MGA GUHIT LONGHITUD

Ang mga aktibong samahang pandaigdig at ang kanilang mga sagisag ... kontribusyon ng Pilipinas sa mga Samahang ... kinatawan ng Pilipinas ay nahalal n...

86 downloads 553 Views 780KB Size
GRADE VI

KONTRIBUSYON NG MGA PILIPINO SA MGA SAMAHANG PANREHIYON AT PANDAIGDIG

ALAMIN MO

Suriin mo ang larawan.

Ano kaya sa palagay mo ang kanilang pinag-uusapan? May kahalagahan bang magagawa ang kanilang pagpupulong? Makalulutas kaya sa suliraning pangkabuhayan, pangkapayapaan, pangkultura at pang-edukasyon ang kanilang usapan?

Sa modyul na ito matututuhan mo kung sino ang mga kinatawang Pilipino sa pandaigdigang samahan ang nagbibigay karangalan sa ating bansa at matutukoy ang mga iba’t ibang ahensya ng UN na nasa Pilipinas na maraming mga Pilipino ang natulungang makahanap ng trabaho.

1

PAGBALIK-ARALAN MO

Tingnan mo ang mapa sa ibaba. Ano-anong bansa ang kasapi sa ASEAN? 1. _________________

6. _________________

2. _________________

7. _________________

3. _________________

8. _________________

4. _________________

9. _________________

5. _________________

`

2

PAG-ARALAN MO

Tingnan mo ang larawan at kilalanin mo ang mga taong ito:

CARLOS P. ROMULO

LETICIA RAMOS - SHAHANI

Ang Pilipinas ay isa sa mga unang naging kasapi ng Samahan ng mga Bansang magkakaanib. Isa ito sa mga lumagda sa Karta ng UN noong Oktubre 24, 1945. Si Carlos P. Romulo ang lumagda para sa Pilipinas. Isa siya sa naging pangulo ng Pangkalahatang Asamblea, ang pangunahing ahensya ng UN. Tinagurian siyang Mr. United Nations. Si Leticia RamosShahani ay kilala bilang tagapagtanggol sa mga kapakanan ng mga kababaihan at naging pangulo ng United Nation Komisyon para sa katayuan ng mga kababaihan. Ang sumusunod ay kinatawan ng mga Pilipino na nagbigay karangalan sa bansa at humawak ng matataas na tungkulin sa samahan. 1. Rafael Salas – Direktor ng Pondo para sa mga Gawaing Pampopulasyon (United Nations Fund for Population Activites) 2. Miguel Cuaderno – Humawak ng Dalawang sangay ng UNO, ang International Monetary Fund (IMF) at World Bank. 3. Dr. Juan Salcedo – Kauna-unahang Asyano na naging Pangulo ng World Health Organization (WHO) 4. Blas Ople – Pangulo ng Pagpupulong ng Pandaigdig na Samahan sa Paggawa (International labor Organization o (ILO) 5. Cesar Bengzon – Hukom sa Pandaigdig na Hukuman

3

6. Leticia Ramos Shahani – Naging tagapangulo ng Komisyon ng UNO sa Katayuan ng Kababaihan. 7. Estefania Aldaba Lim – Nanungkulan bilang pangalawang kalihim ng Social Development and Humanitarian Affairs. 8. Felixberto Serrano – Naging Pangulo ng Komisyon sa Karapatang Pantao noong 1959. Bukod sa mga Pilipinong gumanap ng iba’t ibang katungkulan, naging masigasig din ang pakikilahok ng Pilipinas sa mga kampanya at proyekto ng UNO. Sinuportahan nito ang pag-aalis ng patakarang apartheid (diskriminasyon laban sa mga negro) na pinaiiral sa Timog Aprika sa pamamagitan ng pagputol sa pakikipag-ugnayan dito. Sino-sino ang kilalang Pilipino na tumulong upang mabigyan ng magandang kalakalan ang bansa, pahatiran o palitan ng mga kaalaman sa iba’t-ibang larangan? Sa paanong paraan nakatulong ang mga ito sa Samahan ng mga Bansang Magkakaanib? Mga Samahang Pandaigdig at Proyektong Pangkapayapaan Ang mga aktibong samahang pandaigdig at ang kanilang mga sagisag ay ang sumusunod. Ang ilan sa mga ito ay ang Ahensya ng Samahan ng mga Bansang Magkakaanib. 1. World Health Organization (WHO) – nangunguna sa pagbibigay ng tulongpangkalusugan sa mahigit na 150 bansa at mga teritoryo. 2. UN Development Program (UNDP) – pinakamalaking tulay para sa pandaigdig na tulong teknikal at puhunang pangkalakalan. 3. Food and Agricultural Organization (FAO) – tumutulong sa pagpapaunlad ng Agrikultura, pangingisda at kagubatan. 4. UN International Children’s Fund (UNICEF) – aktibo sa mga gawaing kaugnay ng mga bata sa lansangan, nutrisyon para sa mga ina at anak, pagsugpo ng mga sakit, at pagtulong sa mga biktima ng kalamidad. 5. International Labor Organization (ILO) – tumutulong sa pagbibigay ng mga tulong na legal at teknikal sa mga manggagawa sa daigdig. 6. UN Industrial Development Organization (UNIDO) – nagsasanay ng mga eksperto sa larangan ng agham at teknolohiya. 7. International Finance Corporation (IFC) – Korporasyon ng mga bansang nagbibigay ng tulong pananalapi sa mahihirap na bansa.

4

8. UN High Commisioner for Refugees (UNHCR) – nagbibigay ng tulong sa mga biglaang pangangailangan at mga suliraning kaugnay ng mga refugees mula sa mga bansang sinalanta ng digmaan. 9. UN Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) – aktibo sa pagpapalaganap ng mg kaalamang pang-edukasyon pang-agham at pangkalinangan upang patuloy na umunlad ang pamumuhay ng mga bansa sa daigdig. 10. UN Department of Technical Cooperation and Development (UNDTCD) – tumutulong sa paglinang ng mga batas tungkol sa pagmimina at pagbubuo ng mga programang hihikayat sa pamunuan sa mga mineral.

Nakatulong ba sa bansa ang mga ahensya ng UN na nasa Pilipinas para sa kagalingan ng pamumuhay ng mga Pilipino? Anong ahensya ng samahang nagsasanay ang mga Pilipino na maging eksperto sa larangan ng agham at teknolohiya?

PAGSANAYAN MO

Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Alin ang pinakamalaking samahan ng mga bansa sa mundo? A. UN B. ILO C. APEC D. ASEAN 2. Bakit itinatatag ang UN? A. upang matulungan ang maliit na bansa B. upang magkaroon ng katahimikan sa mundo C. upang magkaroon ng magandang ugnayan ang mga bansa. D. upang magkaroon ng pagbabagong pangkultura ang mga bansa.

5

3. Aling Samahan ang naglalayong mapadali ang pamumuhunan sa pangangalakal ng mga bansang kasapi? A. UN B. ILO C. APEC D. ASEAN 4. Bakit itinatag ang ASEAN? a. upang malutas ang mga krimen sa Asya b. upang lumago ang pangangalakal sa Asya c. upang matigil ang paglaganap ng komunismo sa mga bansang kasapi d. upang higit na makipagtulungan sa ilang suliranin ang bansang kasapi 5. Bakit sumapi ang Pilipinas sa UN? a. upang magkaroon ng kapayapaan b. maitaguyod ang programang pangkabuhayan c. maitaguyod ang pangkalusugan at populasyon d. lahat ng nabanggit

TANDAAN MO



Malaki ang mga naitulong ng mga Pilipino bilang mamamayan ng daigdig at kontribusyon ng Pilipinas sa mga Samahang Panrehiyon at Pandaigdig.



Si Carlos P. Romulo, kinatawan ng Pilipinas ay nahalal na Pangulo ng Pangkalahatang Kapulungan ng UN.

ISAPUSO MO

Sadyang taglay ng mga Pilipino ang kasipagan at talino. Handang gamitin ang mga ito sa paglilingkod sa tao. Dapat nating bigyang pagpapahalaga ang pagmamalasakit nila sa ating bansa at ito’y dapat na gawing huwaran ng mga susunod ng henerasyon.

6

GAWIN MO

Kilalanin kung ano o sino ang sumusunod. Isulat ang sagot sa patlang.

1.

UN

_________________________

2. ASEAN

_________________________

3. UNESCO

_________________________

4. Cesar Bengson

_________________________

5. Carlos P. Romulo

_________________________

PAGTATAYA

Anong Samahan ng mga Bansang Magkakaanib ang nakatutulong sa sumusunod na sitwasyon: 1. Paglusob ng Iraq sa Kuwait __________________ 2. Pagkakaroon ng epidemic sa Kolera o H-Fever ______________ 3. Nagkakagulong refugees mula sa Vietnam at Cambodia ________ 4. Pagbibigay ng seminar tungkol sa pagpaplano ng pamilya ________ 5. Pagpapadala ng mga iskolar sa ibang bansa para magpakadalubhasa sa agham at siyensiya. ______________________________

7

PAGPAPAYAMANG GAWAIN Isulat ang iyong kuru-kuro sa paksang ito. Ano-ano ang maaaring mangyari kung ititigil ng Pilipinas ang pakikipag-ugnayan nito sa ibang bansa? ______________________________________________________________

Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

8