Patakaran sa Tulong-Pinansyal at Diskwento para sa mga May

pagiging kwalipikadong makatanggap ng tulong-pinansyal para sa mga .... St. Vincent's HealthCare kung pareho ba ang katangian ng pasyente sa iba pang ...

21 downloads 619 Views 324KB Size
Nagkaroon ng Bisa Noong: 07/2003 Huling Sinuri Noong:

07/2017

Huling Binago Noong:

07/2017

Susunod na Pagsusuri sa: 02/2020 May-ari:

Pam Hess, CFO

Seksyon/Departamento:

Finance

Mga Sanggunian: Naaangkop sa:

St. Vincent’s HealthCare

Patakaran sa Tulong-Pinansyal at Diskwento para sa mga May Insurance o Kulang ang Insurance, 22.18 PATAKARAN: Patakaran ng St. Vincent’s HealthCare (ang “Organisasyon”) na magsiguro ng kasanayang patas sa lahat para sa pagbibigay ng pang-emergency o iba pang medikal na kinakailangang pangangalaga sa mga pasilidad ng Organisasyon. Ang patakarang ito ay partikular na binuo upang matugunan ang pagiging kwalipikadong makatanggap ng tulong-pinansyal para sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong-pinansyal at nakakatanggap ng pangangalaga mula sa Organisasyon. 1. Ang lahat ng tulong-pinansyal ay sumasalamin sa aming pagtataguyod at paggalang sa dignidad ng tao at sa ikabubuti ng lahat, sa aming espesyal na pagpapahalaga at pakikiisa sa mga taong naghihirap at iba pang madaling maapektuhang tao, at sa aming pagsusulong sa pantay-pantay na pamamahagi at pamamahala ng mga mapagkukunan. 2. Naaangkop ang patakarang ito sa lahat ng pang-emergency at iba pang medikal na kinakailangang serbisyo na ibinibigay ng Organisasyon, kabilang ang mga serbisyo ng inuupahang doktor at kalusugan ng pag-iisip na may kaugnayan sa pag-uugali. Hindi naaangkop ang patakarang ito sa mga kasunduan sa pagbabayad para sa mga pamamaraang hindi agarang kinakailangan o iba pang pangangalaga na hindi pang-emergency o hindi medikal na kinakailangan. 3. Ang Listahan ng mga Provider na Saklaw ng Patakaran sa Tulong-Pinansyal ay naglalaman ng listahan ng anumang provider na naghahatid ng pangangalaga sa mga pasilidad ng Organisasyon na tumutukoy sa kung alin ang saklaw o hindi saklaw ng patakaran sa tulong-pinansyal.

MGA KAHULUGAN Para sa Patakarang ito, naaangkop ang mga sumusunod na kahulugan: • •







• •

Tumutukoy ang “501(r)” sa Seksyon 501(r) ng Internal Revenue Code at sa mga regulasyong nakasaad doon. Alinsunod sa pang-emergency o medikal na kinakailangang pangangalaga, tumutukoy ang “Karaniwang Sinisingil na Halaga” o “AGB (Amount Generally Billed)” sa halagang karaniwang sinisingil sa mga indibidwal na may insurance na sumasaklaw sa naturang pangangalaga. Tumutukoy ang “Komunidad” sa limang (5) county ng Northeast Florida kung saan kabilang ang: Duval, Clay, Nassau, St. John’s, at Baker, at sa sampung (10) county ng Southeast Georgia kung saan kabilang ang: Appling, Bacon, Brantley, Camden, Charlton, Coffee, Glynn, Pierce, Ware, at Wayne. Tumutukoy ang “Pang-emergency na Pangangalaga” sa pangangalagang ibinibigay upang gamutin ang isang medikal na kundisyon na may malulubhang sintomas (kabilang ang matinding pananakit) na kung hindi agarang mabibigyan ng medikal na atensyon ay maaaring magresulta sa malalang pinsala sa paggana ng katawan, malubhang dysfunction ng anumang organ o bahagi ng katawan, o malubhang banta sa kalusugan ng indibidwal. Tumutukoy ang “Medikal na Kinakailangang Pangangalaga” sa pangangalagang mapagpapasyahan na medikal na kinakailangan pagkatapos mapagpasyahan bilang kwalipikado ng isang lisensyadong provider. Kung sakaling mapagpasyahan ng nagsusuring doktor na hindi medikal na kinakailangan ang pangangalagang hiniling ng Pasyenteng saklaw ng patakarang ito, dapat ding kumpirmahin ng nag-a-admit o nagre-refer na doktor ang pagpapasyang iyon. Tumutukoy ang “Organisasyon” sa St. Vincent’s HealthCare. Tumutukoy ang “Pasyente” sa mga taong nakakatanggap ng pang-emergency o medikal na kinakailangang pangangalaga sa Organisasyon at sa taong responsable sa pagbabayad para sa pangangalaga ng pasyente.

Ibinibigay na Tulong-Pinansyal Ang tulong-pinansyal na inilalarawan sa seksyong ito ay limitado sa mga Pasyenteng nakatira sa Komunidad: 1. Ang mga Pasyenteng may kita na mas mababa sa o katumbas ng 250% ng Federal Poverty Level (Pederal na Antas ng Kahirapan o “FPL”) ay magiging kwalipikadong makatanggap ng 100% pagkansela para sa kawanggawang pangangalaga sa bahaging iyon ng mga bayarin para sa mga serbisyong sagot ng Pasyente pagkatapos bayaran ng isang insurer, kung mayroon man. 2. Sa pinakamababa, ang mga Pasyenteng may mga kita na mas mataas sa 250% ng FPL ngunit hindi lalampas sa 400% ng FPL ay makakatanggap ng diskwento batay sa sukatan ng buwis sa bahaging iyon ng mga bayarin para sa mga ibinigay na serbisyo na sagot ng Pasyente pagkatapos bayaran ng isang insurer, kung mayroon man. Ang isang Pasyente na kwalipikadong makakuha

ng diskwento sa sukatan ng buwis ay hindi sisingilin nang higit sa mga nakalkulang bayarin na AGB. Ang diskwento sa sukatan ng buwis ay ang mga sumusunod: Ang mga Pasyenteng nasa pagitan ng 251% FPL at 300% FPL ay makakatanggap ng 90% tulong Ang mga Pasyenteng nasa pagitan ng 301% FPL at 350% FPL ay makakatanggap ng 85% tulong Ang mga Pasyenteng nasa pagitan ng 351% FPL at 400% FPL ay makakatanggap ng 80% tulong 3. Ang mga Pasyenteng may mga napatunayang pangangailangang pampinansyal na may kita na mas mataas sa 400% ng FPL ay maaaring maging kwalipikadong maisaalang-alang sa ilalim ng “Pagsusuri sa Kakayahang Magbayad” para makakuha ng diskwento sa kanilang mga bayarin para sa mga serbisyong mula sa Organisasyon batay sa isang aktuwal na pagtatasa sa kakayahan nilang magbayad. Pag-iisipang magbigay ng St. Vincent’s HealthCare ng Medical Indigence para sa mga aplikanteng lalampas sa 400% ng FPL. Kapag lumampas ang kabuuang natitirang medikal na utang sa kabuuang kita ng pamilya sa loob ng nakalipas na taon, magiging kwalipikadong makatanggap ang pasyente ng tulongpinansyal na hindi lalampas sa 90% pagkansela. Ang Pasyenteng kwalipikadong makakuha ng diskwento sa ilalim ng “Pagsusuri sa Kakayahang Magbayad” ay hindi sisingilin nang higit sa nakalkulang bayarin na AGB. 4. Para sa isang Pasyenteng lumalahok sa ilang partikular na plano sa insurance kung saan itinuturing ang Organisasyon na “wala sa network,” maaaring bawasan o tanggihan ng Organisasyon ang tulong-pinansyal na makukuha dapat ng Pasyente batay sa pagsusuri sa impormasyon ng insurance ng Pasyente at iba pang nauugnay na katotohanan at sitwasyon. 5. Ang mga Pasyenteng kwalipikadong makakuha ng 100% kawanggawang pangangalaga ay maaaring singilin ng nominal flat fee na hanggang $20.00 sa bawat serbisyong matatanggap mula sa mga kadalubhasaan ng St. Vincent’s Medical Group. 6. Maaaring pagpasyahan ang kwalipikasyong makatanggap ng tulong-pinansyal kailanman sa cycle ng kita at maaaring kasama rito ang paggamit ng ipinagpapalagay na puntos upang matukoy ang pagiging kwalipikado sa kabila ng hindi pagkumpleto ng aplikante sa isang aplikasyon para sa tulong-pinansyal (“Aplikasyon sa FAP”). 7. Upang matulungan ang mga pasyenteng nangangailangan ng tulong-pinansyal, maaaring gumamit ang St. Vincent’s HealthCare ng third party upang suriin ang impormasyon ng pasyente at matasa ang pinansyal na pangangailangan niya. Gumagamit ang pagsusuring ito ng predictive model na kinikilala ng industriya ng pangangalagang pangkalusugan na batay sa mga database ng pampublikong tala. Gumagamit ang model ng data ng pampublikong tala upang magkalkula ng antas ng socio-economic at pinansyal na kakayahan kung saan kabilang ang mga pagtatantya para sa kita, mga ari-arian, at liquidity. Ang itinakdang panuntunan ng model ay idinisenyo upang matasa ang bawat pasyente ayon sa mga parehong pamantayan at naka-calibrate ito sa mga dati nang pag-apruba sa tulong-

pinansyal para sa Health Ministry. Sa pamamagitan ng predictive model, matatasa ng St. Vincent’s HealthCare kung pareho ba ang katangian ng pasyente sa iba pang pasyenteng dati nang naging kwalipikado para sa tulong-pinansyal sa ilalim ng Aplikasyon sa FAP. 8. Pagkatapos makumpirma ang availability ng saklaw, magbibigay ang predictive model ng sistematikong paraan upang magbigay ng ipinagpapalagay na tulong-pinansyal sa mga pasyenteng may naaangkop na mga pinansyal na pangangailangan. Kapag predictive modeling ang pinagbabatayan para sa ipinagpapalagay na kwalipikasyon, magbibigay ng naaangkop na diskwento batay sa puntos para sa mga kwalipikadong serbisyo para lang sa mga nakalipas nang petsa. Para sa mga pasyenteng hindi mabibigyan ng 100% kawanggawang pangangalaga, mayroon dapat silang matanggap na sulat na nagpapaalam sa pasyente ng tungkol sa antas ng tulong-pinansyal na iginawad at nagbibigay ng mga tagubilin sa kung paano iapela ang pasya. 9. Kung sakaling hindi maging kwalipikado ang isang pasyente alinsunod sa itinakdang panuntunan ng ipinagpapalagay na kwalipikasyon, maaari pa ring maisaalang-alang ang pasyente para sa tulong-pinansyal alinsunod sa aplikasyon sa FAP. 10. Bukod pa sa paggamit ng predictive model na nakasaad sa itaas, dapat ding ibigay ang ipinagpapalagay na tulong-pinansyal sa 100% antas ng kawanggawang pangangalaga sa mga sumusunod na sitwasyon: a) Mga namatay na pasyente na natukoy ng St. Vincent’s HealthCare na walang ari-arian at walang buhay na asawa. b) Mga pasyenteng kwalipikado para sa Medicaid mula sa ibang estado kung saan hindi kalahok na provider at hindi nilalayong maging kalahok na provider ng St. Vincent’s HealthCare. c) Mga Pasyenteng kwalipikado para sa iba pang programa ng tulong ng pamahalaan, gaya ng mga food stamp, pinopondohang pabahay, at Women’s Infants and Children’s Program (WIC). 11. Ang pagiging kwalipikadong makatanggap ng tulong-pinansyal ay dapat na matukoy para sa anumang balanse na sagot ng pasyenteng may pangangailangang pampinansyal. 12. Ang proseso ng pag-apela ng mga Pasyente at mga pamilya sa mga pasya ng isang Organsisasyon tungkol sa pagiging kwalipikadong makatanggap ng tulong-pinansyal ay ganito: a) Maaaring ipadala ang mga Apela sa Tulong-Pinansyal sa mga HOPE Office ng St. Vincent’s HealthCare (nasa ibaba ang mga address). Dapat magbigay ang mga Pasyente ng anumang karagdagang dokumentasyon upang masuportahan ang kanilang dahilan sa pag-apela. Riverside Hope Office 1 Shircliff Way Jacksonville, FL 32204 904-308-1956

Southside Hope Office 4201 Belfort Rd Jacksonville, FL 32216 904-308-1956

Clay County Hope Office 1670 St. Vincent's Way Middleburg, FL 32068 904-308-1956

b) Pag-aaralan ang lahat ng apela ng 100% Charity Care and Financial Assistance Appeals Committee ng St. Vincent’s HealthCare, at ipapadala ang mga desisyon ng komite nang nakasulat sa pasyente o sa pamilyang na naghain sa apela. Iba Pang Tulong para sa mga Pasyenteng Hindi Kwalipikado para sa Tulong-Pinansyal Ang mga Pasyenteng hindi kwalipikadong makatanggap ng tulong-pinansyal, gaya ng inilarawan sa itaas, ay maaari pa ring maging kwalipikado para sa iba pang uri ng tulong na inaalok ng Organisasyon. Upang makumpleto, nakalista rito ang iba pang uri ng tulong, bagama’t hindi batay sa pangangailangan ang mga ito at hindi nilalayong masaklaw ng 501(r) ang mga ito, ngunit isinama ang mga ito rito upang hindi mahirapan ang komunidad na pinagsisilbihan ng St. Vincent’s HealthCare. 1. Ang mga Pasyenteng walang insurance na hindi kwalipikadong makatanggap ng tulong-pinansyal ay bibigyan ng diskwento batay sa diskwentong ibibigay sa may pinakamalaking binabayaran para sa Organisasyong iyon. Dapat sagutin ng may pinakamalaking binabayaran ang hindi bababa sa 3% ng populasyon ng Organisasyon na sinusukat ayon sa dami o kabuuang kita mula sa pasyente. Kung hindi sasagutin ng isang nagbabayad ang pinakamababang antas ng dami na ito, dapat kunin ang average ng mahigit isang kontrata ng nagbabayad hangga’t sasagutin ng mga tuntunin sa pagbabayad na ginagamit para sa pagkuha ng average ang kahit 3% ng dami ng negosyo ng Organisasyon para sa taong iyon. Mga Limitasyon sa mga Bayarin para sa mga Pasyenteng Kwalipikadong Makatanggap ng Tulong-Pinansyal Ang mga Pasyenteng kwalipikadong makatanggap ng Tulong-Pinansyal ay hindi indibidwal na sisingilin nang higit sa AGB para sa pang-emergency at iba pang medikal na kinakailangang pangangalaga at hindi higit sa mga kabuuang bayarin para sa lahat ng iba pang medikal na pangangalaga. Kinakalkula ng Organisasyon ang isa o higit pang porsyento ng AGB gamit ang “look-back” na paraan at kasama ang Medicare fee-for-service at lahat ng pribadong health insurer na nagbabayad ng mga claim sa Organisasyon, alinsunod sa 501(r). Maaaring makakuha ng libreng kopya ng paglalarawan at (mga) porsyento ng pagkalkula ng AGB sa pamamagitan ng pagsulat sa: Riverside Hope Office 1 Shircliff Way Jacksonville, FL 32204

Southside Hope Office 4201 Belfort Rd Jacksonville, FL 32216

Clay County Hope Office 1670 St. Vincent's Way Middleburg, FL 32068

Pag-a-apply para sa Tulong-Pinansyal at Iba Pang Tulong Ang isang Pasyente ay maaaring maging kwalipikadong makatanggap ng tulong-pinansyal sa pamamagitan ng pagiging kwalipikado ayon sa ipinagpapalagay na puntos o kaya ay pag-a-apply para sa tulong-pinansyal sa pamamagitan ng pagsusumite ng sinagutang Aplikasyon sa FAP. Maaaring hindi bigyan ang Pasyente ng tulong-pinansyal kung magbibigay ang Pasyente ng hindi totoong impormasyon sa isang Aplikasyon sa FAP o kaugnay ng proseso sa kwalipikasyon ayon sa ipinagpapalagay na puntos. Ang Aplikasyon sa FAP at mga Tagubilin para sa Aplikasyon sa FAP ay

available sa https://www.jaxhealth.com/patients-visitors/Financial-Assistance-Programs/ o sa pamamagitan ng pagsulat sa: Riverside Hope Office 1 Shircliff Way Jacksonville, FL 32204

Southside Hope Office 4201 Belfort Rd Jacksonville, FL 32216

Clay County Hope Office 1670 St. Vincent's Way Middleburg, FL 32068

Kinakailangang makipagtulungan ng mga pasyente sa isang pinansyal na tagapayo at mag-apply para sa Medicaid o iba pang programa ng pampublikong tulong upang maging kwalipikado para sa 100% kawanggawang pangangalaga. Kung sakaling hindi ganap na makasunod ang isang pasyente sa Medicaid o iba pang programa ng pampublikong tulong, maaari siyang tanggihan para sa kawanggawang pangangalaga. Paniningil at Pangongolekta Ang mga hakbang na maaaring gawin ng Organisasyon kung sakaling hindi magbayad ay inilalarawan sa isang hiwalay na patakaran sa paniningil at pangongolekta. Maaaring makakuha ng libreng kopya ng patakaran sa paniningil at pangongolekta sa pamamagitan ng pagsulat sa: Riverside Hope Office 1 Shircliff Way Jacksonville, FL 32204

Southside Hope Office 4201 Belfort Rd Jacksonville, FL 32216

Clay County Hope Office 1670 St. Vincent's Way Middleburg, FL 32068

Pagpapaliwanag Layunin ng patakarang ito na sumunod sa 501(r), maliban kapag partikular na nakasaad. Ang patakarang ito, kasama ng lahat ng naaangkop na pamamaraan, ay dapat na ipakahulugan at gamitin alinsunod sa 501(r) maliban kapag partikular na nakasaad.

MGA KAUGNAY NA DOKUMENTO: Exhibit A - Listahan ng mga Provider na Saklaw ng Patakaran sa Tulong-Pinansyal Exhibit B - Pagkalkula sa Karaniwang Sinisingil na Halaga (Amount Generally Billed)