Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Taon XXIX Blg

Pilipinas kaugnay ng patrimonya at soberanya ng bansa. Kaakibat nito, tuluy-tuloy na nayuyurakan ang ... tuloy na nagkakaroon ng pamilyaridad ang mga ...

193 downloads 723 Views 519KB Size
Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Taon XXIX Blg. 2

REGULAR NA ISYU

Marso-Abril 2003

Editoryal

DIGMANG BAYAN, sagot sa panghihimasok ng imperyalismong US sa bansa! Habang nagaganap ang gerang agresyon ng US sa Iraq, lalong tumitindi ang panghihimasok ng imperyalismong US sa bansa, kabilang na ang sa larangang militar. Tuluy-tuloy ang mga maniobra at pakana ng sabwatang US at papet na rehimeng Macapagal-Arroyo para palabasing lehitimo ang pagbabalik at panghihimasok ng mga tropang US sa Pilipinas. Tuluy-tuloy ang paglulunsad ng mga “magkasanib na binansagan nilang mga “terorista”. na pagsasanay” ng mga tropang Amerikano at AFP sa Sagad-sa-buto ang pagiging sunud-sunuran ng Mindanao at Luzon matapos maaprubahan ng Senado mersenaryong AFP sa diktang militar ng US. ang Visiting Forces Agreement (VFA). Dumalas at Magsisilbing tagapayo ng AFP at Kalihim sa Depensa tumatagal pa ang mga “pagsasanay” na ito nang na si Angelo Reyes si US Defense Secretary Donald pinagtibay ng rehimeng Magapagal-Arroyo ang Mutual Rumsfeld sa mga usapin ng digma. Nilaman ito sa Defense Board (MDB) at Mutual Logistics Support pinagkasunduang Depense Policy Board ng dalawang Agreement (MLSA). Ang mga kasunduang ito ay gubyerno. tuwirang pagbasura sa probisyon ng konstitusyon ng Sa simula ng “Balikatan” nang nagdaang taon, ang Pilipinas kaugnay ng patrimonya at soberanya ng bansa. mga upisyal-militar ng US ang nagsilbing “tagapayo” Kaakibat nito, tuluy-tuloy na nayuyurakan ang at “tagapagsanay” sa mga yunit ng AFP na tumutugis karapatang-tao ng mga naninirahan sa mga lugar na umano sa bandidong Abu Sayyaf. Ginamit na sangkalan pinagdarausan ng “magkasanib na pagsasanay”. ang Abu Sayyaf para sa madulas na pagpasok ng mga Titiyakin ng MDB ang permanenteng presensya ng tropang Amerikano. Sa katunayan, binuo mismo ng mga tropang Amerikano sa bansa sa anyo ng mahahaba imperyalismong US sa pamamagitan ng Central Intelliat magkakasunod na “Balikatan” na sasaklaw sa buong gence Agency ng US at AFP ang Abu Sayyaf upang bansa. Sa pamamagitan naman ng MLSA, manggulo at manlito sa mamamayang Moro sa kanilang makakapagtayo muli ng base sa Pilipinas ang mga makatarungang pakikibaka para sa pagpapasya-satropang Amerikano bilang lunsaran ng agresyon at mas sarili. matinding panghihimasok sa bansa; makakapagtayo rin Nitong Pebrero, isang linggong nasa Bicol si US ng mga pasilidad para imbakan ng kanilang suplay, Army Maj. Jeffrey D. Antonio. Ininspeksyon niya ang gamit at armas, kabilang na ang sandatang nukleyar. mga headquarters ng 203rd, 901st at 902nd AFP BriAng natatanggap na ayudang militar ng rehimeng gade at sumama pa sa pag-ikot sa ilang eryang saklaw Arroyo at ng AFP sa US ay bilang pagkilala sa lubusang ng mga larangang gerilya ng BHB. Gagawing pilot erya pagpapakatuta ni GMA sa kanyang teroristang among ang Bicol sa pagsusubukan ng mga konsepto at si Bush. Idinidikta ng rehimeng Bush kay Arroyo na taktikang kontra-gerilya na gustong ipatupad ng US sa gamitin ang ayudang militar laban sa CPP-NPA at MILF Pilipinas. Si Antonio ang aaktong tagapayo sa pagtugis

ng militar sa BHB sa Bicol. Nauna rito, nang nakalipas na dalawang taon, nasa Mindoro ang mga upisyal-militar ng US bilang “tagapayo” sa operasyon ng AFP sa Mindoro. Kaya naman naranasan sa Mindoro ang pinakamatindi at pinakamalawak na brutal na operasyon ng AFP at PNP laban sa rebolusyonaryong kilusan. Ang pinakamabangis na operasyong militar dito ay pinamunuan ni Col. Palparan ng 204th Brigade. Nitong Marso, dumating sa Camp Macario Peralta ng Cental Panay ang isang contingent ng mga sundalong Amerikano mula sa Sulu upang diumano’y magbigay ng pagsasanay medikal sa mga sundalong Pilipino. Kapuna-puna na wala ni isang duktor sa naturang contingent. Sa pamamagitan ng mga “magkasanib na pagsasanay-militar” ng tropang Amerikano at AFP, tuluytuloy na nagkakaroon ng pamilyaridad ang mga tropang Kano sa tereyn ng bansa bilang paghahanda sa kanilang tuwirang panghihimasok. May padron na kapag may mga “tagapayong” tropang Amerikano, higit na nagiging mabangis at walang-puknat ang mga operasyong militar ng AFP laban sa rebolusyonaryong kilusan, at lalong humahaba ang listahan ng mga paglabag sa karapatang-tao at makataong batas ng digma. Naghahasik ng matinding takot sa hanay ng mamamayan ang rehimeng US-Macapagal-Arroyo para palabasing kailangan ang NILALAMAN NG ISYU panghihimasok ng tropang US sa Editoryal 1 pagsugpo sa mga Balikatan Exercises 3 “terorista”. Ang San Roque Dam 4 pagpapasabog sa Laban sa Lake Shore 6 Davao InternaKongreso ng AMC 7 tional Airport nitong Pampanga at Tarlac, Marso at pagbomba sa Paralisado ng welga 8 Davao City nitong Tagumpay sa Abril kung saan Kilusang Paggawa 9 namatay at Ilegal Shutdown nasugatan ang sa Oxford; Bolantes; m a r a m i n g Libad 10 inosenteng sibilyan Mga Pagkilos Laban ang pinakahuling sa Agresyong US 11 pangyayari sa Pahayag ng FOC-NPA, pakana ng Eastern Bulacan; sabwatang BushUlat Koresponsal 12 Arroyo. Kagyat na inakusahan ng AFP at PNP ang

2

Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu

MILF at BHB na may kagagawan sa mga pambobomba. Mabilis namang “nag-alok ng tulong” ang US na tugisin nila ang mga “terorista”. Nagkukumahog namang nagdeklara ng “state of emergency against lawless elements” o limitadong batas militar sa Davao City ang militarista at tutang si Macapagal-Arroyo. Matapos ang magkakasunod na karumal-dumal na pambobomba ng rehimen, lanlaran nang idineklara ng Pentagon at rehimeng Arroyo na ang MILF at BHB ang tunay na target ng mga “magkasanib na pagsasanay” at hindi ang Abu Sayyaf. Ipinagyabang pa nila na sa Balikatan 03-1, tuwirang nang lalahok sa kombat ang mga tropang Amerikano laban sa BHB at MILF na pareho nilang binansagang “terorista”. Samantala, nabunyag nitong Pebrero ang pagmamantine ng US ng mga tauhan at upisina sa mahahalagang kagawaran at ahensyang pangekonomya ng gubyerno sa pamamagitan ng Agile (accelerating growth, investment and liberalization with equity). Ang Agile ay isang programang pormal na binuo noong 1998 na may layuning ipatupad ang mga batas at patakarang iginigiit ng US para sa todo-todong liberalisasyon ng ekonomya ng Pilipinas. Titiyakin ng Agile na mapagpagtitibay hanggang sa pinakapinong detalye ang mga kinakailangang batas at programang pang-ekonomya ng Pilipinas alinsunod sa patakaran ng imperyalismong “globalisasyon”. Hindi na maitago ng rehimen ang mga kongretong ebidensya ng malalim at malaganap na panghihimasok ng gubyenong US sa mga panloob na usaping pangkabuhayan ng Pilipinas! Sa harap ng tumitinding panghihimasok ng imperyalismong US sa bansa, mabilis na lumalawak ang pagtutol at paglaban ng mamamayan at ng rebolusyonaryong kilusan para palayasin ang mga tauhan at tropang Amerikano sa bansa. Kasabay ito ng pagpoprotesta ng milyun-milyong mamamayan sa buong daigdig laban sa paglusob ng US sa Iraq. Bibiguin ng rebolusyonaryong kilusan ang imbing pakana ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo sa tuwirang panghihimasok ng US sa bansa. Tuluy-tuloy na pamumunuan ng Partido ang pagpupukaw, pagpapakilos at pag-oorganisa sa malawak na mamamayan para wakasan ang paghahari at pagsasamantala ng imperyalismong US at lokal na mga naghaharing uri sa mamamayang Pilipino. Gagamitin ng rebolusyonaryong kilusan ang lahat ng larangan ng pakikibaka: armado at di armado, ligal at iligal, hayag at lihim, sa kanayunan at kalunsuran, sa loob at labas

ng bansa. Paiigtingin ng BHB ang mga ilulunsad na taktikal na opensiba laban sa AFP, PNP, CAFGU, iba pang >>>

HIMAGSIK

Balikatan Exercises

at mga kaugnay na paglabag sa karapatang-tao sa GL

* Disyembre 1999. Bilang paghahanda sa Balikatan 2000, sinunog ng mga tropa ng SAF, 24th IB, 68th IB, 703rd Bde Training Unit at ISAFP ang daan-daang bahay sa mga bundok ng San Marcelino at San Felipe sa Zambales, Dinalupihan sa Bataan, at Floridablanca, Lubao at Porac sa Pampanga noong Disyembre 1999. Paglilinis umano ito sa erya na pagdadausan ng “pagsasanay-militar”. Maraming inaresto at binugbog na mga residenteng Aeta. * Balikatan 2000. Apat na pagsasanay ang nailunsad sa ilalim ng Balikatan 2000. Pebrero 2000, nagpataw ng blokeyo sa pagkain ang AFP sa mga Aeta sa Sityo Palis, Baytan at Maquisquis sa loob ng Bunga resetelment sa Botolan, Zambales. May insidente na sumala sa target ang pambobomba ng mga tropang kalahok sa pagsasanay kung kayat tinamaan ng mga bomba ang Talisayan, isang baryo ng mga mangingisda sa Zambales. Dahil dito, 10-15 pamilya roon ang natakot at walang kalaban-labang lumikas. * Balikatan 02-1. Inilunsad sa Mindanao mula Pebrero hanggang Oktubre 2002. Lumahok ang 355 US Navy Seabees at 60 Marines sa mga operasyong antaskumpanya ng AFP. Pumakat din ito sa labas ng Basilan; sinaklaw ang Zamboanga Peninsula at iba pang lugar kung saan nagaganap ang sagupaan sa pagitan ng AFP at bandidong Abu Sayyaf. Tumulong naman ang mga tropang Amerikano sa pagtatayo ng mga imprastrukura bilang paghahanda sa matagalan nilang pagbabase sa bansa. * Balikatan 02-2. “Magkasanib na pagsasanay-militar” sa katihan, sa dagat at himpapawid ng Gitnang Luzon (GL) at Cavite mula Abril 22 hanggang Mayo 6, 2002. Nilahukan ito ng 2,665 tropang Amerikano at 2,900 tropa ng AFP na inilunsad sa Clark Air Base sa Pampanga, Crow Valley sa Tarlac, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija at sa Marine Jungle sa Ternate, Cavite. Bilang paghahanda sa naturang pagsasanay, nagtayo ang AFP ng detatsment sa lugar ng mga katutubong Aeta sa Pampanga. Nagpatupad din ng <<<

paramilitar at sa mga tropang Amerikano na tuwirang lalahok sa opensib laban sa mga rebolusyonaryong pwersa. Tiyak na masusundan pa ang matagumpay na kumpiskasyon ng 98 armas sa armori ng Picop Resources Inc sa Brgy Tabon, Bislig, Surigao del Norte nitong Marso para humina ang kaaway at dagdagan ang armas ng mga yunit ng BHB.

HIMAGSIK

curfew sa mga komunidad na inaakusahan ng AFP na kumakanlong sa BHB. Samantala, pinalayas ang 40 pamilyang Aeta sa kanilang tahanan sa Sitio Tarukan, Brgy Sta Juliana, Capas, Tarlac malapit sa Crow Valley Gunnery Range. Pilit silang pinatitira sa mga eskwelahan dahil magpapaputok daw ng mga tunay na bala ang mga kalahok sa Balikatan 02-2. * Carat 2002 (Cooperation Afloat Readiness and Training 2002). Isang nabal na pagsasanay na isinagawa sa Subic at Cavite noong Hulyo 17-28, 2002. Nilahukan ito ng 1,400 sundalong Amerikano. Noong Agosto 2, dalawang ektarya ng palayan ang napinsala sa Brgy Lucapon South, Sta Cruz, Zambales nang lumapag dito ang apat na helikopter ng US Marines na kalahok sa CARAT 2002. * Talon Vision-02. “Magkasanib na pagsasanaymilitar” ng 700 US Marines at 400 sundalo ng AFP sa Cavite, Rizal at GL noong Oktubre 14-27. Inokupahan ng mga nagsanay na tropa ang Clark Air Base, Fort Magsaysay at Crow Valley; gayundin ang ilang bahagi ng Tanay, Rizal at Marine Air Base sa Ternate, Cavite. Komplimentaryo ito sa pagpapaigting ng kontrarebolusyonaryong digma ng rehimen laban sa rebolusyonaryong kilusan na tinataguriang “Oplan Gordian Knot”. * Balance Piston 03-05. Dumating sa Clark nitong Pebrero 1 ang may 6,000 tropang militar ng US na kalahok sa Balance Piston 03-05 at Live Fire Bullet War Exercises. * Balikatan 03-1. Lalahukan ito ng 2,000 tropang Amerikano. Balak itong ilunsad sa Mindoro Occidental, Quezon, Gitnang Luzon, Sulu, Compostela Valley o North Cotabato, mga lugar na malakas ang mga NPA at MILF. Nabinbin ang paglulunsad nito sa Sulu dahil mariin itong tinutulan ng mga tagaroon. Inamin mismo ng mataas na upisyal ng Pentagon at ng SOCOM chief na si Maj. Gen Narsico Abaya na hindi naman talaga pagsasanay ang Balikatan 03-1 kundi gagamitin laban sa mga NPA at MILF. H Patuloy na makikibaka ng MILF laban sa rehimeng Arroyo at sa tuwirang agresyon ng mga tropang Amerikano. Higit pang palalakasin ang taktikal na alyansa ng CPP-NPA at MILF laban sa rehimeng US-Arroyo. Digmang bayan, sagot ng mamamayan at rebolusyonaryong kilusan sa panghihimasok ng imperyalismong US sa bansa! H

Regular na Isyu / Marso-Abril 2003

3

Dam, Dam, Dam… Ang Mapaminsalang Dam! Macliing Dulag, Iyong mga yabag Aming susundan, Ipagyayaman!” Ang dambuhalang dam

silangan, ang San Jose fault line na 8km sa kanluran nito at ang Digdig fault line na 26km sa kanluran. Ang Ang San Roque Multi-Purpose Dam Project na mahinang pagyanig sa lugar bunga ng lindol o pagguho matatagpuan sa Brgy. San Roque, San Manuel, ng mga lupa sa ilalim dulot ng mga aktibidad sa Pangasinan ay pangalawa sa pinakamalaking dam sa pagmimina ay maaaring magdulot ng pagtapon ng Asya. Nakatakda nitong okupahin ang 480 ektaryang napakalaking bolyum ng tubig galing sa dam. Kaya lupain sa mga bayan ng San Manuel, San Felipe, San nitong ilubog kung sakali ang buong probinsya ng Nicolas sa Pangasinan at Itogon, Benguet. May haba Pangasinan at mga kanugnog na probinsya ng Tarlac itong 1.13 kilometro at may taas na 200 metro. Ang at Nueva Ecija. Tiyak ding ilulubog ng pagbaha ang reservoir o imbakan ng tubig ay may habang 12.8 mga komunidad sa norte na nakabaybay sa Ilog Agno kilometro at kayang mag-ipon ng 800 milyong metro bunga ng masyadong pagbabaw nito dahil sa siltasyon kubiko ng tubig. Sinasakop ng reser(pagbabaw ng ilog dulot ng voir ng SRD ang mga barangay sa pagkakatambak ng mga kemikal at Ang mahinang San Felipe East, San Nicolas materyal galing sa mga minahan). pagyanig sa lugar Pangasinan at brgy. Dalupirip, Itogon, Umaabot na sa 775 pamilya ang bunga ng lindol o Benguet sa Norte. napalayas para bigyang daan ang pagguho ng mga lupa Ang SRD ay nasa ilalim ng konstrukyon ng dam. Malawakang sa ilalim dulot ng mga iskemang Build Operate and Transfer sinira ang mga sakahan at pananim aktibidad sa pagmimina (BOT) na pinapangasiwaan ng San ng mga magsasaka, ang mga ay maaaring magdulot Roque Power Corporation, isang bahayan at iba pang ari-arian ng mga ng pagtapon ng multinasyunal na korporasyon. Ang naninirahan. Mahigit 80 pamilya napakalaking bolyum proyekto ay pinopondohan ng Japan naman ng sityo Bulangit (malapit na ng tubig galing sa dam. Bank for International Cooperation sa Itogon, Benguet) ang pwersahang Kaya nitong ilubog (JBIC), kaalinsabay ng iba pang pinaalis at pinagsusunog ang mga kung sakali ang proyekto tulad ng Casecnan Dam, bahayan. Walang kahihiyang buongprobinsya ng Pampanga Delta Development Project, dineklara ng DENR (Department of Pangasinan at mga Tarlac Groundwater Irrigation System Environment and Natural Resources) kanugnog na probinsya Reactivation Project, Malitubog ang lugar bilang pampublikong lupain ng Tarlac at Nueva Maridagao Irrigation Project, Lower o timberland na kailangan para Ecija.Tiyak ding Agusan Development Project at Bohol gawing reserbasyon ng dam. Sa ilulubog ng pagbaha Irrigation Project. kasalukuyan, mayroon pang 11 ang mga komunidad sa Ang Dam ay may tinutukoy na apat pamilyang natira sa sityo na norte na nakabaybay na layunin: magsuplay ng kuryente, naninirahan na lang sa kabundukan. sa Ilog Agno. irigasyon, pangkontrol ng baha at Samantala,may dalawa pang baryo pagkukunan ng suplay ng tubig ng ng Eastern Pangasinan ang sadyang komunidad. palulubugin para gawing reservoir. Ang mga baryong ito ay mas mataas Nagsimulang mag-ipon ng tubig angdam noong Agosto 8, 2002 at unang nag-test op- kumpara sa ibang baryo kaya kailangang palubugin. Nangangamba ang mamamayan dito na eration sa pagsusuplay ng kuryente sa sakop lang ng dam noong Enero 5, 2003. Tinatayang mag-oopereyt madadagdagan pa sa hinaharap ang mga mapapalayas at mawawalan ng kabuhayan. Samantalang mabilis na ito ng unang linggo ng Marso sa taong kasalukuyan. nauubos ang paunang bayad sa ilang pamilyang nabayaran ng San Roque Power Corporation ay di pa Mga peligro at mga kaakibat na pinsala rin nito naibibigay ang kapunuan. Ang mga dating ng dam sa mamamayan magsasayo (gold panners) na bumaling sa pag-uuling Ang dam ay nakahimlay sa tatlong malalaking at pangingisda bilang alternatibong hanapbuhay ay fault line , ang San Manuel fault line na 8km sa pinagbabawalan ng mga tauhan ng DENR. Batid ng

4

Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu

HIMAGSIK

mga naninirahan sa lugar na ibayong gutom at kahirapan pa kanilang daranasin sa mga susunod na panahon. Resulta ng patuloy na konstruksyon, libu-libong mga magsasaka at magsasayo ang nawalan ng hanapuhay sa mga bayan ng San Manuel, San Felipe at San Nicolas. Malawakang itinaboy ang mga lehitimong naninirahan at nalagay sa peligro ang buhay ng marami. Taliwas sa pangakong kabutihan at kabuhayang ibibigay ng dam ay ang kabi-kabilang usapin, pinsala sa buhay at kabuhayan at nagbabadyang panganib para sa mamamayan. Tiyak na papasanin din ng mga naghihikahos na mamamayan ang kaakibat na bigat ng pagbabayad sa napakalaking pagkakautang na ito sa JBIC at ang mataas na Purchased Power Adjustment (PPA) kapag nag-umpisa nang magsuplay ng kuryente ang dam. Ang pakikibaka at tumitinding pandarahas Sa maagang bahagi pa lang ng konstruksyon ng San Roque Dam, nagrehistro na ng mariing pagtutol ang mamamayan sa mga barangay ng San Manuel at San Felipe. Naging epektibong daluyan ng pagtutol ng mga naninirahan at pagtatawid ng mahahalagang impormasyon ang militanteng samahang Tignay Dagiti Mannalon Mangwayawaya iti Agno (TIMMAWA). Ang TIMMAWA kasama ng iba pang organisasyon ng Bayan, League of Filipino Students (LFS), Cordillera People’s Alliace (CPA) at Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL), ang nagsisilbing tagapagtambol ng mga peligro at kapinsalaang dala ng dam. Inorganisa nila ang iba’t ibang talakayan, forum, dayalogo at martsa-rali upang tuluy-tuloy na magpabatid ng mga kalagayan ng mga aktwal na naapektuhan at sa nagpapatuloy na laban. Habang tumitindi ang paglaban ng mga taga San Manuel at San Felipe sa pamiminsala ng dam sa kanilang kabuhayan at buhay, matibay pa ring naninindigan ang mga lider kaisa ang mga mamamayan. Sa di na mabilang na pagkakataon ay nakatanggap ang mga lider ng TIMMAWA ng mga berbal na pananakot at harasment mula sa mga militar at iba pang armadong grupo. Ang pinakahuli ay ang malisyoso at walang batayang paratang ni ex-mayor Conrado Rodrigo na ang mga myembro ng samahang TIMMAWA ay mga “komunista”, “maka-kaliwa” at mga kasapi ng NPA. Mga bintang na naglagay sa panganib sa buhay ng mga kasapi ng organisasyon at naghasik ng pangamba sa iba pang tumututol sa SRD. Kahit ang mga estudyanteng mula sa University of Philippines-Diliman na nagsagawa ng kanilang practicum sa komunidad ng dam ay binansagan ring

HIMAGSIK

mga rekruter ng NPA ng dating mayor. Sa gayo’y napilitang iatras ng unibersidad ang mga estudyante upang iwasang malagay sa panganib ang kanilang buhay. Kasabay ng pandarahas sa organisasyon sa lugar, may ilang harasment na naitala ang mga naninirahan doon na kinasasangkutan ng Philippine Army at iba’t ibang armadong grupong nakabantay sa SRD. Ilang beses ng walang patumanggang pinaputukan ng mga security guards ang mga residente ng San Manuel. Ang unang insidente ng pagpapaputok ay kumitil sa buhay ni Marvin Alberto, 20 taong gulang at residente ng Brgy. San Roque. Dalawa pang biktima ang binaril bunga ng pangunguha nila ng iskrap o mga inaakalang basura na ng dam. Sa San Vicente at San Manuel, inilunsad ng mga militar ang isang pulong noong Oktubre 2002 at hayagang tinakot ang mga naninirahan roon na huwag magpapatuloy ng mga organisador.at simpatisador sa kanilang pakikipaglaban sa SRD. Gayundin, sapilitang pinasok ng mga militar ang mga bahayan sa naturang lugar matapos ang isang engkwentro sa pagitan ng mga NPA at Philippine Army. Wala ring tigil sa panghaharas ang mga umaaligid na militar, pulis at mga intelligence sa tuwing magkakaroon ng mga piket at protesta ang mga naninirahan. Madalas na namamataan na kinukunan ng litrato ng mga di naka-unipormeng mga militar ang mga organisador at mga lider ng TIMMAWA sa tuwing nagsasalita ang mga ito sa mga rali. Ang mga Aral mula sa pakikibaka ng Mamamayang Kordilyera at ni Macliing Dulag Magiting na lumaban ang mamamayang Kordilyera sa tangkang pagtatayo ng Chico Dam noong dekada 1980. Buong tapang silang nagtanggol at nakibaka para pigilan ang mapaminsalang proyektong iyon ng dayuhan at gubyerno. Mahalagang naiwan sa alaala ng mamamayan ang kabayanihang ipinamalas ng dakilang katutubong lider na si Macliing Dulag na pinaslang ng pasistang militar habang nakikipaglaban. Itinuturo ng kasaysayan na ang buhay at kamatayang pakikibaka para sa lupang ninuno ay kaakibat ng pakikibaka para sa pambansang pagpapasya sa sarili ng lahat ng mga katutubo sa bansa, kaakibat ng pakikibaka laban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo. Ang tanging solusyon sa pambansang pang-aapi sa mga Igorot at iba pang pambansang minorya ay ang demokratikong rebolusyong bayan at kasunod nitong sosyalistang rebolusyon. H

Regular na Isyu / Marso-Abril 2003

5

Tagumpay, Laban ng mga Magsasaka sa The Lake Shore aipagtagumpay ng mga magsasaka ng Divisoria, Mexico, Pampanga ang pagpapatuloy ng kanilang pagsasaka sa 35 ektarya na saklaw ng proyektong The Lake Shore (LS). Naigiit nila ang kanilang karapatang magbungkal ng lupaing agrikultural at produktibo. Pinirmahan ng mga kinatawan ng mga magsasaka, ng debeloper ng LS at ng Sangguniang Bayan (SB) ng Mexico nitong Disyembre 2002 ang memorandum ng kasunduan (memorandum of agreement o MOA) sa pananatiling sakahin ang nabanggit na lupain.

N

produktibo ang lupain at kung gayon ay maaring idebelop at gawing subdibisyon. Mula noon, binalak na suhulan ang mga magsasaka at iba pang taumbaryo gayundin ang mga konseho ng barangay. Dahil sa presyur at panunuhol, nagawa ng CCEI na papirmahan ang ilang taumbaryo na ibabalik na nila ang kanilang saka kapalit nang P3,000 hanggang P10,000 bayad. Lumitaw din na ang ibang napapirma ay hindi naman nagbubungkal sa binabanggit na sakahan.

Ang proyektong LS na tinatayuan ng eksklusibong subdibisyong may artipisyal na lawa ay pag-aari ng Nobleman Property Inc. at Central Country Estate, Inc (CCEI). Matatagpuan ito sa gitna ng mga produktibong sakahan sa mga Brgy ng Sebitanan, Divisoria, Bulaon, Panipuan at San Rafael ng Mexico. Nabili ng CCEI ang lupang nabanggit sa mga magsasaka ng limang baryo sa panahon ng kanilang kagipitan noong 1994. Nahahati sa dalawang bahagi ang LS: ang Phase I na may sukat na 150.913 ektarya at ang Phase II na may sukat na 127 ektarya. Ang Phase I at Phase II ay tuluy-tuloy nang dinidebelop para sa LS. Nasa Phase II ang 35 ektarya na sinangayunan ng CCEI na patuloy na sakahin ng mga magsasaka sa loob ng limang taon.

Naging tuluy-tuloy at pwersahan ang ginawang pagpapalayas ng CCEI sa mga magsasaka sa kanilang mga saka. Winasak ang mga pananim at pinagkaitan ang mga magsasaka na anihin man lang ang bunga ng kanilang mga itinanim. Nagbayad din ang CCEI ng mga elemento ng PNP at militar na nagpanggap na mga security guards para takutin ang mga magsasaka at pagbawalan silang anihin ang kanilang mga palay. Lansakan ang paglabag ng CCEI sa karapatan ng mga magsasaka kung kaya’t maging ang inilabas ng Department of Agrarian Reform (DAR) na pabalatbungang cease-and-desist order o CDO ay nilabag.

Noong 1995, sinikap gawin muling produktibo ng mga 200 magsasaka ang nabanggit na lupain. Organisado nilang pinusisyunan ang lupa dahil tiwangwang naman ito. Mula noon, patuloy na sinaka’t pinakinabangan ng mga magsasaka ang lupaing nabanggit. Tinamnan nila ito ng palay, mais at iba pang pananim nang dalawa hanggang tatlong beses sa loob ng isang taon. Sa bawat taniman ay umaani nang humigit kumulang 50 kabang palay sa bawat kalahating ektarya. Ang pagsasaka sa lupang nabanggit ang pangunahing ikinabubuhay ng mga maralitang magsasaka. Dito galing ang panggastos nila sa araw-araw at ang ipinantutustos sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Taong 2000, binalak bawiin ng CCEI ang lupain sa mga magbubukid. Dahil sa manipulasyon at impluwensya ng CCEI sa SB-Mexico at mga ahensya ng gubyerno, nagawang palabasin na hindi umano

6

Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu

Samantala, naging tuluy-tuloy ang pagkilos at paglaban ng mga apektadong magbubukid sa pamumuno ng Aguman da reng Maglalautang Capampangan (AMC) at Solidarity of PeasNaging tuluy-tuloy ants Against ang pagkilos at Land Use Conpaglaban ng mga v e r s i o n apektadong Pampanga magbubukid ... (STOP-LUC Nagpalakas sila ng Pampanga), at kanilang hanay, pagsuporta ng nakuha ang suporta Sentro para sa ng mga kababaryo at Tunay na Konseho ng Barangay. Repormang Naglunsad sila ng A g r a r y o serye ng mga piket(SENTRA), dayalogo at nagsumite Foundation, ng mga petisyon... I n c . Nagpalakas sila ng kanilang

HIMAGSIK

hanay, nakuha ang suporta ng mga kababaryo at Konseho ng B a r a n g a y. Naglunsad sila ng serye ng mga piket-dayalogo at nagsumite ng mga petisyon sa SBMexico, Provincial Agrarian Reform Office (PARO), Municipal Agrarian Reform Office (MARO), DAR 3, DAR National, Malacanang, gayundin sa CCEI; dumalo sa mga public hearing at naglunsad ng mga piket-rali. Bilang pagsuporta sa laban na mga magsasaka, nireyd ng Palermo Ortanez Command (POC), BHBPampanga, ang upisina ng LS sa Brgy Sebitanan nooong Disyembre 14, 2001. Ayon sa pahayag ng POC, ang ginawang reyd ay kaparusahan sa mga panggigipit ng CCEI sa mga magsasakang nakaposisyon at nagbubungkal sa mga lupain.

Naging determinado at matatag ang mga magsasaka ng Divisoria na manatili sa lupang kanilang sinasaka at hindi magpasindak sa harasment ng CCEI. Matapos ang mahigit na dalawang taong paglaban para sa lupang kanilang binubungkal, napilitang makipagkasundo ang CCEI sa mga magsasaka na ipagpatuloy nilang sakahin ang 35 ektarya sa loob ng limang taon. Nilaman din ng kasunduan na maglalaan ang CCEI ng walong iskolarship batay sa rekomendasyon ng lokal na samahang magsasaka, magsasagawa ng mga proyektong pangkabuhayan sa naturang barangay at maglulunsad ng medikal at dental misyon sa lugar.

Kongreso ng AMC, Idinaos MATAGUMPAY na idinaos nitong Abril 1213 ang ikatlong Kongreso ng Aguman da reng Maglalautang Capampangan (AMC) sa Forest Park, Angeles City, Pampanga. Dumalo sa kongreso ang may 200 magsasaka mula sa iba’t ibang bayan ng Pampanga. “Higit pang pahigpitin ang pagkakaisa!Palakasin ang kapasyahan at kakayahang makibaka para isulong ang tunay na reporma sa lupa at para wakasan ang rehimeng US Macapagal Arryo!”, ang temang mahigpit na nagbigkis sa mga dumalong magsasaka. Nagpahayag ng pakikipagkaisa ang ibat ibang militanteng organisasyon tulad ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon(AMGL), Bayan,WAR 111, Amihan, Alpas at mga grupong pangkultural. H

Ang tagumpay ng mga magsasaka sa Divisoria ay mapaghahanguan ng aral kaugnay ng laban sa land use conversion (LUC) o palit-gamit ng lupa laluna’t laganap ang LUC sa rehiyon. Walang patumanggang ipinagpapalit-gamit ang mga agrikultural at produktibong lupain para tayuan ng mga subdibisyon, malls, pabrika at iba pang establisyamento. Ayon sa AMC, ”Ang LUC ay mapaminsalang paraan ng paggamit ng lupa sa dating tinataniman ng palay, mais at prutas. Mali itong konsepto ng aplikasyon ng kaunlaran dahil ang tanging nakikinabang lamang dito ay ang iilan. Ang tuluy-tuloy na pagpapalit-gamit sa lupa ay magreresulta ng higit na kawalan ng pagkain at tuluy-tuloy na hanapbuhay sa isang komunidad at buong lipunan.” H

HIMAGSIK

Regular na Isyu / Marso-Abril 2003

7

Transportasyon sa Pampanga at Tarlac, naparalisa

N

aparalisa ang transportasyon sa Pampanga at Tarlac bilang protesta ng mga drayber at opereytor sa Clean Air Act (CAA o RA 8749), pagtataas ng presyo ng petrolyo (oil price hike o OPH), at kahilingan sa dagdag na P1.00 sa pamasahe. Nilahukan ito ng libulibong mga drayber at opereytor ng dyip, traysikel at minibus; ng mga manggagawa, kabataan at iba pang mamamayan sa maralitang komunidad sa dalawang lalawigan. Sa Tarlac, paralisado ang byahe ng naturang mga sasakyan sa Tarlac City at mga bayan ng Moncada, Sta. Ignacia, Mayantoc, Concepcion at La Paz nitong Abril 7 bilang protesta sa mga antimamamayang probisyon ng CAA. Naglunsad ng dalawang-oras na programa ang mga drayber at iba militanteng mamamayan sa harap pampublikong palengke ng syudad ng Tarlac matapos nagmotorcade mula sa Brgy Estrada ng Capas. Nagtayo rin ng anim na “choke points” sa lalawigan. Sa pahayag ng Nagkakaisang Manggagawa ng Tarlac, mariing kinundena ang CAA at ang koleksyon ng P300 para sa emission testing bilang rekisito sa pagrehistro ng sasakyan. Sa Pampanga naman, tatlong beses na naparalisa ang transportasyon sa lalawigan mula Oktubre 2002 hanggang nitong Marso. Nitong Marso 4, tinatayang 90% paralisado ang byahe ng mga transportasyon sa buong Pampanga mula alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng gabi bilang protesta sa CAA at OPH. Noong Oktubre 26, 2002 mula alas sais ng umaga hanggang alas sais ng gabi, paralisado

8

ang byahe ng mga pampublikong transportasyon sa mga bayan ng Mabalacat, San Fernando, Magalang, Porac, Guagua, Arayat, Mexico at Angeles City ng Pampanga at Bamban, Tarlac. Ang pangunahing isyu ay ang paglaban sa OPH at ang kahilingan sa dagdag na taas na pisong pamasahe. Isandaang porsyentong paralisado ang byahe ng mga pampasaherong sasakyan sa Angeles City nitong Enero 29 kaugnay ng isyu ng CAA at OPH. Binarikadan ng mga traysikel at dyip ang harap ng Land Transportation Office, naisara ang porsyon ng Mac Arthur haywey at dito isinagawa ang programa ng mga raliyista. Nilahukan ang tigil pasada ng lahat ng mga asosasyon ng dyip at traysikel sa buong Angeles at organisasyon ng mga manggagawa, kabataan at maralitang lunsod. Ang CAA ay batas na naipasa noon pang 1999 para tiyakin umanong maging malinis ang hangin. Para makabyahe ang mga sasakyan, kailangang makapasa ito sa smoke emmision test na babayaran ng may-ari nang P300 para sa bawat sasakyan. Kalakhan ng mga sasakyang luma na at mga pampubliko ay hindi papasa sa unang emission testing , kaya’t kailangang ibayong gastusan ang pag-aayos at paglilinis ng makina. Muling magbabayad sa emission testing at kung makapasa sa itinakdang standard ay saka pa lamang ibibigay ang stiker na permiso para makabyahe. Batay sa magkasanib na pahayag ng

Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu

Kilusang Kontra Kartel-Central Luzon (KKK-CL) at Workers’ Alliance in Region III (WAR III), hindi pinananagot ng gubyerno ang mga dayuhan at malalaking burges kumprador na may-ari ng malalaking industriyang nagdudulot matinding polusyon. Tahimik din ang rehimen sa napakaraming toxic waste na iniwan ng base-militar ng US sa Clark at Subic na hanggang ngayon ay pumipinsala sa mamamayan. Nakatuon ang CAA sa phase out ng mga dyipni, traysikel at mga lumang sasakyan. Ang CAA na dikta ng IMFWorld Bank ay may layuning kopohin ng malalaking kumpanya ng bus at light rail transport ang industriya ng transportasyon sa bansa. Hangad din ng mga imperyalista na mawala ang mga lumang sasakyan upang maipwersa ang muling pagtatambak dito ng mga bagong sasakyang sobra-sobra na sa pamilihan. Samantala, maraming beses nang tumaas ang presyo ng langis dahil sa patakarang deregulasyon na dikta ng mga imperyalista sa kasalukuyan at mga nagdaang rehimen. Napakaliit na ng kinikita ng mga drayber at maliliit na opereytor dahil sa napakataas na presyo ng langis at pyesa ng sasakyan. “Wala ni anumang konsiderasyon ang sabwatang kartel ng langis at rehimeng GMA. Di nila alintana na kandakuba na sa paghihirap ang mamamayan. Ang pagsirit ng presyo ng bilihin ay malayo na at di na kayang abutin ng kakatiting na kita ng mga naghahanap-buhay. Sadyang wala tayong maasahan sa kasalukuyang rehimen at umiiral na sistemang pang-ekonomiya at panlipunan din. Nasa ating pagsasama-sama at pagkilos ang pag-asa,” dagdag pa ng pahayag ng KKK-CL at WAR III. H

HIMAGSIK

Ilang Tampok na Tagumpay sa Kilusang Paggawa sa Gitnang Luzon Welga sa NeoArts, tagumpay MATAGUMPAY na natapos ang dalawang buwang welga ng manggagawa sa NeoArts. Bumigay rin ang kapitalista at pumayag sa lahat ng kahilingan ng mga mangagawa. Kabilang dito ang: (1) pagbabalik sa trabaho ng 87 manggagawang tinanggal, pagbabalik sa lahat ng mga sumama sa welga ng walang diskriminasyon, at gagawin silang regular, (2) pagbibigay ng 13th month pay, SSS, sick leave at iba pang benepisyo, (3) ibibigay ng kapitalista ang P300,000 bilang financial assistance na paghahatian ng mga nagwelgang manggagawa at iaatras ang lahat ng kasong isinampa sa kanila sa panahon ng welga. Ang NeoArts na pagawaan ng pang-eksport na pandispley ay pag-aari ng isang Dutch National. Isang libo ang kabuuang bilang ng mga manggagawa rito. Dahil sa di makataong kalagayan sa paggawa dulot ng relasyong kabo at bayarang por piraso, kawalan ng mga karampatang mga benipisyo, naglunsad ang mga manggagawa ng sama-samang pagkilos. Nakuha nila ang suporta ng mga pulitiko sa lunsod ng Angeles at halos lahat ng konsehal ay pumusisyon pabor sa laban ng mga manggagawa. Lalo nilang pinag-ibayo ang kanilang propaganda upang humamig ng mas malawak na suporta mula sa iba pang sektor at mamamayan habang patuloy na nagkokonsolida para sa pagtatayo ng unyon. Nasa proseso pa lang ng pagtatayo ng unyon nang kaagad na tanggalin ng kapitalista ang mga opisyales at aktibong myembro ng unyon. Dahil dito, nagkaisa ang mga manggagawa na iputok ang welga noong Nobyembre 2002. Marahas na binuwag ng mga bayarang pulis at mga iskerol ang piketleyn subalit magiting na nagtanggol ang mga welgista. Sa harap ng pananakot at pandarahas ng kapitalista’t mga bayarang pulis ay patuloy na nagkonsolida at nagpatatag ang mga manggagawa. Inilunsad sa piketleyn ang iba’t ibang aktibidad tulad ng simposyum, serbisyong medikal, roving picket at mga pag-aaral. Walang patid ang pagtulong ng iba pang unyon sa Pampanga sa iba’t ibang antas ng laban hanggang sa mapilitang makipag-usap ang kapitalista sa pamamagitan ng kanyang mga kabo. H

HIMAGSIK

Kauna-unahang militanteng unyon sa SBMA, naitayo DISYEMBRE 2002 nang ilunsad ng mga mga manggagawa sa Legenda ang certificate of election (CE). Lumahok rito ang malaking bilang ng mga manggagawa at dito rin ay matagumpay na nakuha ang 95% ng boto ng manggagawa para sa unyon. Ito ang kauna-unahang militanteng unyong naitayo sa loob ng SBMA na nagsilbing mitsa para sa tuluy-tuloy na pagoorganisa ng mga kanugnog na pabrika, pagawaan at mga establisyamento. Tumagal nang dalawang taon ang pagkakatayo unyon sa Legenda bago ito napagtagumpayang kilalanin ng manedsment. Sa proseso ng pakikipaglaban para sa pagkilala sa unyon ay naipagwagi ng mga manggagawa angpakikibaka kontra sa malawakang tanggalan, pagbabalik sa dalawang manggagawang tinanggal, paglaban sa harasment sa mga opisyales at aktibong myembro ng unyon. Mariin ding kinundena ng mga manggagawa ang pagpapakain sa kanila ng panis at iginiit ang pagpapalaki ng bahagi nila sa tip na ibinibigay ng kostumer.Sa kasalukuyan, isinusulong ng unyon ang pakikibaka para sa mas maayos na kalagayan ng manggagawa sa ilalim ng Collective Bargainign Agreement. Ang Legenda ay kinabibilangan ng Legend International Hotels, Resort at Casino. Mayroon itong tatlong hotel, 1 casino, restawrant at club. Ang mga manggagawa rito ay mahigit kumulang sa isang libo’t, isang daan (1,100) na kalakha’y naninirahan sa malapit at kanugnog na bayan. H

Regular na Isyu / Marso-Abril 2003

9

.

Illegal Shutdown sa Oxford, kinundena ng mga manggagawa Mahigit 250 manggagawa ng Oxford Philippines Incorporated sa Marilao ang nagpiket nitong nakaraang Pebrero. Mariing tinutulan at kinundena ng mga manggagawa ang ginawang iligal na pagsasara ng kapitalista sa pagawaan. Nauna rito, naipanalo ng militanteng unyong Katipunan ng mga Manggagawa sa Oxford Philippines Inc o KAMAOPI, ang certificate of election noong Hulyo 2002. Sa pangalawang eleksyong ito, karamihan sa mga manggagawa ng Oxford ay nagpakita ng pag-igpaw sa samu’t saring pananakot, black propaganda at saywar ng manedsment laban sa pagtatayo ng unyon. Sa kasalukuyan, matibay pa ring naninindigan ang mga manggagawa sa iba’t ibang maniobra ng manedsment para buwagin ang lehitimong unyon na KAMAOPI at ipatupad ang malawakang kontraktwalisasyon sa pagawaan. H

Libad laban sa polusyon, muling inilunsad Mahigit 70 kataong lulan ng 35 bangka ang sumama sa inilunsad na Libad laban sa Polusyon sa Hagonoy, Bulacan nitong Marso 24. Pinangunahan ang pagkilos ng Pamalakaya-Bulacan. Ito ang ikatlo sa mga serye ng protesta sa tubig na kumukundena sa lumalalang polusyon sa Ilog. H

10

Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu

Pagpapalayas sa bolantes ng Tarlac, napigilan Mahigpit na tinututulan ng mga bolantes (ambulant vendors) sa palengke ng Syudad ng Tarlac ang tuluy-tuloy na pagpapalayas at panggigipit sa kanila ng lokal na pamahalaan ng Tarlac sa pamamagitaan ng Task Force Kalinisan (TFK). Sa pamumuno ni Col. Pedroche, isinasagawa ng TFK ang iba’t ibang anyo ng panggigipit sa mga bolantes alinsunod sa umano’y “kampanyang pangkalinisan” at pagpapaluwag sa trapiko ng syudad upang makaakit ng maraming mamumuhunang negosyante. Ilan sa mga ito ay ang pangungumpiska’t pagnanakaw sa pera’t mga paninda, pangongotong, at pagpapalayas sa mga bolantes matapos silang matiketan. Mula Oktubre 2002, umabot na sa 20 ang naitalang kumpiskasyon at pagnanakaw sa paninda ng mga bolantes. Sinimulan ng TFK ang “paglilinis” noon pang Oktubre 2001 kung saan maramihang pinalayas ang mga bolantes at iba pang manininda. Pansamantala itong natigil matapos magprotesta ang may isanlibong bolantes. Noong Oktubre 2002, itinuloy ang pagpapalayas subalit ito’y maliitan, selektibo at hiwa-hiwalayat pangunahing nakatuon sa mga bolantes. Muli ay pansamantala itong inihinto matapos ang serye ng mga piket at dayalogo Itinuturing na pinakamahirap sa hanay ng mga manininda sa palengke ang mga bolantes. Sila yaong mga magkakandila, magsasago, magpuprutas, maggugulay o nagtitinda ng sari-sari na pawang maliliit ang puhunan na kadalasa’y utang pa. Wala silang kakayanang umupa ng pwesto kaya’t nagtitiyaga sa pag-ikot sa palengke dala ang panindang nakabilao, nakakariton o bitbit lamang ng kamay. Gayunman, tinitiketan pa rin sila ng halagang limang piso kada araw ng lokal na pamahalaan. Ang iba sa kanila ay napipilitang magbayad ng panibagog limang piso sa mga mayari ng baque (pribadong establisimyento) para sa sandaling pakikipwesto sa harapan nito. H

HIMAGSIK

Prayer rali laban sa agresyon ng US sa Iraq, inilunsad sa Bulacan NAGLUNSAD ng prayer-rally laban sa panggegera ng US sa Iraq ang may 700 mamamayan sa Bulacan nitong Marso 21. Pinangunahan ito ng Justice and Peace Desk ng Diocese of Malolos at ng Bayan-Bulacan. Bandang 4:00 ng hapon, nagtipon sa Freedom Park Malolos ang may 500 relihiyoso. Mula doon ay nagprusisyon sila na may dalang kandila tungong Basilica ng Malolos. Sa kahabaan ng Paseo del Congreso ay tatlong istasyon ang kanilang tinigilan at nagsindi ng kandila para sa kapayapaan. Samantala, nang bandang 5:00 ng hapon ay nagrali sa Crossing Malolos ang may 200 militanteng mamamayan. Mariing kinundena ng mga tagapagsalita ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Bulacan, DyipniTricyle Bulacan Transport Organization at BayanBulacan ang pangegera ng US sa Iraq. “Ang US ang numero unong pandaigdigang terorista na na may weapons of mass destructions at hindi ang Iraq. Layunin ng US na kopohin nito ang industriya ng langis sa Iraq.” Matapos ang maikling programa ay nagmartsa ang mga raliyista tungong Basilica; sumanib sila sa mga nakatipon doon. Isinagawa sa Patio ng Basilica ang ecumenical mass na pinamunuan ng pareng Katoliko, PIC, pastor ng UCCP at Muslim. Natapos ang misa bandang 6:30 ng gabi. Matapos ang misa ay nagkaroon ng kulturang pagtatanghal hanggang 10:00 ng gabi ang mga grupo mula sa iba’t ibang parokya at mga progresibong organisasyon. Dito rin binasa ng anak ni Congressman Villarama ang mensahe ng kongerista sa pagsuporta sa pagtitipon. H

HIMAGSIK

Kababaihan, tutol sa Digmaan Pagkain, Kabuhayan, hindi Bala! Kapayapaan, hindi Giyera! ITO ang mariing ipinanawagan at isinisigaw ng mahigit 300 nagmartsang kababaihan sa kahabaan ng Astro Park, Clark sa Angeles City ng Pampanga. Sa taunang paggunita na ito ng Marso 8, ang Araw ng Kababaihan, militante silang nananawagan para kundenahin at tutulan ang digmang agresyon ng Imperyalistang US sa Iraq. Ayon sa isang babaeng manggagawa, “Ang matinding paghihikahos dulot ng lalong lumalalang krisis pang-ekonomya sa bansa ay lalong papaigtingin ng digmang ilulunsad ng US sa Iraq. Tiyak na sisirit pataas ang presyo ng produktong langis at mga pangunahing bilihin na lalong magpapahirap sa mamamayang Pilipino.” Sa kasalukuyan ay malawakan ang tanggagalan sa mga pagawaan sa Gitnang Luzon at maging ng buong bansa. Mas lalong sumasahol ang kalagayan ng mga kababaihang manggagawa dahil sa mahihigpit na patakaran sa mga pagawaan, di pantay na trato at mas maliit na pasahod, dagdag pa niya. Pagkatapos magpahayag ng mensahe ng pakikipagkaisa sa paggunita ng araw ng kababaihan, muling nanawagan si Ka Roman Polintan, tagapangulo ng Bayan-GL, ng pagtutol at sama-samang pagkundena ng mamamayan sa nakaambang digmang agresyon ng US sa Iraq. Matapos nito ay nag-torch parade ang delegasyon patungong Plaza Miranda. Kabilang sa mga nagbigay ng mensahe ng pakikiisa sa programa sa Plaza Miranda ay ang Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL), Alliance of Concern Teachers (ACT), Anakbayan at WAR 111. Matapos ang programa ay nagkaroon ng mini-concert para sa Kapayapaan sa harap ng Sto. Rosario Catholic Church. H

Regular na Isyu / Marso-Abril 2003

11

Ulat Koresponsal Braganza at Serapio, mga sinungaling Tinawag na sinungaling at tanga ng Front Operational Command ng NPA-Eastern Bulacan sina Maj. Gen. Alberto Braganza, kumander ng 7th Infantry Division-PA ng Gitnang Luzon, at Supt. Felizardo Serapio, Provincial Director ng PNP-Bulacan. Ayon sa FOC, dalawang pulang mandirigna lamang at hindi 18 ang nasawi sa labanan sa Angat at Pandi, Bulacan nitong Marso 29. Unang namataan ng nakahimpil na platun ng NPA ang paparating na pinagsanib na pangkat ng PNP at 56th IB sa Pulong Yantok, Angat, Bulacan. Nasa bentaheng pusisyon ang mga pulang mandirigma kaya una silang nakapagputok at nakuha ang inisyatiba ng laban. Maraming tinamaang kaaway samantalang nasawi rito si Ka Carmi o Norbel Ortega at nasugatan ang isa pa. Humantong sa baryo ng Siling Matanda, Pandi ang pangalawang labanan. Tinambangan ng magigiting na mandirigma ang humahabol na kaaway. Kaagad na nalipol ang isa pang pangkat ng lumusob na kaaway habang ang iba’y hilong nanakbo pabalik. Dito nasawi si Ka Gerald o Arnel San Juan, ang isa sa mga tumayong isnayper ng platun.

3 sundalo, patay sa granada ng BHB TATLONG army kabilang ang isang upisyal ang iniulat na namatay matapos hagisan ng granada ng isang tim ng mga Pulang Mandirigma ng BHB nitong Marso 30, alas kwatro ng hapon. Lulan ng isang traysikel, mapangahas na dinikitan ng mga operatiba ng BHB ang bakuran ng National Power Corporation (Napocor) sa Brgy. San Jose-Matulid sa Mexico, Pampanga kung saan nakahimpil ang mga militar. Ang mga nasawing sundalo ay kabilang sa mga elemento ng 69th IB na itinalaga para bantayan ang naturang bakuran ng Napocor laban sa pag-atake ng BHB bilang bahagi sa pagdiriwang ng ika-34 taong anibersaryo ng huli. Detatsment ng 69th IB, sinunog ng BHB SINUNOG ng isang iskwad ng BHB ang itinatayong detatsment ng 69th IB at Cafgu sa Sitio Inararo, Brgy. Villa Maria, Porac, Pampanga nitong Marso 28, alassingko ng hapon. Aabot sa 24 Cafgu na pawang taga-Sitio Inararo ang nakatakda sanang magmintina sa detatsment, bukod pa sa mga regular na sundalo ng 69th IB. Ikinatuwa naman ng mamamayan ng Villa Maria ang pagkasunog sa detatsment. Anila, kung natuloy ang pagtatayo niyon, lalo silang maliligalig sa paghahariharian ng mga kababaryo nilang Cafgu. Pusakal na impormer, pinarusahan ng BHB

Namatay ang limang PNP at dalawang AFP at marami pa ang sugatan sa kaaway. Isa sa napatay si Chief Inspector Esperido Delgado, deputy group director ng 305th Provincial Mobile Group, samantalang sugatan si Supt. Fernando Villanueva, direktor ng 306th PMG. Na-klining naman ng mga pulang mandirigma ang anim na M16, isang kalibre 45 pistola at tinamaan ang gulong ng isang Armored Personnel Carrier (APC) dahilan upang ito’y mabalaho. H

12

Marso-Abril 2003 / Regular na Isyu

GINAWARAN ng rebolusyonaryong kaparusahan ng mga Pulang Mandirigma si Florentino Castro, isang pusakal na impormer at pangunahing rekruter ng 69th IB at Basa Air Base ng Barrio Intelligence Network (BIN) sa Porac at Floridablanca sa Pampanga. Si Castro, 48 taong gulang ng Brgy. Pio sa Porac ay binaril ng isang tim ng BHB sa mismong bahay niya nitong Pebrero. Bukod sa pagiging impormer, si Castro ay kumpirmado ring nanggahasa sa dalawa niyang anak na babae, pusher ng shabu at kilalang maton sa buong baryo. H

HIMAGSIK