, kabilang ang mga susog sa mga kaugnay na mga patakaran at mga pamamaraan na tinutukoy sa itaas, ay maaaring matagpuan sa “Policies, Procedures and Forms” intranet web site ng Kumpanya

8.4

Raytheon's Business Ethics and Compliance Website

8.5

Raytheon’s Legal FCPA Website

Numero ng Dokumento:

276-RP fil

Epektibong Petsa:

Oktubre 7, 2013

Pahina:

7

Ng:

8

8.6

Raytheon’s Code of Conduct

8.7

Desktop Ethics and Compliance Resource Center

Tapos ng Dokumento

Numero ng Dokumento:

276-RP fil

Epektibong Petsa:

Oktubre 7, 2013

Pahina:

8

Ng:

8