FILIPINO 5 Ikaapat naMarkahan Gawain Blg. 1 Uri ng Gawain:Pagtatala ng konsepto/ Pagtukoy sa Pang-uri at Pang-abay/OP Paksang Aralin: Pagkakaiba ng Pang-uri at Pang- abay Inaasahan sa Pagkatuto: - Natutukoy ang pagkakaiba ng pang-uri sa pang-abay - Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga salitang panlarawan. - Nakikilatis ang mga salitang naglalarawan kung ito ay pang-uri o pang-abay. - Nagagamit ang angkop na mga salitang naglalarawan sa pangungusap. Sanggunian May-akda Pahina
: Bukal 5/Pluma 5 : Liza M. Lemi/Ailene B. Julian : 215-217/352- 353
Pangunahing Konsepto
:
Ang pang-uri at ang pang-abay ay parehong naglalarawan o nagbibigay –turing sa mga salita ngunit ang mga ito ay nagkakaiba dahil sa bahagi ng pananalitang kanilang tinuturingan. Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip samantalang ang pang-abay ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Hal. Pang-uri Malambing ang kapatid kong bunso. Siya ay maalalahanin. Hal. Pang-abay Malumanay magsalita si Aling Merlie. pang-abay pandiwa (inilalarawan ang pandiwang magsalita) Tunay na maamo ang aso. pang-abay pang-uri (inilalarawan ng pang-abay na tunay ang pang-uring maamo) Totoong masarap mag-alaga ng isda pang-abay pang-abay pandiwa sa aquarium. ( inilalarawan ng totoo ang kapwa pang-abay na masarap)
FILIPINO 5 Ikaapat na Markahan Gawain Blg. 2 Uri ng Gawain: Pagtukoy sa mga uri ng pang-abay/pagsusuri sa mga pangungusap/ pagbuo ng isang kwento Paksang Aralin: Uri ng Pang-abay Inaasahan sa Pagkatuto: - Natutukoy ang iba’t ibang uri ng pang-abay - Nasusuri ang mga pangungusap at natutukoy ang mga pang-abay na ginamit sa pangungusap. - Nakasusulat ng isang kwento at nagagamit ang pang-abay sa pagsulat. Sanggunian : Bukal 5/Pluma 5 May-akda : Liza M. Lemi/ Ailene B. Julian Pahina : 225-228/ 365-367 Pangunahing Konsepto
:
Ang pang-abay ay may iba’t ibang uri: 1. Pang- abay na Pamaraan – ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap at magaganap ang kilos na sinasabi ng pandiwa. Sumasagot sa tanong na paano. Hal. Mabilisna inayos ng magsasaka ang mga buto. Inilagay niya nang matiyaga ang mga buto sa isang lalagyan. 2. Pang-abay na Pamanahon–ito ay nagsasabi kung kailan naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na sinasabi ng pandiwa. Sumasagot sa tanong na kailan. Hal. Magtatanim siya mamaya. Araw – araw niyang dinidilig ang mga halaman. 3. Pang-abay na Panlunan – ito ay nagsasabi kung saan naganap, nagaganap at magaganap ang kilos na sinasabi ng pandiwa. Ito ay sumasagot sa tanong na saan. Hal. Inilagay niya ang mga buto sa isang sako. Sumakay siya sa kanyang kariton. 4. Pang-abay na Panggaano – pang-abay na nagsasaad ng timbang o sukat ng isang pandiwa. Hal. Tumagal nang anim na oras ang palatuntunan bilang parangal. Tumaas nang isang libra ang kanyang timbang.
FILIPINO 5 Ikaapat naMarkahan Gawain Blg. 3 Uri ng Gawain: Pagtatala ng Konsepto Paksang Aralin: Iba pang Uri ng Pang-abay Inaasahansa Pagkatuto: - Natutukoy ang iba pang uri ng pang-abay - Nagagamit ang mga pang-abay sa pagbuo ng Pangungusap - Nasusuri ang pagkakaiba ng gamit ng bawat uri Sanggunian : Bukal 5/Pluma 5 May-akda : Liza M. Lemi Pahina : 236-238/ 392 Pangunahing Konsepto
:
Ang pang-abay ay mga salitang naglalarawan sa pandiwa Iba pang uri ng pang-abay: 1. Panang-ayon- ito ang mga pang-abay na nagsasaad ng pagsang-ayon o mga katagang katumbas ng pagtango kung tinatanggap, pinapayagan, o pinatitibayan ang pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Hal. Talagang malinis sa aming bayan. (sumasang-ayaon sa pang-uring malinis) 2. Pananggi – mga pang-abay na nagsasaad ng pagsalungat, pagtanggi, o pagbabawal sa sinasabi ng pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Hal.Ayaw niyang maghiwalay ng mga basura. (Sumasalungat sa pandiwang maghiwalay) 3. Pang-agam – mga pang-abay na nagsasaad ng pag-aalinlangan o di-katiyakan sa sinasabi ng pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay Hal.Tila matagal bumaba ang tubig-baha. (nag-aalinlangan sa pang-abay na matagal)
FILIPINO 5 Ikaapat naMarkahan Gawain Blg. 4 Uri ng Gawain: Pagbasa sa kwento/Pagkilala sa katangian ng mga tauhan/Pagpapalawak ng talasalitaan Paksang Aralin: Kwento: Ang Bayaning Aso Inaasahan sa Pagkatuto: - Nababasa ang kwento nang may kasiglahan - Naibibigay ang kahulugan ng salita at nagagamit ito sa maayos na pangungusap. - Nakikilala ang katangian ng mga tauhan sa seleksyon Sanggunian : Bukal 5 May-akda : Liza M. Lemi Pahina : 210-217 Pangunahing Konsepto
:
Ang aso ay itinuturing na matalik na kaibigan ng tao. Maraming pagkakataong napatunayan ito sa iba’t ibang pangyayaring naganap sa totoong buhay.Sa ngayon, may mga NGO na nangangalaga sa kapakanan ng mga hayop. Isang paraan ng pagpapangkat ng mga salita ay ayon sa mga kaugnay na asignatura. Hal. Ang mga salitang hangin, ulap, at ulan ay maiuugnay saasignaturang Agham (Science) samantalang ang mga salitang pulo, bundok, at dagat ay maiuugnay sa asignaturang Araling Panlipunan.
Pasig Catholic College Grade School Department SY. 2015-2016 FILIPINO 5 Ikaapat naMarkahan Gawain Blg. 6 Uri ng Gawain: Pagbasa ng kwento Paksang Aralin:kweto: Ang Madyik ng Pinya Inaasahan sa Pagkatuto: Nagagamit ang dating kaalaman sa pagbibigaykahulugan, paliwanag, o katuturan ng mga salita. Nakasusulat ng sariling pananaw tungkol sa binasang akda. Nakapagbibigay – kahulugan sa mga impormasyong nasa patalastas, poster, resibo, o pormularyo. Sanggunian : Bukal 5 May-akda : Liza M. Lemi Pahina : 248-251 Pangunahing Konsepto: Ang gulay at prutas ay mainam sa ating katawan. Ang sustansya ng pinya ay mula sa bromelain na nasa katas ng tangkay nito. Maliit itong halaman. Tumutubo ang mga dahon nito sa gilid. Sa loob ng dahon nakaupo ang pinya. May paniniwala ang mga mananaliksik na “anumang bagay na natutuhan ay hindi na kailanman malilimutan.” Kaya naman kapag may bagong salita tayong nabasa o narinig, nakatutulong ang ating dating kaalaman sa pagbibigay o pagtukoy sa kahulugan ng mga salita.
Pasig Catholic College Grade School Department S.Y 2015-2016 FILIPINO 5 Ikaapat na Markahan Gawain Blg. 7 Uri ng Gawain: Paglalapat ng Konsepto Paksang Aralin: Pang-abay na Ingklitik Inaasahan sa Pagkatuto: Nauunawaan ang gamit ng ingklitik Nagagamit ang mga pang-abay na ingklitik sa pagbuo ng kaisipan Sanggunian : Bukal 5 May-akda : Liza M. Lemi Pahina : 256-258 Pangunahing Konsepto
:
Ang ingklitik ay kataga o salitang ginagamit sa pagdaragdag ng kahulugan sa mensahe ng isang pahayag. Ang mga ito ay walang katuturan kung mag-isa lamang, ngunit nagbibigay ng karagdagan o bagong kahulugan kapag ginamit sa pangungusap. Ang ingklitik ay tinatawag ding katagang pang-abay. Nagbibigay- turing ito sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Narito ang ilang halimbawa ng mga ingklitik. ba
daw/raw
na
man
pala
tuloy
din/rin naman
Hal.Umalis siya. Umalis na siya Umalis ba siya? Umalis na ba siya? Umalis na nga ba siya?
nga
kaya muna lamang/lang
Pasig Catholic College Grade School Department S.Y 2015-2016 FILIPINO 5 Ikaapat na Markahan Gawain Blg. 8 Uri ng Gawain: Paggawa ng Book Report Blg. 4 Paksang Aralin: Book Report blg. 4 Inaasahan sa Pagkatuto: Nababasa at nauunawan ang isang kwento Nabubuod ang kwentong binasa Napupunan ng mga impormasyon ang balangkas Sanggunian : kwento: Mga Kamay ng Pagdamay May-akda : Bukal 5/ Liza Lemi Pahina : 324 Pangunahing Konsepto
:
Nababasa at nauunawaan ang binasang kwento.Napupulot ang mga magagandang katangian ng tauhan at ito ay naisasabuhay.
Pasig Catholic College Grade School Department S.Y 2015-2016 FILIPINO 5 Ikaapat naMarkahan Gawain Blg. 9 Uri ng Gawain: Pagbasa sa isang kwento Paksang Aralin: Kwento: Ratty Inaasahan sa Pagkatuto: Nakapagpapahayag ng sariling opinyon Naipakikita ang kasiyahan sa pagbabasa ng isang pabula. Naibibigay ang kahulugan ng isang salita sa tulong ng kanilang sariling kaalaman. Sanggunian : Bukal 5 May-akda : Liza M. Lemi Pahina : 343-345 Pangunahing Konsepto: Bakit mahalaga ang pagbabasa ng mga aklat?Paano ito nakatutulong upang ang isang mag-aaral ay maging malikhain? Ang pagbabasa ay isang mahalagang gawain, lalung-lalo na sa mga kabataang mag-aaral na tulad ninyo. Ito ay nakapagpapalawak ngating mga kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay sa ating paligid. Maraming paraan ng paglalahad ng kahulugan ng salita.Ang dating kaalamang kaugnay ng talasalitaan ay nakatutulong din nang malaki upang maibigay ang kahulugan ng nasabing salita.
Pasig Catholic College Grade School Department S.Y 2015-2016 FILIPINO 5 Ikaapat na Markahan Gawain Blg. 10 Uri ng Gawain: Pagtukoy sa iba’t ibang bahagi ng Liham Pangkaibigan at Pangkalakalan Paksang Aralin: Liham na Pangkaibigan at Liham Pangkalakalan Inaasahan sa Pagkatuto: Natutukoy ang iba’t ibang bahagi ng liham pangkaibigan at pangkalakalan Naitatala ang pagkakaiba ng liham pangkaibigan at pangkalakalan Sanggunian : Bukal 5/ Pluma 5 May-akda : Liza M. Lemi/Ailene Basa Pahina : 348-349/415-420 Pangunahing Konsepto: Liham- Pangkaibigan – isang uri ng komunikasyon sa paraang pasulat. Ito ang pinakagamiting uri ng liham ng mga mag-aaral. May iba’t ibang uri ng liham-pangkaibigan: - Liham- pakikiramay - Liham – pagbati - Liham- paanyaya - Liham – pasasalamat - Liham – pangungumusta - Liham – paghingi ng payo Limang bahagi ng liham-pangkaibigan: -
Pamuhatan – ito ay bahaging nagsasaad ng tirahan ng sumulat at ng petsa kung kailan sinulat ang liham. Matatagpuan ito sa itaas at kanang bahagi ng sulatang-papel.
-
Bating panimula – isa itong maikling pagbati o pambungadna pagbati sa sinusulatan. Gumagamit ng kuwit sa hulihan nito at isinusulat ito sa kaliwang bahagi ng sulatang-papel pagkatapos ng pamuhatan.
-
Katawan ng Liham – ito ang pinakamahalagang bahagi ng liham na nagsasabi ng dahilan ng pagliham sa anyong talata.
-
Bating Pangwakas- ito ay maikli at magalang na pamamaalam. Sinusulat ito sa pagkatapos ng katawan ng liham na katapat ng pamuhatan at gumagamit din ito ng kuwit sa huli.
- Lagda – sinusulat sa bahaging ito ang pangalan o palayaw ng sumulat. Filipino 5, p. 2 Liham –Pangalakalo pangkalakalan– isinusulat ito upang makipag-ugnayan sa mga tanggapan o opisina. Karaniwang nakamakinilya o computerized ang ganitong uri ng liham at ito ay kailangang malinaw, magalang, matapat, mabisa, maayos, malinis, at maikli. Hindi ito dapat maging paligoy-ligoy. Ang ganitong uri ng liham ay isinusulat ayon sa sumusunod na layunin.
a. Liham- suskripsyon – ay isinusulat upang magharap ng intensiyon na umorder ng subskripsiyon ng pahayagan o anumang babasahin. b. Liham- Pagrereklamo – sinusulat ito upang magharap ng reklamo o hinaing c. Liham sa editor – sinusulat ito upang ipaabot sa editor ng pahayagan ang saloobin hinggil sa isang mahalagang isyu. d. Liham- pagpapakilala- sinusulat ito upang irekomenda ang isang kakilala para pumasok sa isang gawain o trabaho o para ipakilala ang isang produkto o serbisyo. e. Liham ng pamimili – ito naman ay isinusulat upang bumili ng panindang ipinadadala sa koreo. f. Liham ng Aplikasyon – sinusulat ito sa pag-aaplay ng trabaho g. Liham ng nagtatanong – kung nais humingi ng impormasyon hinggil sa isang bagay, isinusulat ang liham na ito. Bahagi ng liham-pangalakal: 1. 2. 3. 4. 5. 6.
Pamuhatan Patunguhan Bating panimula Katawan ng liham Bating pangwakas Lagda
May dalawang estilo ang pagsulat ng liham-pangkalakal -
Indented Full block
Gawain 1: Isulat sa patlang kung anong uri ng liham-pangalakal ang gagawin
Pasig Catholic College Grade School Department S.Y 2015-2016 FILIPINO 5 Ikaapat na Markahan Gawain Blg. 11 Uri ng Gawain: Paggawa ng isang proyekto tungkol sa liham Paksang Aralin: Liham na Pangkaibigan at Liham Pangkalakalan Inaasahan sa Pagkatuto: Nagagamit nang maayos ang iba’t ibang bahagi ng liham pangkaibigan at pangkalakalan Nagagawa ang proyekto nang maayos. Sanggunian : Bukal 5/ Pluma 5 May-akda : Liza M. Lemi/Ailene Basa Pahina : 348-349/415-420 Pangunahing Konsepto: Limang bahagi ng liham-pangkaibigan at pangkalakalan: -
Pamuhatan – ito ay bahaging nagsasaad ng tirahan ng sumulat at ng petsa kung kailan sinulat ang liham. Matatagpuan ito sa itaas at kanang bahagi ng sulatang-papel.
-
Bating panimula – isa itong maikling pagbati o pambungadna pagbati sa sinusulatan. Gumagamit ng kuwit sa hulihan nito at isinusulat ito sa kaliwang bahagi ng sulatang-papel pagkatapos ng pamuhatan.
-
Katawan ng Liham – ito ang pinakamahalagang bahagi ng liham na nagsasabi ng dahilan ng pagliham sa anyong talata.
-
Bating Pangwakas- ito ay maikli at magalang na pamamaalam. Sinusulat ito sa pagkatapos ng katawan ng liham na katapat ng pamuhatan at gumagamit din ito ng kuwit sa huli.
-
Lagda – sinusulat sa bahaging ito ang pangalan o palayaw ng sumulat.
Pasig Catholic College Grade School Department S.Y 2015-2016 FILIPINO 5 Ikaapat naMarkahan Gawain Blg. 13 Uri ng Gawain: Paggawa ng Sulatin Paksang Aralin: Sulatin Blg. 4 Inaasahan sa Pagkatuto: Nakasusulat ng dalawang talatang sulatin Nagagamit ang mga naging aralin sa paggawa ng sulatin. Sanggunian : May-akda : Pahina : Pangunahing Konsepto: Tandaan ang mga sumusunod sa pagsulat ng sanaysay Detalyado ang pagpapakahulugan sa mga pangyayari - Kailangang malinaw na nailalarawan ang katangian ng bawat tauhan at mga bagay na tinutukoy sa bawat tagpuan. Malinaw ang paliwanag sa bawat detalye sa kwento o sanaysay Kailangang maayos ang daloy na nais palabasin sa isang sulatin Gawain 1: Basahin at unawain ang mga pamatnubay na tanong
Pasig Catholic College Grade School Department S.Y 2015-2016 FILIPINO 5 Ikaapat naMarkahan Gawain Blg. 14 Uri ng Gawain:Pagbasa sa isang kwento Paksang Aralin: Kwento : Salot na Lamok Inaasahan sa Pagkatuto: Nababasa at nauunawaan ang inilalahad ng kwento Nakapagpapahayag ng sariling opinyon tungkol sa isang piling paksa. Nakakikilatis sa mga impormasyong inilalahad para sa bawat entry sa diksyunaryo. Sanggunian : Bukal 5 May-akda : Liza M. Lemi Pahina : 267-269 Pangunahing Konsepto: Ang Aedes Aegyptiay isang uri ng lamok na nagdadala ng virus ng sakit n dengue. Salot ito dahil nagdudulot ito ng pinsala sa kalusugan at maaari pang maging sanhi ng kamatayan.