Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the Turnover of the

Oct 2, 2017 ... At balang araw sana bigyan ka ng Maykapal, ni Allah, ng kung anumang karapat -dapat sa iyo, mabigay sa iyo. Maybe a special place in h...

17 downloads 495 Views 152KB Size
Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the Turnover of the Bahay Pag-asa Project [Delivered in Marawi City, Lanao del Sur | 02 October 2017]

Dalawang pages lang kasi ito, tatlong pages lang ang speech ko but I want to say more. First, I’d like to thank the benefactors and the workers of government behind this noble project. And it pains me deeply to see the place now in shambles for… I would be --- one of the recipients of the rehabilitation of Marawi. You know very well that my grandmother is from Lanao del Sur. But she grew up in Iligan. And my grandfather, on the Chinese side, ang lolo ko. Lam. So ganun na lang ang kaligayahan ko sa mga tao sa… kay Isabel pati kay Aiza, Suntay, Cojuangco, at sa mga kababayan natin, lahat. Ang nagtatrabaho sa gobyerno, Philippine Army and the… But of course everybody, the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police at ang mga tauhan ko. Marami pong salamat sa inyo. [applause] I cannot find the appropriate word but deeply as descendant of a woman from this place, I --- malalim ang sentimento ko diyan. Though I do not live here, I did not grow up here but that’s how it is. My lineage would tell me that I have to thank you from the bottom of my heart. [applause] And I am designating only one person kasi ganun ang style ngayon. I will not give it to a committee. Isang tao lang because then he is the Secretary of the Housing already. So I will put the task, siya ‘yung overall commander, si retired General Ed Del Rosario. [applause] I know him. He’s a very good man, very honest. He was the Task Force Davao Commander noong unang panahon. And a lot of them also dumaan diyan and even General Año but he was assigned in North Davao. Magkakilala na po kami. And four of the guys dito sa taas nakilala ko dahil na-assign sa Mindanao.

Ngayon, tayong mga workers in government, we will continue, especially the engineering brigade. Talagang salamat sa pagod ninyo. I know that it is a toil, an endless toil. But to provide a shelter for your [inaudible]. Kaya ho ako masyadong kaligaya ko na lang nung makita ko si Aiza pati si Isabel because they are the ones going around the country looking to help for people who need help. It purely comes from the liberality of the heart. Liberal ang tingin nila sa --- charitable ang spirit. Pambihira kang makakita ng ganun. ‘Yung iba for the sake of, sometimes sabihin nila, “Sige, mag-donate kami.” But ito sila, they do not only donate their money, they donate their toil and sweat to help their fellowmen. Kaya kaming mga Maranao, nagpapasalamat sa iyo for a… At balang araw sana bigyan ka ng Maykapal, ni Allah, ng kung anumang karapat-dapat sa iyo, mabigay sa iyo. Maybe a special place in heaven. Kayong mga kadugo kong Maranao, hindi namin gusto ‘to. Hindi gusto ito ng gobyerno. Our soldiers hate killing or wounding people. Hindi ganon ang Pilipino. Kita mo, maski na nagkagulo-gulo na, they find time to rebuild at least all --- maski na token lang to show their efforts. That to me is enough.

And I have a very special heart for the Armed Forces of the Philippines and the National Police in their role now against the --- lahat na marami tayong problema. We are facing so many fronts. And even the NPA sa… If you read the briefer, my briefer everyday, there are at least about 12 incidents na encounter -- or more than, more than. Even now, as I am talking here in front of you, the countryside is a battlefield, and the ones responsible for that are really the NPAs. We will deal with them in due time. Sana ho naman, maintindihan niyong mga Maranao na magpalayo tayo sa mga terorista. It will give us nothing except trouble. It is an imported ideology from the Middle East. Tignan ho ninyo ngayon, mga kapatid ko na mga Moro. Tignan ninyo ngayon ano ang nangyari sa Middle East. It used to be the center of civilization for so many years. All the golden things that in the past were there. Ngayon, wala na pulpog na. And only because of a terrorist activity. Walang ginawa ‘yan kung ‘di pumatay at magpakamatay. At ‘yan ‘yung sabi nilang sloganeering na para kunwari matakot tayo na pupunta sila dito para magpakamatay na martyr. Eh kami sa gobyerno, pumupunta rin kami dito para magpakamatay sa bayan. O ‘di pareho lang tayong lahat. Eh kung patayan lang, handa naman tayo. Sabi nila, in a corrupt and a slanderous manner, taking the name of God in vain. So pagka pumatay ka ng tao, ginulgol mo ang tao tapos titingin ka sa -- maghingi ka ng ano. For what? For your brutality and cruelty? Ang gobyerno, hindi ganun. We… Dumudugo ‘yung puso namin. We cannot wage a war against our own people. So sana, there will be enough and we will promise to rebuild a more beautiful city. At saka in the coming days, magpalayo na ho kayo diyan sa… Go far from the ‘yang terorismo na ‘yan. Walang mangyari ‘yan sa atin. You know it’s a… Accepted ko na ‘yan. And this has been a historical injustice kaya tayo nag-uusap ng MI, MN because they will be moderate. Nakikipag-away nga sila sa extremists eh. Kasi walang maibigay. Ngayon, ang sabi ang solusyon, federal. It is now in Congress. And I was assured by the Speaker in the House of Representatives, si Alvarez, and the Senate that they will pass the BBL. So with that commitment from the national Congress, let us just wait. Ako naman, implementation. If there is a law now and we are authorized to rebuild the structure from one of --- for the elitist to a federal type na medyo equal ang distribution para sa lahat ng Pilipino. Ke Tausug ka, Maranao, Bisaya, Waray, that federal system will cure the defect provided makalusot tayo. Kaya ang ayaw diyan ‘yung mga elitista. Sabi ko nga sa inyo, ‘wag na lang mamolitika. ‘Yung Mile Long na ‘yan na kinuha ng mga mayaman, maibalik kaya --- maibalik kaya 'yan sa atin, sa tao, kung iba ang naging presidente? So but they are now starting to pay. Sabi ko sa kanila, kolektahin mo because that is money of the people. Now ngayon kung makinig kayo, give me time. Give me time because ‘yang sinasabi nilang… I will announce it. Sabi ko nga eh, mag-resign na lang kami ni Justice Sereno. Eh kami ‘yung nagpo-problema sa Pilipino. Si Ombudsman, ako raw may billions. O ‘di mag-sign kami, dalhin namin ang bank book namin.

In Congress, doon bigyan kaming lamesa, kaming tatlo mag-sign and we show our bank. Ako, sabi ko sa inyo, it could not be more than 40 million. It is a lifetime savings. 72 ako, started to work when I was 27 naging prosecutor. Pati na ‘yun, kasali na ang minana kong mga lupa sa tatay ko. I said, “You can shoot me.” You can overthrow me if you want pagka sumobra ako doon. Pero hindi ko sila pagbigyan. Kaya ang gamble ko ganun. Sinadya ko ‘yan. Talagang pinahinog ko para makita ko kung sino. O ngayon, binabandera ni --- billions, billions. Kasi kada araw ina-add ‘yung negosyo na pumapasok, same basic amount plus dagdag 'yung sales mo noong araw na 'yon. Sabi ko nga sa AMLC noon pa eh, kung money laundering, bitawan ninyo. Pero kung sabihin mo galing sa akin, gawin akong uto-uto. Pero kung mag-resign itong dalawa, sabay kami. And I will resign as President of the Philippines, walang problema ‘yan. Palabasin natin ‘yung totoo. Ang gusto ko lang naman lumabas ‘yung totoo eh, kung sino talaga ang magnanakaw at sino ‘yung nagnegosyo sa gobyerno. “I assure you,” I said. I’ve been mayor for 23 years… I’ve never been --- Wala ako diyan sa corruption. Kaya ito, hamon na ito. Eh kung gusto mo talaga ‘yung totoo lumabas, punta tayo doon sa Congress, ako dalhin ko ‘yung sinasabi nila na account. Kasi inilabas nila in violation of --- illegally obtained. Pinindot lang nila doon tapos paglabas pinlus (plus), plus, plus, plus nila araw-araw. ‘Yung time deposit good for 30 days tapos i-ano mo, i-renew mo, every renewal added ‘yan. So talagang aabot ng bilyon. Sabi nga ng AMLC, wala silang authority. Wala silang authority ibinigay para ilabas. Wala pa sila nagmeeting. Eh nandito na ito sa Carpio who is the --- ang tatay niyan, father-in-law ng anak ko. Sabi ko, “You resign now. ‘Pag hindi huhubaran kita.” Karami diyan. Naalala mo ‘yung pulis nagpakamatay sa Luneta? Anong sinabi niya? Hiningian siya ng pera, wala siyang maibigay kaya finilan (file) siya ng kaso. Naalaala ninyo ‘yung finance officer na extortion? Hindi naibigay, finilan (file) ng kaso. Siya ngayon nagfile naman because of extortion and bribery. Sabi niya, “Hindi man totoo at saka wala man akong perang ganun.” He was --- ‘yung counter-charge niya na-dismiss. Ganun kaloko-loko ‘yung mga Ombudsman diyan. Sabi ko, “There will…" Darating ang araw. I don’t know. Hindi ko malaman. Pero ako, I am not asking for any loyalty. Hayaan mo akong mag-isa. If I resign, I resign. Pero hindi ako maghingi ng tulong. Gusto ko lang palabasin ‘yung totoo. Ilabas lahat ‘yung mga kaso na dinismiss ninyo dahil sa bayad. Kasi ang mga walang pera, tinamaan talaga.

So ‘yan ang gusto ko. Labas lang ang lahat. Ilabas… I promised you now, in front of the soldiers and everybody, I will produce that account. At sinasabi ko sa inyo, you can shoot me if it exceeds 40 million. Lifetime na ‘yan sa savings ko. Hindi sosobra diyan. Sigurado ako. Pero gusto ko, para mawala itong dalawa, magsabay sila sa akin. Then we will have a better country maybe. Kung ayaw nila ako, ‘yung yellow, eh ‘di ‘wag. Ayaw, o sige. Hinto na tayo ng gulo, pero resign tayo para ang Pilipinas makapaghanap ng bagong leader. That is my challenge to everybody in government. Sino pang gusto magpaka-linis diyan? Sabay tayo, buksan natin lahat ang libro. Para walang masabi ang tao at malaman ng Pilipino kung sino ‘yung magnanakaw at sino ‘yung hindi. Simple as that. I am sorry to bring this up because I am reiterating my call because of the media. I am reiterating my demand that si Carpio resigns, because they use ‘yung papel na evidence. It’s AMLC. The… ‘Yung Money Laundering Council could only issue. Kinuha nila, pinindot doon tapos in-add nang in-add. ‘Yun ang ginawa nila kay Corona. ‘Yun ang ginawa nila kay Corona. But Corona was not given a chance really to --- ginawa nila kay Corona ‘yun at sa iba. Pati ‘yung mga, ‘yung nasabit na mga sundalo karami. Magtanong kayo ng sundalo o pulis, na ‘yung kaso nila bayad. Nung akong mayor sa Davao, 28 officers, dismissal. Sila Bato, sila si Moreno, lahat. Lahat ‘yang mga ano na ‘yan --- si Aaron Aquino --- dismissed. Saan sila kumuha ng pera? Eh ‘di ako ang sumalo. Saan ‘yung pera? ‘Di naman nagamit ng gobyerno. ‘Di napirmahan. Nanghingi ako ng contribution sa... ‘Yung nagbibigay ng contribution ngayon sa eleksyon ko, nakita mo man ang mga tao nagdo-donate. ‘Yan ang problema ngayon. So I will not obey the Ombudsman because he is corrupt. And she is holding illegally obtained evidence. Hindi nila magamit sa korte ‘yan. Ninakaw eh ng isang babae na kabit ng colonel. Diyan. Alam ninyo kung sino ‘yan. Anak ‘yan siya, pinasok nila diyan, kabit siya ni… Alam ninyo 'yan kung sino. Magtanong kayo kung sino. Kaya sabi ko, maglabas tayong tatlo, ‘pag hindi ito magka l**** l****, then let the military and the police decide. There is always the Constitution, ‘di sundin ninyo. Pero mag-resign muna si Carpio, because he is corrupt. At humahawak ng ebidensya na kinuha nila na walang permiso sa AMLC, illegally obtained. You cannot --- baka kayo, balang araw ma-summon, huwag kayong magbigay kasi there must be a pending case in court. Bago makakuha ang court, magsabi na, “Ilabas mo ‘yan.” Only a pending case --maski ang Ombudsman, makahingi. But in connection with a pending case, ang ruling niyan, panahon ni Desierto, military ‘yun. Marquez vs Desierto. Kaya kung subpoenahan ko ‘yang mga generals ganun. Ang sabi, AMLC, AMLC? P*****i** mo, huwag mo kong lokohin. Sabi ni Duterte. Then you point out ‘yung Marquez vs Desierto. Pending case. Kailangan may kaso. ‘Pag may kaso lang, ang korte na ang magsabi, "i-release mo ‘yan". Upon the motion of the Ombudsman, maghingi ng permiso sa court may order.

Pero ‘yung nakawin mo, tapos i-add-add mo everyday, the --- ‘yung statement ng labas ng… Huwag kayong… Lalo ang rebelde ang dadami diyan. Ako, ayoko talaga. Kaya magkaroon tayo ng crisis sa Constitution. Ipakita ko sa inyo ‘yung AMLC, sabi nila wala silang ibinigay na… Then ipakita ko sa inyo paano nila add, add, add on, add on, add on. ‘Yun ang ginawa nila kay Desierto, kawawa ‘yung tao. After that, namatay. Ah, Corona. Desierto? Buhay pa si Desierto? ‘Yun ang first Ombudsman eh. Military. I was under Desierto. Kasi Tanodbayan ano ako eh private --- ah special prosecutor ako eh. Aside from being a fiscal, I was taken in by Desierto as a special prosecutor of the Tanodbayan. Wala pa ‘yang Ombudsman. Balang araw, kasi maraming --- almost everybody diyan. Alam mo kasi sa Ombudsman, a mere publication, su-subpoenahan kayo. Military pati police nila? Publication lang. Totoo ‘yan. Bantayan ninyo 'yan. Publication. Maski walang tao. Basta it is said that… Kaya this has to stop. Ako, mahal ko ang bayan ko. I will not… Tignan ko na sisirain nitong mga y*** na ito. Naging ano eh. Halos ano… madali sila… Tignan mo ‘yung mga left. Kung anong pinagsasabi. Noong nag-uusap kami, itong mga Komunista… o-okay. Sabi ko noon, mayor ako, pwede akong makipaghalubilo. Eh ngayong naging Presidente ako, ang tingin nila sa akin, ganon rin inaapura ako. Sabi ko, ah… O walang pwesto. Sabi nila, “Sige, demonstrate, demonstrate.” T***i**. Sison na ‘yan. Tanda-tanda na eh. Anong ginagawa? Extortion. Countryside. Ang pinaka pag-asa ng Pilipino, may manufacturing sa agriculture doon na mismo. Kung ito taniman mo ng puro rubber, kailangan ang factory, dito na. Huwag mo nang ikarga ng truck, dalhin mo pa kung saan. ‘Yan ang agricultural… Eh kaso, ang mga pumasok ng --- Intsik eh. Ngayon, sinusunog na naman ang equipment. The Chinese are there, hindi ‘yung Chinese natin --China. Nandiyan na, may capital na. Ngayon pinapaputok nila eh, hinihingian ng pera. We have to finish this fight. Ako ha. Medyo tatagal ako ng kaunti. ‘Pag hindi ako binaril sa likod. [laughter] Hindi, pero tatapusin talaga natin ‘to, ma’am, because, kung hindi… Alam mo, alam mo, kung hindi natin tatapusin ito, ibigay natin sa mga anak natin. Pati ‘yang droga. Ako na ang mag-sakripisyo diyan, magpakulong. ‘Di ba sinabi ko sa inyo, ‘yang sa drugs, akin ‘yan. Akin lahat ng kasalanan diyan. Huwag lang ‘yung murder na ano. Pero ‘yung engkwentro, ganon, akin ‘yan. Kaya ito ha. Matatapos na ko. Ang sabi na ang pulis si Albuera mayor sinalvage daw. Sabi ko, sabi ko sa pulis, “Anong nangyari?” “Eh sir, lumaban, sir.” Sabi ko, “May baril?” “Oo, sir, may baril." ‘Di ko alam kung paano umabot ‘yung baril niya. Ito ngayong mga ibang preso, nagtanong, “Anong nangyari?” “Eh binigyan nila ng baril.” Itong mga Human Rights, gusto nila, I will join them in condemning the police. G*** ba kayo? Ang pulis, under ko, ako ang nag-utos ng… Bakit ako maniwala diyan sa presong p*****i** ‘yan? Kaya nandiyan siya sa presuhan kay bakakun. Ang sabi ko, “Eh dito ako maniwala sa version sa police.” Okay. Sabi ko kay Aguirre, kasama namin sa Cabinet, “Sige, imbestigahan mo.” Sabi niya, “Mukhang murder eh.” Ayan nandiyan si Delfin. “O sige, try mo. Murder. Walay problema.” Tapos imbestigahan. Nahulog pa tuloy sa homicide. Sige. Tapos korte, sabi ko, “Bilisan natin. O tapos na kayo? Imbestigasyon. Trial. Tapos, sa korte sentensyado, life sentence. O ano pang proseso naiwan diyan sa gobyerno?” Ako, Presidente. O, masama ito. Basahin ko ‘yung Constitution. Isang sentence lang ‘yan eh. “The President shall have the power to pardon a criminal, conditional or absolute.”

Conditional or absolute. O, “Or to grant amnesty,” ‘pag ka ‘yung army-army. “To grant amnesty with the concurrence of Congress na ‘yan. Ang nangyari kay Robin, nahuli siya ng illegal possession. President Ramos pinalabas siya, pardon. Pero ang civil and political rights niya hindi isinauli sa kanya. Hindi siya makaboto, hindi siya makalabas ganyan. So nung ako na, wala naman sinabi na “’Wag mong i-pardon ‘yung kaibigan mo, ‘wag mong i-pardon ‘yung kalaban mo.” Usually diyan ‘yung may mga sakit pati ‘yung mamamatay na. Eh sabi ko... Pati komunista. 83 years old, palabasin mo na ‘yan. Mabaho na ‘yan diyan. Labas ‘yan lahat ‘yung matatanda. ‘Yung kay Robin naman. Hindi siya… [Maka-travel ka na ba?] [Robin Padilla: Ngayon po. Salamat po] Hindi siya maka-apply ng visa. Pinardon ko siya. Pardon ko na ganun. Restored ka sa full. Makaboto ka na. Lahat na parang walang kasalanan. At makadagdag ka ng… makadagdag ka na ng lima pa. [laughter] [Robin Padilla: Apat lang po, apat lang] Eh kasi, Muslim ka man. Ang Muslim, apat. Malaman mo ‘pag Kristiyanos ang g***, kay anim, pito. [laughter] So ganun lang, just to make --- mapatawa kayo. Pero ‘yan ang sitwasyon ng Pilipino. Hindi ako magsurrender diyan. Corrupt eh. Bakit ako magpa-imbestiga ng corrupt eh ‘yung papel illegally obtained? Huhulihin ko kayo. Hindi ko sabihing maghuli na dahil ano, martial law? You committed a crime falsification and nagnakaw kayo ng evidence doon sa Central Bank. Pinindot ng babae doon. Binigay doon sa lover niya. Binigay doon kay Carandang. Naghugas naman kamay ngayon. Kasi inutusan daw sabi niya. Kaya ako ko sabi ko, related tayo kay --- because of affinity. So sabi ko, either you resign or magkagulo tayo. Kalkalin ko lahat ‘yan. [inaudible] ako ng commission lahat pati ‘yung mga sundalo pati mga pulis. Hindi ko kayo binibigyan ng simpatya kasi kayo nandito eh. Sabihin ko sa inyo. Lalo na ‘yung pulis, kawawa. Hingian ng pera, hindi makabigay. Gumanun ‘yung ulo. Finilan (file) siya ng kaso, nagwala. O ‘yun, sinakyan ‘yung Chinese tourist. Ano ang problema niya? Ombudsman. So ‘yan ‘yan. Ako patawarin ninyo ako, whether you agree with me or not. Pa-resignin ko talaga. Hubaran ko ‘yan si… ‘Di pwede ‘yang ganun na sige na lang kayong hingi. Imbestigahan ninyo ang wala na sa korte. Kayokayo na lang diyan. Tapos sinusuportahan kayo ng left. Pa-demonstrate, de --- corruption. Anong corruption? Kayo lang ‘yang hangal sa pera.

Magtanong kayo ngayon. Ako ho ha. Sweldo lang. Hindi ako pumipirma ng allowance. Hindi ako pumipirma ng meal allowance. Hindi ako pumipirma ng ---- sweldo lang para walang… Puro sweldo lang, hanggang sweldo lang ako. Wala akong ni piso na… ‘Pag start ko, 47,000 lang ang sweldo ko. Sino bang hindi magwala niyan? Tapos ganunin ko. Sabagay ngayon, 100,000 na. Eh dalawa ‘yung asawa ko, tig-50-50. Ako wala. [laughter] Mahirap ‘yan. ‘Yung totoo man. Si Robin nga apat. Ako dalawa. So ganun na lang ho. Maraming salamat at mahal ko ang mga sundalo ko. [applause] Next year, January doblado na lahat sweldo ninyo. [applause] Hindi ako nagpa-uto-uto ha kay uto-utoin ko kayo. Ano ‘yung pinangako ko kasi…? O tingnan mo. Anong sabi nila? Bakit sundalo ang unahin mo? Bakit hindi? P*** i** niyan ang nagpapakamatay ang mga pulis. Sige, basta maghintay lang kayo. Christmas may maibigay man ako sa inyo konti. [applause] Alam mo sinong mayaman diyan? Mga generals. Kay lalaki ng sweldo, ‘di doblado. ‘Yung hindi… ‘Yung girlfriend niya na hinahatid lang niya noon, ngayon isama na niya sa bahay kay pwede na. Ako, ako wala akong increase. Totoo.

--- END ---