La Salle Green Hills Mataas na Paaralan Kagawaran ng

4. Paggawa ng Bookmark at tekstong naglalahad o nagsasalaysay batay sa teknik ng pagbasa III. MGA PATAKARAN AT HAKBANGIN 1. Markahan,...

45 downloads 913 Views 280KB Size
La Salle Green Hills Mataas na Paaralan Kagawaran ng Filipino Balangkas ng Kurso sa Filipino Baitang 7 Taong-aralan 2016-2017

IKALAWANG MARKAHAN I.

MGA PAKSA Yunit 1: Mundo ng Wika at Gramatika A. Wika at Gramatika 1. Antas ng Wika Batay sa Pormalidad (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal) 2. Pangngalan (Uri ayon sa semantika at konsepto) 3. Panghalip (Uri, Panauhan at Kailanan) 4. Mga Pang-uugnay sa Paglalahad at Pagsasalaysay 5. Mga Pang-ugnay sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari 6. Mga Pahayag na Ginagamit sa Panghihikayat/Pagpapatunay Yunit 2: Pampanitikang Bisaya: Salamin ng Mayamang Kultura, Tradisyon, at Kaugalian ng Kabisayaan B. Panitikan 1. Awiting Bayan – ph. 144-148 2. Alamat – “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan”, ph. 165-182 3. Dula - “ Ang Tambuli ni Ilig”, ph. 183 - 209 4. Epiko – “Hinilawod”, ph. 211 - 228 5. Maikling kwento – “ Si Pingkaw “, ph. 232 – 236 6. Pabula – “ Si Ipot-ipot at Amomongo”, ph. 247 - 260 Yunit 3: Pagbasa 1. Teknik sa Pagbasa (Iskiming at Iskaning) 2. Pagpapakahulugan ng Salita (Denotasyon at Konotasyon) 3. Kapitan Sino ni Bob Ong, ph. 84 – 166( a. Pagsusuri ng mga makabuluhang pangyayari at makabuluhang pahayag b. Hakbang ng pagsusuri ng akda

II.

PARAAN NG PAGTATAYA A. Batayan sa Pagmamarka 1. Class Standing – 70 % (2/3) Mahabang Pagsusulit Tungkulin sa Pagganap Talakayan Maikling Pagsusulit Gawaing Upuan/Takdang-Aralin 2. Markahang Pagsusulit – 30 % (1/3)

= 25% = 25 % = 20 % = 20 % = 10 %

B. Tungkulin sa Pagganap 1. Paglikha ng video at presentasyon ng Awiting Bayan 2. Pasalita at Pasulat na Pag-uulat gamit ang mga pang-ugnay 3. Malikhaing Panunuri ng Kapitan Sino 4. Paggawa ng Bookmark at tekstong naglalahad o nagsasalaysay batay sa teknik ng pagbasa III. MGA PATAKARAN AT HAKBANGIN 1. Markahan, maikli at mahabang pagsusulit lamang ang bibigyan ng make-up. 2. Ang sumusunod na sitwasyon lamang ang bibigyan ng make-up. A. Pinauwi ang mag-aaral dahil may sakit B. Lumahok o dumalo sa mga gawaing pampaaralan o itinaguyod ng paaralan na may paunang pagpapaalam sa kinauukulan o sa guro. C. Liban sa paaralan ng buong araw. 3. Ang make-up ay kinakailangan makuha ng mag-aaral sa loob ng isang linggo sa itinakdang panahon at lugar ng guro sa muli niyang pagbabalik. 5. Kung lumiban ang mga mag-aaral sa klase at may ipinapasang takdang-aralin sa araw na muli niyang pagpasok, bibigyan siya ng palugit para makapagpasa sa susunod na pagkikita ngunit hindi bibigyan ng make up ang mga mag-aaral na mahuhuling dumating sa klase. 6. Nararapat dalhin ng mga mag-aaral ang e-book/aklat sa Filipino sa bawat araw ng pagkikita. Kapag walang dalang libro / tablet ang mag-aaral ay magiging zero siya sa nakatakdang gawain. 7. Lahat ng proyekto at kahingian ay kailangan maipasa bago o sa itinakdang oras ng pagkikita sa Filipino. Walang palugit sa hindi makakapagpasa sa itinakdang panahon. 8. Ang lahat ng mga mag-aaral sa bawat taon ay inaasahang manonood ng mga dula o iba pang pangkulturang pagtatanghal na itinataguyod ng Kagawaran. Ito ay katumbas ng isang proyekto sa klase. 9. May nakatakdang Consultation Period na gagawin sa bawat markahan. Inaasahan ang pagdalo ng mga mag-aaral. May proyekto ang mga mag-aaral sa Filipinong nangangailangan ng pagsasanay pagkatapos ng klase sa loob ng paaralan. Makikipagugnayan sa pamamagitan ng liham sa mga magulang ang Kagawaran. May mga gurong susubaybay sa mga mag-aaral tuwinang may ganitong gawain. 1V. MGA KAHINGIAN A. kuwaderno B. Batayang aklat – Pinagyamang Pluma 7 C. e-tablet D. Talaarawan/Journal E. Portfolio Sanggunian Dayag, Baesa, Julian D. et al. Pinagyamang Pluma 8. Phoenix Publishing House, 2014. Ong, Bob. Kapitan Sino. Vizprint.INC. Inihanda nina: Gng. Petrona Nieto, Gng. Maru Zacarias at G. Albert Lagrimas