SOBERANYA: TATAK NG ISANG I BANSANG MALAYA

pangasiwaan ng bansa na tinatawag na soberanya. Sa modyul na ito higit na malalaman kung ano ang soberanya at mga ... • Ang soberanya ay maaring panlo...

148 downloads 781 Views 2MB Size
Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

H E K A S I 6

SOBERANYA: TATAK NG ISANG BANSANG MALAYA

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

GRADE VI SOBERANYA: TATAK NG ISANG BANSANG MALAYA

ALAMIN MO Pagmasdan mo ang larawan. Naalaala mo pa ba ito?

Malaya na nga ba ang Pilipinas? Anong mahahalagang pangyayari ang nasa larawan? Natatamo ba natin ang pagiging malaya? Ang bansang malaya ay may kataas-taasang pangasiwaan ng bansa na tinatawag na soberanya.

kapangyarihang

Sa modyul na ito higit na malalaman kung ano ang soberanya at mga uri nito. 1

PAGBALIK-ARALAN MO

Kilala mo ba ang mga nasa larawan?

Balik-aralan natin ang ginawang kabayanihan ng ating mga bayani upang makamit ang kalayaan ng ating bansa.

Itambal ang hanay A sa hanay B. isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong notebook.

Hanay A

Hanay B

1. Nagtatag ng La Liga Filipina

a. Andres Bonifacio b. Emilio Aguinaldo

2. Utak ng Katipunan c. Jose Rizal 3. Ama ng Katipunan d. Apolinario Mabini 4. Utak ng Himagsikan e. Emilio Jacinto 5. Dakilang Lumpo

2

PAG-ARALAN MO

Suriin mo ang larawan

Anu-ano ang nakikita mo sa sagisag o simbolo ng bansang Pilipinas? Bawat isang titik ay may inilalarawan. Alamin natin!

Basahin mo ito. Nakatatak sa simbolo ng Republika ng Pilipinas ang tatlong panahong pinagdaanan ng mga Pilipino mula sa kamay ng mga dayuhang mananakop. Leon – ipinakikita nito ang impluwensiya ng Espanyol. Agila – ipinakikita nito ang impluwensiya ng Estados Unidos. Araw – sagisag ito ng mataas ng mithiin ng mga Pilipino na maging isang malayang bansa. Tatlong bituin – kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao. Republika ng Pilipinas – nangangahulugan ito na ang Pilipinas ay mayroon ng kalayaan at sariling pamahalaan na siyang nangangasiwa sa kapakanan ng bansa. 3

Ano ang kahulugan ng salitang ito? SOBERANYA Ang soberanya o kapangyarihan ay pangunahing sangkap ng pagiging isang bansang malaya. Taglay na ito ng Pilipinas sapagkat nagsasarili na ito at kinikilalala ng malalayang bansa. Saklaw ng kapangyarihan ito ang lahat ng mamamayan, ari-arian at mga bagay na nasa teritoryo ng Pilipinas. Paano masasabi na ang Pilipinas ay nagsasarili na at kinikilala na malayang bansa? Pag-aralan ang grapikong presentasyon sa ibaba. May dalawang uri ng soberanya. Ito ay soberanyang panloob at panlabas. Katangian ng Bansang Nagsasarili

Kapangyarihang makapagsarili

Kapangyarihang Pamahalaang ng Bansa

Pagsasakatuparan ng mga layunin at mithiin para sa kabutihan at kaunlaran ng mga mamamayan at ng Pilipinas

Nasa mamamayan ang kapangyarihang pampamahalaan

Ang mga mamamayan ay may karapatang • Pumili ng mga pinuno ng bansa

Ang mga pinuno na pinili ng mamamayan sa pamamagitan ng halalan ang may kapangyarihang • magpatupad ng batas • magsagawa ng kautusan para sa maayos na pamumuhay ng mga Pilipino

Karapatang lumutas ng • Suliranin • Kaguluhan sa bansa

4

Pagkakaroon ng patakarang panlabas • Upang mapanatili ang mabuting pakikipagugnayan sa ibang bansa • Magpadala ng mga sugo/ embahada sa ibang bansa

Kapag ang bansa ay may soberanya ito ay nangangahulugan na malaya ang bansa na makapagsarili. Ang bansang malaya ay may karapatan. Anu-ano ito? Tingnan ang tsart sa ibaba. Unawain ito Mga karapatan ng Pilipinas bilang isang Bansang Malaya

Karapatang makapagsarili

Malaya sa pakikialam ng ibang bansa.

Tungkuling huwag manghimasok sa gawain ng ibang bansa

Karapatan sa pantay na pagkilala

Magkakatulad ng karapatan at tungkulin sa • Paniniwala • Ideolohiya • Sistemang panlipunan

Karapatang Mamahala

Pangangalaga sa • Pulo • Hangganan ng bansa

Pagtatalaga ng mga batas

5

Karapatang Mag-angkin ng ari-arian

Lahat ng mga pagaaring saklaw ng teritoryo ng bansa

Karapatang Magkipagugnayan

Karapatang Pagtanggol ang kalayaan

Nagpapadala at tumatanggap ng mga • Sugo • Kumakatawan • Embahador mula sa ibang bansa

Tungkulin ng Pamahalaan at ng Sambayanang Pilipino na pangalagaan ang kalayaan ng bansa

Lahat ng mga mamamayan ay maaaring atasan ng batas na magkaloob ng pormal na paglilingkod militar o sibil

Naunawaan mo na ngayon ang ibig sabihin ng bansang may soberanya?

PAGSANAYAN MO

Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang kahulugan ng soberanya? a. pagkamatapat b. kayamanan c. kapangyarihan d. katungkulan 2. Anu-ano ang inilalarawan sa tatak ng bansang Pilipinas? a. leon b. agila c. araw at tatlong bituin d. lahat ng nabanggit 3. Ano ang kumakatawan sa tatlong bituin? a. Luzon b. Visayas c. Mindanao d. lahat ng nabanggit 4. Ano ang katangian ng bansang nagsasarili tulad ng Pilipinas? a. palagian at walang taning na panahon b. malawak na saklaw c. pansarili at lubos d. lahat ng nabanggit 5. Anu-ano ang karapatang tinatamasa ng Pilipinas bilang isang bansang malaya? Isulat mo ito. a. ___________________________________________________ b. ___________________________________________________ c. ___________________________________________________ d. ___________________________________________________ e. ___________________________________________________ f. ___________________________________________________

6

TANDAAN MO

• •

Ang soberanya ay ang kataastaasang kapangyarihan umiiral sa bansa. Ang soberanya ay maaring panloob at panlabas.

ISAPUSO MO

Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na mga sitwasyon? Isulat ang sagot sa iyong notepad. Si Luis ay bunsong kapatid mo na 18 taong gulang na. Tinatawag siya upang maglingkod sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Ayaw pumayag ng iyong mga magulang sapagkat mapanganib daw.

GAWIN MO

Iguhit mo ang larawan ng tatak ng bansang Pilipinas sa loob ng kahon.

7

PAGTATAYA

Isulat ang titik ng tamang sagot sa unahan ng bilang. 1. Kailan natamo ang ating kalayaang ganap na kinikilala ng mga bansa? a. Disyembre 10, 1898 b. Hulyo 4, 1946 c. Hunyo 12, 1898 d. Setyembre 21, 1972 2. Kailan masasabi na ang isang bansa ay malaya a. may kalayaang kinikilala ng ibang bansa b. isang ganap na malaya c. may kapangyarihan mamamahala sa nasasakupan d. lahat ng nabanggit 3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng soberanyang panloob? a. pakikialam sa suliranin sa Tsina b. pag-alis sa bansa c. pagpapatupad sa sariling batas d. pag-angkin sa teritoryo ng karatig bansa 4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng soberanyang panlabas? a. tumutukoy sa kasarinlan ng bansa b. itinataguyod o isinusulong ang lahat ng gawain sa bansa nang walang pagsakop o pamamahala ng ibang bansa c. ang mamamayan ng bansang estado ang nagpapalakad ng pamahalaan 5. Ano ang sumasagisag sa Leon? a. ipinapakita nito ang impluwensiya ng Espanyol? b. ipinapakita nito ang impluwensiya ng Estados Unidos? c. sagisag ito ng mataas ng mithiin ng mga Pilipino na maging isang malayang bansa. d. may sariling pamahalaan sapagkat malaya na ito at may soberanya

8

PAGPAPAYAMANG GAWAIN

Sumulat ng maikling talata tungkol sa Ang Pilipinas, Isang Bansang Malaya.

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

9